SHEMAN
by: sha_sha0808 Ash Simon
CHAPTER 24-25
Unedited...
"Hindi naman yata patas na apat kami ang naglinis ng buong auditorium tapos kay John Matthew lang siya magtatrabaho?" reklamo ni Lance Leonard aa ama habang nasa sitting room sila. Kakatapos lang nilang kumain ng breakfast kaya nagpapahinga muna silang mag-anak.
"Ako ang nauna kaya dapat lang na sa akin siya magtrabaho," sabat ni JM.
"Ikaw ang nauna pero apat tayo," sabat ni Lee Patrick.
"Oo nga!" pagsang-ayon ni Jacob. "Dapat magnilbihan din siya sa amin, dad."
"Ano ba ang pinag-aagawan ninyo? May sakit 'yong tao tapos ganyanin ninyo?" hindi makapaniwalang sabi ni Dylan.
"Wala siyang sakit. Namasyal lang siya sa mall kasama ang kasintahan niya!" depensa ni LL. Nasa mall talaga si GV noong umabsent ito sa community service nila. Nakita pa nila sa cctv ng Robinsons mall.
"Basta, dad, manilbihan din siya sa amin!" giit ni Jacob.
"Aba, mukhang pinag-aagawan ninyo si GV," sabat ni Ann na kanina pa nakikinig sa kanila. Tinuturuan nito ang bunso nila sa homework.
"Silang tatlo lang. Wala akong kinalaman diyan!" depensa ni LL. "Si John Matthew. May gusto siya kay GV."
"Hala, wala ah." Todo tanggi ng binata at pinandilatan si LL.
"Tanggi ka pa. Inamin mo na sa amin kahapon, 'di ba?" Nakataas ang kilay ni Lance Leonard at nakipaghamon ng titigan sa kapatid.
"Totoo ba?" masayang tanong ni Ann kaya napataas ang kilay ng lahat ng lalaki sa kaniyang paligid. "What? Wala namang masama kung magkagusto si John Matthew kay GV. Mabait naman siyang bata. Parang si Tita Kimmy lang ninyo," ani Ann.
"Maghunos dili ka naman, Mommy!" Diring-diri na sagot ni Jacob. Natutuwa lang silang asarin si GV pero ang magkagusto? Wala sa utak niya. Iba ang gusto niyang babae. Iyong pang mall at hindi iyong mukha at kilos lalaki. Okay, nandoon na ang kaguwapuhan nito pero bilang maganda? Wala talaga.
"Grabe ka naman mkareak, Jacob. Nasasaktan si John Matthew," nakangising puna ni Lance Leonard. "Alam mo namang minsan lang magmahal ang kapatid natin," dagdag pa ni LL.
"May gusto ka ba talaga kay GV?" nagdududang tanong ni Lee Patrick.
"Okay! Fine!" Nasukol na siya. "May gusto ako sa kaniya, masaya na kayo?" pag-amin na lang niya kaya biglang napatayo si Ann. "Panira ka kasi!" Na ang tinutukoy niya ay si Lance Leonard. Tinatamad pa naman siyang makipag-usap sa mga magulang tungkol dito.
"Waah. May gusto ka nga kay GV! Binata na ang anak ko!" bulalas ni Ann saka niyakap si John Matthew. "I'm so proud of you, Matthew!"
"Mom! Tama na!" Saway niya nang pagliguan siya ng halik ni Ann sa pisngi.
"Grabe ka naman! Parang naglalambing lang eh!" nakasimangot na sabi ni Ann at padabog na bumalik sa tabi ni Dylan na hindi umiimik at mukhang malalim na nag-iisip.
"Mom? Hindi naman magkakagusto si Ate GV kay Kuya Matthew dahil babae ang hanap niya." Humagikhik si Anndy at pinandilatan ang mga kapatid.
"Naniniwala akong maging babae siya dahil maganda siya!" Pagtatanggol ni Ann kay GV. Magaan ang loob niya rito lalo na noong naubos ni GV ang niluto niya. Mabuti pa ito, na-appreciate ang cooking skill niya.
"In your dreams, Mom!" Hindi sumasang-ayon na sabi ni Lee Patrick. Isang percent ang chance na maging babae si GV dahil mas malakas pa yata iyon sumuntok sa kanilang apat. Isa pa, kaagaw rin nila sa mga babae sa school campus. Iyon ang hindi nila matanggap maliban kay John Matthew. Napapansin niyang nagiging mabait ito kay GV.
"Dad? Puwede bang tama na ang servicing niya kay John Matthew at sa akin muna siya bukas?" tanong ni Jacob. Kailangan niya ng maglalaba ng mga damit niya dahil umuwi ang kaniyang labandera at tinatamad siyang dalhin sa laundry shop.
"Hoy, kawawa naman si Ate GV!" sabat ni Anndy. Magaan din ang loob niya kay GV dahil napo-pogian siya rito.
"Tapatin mo nga kami, Anndy! May gusto ka ba sa tomboy na iyon?" tanong ni LL. Nakakahalata na siya sa kilos ng bunso nila.
"K-Kuwan... Crush lang nama--ouch!" reklamo niya nang lumipad ang throw pillow sa mukha niya. "Daddy si Kuya!" sumbong niya sa ama at inihagis ang lahat ng nahahawakan kay LL.
"Hindi nga puwede dahil babae ka-- Anak ka ng tupa!" Sige salo ni LL sa throw pillows. "Huwag 'yan!" saway niya nang hawakan ni Anndy ang flower vase.
"Baby, ibaba mo 'yan!" saway ni Ann at pinigilan ang kanang braso ni Anndy kaya pasalampak na bumalik ito sa pagkakaupo sa sofa at niyakap ang ama.
"Daddy, sina kuya, ang sama nila!" paglalambing niya kay Dylan.
"Kayong apat, huwag nga ninyong ganituhin ang kapatid ninyo! Kung hindi, makakatikip kayong apat sa akin!" pagbabanta ni Dylan.
"Dad naman! Sa dinami-dami ng lalaki, sa tomboy pa siya nagkakagusto?" Hindi makapaniwalang sagot ni Jacob.
"Hala, parang crush lang naman. Hindi ko naman pinangarap na maging boyfriend ko si Ate GV. Duh, ang bata ko pa!" depensa ni Anndy na nakalabi.
"Tama na nga iyan! Alis muna ako. May aasikasuhin lang ako," paalam ni Dylan. May general meeting sila ngayong mga alumni. Hinalikan niya muna sina Ann at Anndy bago tuluyang nilisan ang mansion.
Pagdating ng lunes, maaga pang pumasok si LL. Nang umalis siya sa mansion ay natutulog pa ang mga kapatid.
"LL?" tawag ng babae sa likuran niya.
"Oh? Baunan!" sambit niya.
"Jaffy Balunan!" pagtatama ng dalaga.
"Jaffy Balunbalunan! Ano ang kailangan mo?" nakangising tanong ni LL kaya pinalampas na lang iyon ni Jaffy.
"P-Pakibigay naman ito kay John Matthew," nahihiyang sabi nito saka iniabot ang mamahaling chokolate sa kaniya. Kaunti pa lang ang tao sa hallway kaya walang dapat na ikabahala ang binata.
"Gusto mo ba talaga si John Matthew?" tanong ni LL kahit na alam na niya ang kasagutan. Tumango si Jaffy bilang sagot.
"Pero hindi ka niya gusto."
"Magugustuhan din niya ako," giit ng dalaga. Kapag may tiyaga, may nilaga raw.
"Bahala ka nga!" napailing na sabi ni Lance Leonard. Nakita niya ito sa Spain noong nagbakasyon sila kasama ang mga Villafuerte. Kakamatay lang ng lola Patch nila kaya nagliwaliw muna sila sa abroad para maiwasan ang lungkot pero hindi sa kaniya. Mahal na mahal niya ang lola Patch nila kaya hindi siya kaagad naka-recover sa pagkawala ng matanda. Ito kasi ang tagapagtanggol niya noon.
Tuloy-tuloy na siya sa paglalakad patungo sa classroom nila pero sa halip na pumasok, dumiretso siya sa classroom nina GV.
"Si Prince Leonard!" tili ng isang babae na unang nakakita sa pagpasok ng binata.
"Ano ang ginagawa niya rito?" tanong ng kasama nito. Lima pa lang silang magkaklase na nandito sa silid. Ang isa ay napaangat ng mukha dahil nakasubsob sa desk. Naglakad si LL sa pinakadulong hanay ng upuan.
"Princess GV!" Sabay sipa sa upuan nito.
"Fuck!" pagmumura ng dalaga. Nakasubsob din ang mukha niya sa desk dahil kulang sa tulog. May quiz sila ngayon at dagdagan pa ni Olivia na nakipagtalo sa kaniya dahil hindi siya nakapunta kagabi sa unit nito. Ano ang magagawa niya? Sobrang pagod siya dahil kakarating lang mg kanilang ina mula Thailand.
"Mamayang hapon, pumunta ka sa unit ko!" napasinghap ang limang nakikinig sa kanilang usapan kaya napangisi si LL.
"Ano ang gagawin ko sa unit mo?" wala sa sariling tanong ni GV dahil inaantok pa talaga siya ng sobra. Pumasok naman ang anim na mga kaklase nito kaya lumapad ang ngiti ni LL.
"Alam mo na iyon! Ano pa nga ba ang ginagawa ng isang babae sa unit ko? Alangan naman magtitigan lang tayo?" ginawa niyang nang-aakit ang boses. Nag-successful naman siya dahil napatigil ang mga ito sa paglalakad na tila ba na-freeze dahil sa narinig. Hindi makapaniwala sa narinig mula kay LL.
"Maiwan na kita, Princess. Ipagpatuloy mo na ang pagtulog. Naiintindihan talaga kita, kailangan mo ng resistensiya para mamaya." Bago pa man ma-absorb ng utak ni GV ang mga nangyayari, lumabas na si LL sa classroom nila.
"Hala, may relasyon si Prince GV at Prince Leonard?" Napatakip ng bibig ang isa nilang kaklase.
"Oh my!"
"Pinagsasabi ninyo?" Napahampas si GV sa desk ng upuan sabay tayo. "Anong relasyon?"
"Prince GV? Huwag ka na lang maging babae," naiiyak na pakiusap ng abbae nilang kaklase.
"Sino ang may sabi sa iyong babae ako?" Kumukulo na ang dugo niya sa lahat ng katawan. "Lalaki ako!"
"W-Wala kayong relasyon ni Prince LL?" tanong ng babaeng unang nakakitang pumasok kay LL kanina.
"Yuck!" nasusukang sambit ni GV. Never na mangyari iyon! Hindi pa nga siya naka-getover kay John Matthew tapos dagdagan pa ni LL?
"Haist! Pasakit talaga ng ulo ang apat na iyon!" bulong niya at kulang na lang ay wasakin niya ang silyang nasa harapan.
Nang dumami na ang mga kaklase niya, nilapitan siya ng kasamahan niya sa kapatiran na may bitbit na bulaklak.
"Oh, saan mo pinulot 'yan?" tanong ni GV.
"Ipinabigay lang ng hindi ko kilalang tao." Sabay lahad sa kaniya ng bulaklak.
"Gagawin ko diyan?" tanong ni GV.
"Malay ko, bru! Para sa iyo raw eh." Ayaw pa sana niyang tanggapi pero inilapag na nito sa arm chair niya.
"Labas muna ako, smoke-smoke lang." Paalam nito. May smoking area ang kanilang paaralan kaya walang problema sa mga mahilig manigarilyo.
Binuksan niya ang card.
GV:
I'm courting you
-JM
Muntik na niyang matapon ang pumpong ng red roses nang mabasa ang nakasulat. Ilang beses pa niyang pinabaliktad ito dahil baka nagkamali lang siya ng pagkakabasa pero ganoon pa rin. Kay JM talaga galing ito at sigurado siya dahil wala namang maglakas-loob na tripingan siya.
"Para kanino 'yan?" nakataas ang kilay na tanong ni Olivia habang palapit sa kaniya kaya mabilis na tinanggal niya ang card at inilagay sa bulsa.
"P-Para sa iyo, babe. Gusto ko lang humingi ng sorry. Alam mo namang dumating si Mommy kahapon kaya hindi ako nakapunta sa unit mo." Sabay abot ng bulaklak sa kasintahan. Napangiwi siya sa pagsisinungaling dito. Sana ay maniwala ito sa kaniya.
"T-Talaga? Para sa akin iyan?" nakangiting tanong ni Olivia na maluha-luha sa galak. Ang sweet talaga ng kasintahan niya at bumabawi kapag makagawa ng kasalanan sa kaniya.
"O-Oo. Alam mo namang mahal kita," sagot niya at lihim na nagpasalamat nang tanggapin ng kasintahan ang flowers.
"I love you too, babe." Niyakap siya ni Olivia kaya gumanti rin siya pero palihim na kinuyom niya ang kamao at ilang beses na minura ang mga Lacson sa isipan!
BINABASA MO ANG
SheMan
RomanceShe-Man Sa paaralan na kung saan, napapalibutan ng iba't ibang kapatiran. Sa paaralang araw-araw ay kilabot at gulo ang nangyayari. Sa paaralang walang ibang ginawa ang mga estudyante kundi maglaban at magbugbugan. Sa paaralang hindi na kayang kontr...
