SHEMAN
by: sha_sha0808 Ash Simon
CHAPTER 14-15
Unedited...
"Mommy? Sina Kuya oh!" Sumbong ni Anndy sa ina. Nasa hardin siya at nagtatanim ng bulaklak pero iniistorbo siya ng apat.
"Wala naman kaming ginagawa ah," depensa ni John Jacob habang kinukuhaan ng litrato ang bunsong kapatid.
"Huwag mo kasi akong kunan ng picture!" reklamo ng dalagita at sumimangot.
"Wala namang masama kung kuna kita, 'di ba? Nagandahan lang kami sa bunso namin," natatawang wika ni John Jacob.
"Allergic ako eh," todo reklamo niya at padabog na tumakbo pabalik sa mansiyon.
"Mommy!" Tawag niya kay Ann na palapit sa kanila.
"Ano ang ginagawa ninyong lima rito? Inaaway na naman ba ninyo ang kapatid ninyo?" tanong ni Ann at inisa-isang pinagmasdan ang apat na nasa likuran ni Anndy.
"Mommy, sina Kuya, kinukunan ako ng picture," parang limang taong gulang na bata lang na nagsusumbong sa magulang at inayos ang buhok niya dahil kanina pa ginugulo ni John Matthew.
"Wala namang masama kung kukunan ka namin ng litrato," sabat ni LL at nakasalubong ang kilay, "Ang arte mo!"
"Eeee? Ayaw ko nga dahil ina-upload ninyo sa instagram," nakalabing sagot ng nakakabatang kapatid.
"Siyempre, proud kami na maganda ang kapatid namin," wika ni Lee Patrick at kinuha rin ang iphone at pinicturan ang ina at kapatid.
"Tigilan na nga ninyo 'yan!" Saway ni Ann.
"Mommy, ang daming namba-bash sa akin. Akala nila, girlfriend ako nina Kuya," sumbong ni Anndy at yumakap sa kanang braso ng ina.
"Kayong apat, tigilan na ninyong pag-upload dahil makukurot ko talaga kayo sa singit!" Kumukulo ang dugo ni Ann dahil noong isang araw, ang daming nag-comment na fans ng mga anak. Naka-tag pa naman siya sa mga ito at kung anu-ano ang sinasabi ng mga babae tungkol din sa kaniya. Akala ng mga ito, siya ang kasintahan ng mga anak.
Tatawa-tawa naman ang apat.
"Ayaw mo no'n, Mommy? Magkasintahan tayo," pilyong sabi ni Lee Patrick dahil nag-upload siya na nakahiga katabi ng inang natutulog. Topless kaya ayun, matinding pamba-bash ang inabot ng ina.
"Ano ang ginagawa ninyong anim dito?" tanong ni Dylan nang pagkababa niya sa sasakyan ay nakita niya ang mag-iina na nandito sa hardin kayma dumiretso na siya rito at hinalikan sina Ann at Anndy sa pisngi.
"Kami dad? Walang kiss?" tanong ni John Matthew.
"Gusto niyo ng kiss?" nakataas ang kilay ni Dylan.
"Wag na!" Sabat ni LL na nakasalubong ang kilay. Galit pa rin siya sa ama. "Puwede bang huwag na kami mag-community service next week?"
"Tigilan mo ako, LL. Dapat ikaw lang ang mag-community," ani Dylan.
"Oo, siya na lang, dad." Sabat ni John Matthew na sinang-ayunan ng dalawa pang kapatid.
"Hindi puwede! Apat tayo," sagot ni LL.
"Daddy? Pasalubong?" wika ni Anndy at yumakap sa kaniya.
"Kiss na lang," nakangising sabi ni Dylan.
"Ayaw!" nakalabing sagot ni Anndy.
"Pumasok na nga tayo. Kain tayo bg merienda," yaya ni Ann.
"Busog pa ho kami, mommy," sagot ni Jacob.
"Ako rin," segunda ni LL.
"Ay, sayang. Nag-bake pa naman si Yaya ninyo ng paborito ninyong cupcakes," nanghihinayang na sabi ni Ann.
"Ako, hindi pa ako busog," ani Matthew.
"Bigla akong nagutom, kakain na lang pala ako," muling sabi ni LL.
Pumasok na silang pito sa loob ng bahay at nag-umpisang kumain sa terasa ng merienda.
"Mommy? Dadalo ako ng party bukas ha," paalala ni Anndy sa ina.
"Itanong mo sa mga kuya mo kung samahan ka nila," sagot ni Ann at kumakain ng inihanda ng yaya ng mga anak. "Ang tabang," reklamo niya sa kinakaing cupcake pero hindi na pinuna ng mga anak dahil sanay na sila sa ina.
"Ayaw kong isama sila," tanggi ni Anndy.
"Aba, daddy? Ayaw niya oh. May tinatago na 'yang lalaki sa atin," sumbong ni Matthew.
"Uy, si Kuya, wala ah. Ang bata ko pa para diyan," pinandilatan niya si Matthew.
"Meron talaga eh. Kaya ayaw mo kaming ipasama," sabat ni LL at nagdududang pinagmasdan ang kapatid.
"Wala nga sabi eh!" Todo tanggni ni Anndy at ipinadyak ang paa.
"Good. Bago ka mag-boyfriend, ipaalam mo muna sa amin dahil kilatisin naming apat," ani Lee Patrick na busy sa kakalikot ng cellphone. "Psh, ano ba kasi ang account name niya?" bulong nito na mukhang naiinip na sa ginagawa.
"Bawal siyang mag-boyfriend!" Sabat ng ama. Kung puwede lang na huwag nang magkaroon ng kasintahan ang unica hija, ayaw niya. Hindi yata niya makakayang aalis sa pamamahay niya ang anak.
"Narinig mo iyon? Bawal daw," istriktong sabi ni LL.
"Ayaw lang ninyong maloko ako kagaya ng mga pinaggagawa ninyo sa mga babae ninyo!" Pagtatanggol ni Anndy.
"Naman! Nag-iisa ka lang at hindi kami papayag na maloko ka at paiiyakin ka lang ng lalaking walang kuwenta. Lalabas sila na bangkay sa pamamahay na ito kapag may manloko sa princess namin!" ani Dylan na handang pumatay ng tao oras na may magpaiyak at manloko sa anak nila.
"Natakot naman ako mag-asawa sa inyo," napahawak si Anndy sa dibdib.
"Tama na nga ninyo iyan," saway ni Ann sa mga lalaki, "Kapag hindi makapag-asawa ang kapatid ninyo, kayong lima ang sisihin niyan sa pagtanda!"
Sa mansiyon na natulog ang apat. Sa ganitong weekends ay dito sila natutulog.
Kinabukasan, nag-swimming silang magkapatid at naglaro ng video games buong araw matapos magsimba. Tinatamad naman silang mag-shopping kaya team bahay sila sa araw na ito.
"Ma'am?" tawag ni Manilyn kina Ann at Anndy na nakaupo sa sala at pinapanood ang paglalaro ng punong braso ni Dylan sa mga anak.
"Wala ka pala, daddy. Talo ka ni John Matthew!" pang-iinsulto ni LL.
"Oo nga, ang lalakas nilang tatlo. Hindi kagaya sa 'yo, sa inyong apat, ikaw lang ang natatalo ko," pang-iinsulto rin ng ama kaya natahimik na lang si LL.
"Sa aming apat, ako lang kasi ang virgin kaya gamit na gamit si Maria Palad," nakangising depensa ni LL.
"Hoy! Bunganga mo, LL!" Saway ni Ann at sinamaan ng tingin ang anak.
"Mommy? Sino si Maria Palad?" inosenteng tanong ni Anndy.
"Wala iyon, kasintahan ko," sabat ni LL at nag-peace sign sa ina.
"Marinig ko pa ang ganiyang usapan, pipingutin ko na talaga yang bunganga ninyo!" Pagbabanta ni Ann.
"Ano nga pala iyon, yaya?" tanong ni Anndy.
"Nandito na po ang make-up artist ninyo," sagot ni Manilyn.
"Ay, kayong apat, magbihis na kayo para samahan si Anndy." Utos ni Ann sa mga anak.
"Ayoko, sila na lang," tanggi ni LL.
"Hindi puwede!" Tutol ni Dylan. "Gagawin kong dalawang buwan ang servicing ninyo kapag hindi ninyo samahan itong bunso ninyo!"
"Hala, si Daddy, namemersonal." Tumayo si Jacob para mag-ayos na. Wala naman silang magagawa kapag inutos ng ama. Takot lang nila.
Nang nasa kotse na sila ay sa likuran naupo si Anndy katabi nina Jacob at Mattew. Sina LL at Lee Patrick ang sa unahan nila.
"Tandaan mo--"
"Bawal makipag-usap sa lalaki!" Pagputol ni Anndy sa sasabihin sana ni Matthew.
"Mabuti at alam mo," sabat ni Jacob.
"Dumalo pa ako sa party," bulong ni Anndy.
Disney land ang tema ng kanilang dadaluhan kaya nilagyan siya ng ina ng maliit na korona sa ulo dahil siya raw ang prinsesa ng pamilya. Simple lang naman ang suot na damit. Tube cocktail dress at may white pearl na earings. Simple ang makeup pero litaw ang ganda.
Pagkadating nila sa white castle hotel, mga mamahaling sasakyan ang nakahilera sa parking lot.
Nang pumasok si Anndy ay para siyang may bodyguards dahil sa kanan niya ay sina LL at Lee Patrick at sa kaliwa naman ay sina Jacob at Matthew.
" Kung puwede lang sanang tumakas," bulong niya at naiilang sa mga nasa loob dahil lahat ng mga mata ay nasa kaniya dahil sa quadruplets.
"Haist! Mga bata naman ang nandito!" reklamo ni Lee Patrick nang pumasok ay halos kaedad lang ng kapatid ang mga bisita.
"Hi, mabuti naman at dumalo kayo," nakangiting wika ng birthday celebrant nang lumapit sa kanila. Ang makita ang quadruplets ay sapat na sa kaniya bilang regalo. Kaya nga inimbitahan niya si Anndy kahit na hindi niya ito ka-close. Magkaklase lang sila. Alam niyang isasama nito ang mga kapatid kapag dumalo sa party. Kung anu-ano pa nga ang dramang ginawa para lang mapapayag ito.
"Happy birthday," bati ni Patrick at isa-isa na silang nagbigay ng regalo na pinabili lang sa katulong. Hindi naman sila sanay na pumili ng ipang regalo.
"Hala, ang guwapo rin!" Biglang tili ng dalagita na si Snow White ang portrayer niya. Napalingon ang apat sa papasok. Halos malaglag ang mga mata ni LL sa nakikita. Si GV at ang kasintahan nito.
"Cousin!" Tawag ni Olivia sa birthday celebrant at humalik sa pisngi nito nang makalapit. Halos bagsakan naman ng langit si GV nang unang bumungad sa mga mata niya ang quadruplets.
"Sa dinami-dami ba naman ng party na idinadaos sa mga oras na ito, nandito pa sila?" bulong niya at ilang beses na napapamura sa isipan.
"Kuya GV! Mabuti naman at sumama ka," masayang sabi nito at humalik sa pisngi ni GV. Hindi naman alam ng mga nandito na babae ito kaya taas noo siya sa mga bisita dahil maliban sa mayayaman, napapunta pa niya ang Lacson's quad at si GV na nagkakangalan sa larangang ng sorority.
"Hi, happy birthday," naiilang na ngumiti siya sa pinsan ng girlfriend dahil sa mga nagbabagang mata na kulang na lang ay lumiyab ang katawan niya dahil sa titig ng mga ito.
"Pitoy!" tawag ni LL habang busy si Olivia sa pakikipag-usap sa mga bisita ng pinsan. "Ano ang ginagawa mo rito?"
"Pakialam mo? Lumayo ka nga sa akin!" Kung hindi lang talaga ito party, masusuntok na naman si LL dahil hindi pa siya nakaganti sa magiging servicing nila next week.
"Ba't ka nandito? Sinusundan mo ako noh? Damn, huwag mong sabihing, may gusto ka sa akin?" nanlaki pa ang mga mata ni LL na tila gulat na gulat. Amg mga kapatid ay nasa isang mesa na nakaupo.
Blangko ang mukha ni GV. Halos hindi makapaniwala sa sinabi ni LL pero ang dugo niya ay abot ng isang libong degrees sa sobrang inis. Kahit na ulo niya ay parang bulkan na ano mang oras ay sasabog.
Wala sa sariling tinalikuran niya si LL at naglakad na para bang nakaapak sa apoy ng impiyerno!
" Party yata ng nga demonyo ang dinaluhan ko?" wala sa sariling bulong ni GV habang palabas ng hotel. Uuwi na siya bago pa mawala ang kaunting katinuan niya sa utak!

BINABASA MO ANG
SheMan
RomanceShe-Man Sa paaralan na kung saan, napapalibutan ng iba't ibang kapatiran. Sa paaralang araw-araw ay kilabot at gulo ang nangyayari. Sa paaralang walang ibang ginawa ang mga estudyante kundi maglaban at magbugbugan. Sa paaralang hindi na kayang kontr...