SHEMAN
by : sha_sha0808 Ash Simon
CHAPTER 42-43
Unedited...
"Ano ang naririnig ko sa paaralang kayo na ni GV?" galit na tanong ni John Matthew nang makarating si LL sa unit niya. Kanina pa niya ito inaabangan.
"Bakit? May masama ba?" tanong ni LL at hinubad ang leather jacket. Nagpapasalamat siya dahil ang bullet proof na sasakyan ng pamilya ang ginamit niya. "Lalaki ako at babae siya."
"Alam kong tutol din si GV sa sinabi mo. Alam kong inipit mo lang siya sa sitwasyon!" Sinundan niya ang kapatid sa sala ng unit nito.
"Talaga? Problema na namin iyon," sagot ni LL.
"Fuck you! Bawiin mo ang sinabi mo sa CTU!"
"Bakit ko babawiin? Nasabi ko na! Ano ako? Bawi uwak?" sagot ni Lance Leonard.
"Kaniya-kaniya tayong diskarte kay GV at wala ka nang pakialam kung sa anong paraan ko siya makukuha!" nakangising dagdag ni LL para asarin ang kapatid. Never na susuko siya! Never na magparaya siya! By hook or by crook, sa kaniya si GV.
"Hindi stuffed toy si GV para paglaruan natin! May damdamin siya para lang saktan at pag-agawan natin!" singhal ni John Matthew.
"Talaga?" nakataas ang kilay na sagot ni LL. "Alam mo naman pala, e! Bakit hindi ikaw ang magparaya? Bakit nakipag-agawan ka pa sa akin kung iyan naman pala ang pananaw mo sa buhay?"
"Ako ang nauna!"
"Ikaw ang nauna pero ako ang pinili niya!" giit ni Lance Leonard at nakipagtagisan ng titig sa kapatid.
"Ikaw? E sapilitan lang ang lahat!"
"Ano na naman ang gulo ninyo?" Pareho silang napatingin sa pinto nang pumasok ang ama. Nasa likuran nito si Ann.
"Dad? Pagsabihan mo nga si LL na walang dayaan!" sumbong ni JM.
"Hindi ko na problema kung mahina ang diskarte mo sa panliligaw!" sabat ni LL.
"Nanliligaw ka? Saan banda?" singhal ni JM.
"Tumigil na nga kayo!" Sarado na anv bibig ng magkapatid kapag ganito ang boses ng ama.
"Anak?" tawag ni Ann at palipat-lipat ang mga mata sa mga anak. "Nagkakatampuhan ba kayo?"
"Babalik na ako sa unit ko, Mom!" wika ni John Matthew at naglakad palabas sa unit ng kapatid.
Sa lalim ng iniisip, hindi niya namalayang nasa tapat na siya ng unit niya pero kaagad nagsalubong ang kaniyang mga kilay nang makita ang babaeng nakatayo sa tapat ng pintuan niya.
"What are you doing here?" malamig pa sa pinakamatigas na yelo na tanong niya kay Jaffy.
"I j-just want to g-give you a present," nahihiyang sagot ng dalaga at iniabot sa kaniya ang maliit na kahon. Special cacao ito na ginawa ng pamilya niya sa probinsya.
"Alam mo bang mayaman kami at hindi ko kailangan ang regalo mula kanino man?"
Natigilan si Jaffy at hindi makapaniwala sa sagot ng binata kahit na totoo naman ang sinabi nito. Isa itong Lacson kaya makakaya nitong bilhin ang lahat ng gusto.
"I-I'm sorry," paumanhin niya at napayuko.
"Gusto mo ba talaga ako?" tanong ni JM kaya she bit her lower lip.
"If you like me, don't go near me," seryosong sabi ni JM na nakasalubong ang kilay.
"John Matthew..."
"Sorry to say, but you were not worth my love." Itinaas ni John Matthew ang baba niya para magkatitigan sila. "Find someone na kaya niyang suklian ang pagmamahal mo. Maganda ka pero kahit na ano pa ang gawin mo, hindi kita mapapan--"
"Tama na!" pagpigil ng dalaga at sinisikap na huwag umiyak sa harapan nito. "Kahit na ano pa ang sabihin mo, hindi na mababago ang pagmamahal ko sa iyo! Hindi naman ako humihingi ng kapalit na mahalin mo rin ako. Ang hinihingi ko lang, sana ay mapansin mo rin ang isang katulad ko!" Bitbit ang regalo niya sanang special cacao, tinalikuran niya ang binata.
Kinabukasan, maaga pang nagising si Lance Leonard. Pumasok siya sa shower room at naligo. Nang patayin na niya ang shower, napatitig siya sa salamin. Pinunasan muna niya ng kamay ang malabong salamin dahil sa talsik ng tubig para mas makita ng malinaw ang mukha. Napangiti siya.
Mamaya, magde-date sila ni GV.
Nang magsawang titigan ang kaguwapuhan sa salamin, lumabas na siya at nagbihis.
Pagkapasok niya sa campus, dumiretso siya sa tambayan para kumain ng breakfast dahil nakaramdam siya ng gutom.
"Si Jacob po?" tanong niya sa nagluluto.
"Wala pa. Ikaw pa lang ang nauna," sagot nito kaya maganang kumain si Lance Leonard.
Matapos kumain, naglakad siya patungo sa classroom nila pero nakasalubong niya si Olivia.
Tumigil siya nang malagpasan ito at tinawag ang dalaga, "Bolivia!"
Nang humarap siya ay nakaharap din ito sa kaniya. Wala pang tao sa hallway kaya lumapit siya rito.
"Alam mo bang masakit ang pagtraidor mo kay GV?" tanong niya kaya biglang napayuko ang dalaga. "Sa dinami-dami ng tao, bakit sa bestfriend pa niya? Alam mo bang mahal ka niya at naging loyal siya habang kami ang kasama niya? Na lahat ng ginagawa niya ay para sa'yo?" Aminado siyang nakikisama lang si GV sa kanila dahil natatakot ito na baka masira ang relasyon nito kay Olivia dahil palagi nila itong bina-blackmail.
"P-Pero... Kayo na, 'di ba?" nahihiyang sagot ni Olivia. Nahihiya siya sa sarili dahil palagi na lang niyang niloloko si GV.
"Gusto mong malaman ang totoo?" sagot ni Lance Leonard at mas lalong lumapit kay Olivia. "Wala naman talagang kami."
Umangat ang mukha nito at nagtatanong ang mga matang nakatingala sa binata. "Pero salamat na rin dahil niloko mo siya. Mawawalan na siya ng isiping maging loyal sa iyo."
Ngumisi si LL at naaawang pinagmasdan si Olivia. "Dahil sinayang mo lang siya, akin na lang si GV. Hindi ko siya sasayangin kagay ng ginawa mo. At mula ngayon, huwag mo na siyang lapitan dahil akin na siya. Pagmamay-ari ko na si GV! Oras na lumapit ka pa sa kaniya, ako na ang makakalaban mo!" pagbabanta ni Lance Leonard.
Nang may makitang papalapit na mga estudyante ay tinalikuran na niya si Olivia.
Pagkapasok niya sa classroom, nakita niyang nagwawalis si Hael ng classroom nila. Ito ang gawain nito araw-araw.
"Hell!" tawag niya pero ipinagpatuloy lang ng dalaga ang paglilinis. Dalawa pa lang sila. Naupo siya at pinagmasdan ito. Maganda, nasa 5'4" ang height at may kapayatan. Simple lang kung pagmasdan dahil palaging nakalugay ang mahabang buho.
"Sleeping beauty!" muling tawag niya nang mainip. "May boyfriend ka na?"
Tumigil si Hael at napatingin sa kaniya. Naguguluhan ang mukha. "Bakit?
"Base sa reaksiyon mo, mukhang meron na," ani LL pero hindi na sumagot ang dalaga at ipinagpatuloy ang paglilinis.
Hindi niya namalayang dumami na ang mga kaklase nila dahil nakatulog siya.
"Gising na!" pukaw ni Lee Patrick kaya umayos siya ng pagkakaupo. Nang matapos ang last period sa umaga, nauna siyang lumabas.
"Saan ka pupunta?" tanong ni Jacob.
"May pupuntahan lang. Huwag na ngang magtanong!" sagot ni LL at tinawagan si GV.
"Parking lot. Five minutes at kapag wala ka pa, hahanapin ko talaga ang bahay ninyo!" bungad niya at hindi pa nga nakasagot ang dalaga, tinapos na niya ang tawag. Sigurado naman siyang narinig nito ang mga pinagsabi niya.
Nakasandal siya sa ducati nang dumating si GV. Hinihingal.
"Tara na?" nakangiting tanong niya habang pinagmasdan ang dalaga. "Uy, naka mickey mouse siya," tukso ni LL. Ternong black and white na damit na may design ni Mickey Mouse ang suot ni GV. Kahit ang sapatos nito ay kulay itim din maliban sa pulang sombrero.

"Oh, tapos?"
"Iyan din ang flower toys na ginawa ko para sa 'yo," sagot ng binata at todo ngisi na.
"Nakakainis ka talag--" Mabilis na nasalo niya ang helmet na hinagis ni LL.
"Bakit pink?" reklamo niya.
"Kasi sa araw na ito, babae ka!" Pinaandar na niya ang motorsiklo. "Sakay na!"
Napilitang sumakay ang dalaga. Wala siyang magagawa dahil kapag tumutol siya, may pangontra si LL sa kaniya.
Sa mall niya dinala si GV. "Bakit dito sa KFC?" tanong ng dalaga.
"Huwag kang mag-alala," sagot ni LL at pinaupo ito sa bakanteng table. Kaunti pa lang ang tao dahil hindi pa naman talaga lunch time. "Ito na ang huling kain mo sa KFC!" Natatawa siya sa mukha ni GV. Naguguluhan ito.
"Alam mo bang ang KFC ay paborito ng mga single at T-Boom?" bulong ni LL.
"Hindi ko alam," sagot ni GV at sinimangutan ang binata. Para silang ewan lalo na't sa kanila ang mga mata ng mga kababaihan.
"Dahil finger linkin' good!" makahulugang sabi ni LL. "Pero huwag kang mag-alala, Princess, tatapusin ko na ang pag K-KFC mo sa araw na ito."
Lumapit siya sa counter at nag-order. Pagbalik niya, hindi pa rin maipinta ang mukha ng dalaga.
"Princess Pi--"
"Huwag mo akong kausapin!" Ipinagpatuloy ni GV ang pagkain.
"Kain ka ng marami," tanging nasabi na lang ng binata. Ano pa nga ba ang magagawa niya kung ayaw makipag-usap ni GV sa kaniya.
Nauna siyang natapos kumain kaya hinintay niyang matapos ang dalaga.
"Halika, mag-ikot-ikot tayo," yaya niya nang pinapahidan nito ng tisyu ang bibig. Wala pa ring imik na tumayo ang dalaga.
"Princess GV!" tawag ni LL at hinila si GV palapit sa cinema 1. "Manood tayo ng movie para sulit ang date natin!" Nawalan ng kulay si GV dahil sa lakas ng boses ng binata. Napalingon tuloy ang mga magkasintahang tumitingin ng mga palabas.
"Bakla sila?"
"Hala, ang ga-guwapo pero bakla pala?"
Kung puwede lang gumuho ang mundo, sasama talaga si GV sa paglubog nito dahil sa kahihiyan.
Inakbayan siya ni Lance Leonard kaya ang mga mata ng iba ay kinikilig at ang iba ay nandidiri.
"Huwag mo silang pansinin, basta tayo, nagmamahalan!" bulong ni Lance Leonard na ikinadilim ng paningin ng dalaga. Mabuti na lang dahil nasa katinuan pa ang utak niya at naisip niyang marami ang tao sa paligid kaya napigilan pa niyang sapakin ang kasama.
"Hindi kita mahal!" giit niya.
"Mamahalin mo ako bukas! Tiwala lang!" bulong ni LL at nagulat siya nang halikan siya nito sa noo kaya para siyang preskang isda na inilagay sa freezer. Nanigas!
Sa abot ng makakaya, nag-ipo siya ng boses para makapagsalita. "A-Alam mo bang nagmumukha na tayong bakla pareho sa ginagawa mo?" nanginginig na ang boses niya sa galit.
"Hindi ba baleng magmukhang bakla ako sa harapan ng maraming tao basta ikaw ang kasama ko," pagmamalaking sagot ni LL at pinisil ang balikat niya. "Basta kapag nasa ibabaw na tayo ng kama, pekpek ang makapa ko at hindi batuta," pilyong dagdag ng binata na mas lalong ikinangitngit ng kalooban ng dalaga.
BINABASA MO ANG
SheMan
RomanceShe-Man Sa paaralan na kung saan, napapalibutan ng iba't ibang kapatiran. Sa paaralang araw-araw ay kilabot at gulo ang nangyayari. Sa paaralang walang ibang ginawa ang mga estudyante kundi maglaban at magbugbugan. Sa paaralang hindi na kayang kontr...
