SHEMAN
by: sha_sha0808 Ash Simon
CHAPTER 62-63
Unedited...
"Mine? Bili tayo ng pusa!" masayang sabi ni LL. Kanina, naglalakad lang sila mula sa paaralan peri hindi nila namalayang malayo na pala sila at nakarating sila sa pet shop.
"Bakit pusa?" tanong ni GV at pinagmasdan ang pusang nagma-meow meow habang nakatingin sa kanila. "Ang cute!"
"Kasi mahilig ka kay Mickey Mouse kaya gusto ko pusa," sagot ni LL. "Gusto ko kasing palaging hinahabol ka."
"Tom and Jerry lang?" Lihim na napangiti ang dalaga at pinagmasdan si LL na nagtatanong na sa tindero kung magkano ang pusa.
"Dalawa na po ang bilhin ko," masayang sabi ni LL.
"Magkano ba?" usisa niya nang lapitan ang kasintahan.
"Eight thousand pesos daw," sagot ni Lance Leonard.
"Ang mahal naman. Kuya, wala bang tawad? Tutal, dalawa naman ang bilhin namin," hirit ng dalaga.
"Wala na po e, last price na 'yan, sir!" nakakamot sa ulo na sagot ng binatilyo.
"Gago nito! Sir daw!" bulong ni GV at sumimangot. Umalis ang tindero saka lumapit sa counter at bitbit ang mga pusa.
"Alam ko kung ano ang iniisip mo," bulong ni LL na kasing lawak ng universe ang ngiti.
Pinandilatan siya ni GV. "Whatever!"
"Uy, hindi ka na astig, maarte ka na, Mine!" tukso ng binata kaya umayos ng pagkakatayo si GV at kumilos babae.
"Sir? Ito na po ang dalawang pusa," sabi ng nagbebenta nang makabalik sa kanila.
"Ito ang bayad." Inabot niya ang 17,000 sa binata. "Sa iyo na ang isang libo, tip ko."
Bitbit ang pusang nasa cage, bumalik na sila sa paaralan.
"Mine? Akin na ang isang pusa," sabi ni GV.
"Uy, nagma-mine na ang girlfriend ko," tukso ni GV na halatang natutuwa sa mga naririnig.
"Gusto mo o ayaw mo?"
"Gusto ko. Masarap nga pakinggan e. Isa pa nga, Mine!"
"Tumigil ka! Akin na ang isang pusa, ako na ang bibitbit."
"Huwag na, Mine. Gusto ko kasing babae ka habang ako ang kasama mo," pagtutol ni LL.
"Hindi nakakabawas sa aming mga babae ang pagbitbit ng ganitong pusa!" Natatawa siya sa sarili. Kinakarer na talaga niya ang pagiging babae. Iyon kasi ang usapan nila ni LL-na subukan niyang magpakababae pero ang hirap! Nagmumukha siyang bakla!
"Kahit na. Ako lang ang bibitbit sa kanila," giit ni LL. Ang isang pusa ay kulay white na may halong gray at ang isa naman ay kulay orange.
"Ano ba nag kasarian nila?" tanong ni GV. Ang cute at ang laki ng mga pusa. "Akin na lang ang gray ha."
"Babae at lalaki. Itong white, babae at itong orange, lalaki."
"Talaga?"
"Oo, Mine. Paramihin natin sila," suhestiyon ni LL.
"Sige. Puwede rin para happy family sila."
"Sige, kapag pupunta ako sa bahay ninyo, magbo-body bonding sila," excited na sabi ni Lance Leonard kaya natawa si GV.
"Saan mo nakuha 'yang body bonding na 'yan?"
"Kina Daddy. Alam mo namang masyadong clingy ang daddy ko," sagot ng binata.
"As if na hindi ka nagmana sa kaniya." Now, she knows kung saan nito nakuha ang pagiging clingy.
"Hmm? Clingy ba ako, Mine?"
"A, hindi! Sino ba ang may sabing clingy ka?" pamimilosopo ni GV.
"Eh, sa gusto ko talagang palagi kitang hawak!"
Napapalingon ang mga nakakasalubong nilang estudyante pero as usual, dedma lang ang magkasintahan.
"M-Mine? Ano pala ang ipapangalan natin sa kanila?" tanong ni GV. Medyo namimilipit pa ang dila niya sa endearment nila pero hindi niya maipaliwanag ang nangyayari. Napapasunod siya ni LL.
"Ang sa akin, si Pitoy," sagot ni LL, "Para maalala kita kapag kasama ko siya."
"Potoy," pagtatama ni GV. "Ano kaya ang sa akin?"
"Alam ko na, Mine!" nakangiting wika ni LL na para bang mayroon siyang isang bright ideya.
"Ano?"
"Monay!" sagot ni LL na ikinasimangot ni GV.
Tumigil si GV at namewang. "Wala ka na ba talagang ibang maisip?"
"Bakit? Ano ang masama? Bagay naman sila ah. Sa akin, Pitoy, sa iyo, Monay!"
"Letse ka!" singhal ni GV. Ang ganda ng mood niya, sinisira ni LL.
"Hala! Makamura ka parang hindi mo ako boyfriend a!"
"A? E di, break na tayo nang mamura kita!"
"Haist! Bakit ba ganiyan kayong mga babae? Mabilis lang ang sabihing break! Parang sinasabi lang ninyong kakain dahil nagugutom kayo! Ganoin lang ba kadali?" mahabang litanya ni LL. Pareho na silang nakatayo sa side walk.
"Seryoso ako sa tanong ko!" tumaas na ang boses ng dalaga.
"Seryoso rin ako sa sagot ko!"
Hinila siya ni LL para tumabi dahil may mga dumadaan.
"Ayaw mo ng Monay? E di si Pussy na lang!"
"Seryoso ka ba talaga?" panigurado ng dalaga.
"Mukha ba akong nagbibiro? Pussy o Monay?"
Hindi kumibo si GV. Nakatingala lang siya sa binata.
"Shit! Seryoso talaga siya!" bulong niya.
"Kahit alin na lang ang piliin mo, Mine. Monay o Pussy, basta magba-body bonding sila ni Pitoy ko!"
Napalingon ang apat na estuyanteng babae sa kanila at makahulugang tiningnan ang dalawa.
"Bunganga mo, LL!" saway ni GV at napayuko. Kung puwede lang niyang takpan ang mukha para hindi siya mamukhaan ng mga nakarinig, gagawin niya. "Halika na, may pasok pa ako!"
Iniwan muna nila ang pusa sa tambayan nina LL at nagsikaniya-kaniyang punta sa classroom.
"GV?" Tumabi si Olivia sa kaniya. "Totohanan ba talaga ang relasyon ninyo ni LL?"
Hinarap niya ang dating kasintahan. "Bakit mo naitanong, Olivia?"
"H-Ha? Concern lang ako..." nahihiyang sagot ng dalaga. "A-Alam kong may mali ako pero hangad ko ang kaligayahan mo."
"Kung hangad mo ang kaligayahan ko, bakit iniwan mo ako?" Nakipagtitigan siya kay Olivia na biglang lumungkot ang mga mata.
"G-GV..."
"Hayaan mo na. Past is past na pala at alam kong masaya na kayo ni Dina." Isang nakakasuyang ngiti ang ibinigay niya rito.
"I'm sorry sa nangyari sa nakaraan natin." Ilang beses na siyang humihingi ng tawad kay GV dahil alam niyang labis niya itong nasaktan. Kahit na ano mang paliwanag ang gawin niya, hindi iyon sapat para bigyan ng hustisya ang kamalian nila ni Dina.
"Tapos na iyon..." Ano pa nga ba ang magagawa niya? Kahit na babaliktarin ang mundo, hindi na siya makipagbalikan pa rito. Inihian na nga siya, iniputan pa nila sa ulo. Parang ang tanga na nga yata niya kapag makipagbalikan pa siya rito?
"Sana lumigaya kayo ni LL," sabi ni Olivia.
"Huwag kang mag-alala, masaya kami sa relasyong meron kami," sagot niya. Nakikita at nararamdaman naman niyang seryoso ang kasintahan sa kaniya.
"Mabuti naman kung gano'n." Tipid na ngumiti si Olivia sa kaniya saka tumayo para lumipat sa upuan.
Matapos ang lecture, sabay rin silang umuwi ni LL.
"Ayaw mong dumaan sa condo ko?" tanong ng binata.
"May gagawin pa ako sa bahay. Isa pa, magagalit ang mga kuya ko dahil hindi ako nakauwi noong isang araw," sagot ni GV. Matindi ang inabot niyang panenermon sa dalawa nang malaman ng mga ito na sa condo siya ni LL natulog. Kung anu-ano ang mga pinagsasabi ng mga ito. Na kesyo mabuntis siya, hindi nila tatanggapin ang anak niya kay LL at kung anu-ano pang mga salitang hindi kanais-nais pero binalewala lang niya. Snaay na siya sa mga ito. Hindi rin naman siya matitiis ng mga kuya.
"Inaaway ka ba nina Rico at Dexter? Sabinin mo lang sa akin para masapak ko!" sabi ni LL at inihimpil ang sasakyan sa harap ng tindahan ng cat foods.
"Leonard? Puwede bang respetuhin mo naman ang mga kuya ko?" pakiusap niya. Mahirap kapag hindi magkakasundo ang mga ito dahil naiipit siya.
"Sila ang pakiusapan mo at hindi ako," naiinis na sagot ng binata.
"Haist! Bahala kayo! Huwag lang kayong magsuntukan sa harapan ko!"
"Dito ka lang, bibili ako ng pagkain nitong mag-asawang pusa natin," bilin ni LL saka lumabas na at bumili ng pagkain.
Nang makabalik ito, may bitbit na na dry and wet foods.
Nagkuwentuhan sila habang nasa biyahe.
"Text kita kapag nasa condo na ako," sabi ni LL.
"Ingat ka," bilin ni GV na kababa rin lang.
"Mine? Good bye kiss ko," paniningil ng binata.
"Good bye kiss ka riyan! Alis na!" pagtataboy niya.
"Suplada nito!" reklamo ni LL. "Parang kiss lang e!"
"Ingat sa pagmaneho!" Tinalikuran na niya ang binata kaya napilitang pumasok na sa sasakyan si LL at kumaway sa kaniya bago umalis.
"Ano 'yang bitbit mo?" tanong ni Dexter na kakababa lang ng hagdan.
"Pusa," sagot niya.
"Ang daming hayop, 'yang pusa pa?"
"E sa gusto ko e!" depensa ng dalaga at tumuloy sa kuwarto. Pagkapasok ay nagbihis muna siya at paglabas ng shower room ay pinakawalan ang pusa.
"Haist! Saan ka pala pupupu?" tanong niya sa pusang nasa ibabaw ng mesa. Ang cute nito. "Nakalimutan kong bumili ng white sand."
Tumunog ang cellphone niya kaya mabilis na binasa niya ang message.
Mine? Gwa mo? Nndito na me sa condo. Pnapakain si Pitoy. Kw ba? Npakain mo na si Monay? Pdla q white sand. Wait m lang...
"Bakit ganito ang boyfriend ko?"naiiyak na tanong niya sa sarili. Minsan lang siyang magpakababae kay LL pa!

BINABASA MO ANG
SheMan
RomansaShe-Man Sa paaralan na kung saan, napapalibutan ng iba't ibang kapatiran. Sa paaralang araw-araw ay kilabot at gulo ang nangyayari. Sa paaralang walang ibang ginawa ang mga estudyante kundi maglaban at magbugbugan. Sa paaralang hindi na kayang kontr...