SHEMAN
by:sha_sha0808 Ash Simon
CHAPTER 76-77
Unedited...
Kanina pa pabalik-balik si GV sa loob ng kaniyang silid at nag-iisip kung ano ba ang dapat na gawin. May ilang buwan na lang siyang natitira na mananatili rito sa Pilipinas. Ang sabi ni Jiro, kung sakaling sumama siya, hindi na sila babalik kahit kailan at sa Japan na manirahan. Walang siyang problema kay Jiro, mabait ito at maalalahanin. Lamang, alam niyang si LL pa rin ang mas mahal niya.
"Anak?" tawag ng ina na hindi niya namalayang nakapasok na pala.
"M-Mom?" naiiyak na sabi niya patakbong lumapit dito saka niyakap ng mahigpit.
"Hush, tahan na baby, magiging okay rin ang lahat," malumanay na sabi ng ina saka hinimas ang likod niya.
"S-Si Lance, Momny," nag-aalalang sabi niya.
"Mahal mo pa rin siya?" Kumalas ang ina saka hinawakan ang magkabilang pisngi ng anak at malungkot na ngumiti. Hindi na ito kagaya ng dati, sa loob ng isang taon, nabago ito ng ama pero ang kalooban naman nito ay naging mahina.
"H-Hindi ko akalaing wala na akong babalikan at kahit na may balikan man ako, h-hindi ko na iyon makukuha..."
"Baby? Huwag ka nang malungkot, nandito pa kami, mahal ka namin. Si Jiro, mabait din siyang tao. Alam kong magiging mabuting asawa siya sa iyo," sabi ng ina.
"M-Mom, papasok muna ako, kailangan kong tapusin ang semester na ito," paalam ni GV. Kahit na malaki ang posibilidad na magkita sila ni LL sa CTU, titiisin na lang niya. Tatapusin niya ang pag-aaral sa Japan kapag bumalik na sila ni Jiro.
Pababa na siya sa hagdan nang madatnan ang mga kapatid.
"Tumawag si Jiro, hindi ka raw niya masusundo kaya kami na ang maghahatid sa 'yo," sabi ni Dexter.
"Okay..."
"Ang ganda ng bunso namin a! Nakapalda!" Puri ni Rico. "Dati, nambubugbog ka pa kapag pinasuot ka namin ng palda at bestida pero ngayon, nakikisabay ka na sa mga chiks namin!"
"Tigilan na nga ninyo ako!" saway niya at padabog na lumabas. Siya parati ang pinagdidiskitahan ng dalawa.
Binuksan niya ang back seat saka pabagsak na isinara.
"Kapag masira ang pintuan ng kotse ko, bayaran ng double!" sabi ni Rico na siya na ang nagmaneho. Nasa front seat na si Dexter naupo.
"Kuya? Paano kayo nagkabati ni LL?" usisa ni GV. Mukhang hindi na galit ang mga ito kay LL.
"Sabihin na lang nating patas na kami!" nakangising sagot ni Dexter.
"Yeah, bayad na siya sa utang niya sa 'min!" pagsang-ayon ni Rico.
"A-Anong bayad niya? Ano ang ibig ninyong sabihin?" kinakabahang tanong ni GV. Mukhang hindi maganda ang nangyari noong wala pa siya.
Si Dexter na ang nagkuwento habang nasa biyahe na sila.
Flashback...
"Nasaan na kasi si GV? Bakit ayaw ninyong ipakita?" tanong ni LL kay Dexter habang bitbit ang alagang pusa.
"Wala nanga siya! Iniwan ka na niya at hindi ka naman talaga niya mahal! Alam naman nating alam mo iyon!" singhal ni Dexter. Pang ilang araw na itong umaaligid sa bahay nila at nagdo-doorbell.
"Kung galit kayo sa akin, huwag ninyong idamay si GV, wala siyang kasalanan!" singhal din ni LL.
"Wala nga siya rito!" galit na sabi ni Rico nang lumabas sa gate dahil narinig niya ang sigawan ng dalawa.
"E di kukunin ko na lang ang pusa ko!" sabi ni LL.
"Wala na! Dinala na ni GV iyon!" sagot ni Rico.
"Hindi gagawin iyon ni GV! Bakit niya kami iiwan?" naguguluhang tanong ni LL. Wala naman siyang naalalang kasalanan dahil masaya pa nga sila ni GV bago may humarang at dinukot ito.
"Gusto mo talagang malaman kung nasaan si GV?" nakangising sabi ni Dexter kaya nagtataka si Rico. Bawal ipaalam kung nasaan ang kapatid nila dahil sila ang malalagot sa ama.
"O-Oo," sagot ni LL at niyakap ang hawak na pusa.
"Lumuhod ka sa harapan namin!" matapang na hamon ni Dexter kaya natigilan si LL.
"H-Hin--"
"Ayaw mo? Puwes, huwag ka nang umasang malaman pa kung nasaan ang kapatid namin!" sabat ni Rico at sa pagkagulat nila, biglang lumuhod si LL kasama ang pusa na nakayuko. Kahit siya, nahihiya sa sarili pero wala siyang magagawa. Wala pang nakapagpaluhod sa kaniya, kahit mga magulang niya.
"N-Nasaan si GV," mahinang tanong niya at tumulo ang mga luha. Hindi dahil sa nasasaktan siya kundi dahil sa ang baba na ng tingin niya sa sarili. Kung may makakita man sa kaniya, alam niyang pagtatawanan lang siya ng mga ito lalo na ng mga kapatid niya.
"Ugh!" daing ni LL nang tadyakan siya ni Dexter kaya natumba siya. Tatayo pa sana siya pero isang malakas na sipa sa sikmura ang natanggap mula kay Rico.
"Matagal ko nang hinihintay ang pagkakataong ito na makaganti sa 'yo!" gigil na gigil na sabi ni Dexter at sinakyan si LL para hindi na makatayo at buong puwersang sinuntok ito sa mukha.
"Ako rin! Hayop ka! Ano? Lalaban ka?" nakatagis ang mga bagang na sabi ni Rico at sinisipa siya sa tiyan, binti at ulo. Suntok, sipa at tadyak ang natatanggap ni LL pero wala siyang laban. Hinigpitan na lang niya ang paghawak sa pusa para hindi ito kumawala at masagasaan kapag may dumaang sasakyan.
"Huwag ninyong... Ugh... H-Huwag ninyong saktan ang p-pusa namin ni GV," pakiusap ni LL. Gusto sana niyang ibigay kay GV ang alagang pusa para hindi na ito malungkot dahil mukhang hinahanap nito si Monay. Hindi na nga ito kumakain. Hindi na niya kayang saluhin ang sunod-sunod na sundok at tadyak kaya niyakap niya ang pusa para protektahan.
Nang sumakit na ang kamao ni Dexter at paa ni Rico, tumigil na sila at dinuraan ang binatang nakahandusay at duguan habang yakap-yakap ang pusang tila umiiyak dahil sa pag-meow.
"Alam mo na ang pakiramdam ng pinagtutulungan!" Hindi pa rin humuhupa ang galit ni Rico nang maalala ang nangyari sa kanila ni Dexter noong na-hospital sila.
Umungol lang si LL dahil sa sakit ng katawan.
"Tama na!" saway ni Jacob nang hindi na kaya ang nakikita. Tumakbo na rin palapit sina Lee Patrick at John Matthew. Nang bitbitin kanina ni LL palabas ang pusa, inutusan sila ng ama na sundan ito at hindi nga sila nagkamali, dito pa rin ang destinasyon nito.
"Bumangon ka nga LL, lumaban ka!" sigaw ni John Matthew. Sa sobrang inis, gusto tuloy niyang bugbugin ang kapatid. Napaatras sina Dexter at Rico nang mapansing susugod ang tatlo.
"H-Huwag ninyo silang bugbugin," pakiusap ni LL.
Dahan-dahan itong tumayo at umiiyak na niyakap ang pusa. "L-Ligtas ka na Pitoy, makikita pa natin sila..."
"W-Wala silang kasalanan, n-nagbabayad lang ako ng utang sa kanila..." nanghihinang sabi ni LL sa mga kapatid.
"Kapag sinaktan pa ninyo sila, a-ako na mismo ang kakalaban sa inyong tatlo!" Kahit na namimilipit sa sakit at paika-ika, sinubukan niyang maglakad palapit sa sasakyan.
"Puta!" pagmumura na ni John Matthew. Kahit na minahal niya si GV, hindi niya magagawa ang magpakababa ng ganito sa isang babaeng iniwan lang siya. "Kailan ka ba susuko? Kailan mo pa matatanggap na wala na kayo?"
"H-Hindi ako susuko dahil alam kong babalikan niya ako!"
Nang matumba, agad na inalalayan ng tatlo at isinakay sa kotse para isugod sa hospital.
End of Flashback....
Pinahidan ni GV ang mga luha nang tumigil ang kotse sa tapat ng paaralan. Walang pasabing bumaba siya sa kotse at patakbong sumugod sa classroom nina LL.
"GV," wika ni Lee Patrick nang makasalubong si GV sa hallway. Ang ganda na nito at ang laki ng pagbabago, parang hindi dumaan sa pagiging lalaki lalo na kung pumorma.
"S-Si LL?"
"Siya ba? Nasa roof top," sagot ng binata. "Bakit?"
Hindi na niya sinagot ang tanong nito saka patakbong inakyat ang roof top. Pagkabukas niya, nakita niyang nakaupo si LL sa mahabang bench at tumatawa habang may pinapanood sa cellphone.
Napatigil naman ito at inayos ang sarili nang makita siya.
"Bakit nandito ka?" tanong nito at itinago ang cellphone. Biglang umiba ang anyo ang mukha nito, semeryoso.
"L-Lance..." sambit ni GV at lumapit sa kaniya.
"May kailangan ka?" tanong ng binata saka tumayo. "Dahil kung wala na, bababa na ako."
"I-I'm sorry dahil sa nangyari noon, h-hindi ko gustong iwan ka peo kailangan..." Sinikap niyang huwag umiyak dahil alam niyang maayos na ang kalagayan ng puso ni Lance.
"Nangyari na ang nangyari, wala na iyon," nakangiting sagot ni Lance na amy mailiwalas na mukha. Mukhang wala na nga itong problema. "Naiintindihan kita GV este Maye, alam kong wala kang kasalanan at ang mahalaga, maayos na ang lahat sa atin."
"H-Hindi ka galit sa akin?"
"Bakit ako magagalit sa 'yo?" baliktanong ni LL na nakatitig sa mukha ni GV saka paunti-unti ay gumuhit ang mga ngiti sa labi niya. "Wala akong pinagsisisihan sa ginawa ko noon dahil hindi ako maging masaya ngayon kung hinayaan ko ang sarili kong magmukmok sa isang madilim na sulok at maging talunan na hindi man lang lumalaban."
"Masaya ka na ngayon." Hindi patanong at hindi pasagot na wika ni GV. Yumuko siya dahil sa sobrang hiya sa binata. Wala na yata siyang mukhabg ihaharap dito matapos malaman ang mga pinagdaanan ng kaharap.
"Yes!" pagmamalaki ni Lance Leonard. "Mas masaya kaysa sa noon!" Nilagpasan niya ang dalaga.
"LL!" tawag ni GV kaya tumigil siya.
Lumapit si GV sa binata at walang pasabing niyakap ito sa bewang mula sa likuran. "Hayaan mo akong yakapin kita kahit na sandali lang," mahinang pakiusap ni GV dahil alam niyang wala nang pagkakataong mayakap pa niya ito.
"GV," ani LL at hinawakan ang nakapulupot na kamay ng dalaga sa bewang niya.
"P-Pakiusap, kahit ngayon lang LL, huwag mong tanggalin," natatakot na pakiusap niya pero tumulo na naman ang mga luha nang sapilitang tinatanggal ni Lance Leonard ang mga kamay niya. Kahit na ayaw niya, natanggal pa rin nito. Siguro nga, hindi na talaga siya mahal ng binata na kahit yakap, ayaw na talaga nito.
Hindi pa rin binibitawan ni LL ang mga kamay niya at pinaikot hinila siya papunta sa harapan nito at malungkot na tinitigan sa mukha.
"Huwag mo akong yakapin sa likuran." Masuyong hinaplos ni LL ang mga luha niya. Ang init ng palad nito ay tila humahaplos sa nagdurugong puso ng dalaga kaya mas lalo siyang umiyak.
"Dito mo ako yakapin sa harapan ko," dagdag ni LL at niyakap si GV. Yakap na para bang wala nang bukas para sa kanila.
"L-Lance..." Humagulgol si GV nang maramdaman niya ang init ng yakap ni LL. Yakap na 'kaytagal na niyang hinintay. "I-I'm sorry, Lance..." Niyakap din niya ito ng sobrang higpit. Lahat ay sumariwa sa kaniya. Ang bango, ang yakap, at ang init ng katawan nito. Parang bumalik sila sa dati. Ang dating LL na niyayakap at hinahalikan siya sa harap ng maraming tao kahit na napagkamalang bakla.
"I missed you, Mine," bulong ni LL at mas lalong hinigpitan ang pagkakayakap sa maliit na katawan ng dalaga.
A/N:
The End...
Toinks. Charot lang hehehe.
Alam kong madalas kong napagpalit-palit ang pangalan ng mga 'to e. Hahaha...
CHAPTER 77
Unedited...
"L-Lance..." sambit ni GV nang pahidan nito ang mga luha niya.
"Ngayong nandito ka na, wala nang rason para umiyak ka pa," wika ni LL at muling niyakap ang dalaga.
"P-Pero-- uhmp!" Sa isang iglap, sakop na nito ang mga labi niya. Ayaw niyang kumurap. Ayaw niyang pagmulat ay magiging panaginip lang ang lahat.
Nagpatangay siya nang hilain ni LL sa isang likod ng pader sa right side ng roof top para hindi makita ng kahit na sino mula sa ibang building kung sakaling may nakatingin o may nagte-telescope sa kanila.
Isinandal siya ni LL sa pader at muling inangkin ang mga labi. Hinayaan niya lang ito. Kung puwede nga lang 'wag nang matapos, ihihiling niya sa Diyos.
"L-Lance..." sambit niya nang bumaba ang halik nito sa leeg niya.
"Ang tagal kitang hinintay, alam mo ba 'yon?" bulong ni LL at muli siyang niyakap.
"S-Sorry kung hindi kita binalikan noon. S-Sorry kung hindi ko natupad ang pangako ko..."
"Wala kang dapat na ikahingi ng tawad," sabi ni LL saka isiniksik ang mukha sa leeg ng mainit at mabangong leeg ng dalaga. Alas otso na pa lang ng umaga kaya hindi pa masakit ang sikat ng araw sa balat nila.
"L-Lance... G-Gusto kong tayo pa rin," sabi niya at hinaplos ang maamong mukha nito. Kung may mga oras man na napakahalaga sa kaniya at hindi niya makalimutan, ito iyon. Hindi galit ang mukha ni LL at puno ng pagmamahal ang mga mata nitong alam niyang para sa kaniya.
Hinubad ni Lance Leonard ang suot na jacket at inilapag sa malamig na semento.
"L-Lance..." sambit niya nang hawakan siya sa magkabilang pisngi.
"I know this is not the right way pero GV, a-ayoko nang mawala ka pa sa akin," seryosong sabi nito kaya nagsitakbuhan ang mga daga sa dibdib niya. Gusto niyang mag-isip ng tama. Gusto niyang tumakbo para layuan ito pero ayaw ng kaniyang puso. Sigurado siyang si LL talaga ang mahal niya.
"Mahal mo ba ako?" Sinalubong niya ang mga mata ni LL at napangiti sa tanong nito. Tanong na kahit hindi ibigkas ng kaniyang mga labi, ay siyang isinisigaw naman ng kaniyang puso.
"Yes! Mahal kita at hanggang ngayon, mahal pa rin kita!" honest na sagot niya pero nakaramdam ng pangamba.
"May hihingiin akong pabor, GV," pakiusap ni LL at napatitig sa mapupulang labi ng dalaga. Ang lakas ng pagtaas baba ng dibdib nito na parang kinakabahan.
"A-Ano iyon?" kinakabahang tanong ni GV.
"Hindi ako ang tipo ng lalaking kayang tiising titigan lang ang minamahal..."
"A-Ano ang ibig mong sabihin?" Para siyang bibitayin sa usapan nila.
"I want to feel you. I want you to be mine!"
Ilang segundong nakatitig lang si GV sa binata. Isang taong nangungulila siya rito. Isang taong pinangarap niyang makasama ito. Ngayong nasa harapan na niya ito, makakaya kaya niyang ibigay ang iniingatang puri?
Nang hindi makasagot si GV ay niyakap siya ni LL na para bang ano mang oras ay may kukuha niyo sa kaniya.
"Mahal kita, Mine, mahal na mahal kita..." bulong ni LL. "Mahal kita at kasama sa pagmamahal ko ang layuning maangkin ka, I'm sorry, ayaw kong may ibang umangkin sa iyo. Kapag hindi pa kita makuha, natatakot ako na baka bukas, ibang lalaki ang umangkin sa 'yo." Hindi naman sa wala siyang tiwala kay GV pero malay niya, may mga sitwasyon na kailangan nitong gawin ang hindi naman gusto.
"I'm all yours, gawin mo ang gusto mong gawin sa akin, sa iyo ako sa araw na ito," buong pusong pagpayag ni GV. Mahal niya si LL at kung mali man ang desisyon niya, handa siyang panindigan ito. Ang mahalaga, narinig niya na mahal pa siya ni LL.
Hindi na siya tumanggi pa nang maramdaman ang mainit at malabot na mga labi ni LL. Kahit ang pagtaas nito ng palda niya at pagbaba ng panty ay hindi na rin niya tinutulan.
Ipinulupot niya ang mga kamay sa leeg ni LL nang halos hindi na siya makahinga dahil mukhang wala itong balak na lubayan ang mga labi niya.
"Uhmp!" Ungol na kumawala sa lalamunan niya. Itinaas ni LL ang damit niya at itinaas ang bra.
"Thanks God, bra na lang talaga!" pasalamat ni LL kaya napangiti si GV. "They are so perfect!" Nagniningning ang mga mata nitong nakatitig sa dalawang bulkang sumasaludo sa kaniyang harapan.
Tila isang alipin na sumunod si GV nang pahigain ni LL sa malapad na jacket nito at inilagay ang shoulder bag para gawing unan.
"L-Leonard, b-baka may makakita sa atin..." nag-aalinlangang saad ni GV. Tirik na tirik pa naman ang araw at nakikita niya ang napakamaganda at iba't ibang uri ng ulap sa itaas habang ang ingay ng mga estudyante sa baba ang naging musika nila.
"Wala, Mine, kapag may dumaang eroplano o ibon, sila lang naman ang makakakita," pilyong sabi ni LL na naibaba na ang pantalon pero may damit pa rin sa itaas kagaya ni GV. Halk naked lang sila. Lalong kinakabahan si GV nang makita na naman ang ari nito. Kagaya ng dati, ganoon pa rin ang hitsura pero parang lumaki lang yata ngayon.
"Ouch!" hiyaw niya nang sinimulang ipasok ni LL ang pagkalalaki. "M-Masakit!" Tumulo ang kaniyang mga luha nang makaramdam ng pagkapunit sa pagkababae niya.
"Thanks God, h-hindi ka pa naangkin ng Kawasaking iyon! Akin ka pa rin, Mine!" sabi ni LL na para bang mamahaling basagin ang dalaga at sinubukang maging maingat sa lahat ng paggalaw pero nasasaktan pa rin si GV, hindi lang ito makasigaw dahil baka may makarinig sa kanila. Ilang sandali pa ay pabilis na nang pabilis ang paggalaw ni LL sa ibabaw ni GV at pinagsaluhan ang masakit pero masarap na kaligayahang tinatamasa ng kanilang mga katawan.
Nakatitig si GV sa itaas habang nakaunan ang ulo sa braso ni LL. They made it! Dito pa sa rooftop talaga nila ginawa. Hindi siya puwedeng magkamali! Saksi pa nga ang bughaw na kalangitan at iba't ibang uri ng mga ulap sa nangyari. Siya lang yata ang babaeng isinuko ang bandera sa roof top ng isang paaralan? Hindi ito ang pinangarap niya bilang firstimer. Nasaan na ang rose petals? Ang malambot na kama? Ang dim light? Ang romantic music? Ang nice view?
"Nagsisisi ka ba?" tanong ni LL at inayos ang iilang hibla ng buhok na nakatakip sa kaniyang pahabang mukha.
"Hindi, alam kong tama lang na sa iyo ko isinuko ang pagkababae ko," sagot ni GV at tumayo saka pinagpag ang sarili. Ganoon din ang ginawa ni Lance Leonard. "Sa ganitong lugar pa," naiiyak na dagdag niya.
"Nagsisisi ka ba? Aminin mo na!"
"Wala akong pinagsisisihan pero sana man lang, sa maayos na lugar naman," nakasimangot na sabi niya.
"E, sa dito na tayo naabutan!" depensa ng binata. "Sige, sa pinakamagandang lugar ka makipag-sex pero hindi ako ang ka-partner mo!"
Natameme si GV sa sinabi ni LL. Kung sabagay, kahit saan basta si LL ang kapares niya, masaya na siya.
"Lahat na lang ng first ko, sa lugar pa talaga na hindi ko nai-imagine na magagawa ko!" Hindi makapaniwalang wika ni GV. Noong una, unforgettable rin iyon dahil sa sinehan.
"At least ako ang kasama mo at hindi si Kawasaki!"
"Ang jacket mo, lalabhan ko..." namumula ang pisnging sabi ni GV.
"Huwag na, ako na ang maglalaba, marunong na akong maglaba." sabi ni LL.
"P-Pero may dugo..."
"H-Hindi naman halata dahil itim ang jacket ko. Huwag ka nang mahiya, nilalabhan ko nga ang panty mo e." Mas lalong namula ang pisngi ni GV nang ipinaalala ni LL ang ginawa nito noon.
Naupo sila sa mahabang bench. Hinawakan ni LL ang kamay ni GV at dinala sa mga labi nito. "You made me happy, Mine.. "
"Masaya ka na kasi nakuha mo ako?" pabulong na tanong ni GV.
"Matagal na kitang nakuha kaya matagal na akong masaya!" Tiniklop ni LL ang jacket at siniguradong sa loob ang may mantiyang dugo.
"Hmp!"
"Mine? Pasyal tayo."
"May klase pa ako," ani GV.
"Skip tayo, one day lang. Sulitin natin ang araw na magkasama tayo," suhestiyon ni LL saka tumayo at hinila rin siya patayo.
"LL, mamaya na."
"Gusto ko ngayon na."
Lumabas sila sa roof top at pagbaba nila sa hagdan, marami ang napapatingin sa kanila. Wala pa kasing ibang babaeng hinahawakan si LL ng ganito kahigpit maliban sa mga pinsan at kay Noona.
"Oh my! Siya ba ang bago ni LL?"
"Wala na sila ni Noona?"
"Hindi ba't transferee lang 'yan dito?"
Hindi makaimik si GV. Tila isang tuyong dahon na nakalutang siya sa tubig at nagpapatangay kung saan dadalhin ng agos.
Nang hindi na niya kaya ang mga mata ng nasa paligid, tumigil siya Sa paglalakad at hihilain na sana ang kamay kay LL pero mas hinigpitan nito ang pagkapit para hindi siya bumitaw.
"Hayaan mo sila!" bulong ni LL. "Ang mahalaga, nagmamahalan tayo!"
Malungkot na nginitian niya si LL. Para silang bumalik sa dati. Iyong kahit na husgahan man sila ng mga nasa paligid, wala itong pakialam basta maipaglaban lang siya at ang kanilang pagmamahalan.
Biglang nagsilabasan ang mga estudyante sa tapat ng classroom na tinigilan nila. Napapitlag si GV nang magtama ang mga mata nila ni Noona kaya kitang-kita niya ang pagkaguhit ng sakit sa mga mata nito lalo na nang ibinaba ang tingin sa nakahawak-kamay nila.
"Oh my! Hindi ba't kayo ni LL?" nagtatakang tanong ng kaibigan ni Noona.
"Bakit may ibang hinahawakan si LL? Break na kayo friend?" usisa ng isang kaklase nila kaya napayuko si GV sa sobrang hiya. Pakiramdam niya ay isa siyang masamang bata sa playground na nang-agaw ng laruan ng ibang bata.
"Halika na!" sabi ni LL dahil ang iba ay natigilan din nang makita sila.
Nang makarating sila sa parking lot, pinagbuksan siya ni LL ng pinto sa front seat. Wala sa sariling sumakay siya at inilagay ang seat belt. Nagmaneho lang si LL habang siya, nakatitig sa kawalan.
"Saan mo gustong pumunta, Mine?"
"P-Paano si Noona?" mahinang tanong ni GV. "Hindi ba't kayo na?"
"Maiintindihan ako ni Noona," sagot ni LL at medyo binilisan ang pagmaneho habang hindi pa masyadong trapik.
"LL naman, babae rin siya at nsasaktan. Mali ito..."
"Ano ang mali?"
"Itong relasyon natin! Itigil na natin ito. May kasintahan ka at ikakasal na ako!" Gusto man niyang maiyak pero umurong ang kaniyang mga luha. Para silang mga taksil sa pelikula at traidor sa mga asawa. Kung sabagay, ganoon nga sila sa totoong buhay, may kasintahan na pero nagawa pa ring makipagtalik sa iba. Nagawa pa rin nilang pagtaksilan ang mga taong nagmamahal sa kanila.
"So? Mas mahalaga sa iyo ang pagpapakasal mo kaysa sa makipagbalikan sa akin?" galit na tanong ni GV at hinigpitan ang pagkahawak sa manibela.
"Hindi mo ako naiintindihan. LL, mahal kita pero kailangan kong pakasalan si Jiro." Gusto man niyang ipaliwanag ang sitwasyon pero hindi puwede. Bago pa man sila umuwi, binalaan na siya ng ama na huwag ipaalam kahit kanino ang kalagayan ng pamilya nila.
"Dahil ginigipit ka ng ama mo? Kausapin ko siya!"
"No!" mabilis na pagtanggi ni GV. "H-Huwag mong kausapin ang ama ko."
"GV? Ito ang tandaan mo, mahal kita at ipaglalaban kita kahit kanino!" determinadong sagot ni LL. Walang makapagpahiwalay sa kanila ni GV lalo na ngayong nakuha na niya ito. Wala kahit na sino!
"Mula ngayon, akin ka na at walang makakaagaw sa iyo hanggat hindi kita isinusuko!" Paninigurado ni LL sa dalaga. "Kung kinakailangang isugal ko ang aking buhay para sa kalayaan mo, gagawin ko! Huwag ka lang muling mawala sa paningin ko dahil hindi ko na makakaya pa!"
Malungkot na nakatitig lang si GV sa binatang nagmamaneho. Masaya siya! Masaya siya dahil ipinaglalaban siya ni LL at alam niyang ligtas siya kapag ito ang kasama niya pero paano na lang ang kanilang pamilya? Makakaya ba niyang hayaan ang mga itong mapahamak dahil sa sakim?
BINABASA MO ANG
SheMan
RomanceShe-Man Sa paaralan na kung saan, napapalibutan ng iba't ibang kapatiran. Sa paaralang araw-araw ay kilabot at gulo ang nangyayari. Sa paaralang walang ibang ginawa ang mga estudyante kundi maglaban at magbugbugan. Sa paaralang hindi na kayang kontr...