SHEMAN
by: sha_sha0808 Ash Simon
CHAPTER 56-57
Unedited...
"Bilisan mo nga ang pagpatakbo!" reklamo ni Jacob.
"May sasakyan naman kayo, 'di ba? Bakit dito pa kayo sasakay?" naiinis na sabi Lance Leonard.
"Ah? Sige, isumbong ka namin na pinahiram ka ni Kuya Blue ng sasakyan!" pananakot ni Lee Patrick. One week suspende silang apat sa paggamit ng kahit anumang sasakyan dahil nakarating sa ama ang kalokohang ginawa nila. May mga tauhan na silang pinadala sa hospital para kausapin an pamilya ng dalawang magkapatid na binugbog nila.
"Kasalanan n'yo 'to! Pahamak talaga kayo!" paninisi ni John Matthew sa mga kapatid habang nagmamaneho. Katabi niya si LL at ang dalawa ay sa back seat.
"Makasisi ka naman! Ikaw kaya ang humawak do'n sa tarantadong 'yon!" depensa ni LL sa sarili.
"Sila naman ang may kasalanan! Tiyaka maangas din sila kaya dapat lang na mangyari iyon sa kanila!" sagot ni Jacob. Kumukulo talaga ang dugo niya sa magkapatid na iyon. Palagi na lang silang nagkakabanggaan ng grupo nito sa bar na pupuntahan nila.
"Gaganti raw ang mga hinayupak!" natatawang sabi ni Lee Patrick.
"As if naman na kaya nila tayo!" nakangisi ring sabat ni Lance Leonard saka kinuha ang cellphone at tinawagan si GV. Kanina pa ito hindi sumasagot.
"Mine?" Laking pasalamat naman niya dahil sinagot ni GV ang tawag. "Saan ka? Dadaanan kita diyan sa bahay ninyo?"
"Nasa St. Mary's Hospital ako!" galit na sagot ni GV.
"What? Ano ang ginagawa mo diyan sa hospital? Mine naman! May bumugbog ba sa iyo?" bulalas niya. Mapapatay talaga niya ang kung sino mang grupong umagrabiyado sa kasintahan niya!
"Hello? Mine? Mine?" Wala na. Pinatay na ni GV ang tawag.
"O? Ano ang ginagawa ni GV sa St.Mary?" tanong ni JM dahil may narinig siyang hospital kay LL.
"H-Hindi ko alam. Daanan natin siya!" pakiusap ni LL at nag-text kay GV.
Punta me dyan. Lab u...
"Male-late na tayo!" tutol ni Lee Patrick.
"Idaan mo sa hospital!" giit ni Lance Leonard sa kapatid. Dahil concern din, nag-U-turn si John Matthew.
"Psh! Ano ba 'yan!" naiinis na sabi ni Jacob. "Puwede namang mamaya na 'yan!"
"Baka nasa kritikal ang kasintahan ko! Kailangan niya ako para lumakas!" giit ni Lance Leonard.
"Malakas pa sa iyo ang kasintahan mo! Kahit bugbugin pa nating apat, mabuhay 'yon!" Pero wala ma silang nagawa nang makarating sa hospital.
"Mauna na kayo! Bibili lang ako ng flowers!" sabi ni Lance dahil sa kabilang kalsada ay may binibentang bulaklak.
"Fine!" sagot ni Jacob at pumasok na sa hospital. Tumawid si LL at nagtanong kung ano ang magandang bulaklak para sa magandang babaeng bibisitahin niya? Isang bouquet ng blue rose naman ang ibinigay ng baklang kinikilig sa kaniya.
"Thanks!" Iniabot niya ang bayad at nang makatawid ay pasipol-sipol pa siyang naglakad papasok sa hospital.
Lahat ng tao ay napapalingon sa kaniya dahil pareho silang apat na ang tatangkad plus ang gaguwapo pa.
"Hindi ba, sila ang quadruplets na Lacson?" tanong ng isang bantay sa labas ng private room.
"Oo nga!"
Lumapit si LL sa nurses station.
"Miss? Saan pumunta ang mga kasama ko? Ano'ng room?" magalang na tanong niya at nginitian ang dalawang babaeng nurse na nakatulala sa kaniya.
"Ehem! Dadalawin ko ang girlfriend ko. Saan ang kuwarto ng pasyente ninyong si Pitoy!" tanong niya ulit.
"H-Ha? Wala po kaming pasyenteng Pitoy. Putoy lang po," sagot ng nurse nang matauhan.
"Bakit ba palagi na lang akong tinatama? Siya nga. Saan?"
"Sa room 301 po," magalang na sagot ng kasama nito habang hawak ang chart pero ang mga mata ay titig na titig sa guwapong mukha ng kaharap.
"301? Salamat. By the way, hindi na ninyo kailangang itama ako sa apelyido niya dahil magiging Lacson din siya para hindi na tayo malito!" sabi ni LL at mabilis na ginamit ang hagdan para makapunta sa sinasabi nilang silid.
"Bakit nandito ka?" tanong niya kay JM nang maabutan sa hagdan.
"Naiwan ako. Ano'ng room ba si GV?" sagot ng kapatid at napasulyap sa hawak na bulaklak ni LL. Paano na siya makakadiskarte kay GV gayong alam na ng lahat na sila na ni LL?
"301!" sabi ni LL at napangiti nang makita ang hinahanap na silid. Kakatok pa sana siya nang bumukas ang pinto.
"Bakit ganiyan ang hitsura ninyo?" tanong niya kina Jacob at Lee Patrick na palabas na.
"M-Mali ang kuwartong napasukan namin," sabi ni Jacob.
"Oo nga! Tara na, late na tayo!" segunda ni Lee Patrick.
"Pinagloloko ba ninyo kami? Ayun si GV o, nakaupo sa loob!" nakasalubong ang kilay na sabi ni LL. Nasilip niya ang kasintahang nakaupo at kinakausap ang nasa kama pero hindi niya makita dahil tinatakpan nitong dalawa.
"Tumabi nga kayo!" sabi ni John Matthew.
"N-Nagdadasal sila!" sagot ni Jacob at ayaw talagang buksan ng malaki ang pinto.
"Oo, prayer time ng pamilya nila kaya bawal ang pumasok," sabi rin ni Lee Patrick.
"Wala akong pakialam!" galit na sabi ni LL. "Huwag nga kayong humarang diyan sa pintuan!"
Sabay nilang tinulak ni JM ang dalawang kapatid kaya napaatras ang mga ito at nakadaan sila.
"Mine!" tawag ni LL at nakahinga ng maluwag dahil okay naman ang kasintahan. "Okay ka lang? Wala bang nangyaring masama sa iyo?" lumapit siya rito at iniabot ang bulaklak na bitbit kay GV na ang mukha ay parang tigre na handang manlapa ng tao. "Bulaklak pala para sa 'yo. Sino ang nambugbog sa 'yo? Sabihin mo lang para magantihan namin!"
Napansin niyang tumahimik na ang tatlong kapatid kaya nilingon niya ang mga ito.
"Walang hiya! Ano ang ginagawa ninyong dalawa rito?" galit na tanong niya nang mapansin ang dalawang nakaupo sa magkaibang hospital bed. Ang isa ay pinapakain ng ina nila.
"Mine? Sila ba ang bumugbog sa'yo?"
Galit na hinarap na naman niya ang dalawa.
"Kayong magkapatid! Hindi pa ba kayo nadala at pati kasintahan ko, idadamay ninyo?" Dinuduro-duro pa niya ang dalawa.
"What? Kasintahan mo si GV?" Tumaas bigla ang boses ni Dexter!
"Oo!" taas noong sagot ni LL. "Bakit? May reklamo?"
Nilapitan siya ni Jacob saka pasimpleng binulungan, "Kapatid sila ni GV."
"Nagbibiro ka ba?" Tinaasan niya ng kilay si Jacob pero nang mapuna ang mga mukha ng tatlo, natigilan siya.
Parang robot na hinarap niya si GV.
"M-Mine? H-Hindi mo naman sila kapatid, 'di ba? H-Hindi naman siguro sila ang mga kuya mong gusto kong m-makilala?" Napalunok siya ng laway. Malaking problema kung sakaling kapatid nga ni GV itong dalawa.
Ang kilay ni GV ay abot hanggang langit na bago magsalita, "Sila nga ang mga kuya ko. Gusto mo silang makilala, 'di ba? Ayan na sila! Salamat sa iyo, bugbog sarado sila!"
"J-Joke lang 'to. Sila na kasi ang bumugbog sa 'yo!" giit ni LL. Mas matatanggap pa talaga niya na binugbog si GV ng dalawang lalaki para makaganti sila kaysa sa mga kapatid nito ang dalawa.
"Kuya ko sila!" Tumaas na ang boses ni GV. "At binugbog ninyo sila!"
"Ouch!" Napahawak si LL sa pisngi nang suntukin ni GV. "H-Hindi ko alam!"
"Kapatid ko pa ang napagtripan ninyo? Umalis ka sa harapan ko!" nanginginig na ang buong katawan niya sa galit. Kagabi nang malamang ang apat ang bumugbog sa mga ito, gusto niyang sugurin sina LL sa condo nila!
"Boyfriend mo siya?" galit na tanong ni Dexter.
"Hind--"
"Oo, boyfriend niya ako," sabat ni Lance Leonard.
"Talaga?" masiglang tanong ng ina nila na kanina pa nakikinig sa usapan.
"Tita! Oo, kasintahan ko na po si GV!" pagpakilala ni LL. "Ako po pala si Lance Leonard Lacson at sila naman ang mga kakambal ko."
"Hi, Tita! Ako po pala si Jacob. Itong dalawa ay sina Lee Patrick at John Matthew."
"P-Parang himala! May lalaking boyfriend ang anak ko?" hindi makapaniwalang sabi ng ginang at isa-isang tinitigan ang apat. Ang popogi nila!
"Mas pipiliin ko pang babae ang ipakilala ni GV sa amin kaysa sa inyo! Hindi kita matatanggap!" prangkang sabi ni Dexter saka tatayo sana pero kumikirot ang mga sugat niya.
"Okay lang. Hindi naman tayo ang nagmamahalan kundi kami ni GV!" sabat ni LL. Pakialam niya sa dalawa.
"Hindi ka namin tatanggapin kaya hiwalayan mo na siya, GV, kung ayaw mong magkagulo tayo!"
"Huwag nga kayong makialam sa relasyon namin!"
"May pakialam kami dahil kapatid namin siya!" sabat ng isa pa nitong kapatid.
"Humingi kayo ng sorry!" seryosong sabi ni GV. Alam niyang hindi ito sapat na kabayaran pero saka na siya maningil!
"Mauna na kami! May pasok pa!" paalam ni Jacob at lumabas na kasunod ng dalawa pang kapatid.
"Mauna na rin ako, magkaklase kaming apat kaya baka ma-late pa ako!" sabi ni LL kaya naikuyom ni GV ang kamao.
"Tita? Mauna na po ako. Ikaw pala ang ina ng mine ko. Mana po siya sa'yo, ang ganda mo po," puri niya bago tuluyang umalis. Siya si Lance Leonard Lacson at papahingiin lang siya ng patawad sa itinuturing niyang kalaban? No way!

BINABASA MO ANG
SheMan
RomansShe-Man Sa paaralan na kung saan, napapalibutan ng iba't ibang kapatiran. Sa paaralang araw-araw ay kilabot at gulo ang nangyayari. Sa paaralang walang ibang ginawa ang mga estudyante kundi maglaban at magbugbugan. Sa paaralang hindi na kayang kontr...