SHEMAN
by: sha_sha0808 Ash Simon
CHAPTER 70-71
Unedited...
"Kamusta ang pag-aaral?" tanong ni Jiro.
"Second day pa lang naman kaya okay lang, wala pa gaanong tinuturo, mga pagpakilala lang," sagot ni GV. "Wala ka bang balak na bumalik sa Japan?"
"Ayaw mo na ba ako?"
"H-Hindi ah!"
"Hmmm? Bakit parang tinataboy yata ako ng fiancee ko?" tanong ni Jiro.
"Hindi ah! Baba na ako, Jiro, salamat sa paghatid."
Nang makababa siya, mabilis na tumakbo siya papasok sa paaralan. Naiinis siya sa sarili! Sa tuwing kaharap niya si Jiro, pakiramdam niya ay siya na ang pinakamanlolokong tao sa mundo.
"Bakit ganiyan ang mukha mo? Bakit parang hinahabol ka ng diablo?" tanong ni Marjorie nang pumasok ang dalaga.
"Wala, akala ko kasi, late na ako," sagot ni GV at naupo sa tabi nito. Sana lang ay hindi magkita ang landas nila ni LL mamaya at ni Noona dahil hindi niya makakaya.
"Good morning!" masiglang bati ni Mars.
"Himala, ang aga mo yata?" hindi makapaniwalang sabi ni Marjorie sa pinsan.
"Ginising ako ni Mommy ng maaga kaya no choice ako," nakasimangot na sagot nito. Kung anu-ano ang pinag-uusapan ng dalawa pero hindi sumasabat si GV dahil ukupado ni LL ang utak niya.
Nang dumating ang guro, nagsikaniya-kaniya na silang ayos sa upuan.
"Guys, may bago pala kayong kaklase," wika ng guro nang nasa harapan na siya ng mga estudyante.
Napasinghap ang mga kababaihan nang pumasok ang binatang matangkad, maputi, magaling pumorma at makakapal ang kilay na nagbigay ng bad boy image sa kaniya.
"Konnichiwa, I am Jiro Jawaki from Japan, Arigatou gozaimatu!" Ni hindi man lang siya nakangiti pero naging hugis puso ang mga mata ng kababaihan.
"Arigatou!" pagbati rin ng iilan pero hindi niya pinansin.
"Find your seat, Mr. kawaki!" wika ng guro.
"Excuse me, can I sit here?" tanong ni Jiro kay Mars na nakatingala sa kaniya.
"H-Huh? S-Sure!" Mabilis na lumipat si Mars ng mauupuan.
"Dito siya nakaupo," nakasimangot na sabi ni GV.
"Gusto kong ako ang katabi ng aking fiancee," bulong ni Jiro at nginitian siya kaya napayuko ang dalaga. Heto na naman, mukhang dudumugin na naman siya ng mga kaklase niya dahil kay Jiro.
"Bakit ka nandito?" bulong niya.
"Gusto ko pa lang mag-aral kasama ka," sagot ng binata. Wala siyang magawa sa buhay dahil mabo-bored lang siya sa hotel na tinutuluyan.
Habang nasa klase, napapansin ni GV na may mga nahuhulog na ballpen sa likuran ng upuan ng nasa unahan na pinupulot naman ng mga ito saka pasimpleng tinititigan si Jiro.
"Ang hirap talaga kapag guwapo ang kasama ko," bulong niya. Mahinang tumawa naman si Jiro.
"Sabi sa iyo e, ako talaga ang pinakaguwapo sa Japan at dadalhin ko ang mukhang ito rito sa CTU!" pagmamalaki ng loko.
" Iyon ay kung papayag ang quadruplets," bulong ni GV. Pinakaayaw pa naman ng apat na may kaagaw ang mga ito sa kasikatan at kaguwapuhan. Noon nga, siya ang pinagtitripan ng mga ito. Paano pa kaya itong si Jiro?
" Pero anak siya ng Mafia Boss," bulong na naman niya at sinulyapan ang katabi. Si Jiro ay sa Japan, at si LL naman ay sa Pilipinas. Paano kung magkagulo?
"S-Sana hindi na lang tayo umuwi rito," malungkot na sabi niya. Mukhang wala namang pakialam ang guro nila sa kanila basta nagle-lecture lang ito sa pisara.
"Okay lang na umuwi tayo, Maye, para sigurado na tayo sa ating mga sarili kapag ikasal na tayo," bulong ni Jiro at nginitian siya.
"Huwag kang magpa-cute, hindi ka cute!"
"Pogi ako!"
"Tse!"
Pagkatapos ng klase, lumabas na sila.
"Marj? Isama na muna ninyo si Jiro, CR lang ako," pakiusap ni GV.
"Sige, kami na ang bahala sa pogi mong boyfriend," kinikilig na sabi ni Mars.
"Iiwan mo ako sa kanila? Sama ako," reklamo ng binata.
"Hindi puwede! Iihi lang ako, magkita na lang tayo sa tree park," pakli ni GV. May kalahating oras pa silang free time kaya ipapasyal muna nila sa Jiro para ma-familiarize nito ang buong CTU.
"Puntahan mo kami ha, baka mamaya, kung saan ka na napunta!" ani Jiro.
"Oo na!"
Dali-dali siyang tumungo sa restroom dahil mukhang sasabog na ang pantog niya.
Matapos umihi, lumabas siya sa cubicle at naghugas ng mga kamay. Bumukas ang pinto at pumasok ang dalawang babae.
"Ayieee... Paano naging kayo ni LL? Akala ko, bestfriends lang kayo? Ikaw ha, kaibigan na nauwi sa pag-iibigan?" tukso ng kasama nito kay Noona.
"Tigilan mo na nga 'yan, kanina ka pa!" saway ng dalaga at natigilan nang mapatingin sa salamin at nagtama ang kanilang mga mata ni GV.
"H-Hi," bati ni Noona at nginitian si GV.
"H-Hello," naiilang na bati rin ng dalaga kahit na ang totoo, nasasaktan siya. Mukha at pangalan pa lang nito, kumukulo na ang dugo niya lalo na't kapag titigan niya ito, ang ganda ng mukha.
"Friend, ihi lang ako, mabilis lang 'to," paalam ng kaibigan at pumasok sa isang cubicle.
"K-Kamusta ka na, GV? Naging babae ka na." Sinusubukan ni Noona na makipag-usap dito na para bang walang sama ng loob.
"Okay lang, kayo? Kamusta na kayo ni LL? Congrats pala, kayo na," sagot ni GV. "Puwede bang Maye na lang ang itawag mo sa akin?" Masyadong gamit na ang GV sa campus na ito. Ayaw lang niyang magulo pa ang mundo niya kapag malaman ng lahat na bumalik na siya. Mabuti na lang sa classroom nila dahil hindi alam ng mga kaklase niya ang tungko sa tomboy na GV.
"Okay, Maye, salamat!"
"Mauna na ako, Noona," paalam niya at lumabas. Kung hindi lang sana mag-krus ang mga landas nila, okay lang na nandito siya sa CTU pero parang araw-araw ay lumiliit ang daan.
Paglabas niya, nagulat siya nang makita si LL. Kaya pala walang pumapasok sa CR dahil nandito ang binata. Hindi niya alam ang gagawin o sasabihin kaya hindi na niya ito pinansin.
"Lance? Bakit nandito ka?" tanong ni Noona nang lumabas sila ng kaibigan niya.
"Sabi ko naman sa 'yong hintayin kita, 'di ba?" sagot ng binata. Nilagpasan niya ito pero binagalan lang niya ang paglalakad.
"Sus, libre mo ako?" Nagpaalam ang kaibigan nitong mauna na sa classroom nila.
"Oo naman! Kung hindi dahil sa magaling na pag-alaga mo, hindi sana gagaling si Pitoy," masayang sabi ni LL kaya napatigil si GV sa paglalakad.
"Hmp? Kung alam ko lang, grabe ang pagkataranta mo noong isang buwan!"
Humarap si GV sa kanila at sumabat na sa usapan nila, "M-May sakit si Pitoy?" nag-aalalang tanong niya.
"Oo, pero okay na siya," sagot ni LL at inakbayan si Noona. "Thanks sa girlfriend ko, the best siyang mag-alaga!"
"G-Ganoon ba? Mabuti naman at okay na siya," nanghihinang sabi ni GV. Gusto niyang makita ang pusa pero sa tingin niya ay wala siyang karapatan dahil ang pusa mismo niya ay namatay sa pangangalaga ng iba.
"Oo, last year, naging masakitin ang alaga ni LL kaya tinulungan ko siyang alagaan," masayang sabi ni Noona. Alam kaya nito na sila ni LL ang bumili sa pusa nito? May kapares pa nga iyon e.
"Gumaling lang talaga siya dahil kalaro niya ang pusa mo," natatawang sabi ni LL.
"Sus, salamat dahil binigyan mo ako ng libangan," sabi ni Noona. Binilhan siya ni LL ng pusang babae, kulay puti kaya madalas na dinadala niya sa condo ni Lance para makapaglaro ang dalawang pusa.
"Sabi ng doctor, okay na raw si Pitoy kaya puwede na raw siyang maghanap para maanakan," masayang pagbalita ni LL kaya gusto nang maiyak ng dalaga. Gusto niyang ipagsigawan sa mga ito na para lang si Pitoy sa pusa niya pero wala na si Monay, namatay na siya.
"Talaga? Ayieeee. E di puwede na siya kay Pussy!" masiglang sabi ni Noona. Ang manhid ng dalawa, hindi man lang nila naisip na nasasaktan siya!
" Bibili ako ng bagong pusa, tama!" bulong ni GV. Hahanap siya ng bagong pusa na kamukha ni Monay.
"Maye!" Napalingon si GV nang tawagin siya ni Jiro.
"Ang tagal mo naman akong puntahan sa tree park!" reklamo nito at nang makalapit ay inakbayan siya. "Ano ba ang ginawa mo sa loob at ang tagal mo? Nakipagtagpo ka ba sa iba?"
"H-Hindi a..." naiilang na sagot ni GV at napasulyap kina LL at Noona. Nakaakbay pa rin ang dating kasintahan sa kasama.
"Sino sila?" tanong ni Jiro at inginuso ang mga nasa harapan.
"D-Dati kong..." Hindi niya alam kung ano ang sasabihin. Baka magalit si Jiro kapag malaman nitong dati niyang kasintahan si LL.
"Dati niyang kaibigan," sabat ni LL na parang naging magkaibigan talaga sila. Tinitigan niya ng ilang beses ang mukha nito, sinuri kung may bahid ng galit o pait pero wala. Napansin niya ang pagpisil nito sa balikat ni Noona para kulitin ang dalaga.
"Ah, kayo pala ang dating kaibigan ng Maye ko?" nakangiting tanong ni Jiro.
"Maye ko?" ulit ni Noona.
"Baka magkasintahan sila," sagot ni LL na sa mukha ni GV ang mga mata.
"Actually, fiancee ko siya, we're engaged!" proud na sagot ni Jiro at tumahimik ang nasa harapan. Kahit si GV ay hindi rin alam ang gagawin.
"Wow, engaged na pala kayo?" tanong ni LL pero hindi pa rin inaalis ang mga mata kay GV na napayuko na. Hindi niya kayang salubungin ang mga mata ng binata.
"Yes!" si Jiro na ang sumagot.
"Congrats, sana invited kami sa kasal ninyo," ani Lance na nagpadurog sa puso ni GV. Hindi ba ito nasasaktan? Ganoon na ba siya ka walang kuwenta kay Lance Leonard? Nasaan na ang dating LL na ipinagtatanggol siya sa harap ng marami? Nasaan na ang binatang walang ginawa kundi ang igiit sa kaniya na mahal siya nito at wala itong pakialam sa sasabihin ng ibang tao kahit na nagmumukha itong bakla! Nasaan na ang Lance Leonard na nagpaibig sa kaniya at nagparamdam na babae siya?
"Salamat..." ani Jiro.
"Transferee ka?" tanong ni LL.
"Yes," sagot ni Jiro at nakipagtitigan sa lalaking maangas din ang mukha.
"Welcome sa CTU, ang paaralang pagmamay-ari ng pamilya ko!" sabi ni LL.
"Oh, anak ng fraternity king at apo ng sorority queen huh!" ani Jiro at ngumisi. Iyong ngisi na nagsasabing may ibubuga ang kaharap lalo na kapag yaman ang pag-uusapan. Pero kung yaman lang ng kanilang mga magulang ang pag-uusapan, alam ni Jiro na lamang sila ng double kaysa sa yaman ng mga Lacson.
"Mauna na kami," paalam ni Lance at nilagpasan sila habang nakaakbay pa rin ito kay Noona.
"Okay ka lang? Bakit ganiyan ang mukha mo?" tanong ni Jiro.
"O-Okay lang ako, halika na?" yaya niya saka hinawakan ang mga kamay ng binata at ipinagpatuloy ang paglalakad. Ganoon nga siguro, hindi lahat ng iniwan mo, ay ganoon pa rin kapag iyong binalikan, dahil naka-moved on na sila at masaya sa piling ng iba, habang ikaw, patuloy na umaasa na sana, mabago pa ang lahat ng tadhana.
CHAPTER 71
Unedited...
"Bakit ka hindi papasok?" tanong ni GV kay Jiro na kausap sa cellphone habang naglalakad paakyat sa hagdan.
"Masakit ang ulo ko, naparami kami ng inom ng barkada ko," sagot ni Jiro na nasa boses nito ang pananakit ng buong katawan.
"Ano ba 'yan! Uminom lang kayo, hindi nakipagbugbugan!" reklamo ni GV. May ilang kalalakihang napapalingon sa kaniya. Nakapalda pa naman siya. Hindi pa rin siya naka-uniporme kahit pang-apat na araw na niyang pagpasok. Nakalimutan lang niyang mag-order.
"Sumasakit ang katawan ko kapag uminom ako ng sobra," sagot ni Jiro.
"Oo na, puntahan kita diyan mamaya?" Concern lang naman siya. Baka kung mapaano ito.
"Uy, napakamaalagain naman ng fiancee ko," tukso ni Jiro.
"Heh! Baka ratratin ako ng mga tauhan ninyo kapag may masamang mangyari sa iyo!" wika ni GV na nasa huling hagdan na siya pero tinatamad pang umakyat dahil sa pagod kaya nagpahinga muna pero nakayuko dahil baka mamukhaan siya ng mga dating kakilala. Iba na talaga siya. Dati, mga babae ang napapalingon niya pero ngayon, mga kalalakihan niya.
"Bye na Jiro, magpahinga ka na." Tinapos na niya ang tawag. Aakyat na sana siya sa unang baitang nang mahulog ang panyo niya kaya dinampot niya ito.
Pagtayo niya ay nagulat siya nang nasa ikaapat na baitang si Lance Leonard na nakayuko sa kaniya at ang mga mata ay sa dibdib niya kaya pasimple niyang tinakpan at napakagat sa ibabang labi. Naka sleeveless pa naman siya at maluwag ang nasa dibdib kaya baka nasilipan siya nito nang yumuko siya.
"Iba ka na talaga noh?" wika ni LL na at nakatingin sa mukha ng dalaga. Aminado siyang nagulat din siya sa pagbabagong anyo ni GV dahil hindi niya inaasahang magsuot ito ng pambabae. "Dati, nakailang hubad pa ako pero ngayon, bra na lang."
"I-Iba noon kaysa ngayon, Leonard..." naiilang na sagot ng dalaga dahil sa titig nito. Wala namang espesyal sa mga mata ni LL pero bakit pakiramdam niya, nalulusaw ang kaniyang mga pisngi?
"Yeah! Iba noon kaysa ngayon," pagsang-ayon nito. "Huwag mo nang takpan, nasilip ko na 'yan kanina pa," sabi ng binata kaya nanlaki ang mga mata ni GV. Walang ne isang estudyanteng dumaan o lumapit sa kanila. Ang iba ay sa kabilang hagdan dumaan nang makita si LL. Baka manigaw na naman ito kapag sumpungin ng pagkasuplado. Araw-araw last semester ay may sinisigawan ito kahit na faculty.
"A-Ang bastos mo!" mahina pero may diin na sabi ni GV. Ngumisi lang ang kaharap kaya mas lalo siyang nainis.
"Hindi ako bastos, GV..." preskong sagot ng binata. "Oopss... Maye pala. Si Maye ka na, 'di ba?"
Nanlumo si GV sa narinig. Alam niyang sinusubukan lang nito ang pasensiya niya.
"Gamaliel Vilma Maye!" pagbigkas ni GV ng buong pangalan. Gusto sana niyang umakyat na pero nakaharang ang malaking katawan ng binata sa hagdan.
"Potoy pa," sagot ni Lance Leonard.
"Y-Yes, Potoy pa," mahinang pagsang-ayon ni GV na naiiyak. Firstime siyang tinawag nito sa tunay niyang apelyido. Masaya sana siya dahil nabigkas na ito ng tama ni LL pero bakit mas nasasaktan siya? Bakit parang gusto niyang pakiusapan ito na Pitoy na lang?
"Parang kailan lang, ano? Ang dating GV na habulin ng babae, ngayon ay pinagnanasaan na ng mga lalaki, are you happy?" Nang tingalain niya si LL, hindi ito galit, hindi rin natutuwa. Neutral lang.
"H-Hindi ko gustong pagnasaan nila ako." Depensa niya sa sarili.
"Ikaw LL, kasama ka ba sa mga nagnanasa sa akin?"
hiyaw ng isip niya. Kahit wala nang magkagusto sa kaniya bilang babae, kahit na si LL lang, sapat na, basta walalang hadlang sa pag-iibigan nila.
"Si Jiro?"
"F-Fiance ko si Jiro..."
"Hindi kita tinatanong kung ano mo siya. Si Jiro? Nagnanasa rin ba sa iyo?"
"N-Nirerespeto ako ni Jiro," mahinang sagot niya.
"Ah... Kaya pala hindi mo na tinangkang bumalik pa noon," mahinang wika ni LL at nilagpasan na siya. Kanina pa sila nag-uusap pero ngayon lang ito nagpakita ng emosyon. Puno ng hinanakit at galit. Kahit na nanginginig ang mga tuhod, sinikap niyang ipagpatuloy ang pag-akyat at hinayaan na ang mga matang nakatitig sa kaniya. Panigurado, nagtataka ang mga ito kung bakit kinausap siya ni LL.
"Hayop ka! Kausapin mo ako!" sigaw ni Mandy kaya napatigil si GV sa paglalakad.
"Hindi mo ba ako titigilan?" nanggigigil na tanong ni Aron.
"Hindi kita titigilan hanggat hindi mo nabayaran ang sinira mong gamit ko!"
Napa-poker face si Aron. Ang pinakaayaw niya ay ang gumawa ng eksena pero itong si Mandy, walang ginawa kundi ang magtatalak sa tuwing magkita sila.
"Ate Mandy, tama na," saway ni Jacob nang lapitan ang mga ito.
"Kausapin mo ang mokong na 'to!" galit na sabi ni Mandy at dinuro ang mga nakatingin sa kanila. "Kayong mga tsismosa! Kapag hindi kayo mawala sa paningin ko sa loob ng isang minuto, patatalsikin ko sa paaralang ito!" Mabilis na nagsitakbuhan ang mga estudyante at pumasok sa mga silid-aralan. Kapag si Mandy ang nagmamaldita, wala na silang magagawa pa.
Napabuntong hininga si GV at ipinagpatuloy ang pagpunta sa paaralan. Wala pa ring pagbabago si Mandy, maldita pa rin ito pero mas lumala yata ngayon dahil sa lalaking kausap.
Pagkapasok niya, kaunti pa lang ang kaklase niya kaya lumabas muna siya para pumunta sa restroom.
Walang tao nang pumasok siya. Halos lahat naman ng classrooms sa building ay may CR sa loob.
"Miss? May tisyu ba sa loob?" tanong niya sa working stident na nakaupo sa isang tabi na may hawak na walis tambo. Napailing siya, tulog ito. Ang natatandaan niya, kaklase ito nina LL. Hanga siya sa babae, dalawang taon na lang ay makapagtapos na ito ng pag-aaral pero sa tuwing nakikita niya, nakapikit ang mga mata nito.
Yumuko siya, pinagmasdan niyang maigi ang mukha nito. Aminado siya, maganda ito. Hindi nga lang pansinin dahil mahirap lang ito at walang pakialam kapag ma-bully.
Pumasok na siya sa cubicle dahil baka dumating na mamaya ang guro nila. Paglabas niya, wala na si Hael. Napasulyap siya sa isang bondpaper na malapit sa basurahan kaya dinampot niya at tingnan kung ano ang nakaguhit.
Isang sasakyan. Hindi siya mahilig sa mga sports car pero alam niyang hindi ito basta-basta. Dahil sa nagandahan siya, tiniklop niya at dinala. Isauli na lang niya sa may-ari kapag may maghanap.
Pagbalik niya, sakto lang na dumating din ang kanilang guro. Absent ang dalawa niyang kaibigan dahil may family reunion daw sila. Pagkatapos ng klase, nagpahuli siya para hindi makisabay sa mga ito.
"Alam ba ninyo, balita ko, may naging karelasyon daw si Prince Leonard noon na iniwan lang siya," wika ng tsismosa niyang kaklase. Nasa unahan lang niya ang apat. Mas dumikit pa siya lalo para marinig ang kanilang pinag-uusapan.
"Talaga? Pero akala ko talaga, may sayad siya," mahinang sabi ng isa na may pinakamahabang buhok dahil baka nasa paligid lang ang pinag-uusapan.
"Oo, sabi ng pinsan ko, na-inlove raw siya sa tomboy pero iniwan lang siya kaya ang pusa na lang niya ang palaging kinakausap." Nagtataka si GV kung paano nila nalaman ang tungkol sa alaga ni LL.
"Bakit siya iniwan? Grabe naman ang tomboy na iyon! Choosy pa! Si Prince LL na iyon! Naku, ingungudngod ko talaga ang pagmumukha no'n kapag makita ko dahil sa panakit ng damdamin ng asawa ko!" gigil na gigil na sabi ng isa.
"Wala ring nakakaalam e! Pero mukhang galing sa tomboy na iyon si Pitoy kaya hanggang dito sa school, palagi niyang dinadala ang pusa."
"Oo nga! Iniyakan pa nga niya ito noon dahil nawawala raw, iyon pala ay sa gym lang," natatawang sabi ng isa.
Napatigil sa paglalakad si GV, sapat lang ang mga narinig niya para masaktan na naman. Kung gano'n, inalagaan talaga nito ng mabuti ang alaga nila habang siya, sinisikap na kalimutan ang lahat ng alaala kay LL at ginawa ang lahat para makalimutan ang binata.
Lahat ng nasa unahan niya ay napalayo sa daan nang makita nila si LL na paakyat sa rooftop.
Ilang minuto nang wala ito sa paningin niya pero hindi pa rin siya kumikilos sa kinatatayuan. Nang wala nang estudyante ay dali-dali siyang umakyat sa rooftop.
Bukas ito kaya nakapasok siya. Nakita niya si LL na nakatalikod sa kaniya, nakapamulsa at nakatingin sa baba.
"Bakit nandito ka?" malamig ang boses na tanong ni LL pero hindi nakaharap sa kaniya.
"I-Ikaw? Bakit nandito ka? Hindi ba't ang sabi mo, wala nang hangin sa lugar na ito? Bakit buhay ka pa?" tanong niya at dahan-dahang lumapit sa kaniya at tumabi sa nakatayong binata.
"Dahil gusto kong masaksihan ang pagbabalik niya," walang emosyon na sagot ni LL.
"G-Galit ka ba dahil iniwan ka niya?" Kahit natatakot, gusto niyang tanungin ito. Kahit na sumbatan pa siya nito.
Hinarap siya ni LL at ngumiti pero alam niyang pilit. "Everybody loves air, who am I to hate it?"
"P-Pero iniwan ka niya..."
"Pero bumalik naman siya..."
"M-Mamahalin mo pa ba siya?" nag-aalinlangang tanong niya.
"No," siguradong sagot ni LL at pinagmasdan ang mukha niya kaya sinikap niyang nginitian ito. Bahala na kung nababasa nito ang hinaing niya.
"B-Bakit?"
"Dahil may mahal na akong iba..."
Mabilis na napayuko si GV, ang sakit ng narinig niya. Sana pala ay hindi na siya umakyat pa rito.
"B-Bababa na ako, b-baka hinahanap na ako ng mga kaklase ko." Sinisikap ng dalagang mawala ang bumabara sa lalamunan niya dahil hindi siya makahinga.
"Gamaliel Vilma Maye!" tawag ni LL kaya napatigil si GV sa pagbukas ng pinto at humarap kay LL at hinintay ang susunod na sasabihin ng binata.
"Lacson..." pagbasa ni LL sa sariling ID na hawak.
Hinintay ni GV ang susunod na sasabihin nito sa kaniya pero hindi na nagsalita pa si LL kaya lumabas na siya bago pa tuluyang bumagsak ang mga luhang kanina pa niya pinipigilan. Hindi na raw siya nito mahal!
BINABASA MO ANG
SheMan
RomanceShe-Man Sa paaralan na kung saan, napapalibutan ng iba't ibang kapatiran. Sa paaralang araw-araw ay kilabot at gulo ang nangyayari. Sa paaralang walang ibang ginawa ang mga estudyante kundi maglaban at magbugbugan. Sa paaralang hindi na kayang kontr...