10-11

1.3K 49 2
                                    

SHEMAN

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 10-11

Unedited...
"Dad? Ako ba talaga ang maghahatid kay Baby Anndy?" tanong ni LL habang nasa sitting room siya ay humihingi ng baon sa ama.
"May pupuntahan kami ng mommy mo." Sagot ni Dylan at dinukot ang pitaka sa bulsang nasa likod ng pantalon niya.
"Baby LL? Next week, i-invite mo ulit si GV dito sa bahay. Ang bait niyang bata," pakiusap ni Ann kaya napa-facepalm ang anak.
"Mommy naman! Bakit ba gusto mo ang tomboy na iyon?"
"Bakit? May masama ba?" inosenteng tanong ng ina. "Teka lang..." pinagmasdan niya ang mukha ng anak na tila may kung anong hinahanap dito.
"Ano ba ang ginagawa mo?" salubong ang kilay na tanong ni Lance Leonard.
"May gusto ka kay GV noh?" kinikilig na tanong ng ina.
"MOMMY!" Bulalas ni LL at nanayo talaga ang balahibo sa tinuran ng ina.
"Huwag ka nang mag-deny!" Nakangiting sabi ni Ann.
"Utang na loob, Mommy! Maghunos dili ka!" Nandidiring sabi ni LL. Nakapanindig balahibo ang sinabi ng ina.
"Hmp! Si Kimberly nga, naging babae naman. Para kang si Skyler, todo deny!" Nakasimangot na sabi ni Ann. Naalala niya noon sina Kim at Skyler. Ganitong-ganito rin ang mga pinagsasabi ni Skyler sa kaibigan niya.
"Iba iyong kina Tito Skyler! Babae at maganda si tita Kimberly pero mommy, huwag naman si GV. LALAKI talaga siya, LALAKI!" Giit ni LL.
"Tama n'yo na nga iyan!" Saway ni Dylan sa mag-ina. "Ihatid mo na si Princess Anndy sa paaralan niya at siguraduhin mong nakapasok siya sa gate bago ka umalis." Bilin ni Dylan sa anak. Wala na ang tatlong kapatid.
"Daddy?" patakbong bumababa si Anndy kasama ang yayang si Manilyn.
"Princess," nakangiting bati ni Dylan at niyakap ang anak na humalik sa pisngi niya.
"Daddy? Puwede po bang dadalo sa party ng kaibigan ko? Please?" nagpapa-cute pa ito habang nakakalong sa ama.
"Hindi puwede."
"Daddy naman!" Mangiyak-ngiyak na sabi ni Anndy.
"Huwag mo akong bigyan ng ganiyang hitsura!" Saway ni Dylan nang nag-pout ito sa kaniya at nagpa-puppy eyes. "Hindi mo ako madadala!" hindi pa rin tumigil si Anndy. Mas lalong nag-pout pa ito na nakipagtitigan sa ama.
"Haist! Oo na!" Napipilitang sagot ng ama.
"YEHEY!" Masayang lumundag-lundag si Anndy sa harapan nila.
"Basta sasama ang mga kuya mo!" Dagdag ni Dylan.
"WHAT?" bulalas ni Lance Leonard. "Daddy naman! Ano ang gagawin namin sa kids party?"
"Hindi na iyon kids party!" Nakasimangot na wika ni Anndy. "Dalaga na ako!"
"Saan banda? Tumugil ka na nga sa pag-aarte mong dalaga ka na!" Panunuya ni LL.
"Tama na, umalis na nga kayong dalawa! Mag-ingat ka sa biyahe at huwag mong bilisan ang pagpatakbo," bilin ni Ann kay LL. Gusto man nilang kumuha ng driver para sa mga ito pero ayaw ng quadruplets kaya kumuha na lang sila ng students license. Nasa dugo na nga yata nila ang pagiging racer.
Tumungo si Anndy sa kusina kaya sinundan siya ni LL.
"Kuya?" tawag ni Anndy.
"Oh?"
"Sa iyo na itong baon ko," sabay abot ng lunch box ng kapatid.
"Bahala ka sa buhay mo!" Pagsisinuplado ni LL.
"Ang daya! Bakit kayo, walang baon? Dapat wala rin ako eh!"
"Huwag ka nang magreklamo! Naranasan din namin 'yan! Halika na nga!" Yaya niya.
"Suplado mo talaga kuya! Mabuti pa sina Kuya Jacob, ang bait nila sa akin." Nakasimangot na wika ni Anndy habang palabas na sila.
"E di sana, sa kanila ka nagpahatid!"
"Late ka na kasi ng gising!" depensa ni Anndy.
"Ang ganda-ganda mo pero ang bantot ng pangalan," natatawang sabi ni Lance Leonard nang pagbuksan ng pinto ang kapatid at yaya nito.
"Hmp! Ang ganda kaya! Bunga ng pagmamahalan nina Mommy at Daddy!"
"Corny!" Pinaandar na niya ang sasakyan at automatic namang bumukas ang gate.
"Corny! Palibhasa, hindi ka pa nai-inlove kaya ang corny sa paningin mo!" She adores their father so much! Gusto niyang makatagpo ng lalaking kasing mapagmahal ng kanilang ama. Iyong gagawin ang lahat para lang mapasaya ang mommy nila.
Hindi na nakipagsagutan si Lance. Pagdating nila sa school ni Anndy, hinintay muna niyang makapasok ito sa loob at umalis na. Mayaman sila pero minulat sila ng lola na walang bodyguard dahil ang rason nito, makapangyarihan sila at kung sino man ang tumangka, alam na ng mga ito kung saan ang kinalalagyan nila. Isa pa, kapag may magtangka man, iyong expert na talaga sa ganitong gawain at kahit gaano pa kagaling ang bantay, wala ka ring magagawa.
Isa sa mga itinuro ni Patch sa kanila, ang mabuhay ng marangal at normal kahit gaano pa karangya ang buhay! Iyon ang masarap na karanasang ipinaranas ni Lola Patch sa kanila.
Pagdating sa parking lot ay tumawag si Matthew sa kaniya. Nasa library raw ang mga ito at pinapa-research gamit ang libro kaya roon na siya dumiretso.
Pagdating niya, nasa iisang table lang ang mga kapatid. Ang mga estuyanteng nasa library ay napatakip sa bibig para huwag mag-ingay dahil sa sobrang kilig.
"Puwede namang i-research sa internet!" wika niya at napa-quiet sign ang mga kapatid dahil nasa kabilang table lang disciplinary officer.
"Bakit ngayon ka lang?" tanong ni John Jacob.
"Hinatid ko si Anndy," wala sa mood na sagot niya. Napansin ni Lance ang nasa isang tabi na kaklase. Nakaupo sa malapit sa bintana at may hawak na libro pero nakapikit ang mga mata.
"Pst..." sitsit niya sa mga kapatid at inginuso ang kaklaseng natutulog.
"Wala na ba siyang ginagawa kundi ang matulog?" nakakunot ang noong tanong ni Lee Patrick. Tumayo si John Matthew at lumapit sa babae saka tinampal ang noo nito.
"Ano ba!" Medyo napalakas ang boses nito kaya napatingin ang mga estudyante sa kanila.
"Gumising ka na. Hindi ito bedroom para matulog ka!" Wika ni John Matthew.
"Huwag nga ninyong pakialaman ang buhay ko!" Naiinis na sabi ng dalaga. Nasa kalagitnaan na siya ng kaniyang panaginip nang pukawin nitong si JM.
"Magagalit na ang librarian!" Saka naman naalimpungatan ang dalaga at pasimpleng inayos ang sarili.
"S-Sorry," nahihiya niyang paumanhin. Ano ang magagawa niya? Kanina pa siya tinatawag ng antok.
"Psh!" Umalis na ang binata at naglakad pabalik sa mga kapatid.
"Sleeping beauty," wika ni John Matthew na ang mga mata ay sa kaklase nila.
"Maganda pala siya," puna ni Jacob na katabi ni LL.
"Yeah, may beauty naman siya pero wala siyang ginawa kundi ang matulog," pagsang-ayon ni John Matthew.
"May gusto ba kayo sa kaniya?" usisa ni Lee Patrick.
"Medyo. Mapagtiyagaan naman," sagot ni Jacob.
"Puwede na..." sagot din ni John Matthew na muling pinagmasdan ang babaeng nilapitan kanina na ngayon ay nakapikit na naman.
"Iyong totoo? Ligawan ninyo?" Muling tanong ni Lee Patrick kaya napataas ang kilay ni Lance Leonard. Kanina pa siya nakikinig sa tatlong nag-uusap.
"Wala," sagot ni JM.
"Maganda lang siya pero hindi ako interesado," sagot din ni John Jacob.
"Good," ani Lee Patrick at napatingin kay LL na nakataas ang kilay sa kaniya. "WHAT?"
"Wala..." muling ibinalik ni LL ang mga mata sa binabasa.
"Brod?" Siniko ni John Jacob si LL. "Si GV." Lahat ng mga mata nilang apat ay lumipat sa papasok na magkasintahan.
"Pati ba naman dito, sinusundan ako ng tomboy na ito?" naiinis na saad ni LL at pinandilaran si GV nang magkasalubong ang kanilang mga mata.
"Ang ganda pala ng girlfriend niya," ani Jacob.
"So? Aanhin niya ang ganda kung natira ko na..." sabat ni LL.
"Walang hiya ka! Kaya pala galit na galit siya sa atin lalo na sa iyo," napailing na sabi ni Jacob. Ang dalawa ay wala nang pakialam sa pinag-uusapan nila.
"Lasing yata ako noon," sagot ni LL. Ito yata ang babaeng nakatalik niya sa VIP room ng bar na pinuntahan nila dahil sa pagkakatanda niya, may naka-one night siya sa bar na hindi niya na-finger bago magtalik. Ito na nga yata iyon. Pero sigurado naman siyang virgin pa ito.
Lumapit sina GV sa kaklase nilang tulog. Agad namang dumilat ang dalaga nang tapikin ni Olivia sa balikat.
"Magkakilala sila?" bulong ni Jacob kay LL.
"Ewan ko. Baka. Nakita mo namang nag-uusap na sila, 'di ba?" sagot ni Leonard.
"Baka magkamag-anak," sabat ni Lee Patrick na nasa kabilang table rin ang mga mata.
"Kaya pala mga walang kuwenta ang mga babaeng iyan dahil magkadugo pala!" Naniningkit na naman ang mga mata ni LL. Sa tuwing makikita niya si GV, pakiramdam niya ay naaagawan siya ng papel sa mismong paaralan na pagmamay-ari nila! Dagdagan pa ng mga babaeng napapasulyap at naglalandi kay GV.
"Ehem..." umayos silang apat sa pagkakaupo nang naupo si Arnold sa tabi ni John Matthew.
"Himala! Ngayon ko lang yata nakitang interesado kayo sa mga babae," makahulugang wika ni Arnold.
"Excuse me? Hindi naman babae 'yan si GV!"Depensa ni LL.
"So? Hindi na babae ang pinagkakaabalahan nin--fuck!" Sambit ni Arnold nang batukan ni LL.
"Isang salita pa, makikita mo talaga ang matagal mo nang hinahanap!" Pagbabanta ni LL. Ang mga kapatid naman ay kunwaring nagbabasa ng libro nang makitang lumapit ang disciplinary officer dahil napalakas na ang boses ni Lance Leonard.
"Ano nga ulit 'yong value ng X?" tanong ni LL kay Jacob at nakakunot ang noo tapos nilipat sa next page ang aklat na nasa harapan.
"Wait lang, sinusubukan ko pa ang formulang ibinigay sa akin ni Teacher kahapon. Sana lang ay tama ito." Sagot ni Jacob at humarap kay Lee Patrick. "Na-solve mo na, bro?"
"Hindi pa eh. Medyo mahirap ang tanong," napakamot sa ulo si Lee Patrick tapos kinagat ang dulo ng mamahaling ballpen na tila hirap na hirap sa tinitingnang papel.
"Malapit ko nang ma-solve. Chill lang mga brod! Malalaman na natin kung ano ang value ng X na ito." Sabat ni John Matthew na tila excited na ma-solve ang ginagawa.
"Tulong-tulong tayong apat para very good tayo kina Mommy at Daddy kapag mataas ang grades natin sa algebra. Let's make our parents proud!" Determinadong wika ni Lee Patrick.
"English ang subject na pinapa-research sa atin," paalala ni Arnold sa quadruplets nang bumalik na sa puwesto ang kaninang papalapit na disciplinary officer.

SheManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon