74-75

1.3K 42 1
                                    


SHEMAN
by: sha_sha0808 Ash Simon
CHAPTER 74-75
Unedited...
"Iniiwasan mo ba ako, Maye?" tanong ni LL nang mahabol ito. Mula nang pumunta ito sa bahay nila, hindi na sila nakapag-usap pa muli. Sa tuwing makikita niya ito, nakatalikod na ang dalaga o hindi kaya ay sa ibang daan dumadaan.
"Para ano? Bitiwan mo nga ako!" pagsisinuplada ni GV.
"Ayokong bitiwan ka. Ano ba ang ikinagalit mo sa akin?"
"Wala!"
"Meron!"
"Wala sabi! Bitiw!" singhal niya. Patungo sa basketball court ang hallway kaya wala pa gaanong estudyante dahil class hour pa.
"Ayoko hanggat hindi mo sasabihin! Tungkol ba sa pusa?"
"Wala nga! Ang kamay mo LL! Baka may makakita sa atin at kung ano pa ang isipin!"
"Wala akong akong pakialam sa sasabihin nila basta sabihin mo sa akin ang problema at kung bakit mo ako iniiwasan!" nakasalubong ang kilay na sabi ni Lance Leonard.
"Wala akong dapat na ipaliwanag sa iyo kaya pakawalan mo na ang braso ko!"
"Ayoko! Kung galit ka kay Pitoy dahil nakabuntis ito, huwag mo siyang pagalitan kundi ako na lang dahil ako ang nag-aalaga sa kaniya!"
Naramdaman ni GV ang paghigpit ng pagkahawak nito sa braso niya. Oo, iniiwasan na niya ito dahil hindi niya kayang makita ang pagmumukha ni LL, nasasaktan siya. Hindi pa siya handang makipag-usap dito na parang wala silang nakaraan.
"Wala namang kasalanan ang pusa bakit ka magagalit sa kaniya?" mahinahong tanong ni LL.
"Dahil sinungaling siya! Hindi porket umalis lang ang kasintahan niya, humanap na siya ng iba? Akala ko ba, si Monay lang ang mahal niya? Bakit ganoon siya?" sumbat niya at sinalubong ang mga mata ni LL.
"Pero si Monay ang nang-iwan sa kan--"
"Iniwan siya ni Monay dahil sapilitang kinuha at isinama ito ng iba!" Tumaas na ang boses ni GV. Ayaw niyang maging emosyonal pero hindi niya napipigilan ang sarili.
"GV? Pusa lang iyon kaya huwag kang magtampo sa kaniya."
"Pusa lang? Dahil pusa lang sila, hindi na nila kayang magmahal at masaktan? Paano na lang ang alaga ko? Paano na lang kung buhay pa siya? Ano ang madadatnan niya? May damdamin din sila!"
"Alam mo naman pala bakit mo pinabayaan?" singhal ni LL kaya napatigil ang dalawang estudyante na dadaan sana. "Matuto kang tumanggap ng reyalidad. Kung mahal mo ang alaga mo, dapat noon pa lang, hindi mo na siya pinabayaan. Dapat noon pa lang, ipinaglaban mo na siya nang hindi humantong sa ganito ang lahat!"
"Sinubukan ko namang lumaban pero wala akong magawa!" umiiyak na sabi niya. Kung alam lang nito ang sakit na nararamdaman niya araw-araw. Kung alam lang nito ang hirap na dinanas ng utak kung paano masolusyunan ang problema at makatakas.
"Wala kang magagawa? O wala kang ginawa?" Malamig ang boses ni LL na mas lalong nagpadagdag ng mga luha ni GV. Mas mabuti pa noong lalaki siya, hindi siya nasasaktan ng ganito. Mabuti pa noon, ang pagkamakulit lang ni LL ang problema niya. Mabuti pa noon, mahal siya ni LL.
"Kung ikinakasama ng loob mo na magkaanak na ang alaga kong pusa, bibigyan kita ng anak niya basta huwag ka lang magalit sa kaniya." Mas lalong humagulgol si GV sa pag-iyak.
"H-Hindi ko kayang alagaan ang anak ni Pitoy sa ibang pusa," sabi niya at pinahidan ang mga luha. "H-Huwag kang manhid, n-nasasaktan ako."
"Saan ka nasasaktan?" puno rin ng kalungkutan ang boses ni LL na nakatingin sa kaniya.
"Sa pusa. A-Ayaw ko lang talaga na may iba na siya, m-masakit!" napapasinok na siya pero tiningala niya ang kaharap nang humalakhak ito.
"B-Bakit?" nagtatakang tanong niya. Sarap batukan habang nakahawak pa sa tiyan nito.
"Mautot ka sana!" bulong niya. Ang lakas talaga ng tawa nito na nakakainsulto para sa kaniya.
"E kasi... Hahahaha!"
Ngayon lang niya ito nakitang humalakhak. Iyong totoong halakhak na napapaluha na talaga.
"K-Kasi ang lakas mong maasar kay Pitoy. Hahaha! Kawawang pusa, inaaway mo e wala naman itong kaalam-alam!" tawa pa rin ito nang tawa. "Kain tulog lang naman siya pero ngayong nakabuntis na siya, magagalit ka? Hahaha!"
Sumimangot ni GV. "Ano ang nakakatawa? Hindi na ako magtataka kung bakit naging salawahan ang pusa mo dahil pareho lang kayo! Sinungaling!" singhal niya kaya kulang na lang ay maglupasay ito sa harapan niya.
"Grabe ka naman Maye, galit ka talaga kay Pitoy?" Hindi talaga siya maka-getover sa mukha ng kaharap. Namumula na ito sa galit, parang dating GV lang na pikon.
"Hindi ka nakakatawa!" Naikuyom niya ang kamao. Kapag hindi pa ito titigil, tatadyakan na talaga niya ito kahit na nakapalda pa siya.
"Magmove-on ka na kasi sa alagang pusa ko," sabi ni LL na napatakip sa bibig para pigilan ang paghalakhak.
"Iyon ba ang gusto mo? Na mag-move on na ako kasi masaya na kayo ng pusa mo? I-Iyong ba ang makapagpasaya sa inyo?" naiiyak na tanong niya. Nakakatawa para rito pero ang sakit sa side niya. Para nitong sinasabi na siya na lang ang hindi pa naka-move on sa nangyari dahil sila, masaya na.
"K-Kung iyon ang gusto mo, huwag kang mag-alala, kakalimutan ko na kayo ni Pitoy," seryosong sabi niya saka tinalikuran ito.
"Mine!"
Napatigil siya sa narinig. Tama ba siya ng pagkakarinig? Hindi ba siya nabibingi? Tinawag siyang "mine" ni LL? Bumilis bigla ang pagtibok ng puso at dahan-dahang humarap dito.
"A-Ahm..." Nalilito ang mga mata ni LL dahil sa nasabi. Dumulas na lang ito bigla sa dila niya na hindi na niya nakayang pigilan.
"M-Mine, mine, mine, Delilah...
Mine, mine, mine, Delilah...
I could see that girl was no good for me... But I was lost like a slave that no man could free..." pagkanta ni Lance Leonard kaya napasimangot si GV at tinapunan ito ng masamang tingin. Akala na talaga niya, siya ang tinatawag nito.
"Ang sarap kumanta, videoke tayo mamaya!" yaya nito.
"Busy ako!" naiinis na sagot niya saka tinalikuran na ang mokong. "My Delilah 'yon!" Pagtatama niya. Akalain mo 'yon? Alam nito ang lumang kanta ni Tom Jones?
"Mine, mine, mine, Delilah...
Mine, mine, mine, Delilah..."
Narinig pa niyang kanta ni LL habang nasa malayo na siya. "Ugh! Kaasar ka talaga!"
Umurong na ang natitira niyang luha at napalitan ng pagkainis sa binata.
Nang pumasok siya sa classroom, nakaupo si Jiro at nakikipag-usap kina Marj at Mars.
"Bakit ganiyan ang hitsura mo?" tanong ni Jiro.
"Wala, may napanood lang akong hindi kanais-nais!" sagot niya at padabog na naupo sa tabi ng binata.
"Hmm? Mukhang hindi nga maganda ang napanood mo dahil sa hitsura mo," nakangiting sabi ni Jiro ang piningot ang maliit na ilong ng dalaga. Ang cute nito kapag magalit.
"Ano ba! Masakit Jiro!" reklamo niya at ginulo ang buhok ng binata.
"Not my hair, Maye!" natatawang saway nito at hinawakan ang mga kamay para hindi na manggulo pa.
"Ayieee. Ang sweet ng dalawa," tukso ni Mars.
"Oo nga," pagsang-ayon ni Marjorie.
"Hmmm? Tama na nga 'yan," saway ni GV dahil sila na ang pinagtitinginan. Marami na ang nakakapansin sa guwapong fiancé at madalas ay may mga nagpapapansin dito pero parang balewala lang sa binata.
"GV? Pasyal tayo mamaya bago kita ihatid sa bahay ninyo," bulong ni Jiro. Sa tuwing kasama niya ang dalaga, gumagaan ang pakiramdam niya. Hindi naman ito boring kausap at kahit paano, may mga kalalakihang napapalingon sa kanila dahil sa maamong mukha ng kasama.
"Bahala ka," sabi ni GV.
Hindi nakarating ang guro kaya naisipan nilang pumunta sa tree park pero habang nasa hallway, may tumatakbo palapit sa kanila, hinahabol ito ng limang lalaki.
"Tabi Jiro!" sabi ni GV saka hinila ito para tumabi.
"Ulol! Bumalik ka rito!" sigaw ng humahabol na may bitbit na paddle.
"Ano ang nangyayari?" tanong ni Jiro habang nakatingin sa mga estudyanteng lumagpas na sa kanila. Mayamaya pa ay nagsitakbuhan na ang iba dahil nakasalubong ng mga ito ang grupo ng hinahabol.
" Frat war," sagot ni GV. Sina Mars ay hindi na mahagilap ng kaniyang mga mata. Narinig nila ang pagpito ng papalapit na guwardiya at mga faculty para awatin ang nagrarambulan.
"Cheap!" bulong ni Jiro at napailing.
"Halika na, baka nandoon na ang dalawa sa tree park," yaya ni GV at hinawakan ito sa kamay. Papaliko na sila nang makitang paparating sina LL at ang mga mata ay nasa mga kamay nila ni Jiro na naka-holding hands.
Ipinagpatuloy nila ang paglalakad kahit na makakasalubong nila ang apat. Mukhang wala lang naman kay Jiro kaya nagpasalamat siya.
"Kawasaki!" tawag ni LL nang magkasalubong na sila. Tumigil si Jiro at hinintay ang susunod na sasabihin nito.
"Hindi ba't sinabi kong huwag kayong humarang sa daan namin kapag makasalubong ninyo kami?" maangas na sabi ni LL kaya napa-smirk si Jiro.
"Hindi ko alam na iyon ang patakaran ng school na ito. Hindi ba't pantay lang dapat ang lahat ng estudyante sa paaralang ito? May-ari man o hindi lalo na't nagbabayad naman kami ng tuition?" patanong na sagot ni Jiro kaya mas lalong namula sa galit si LL.
"J-Jiro, halika na," yaya ni GV dahil siya ang kinakabahan sa dalawa. Ang tatlong kasama ni LL ay parang wala lang ang nangyayaring sagutan.
"Gusto mong WASAKIN ko 'yang mukha mo?" galit na sabi ni LL kaya tinaasan siya ng kilay ni Jiro. Sa ilang araw na pagpasok niya rito sa CTU, napapansin niyang prinsipe kung ituring ng mga estudyante ang apat at kulang na lang ay yumukod ang mga ito kapag dumaan sila na hindi pabor sa kaniya.
"Wala akong panahon sa isip bata na katulad mo," walang modong sagot ni Jiro saka inakbayan si GV. "Huwag mo lang saktan ang fiancée ko dahil uunahin kong wasakin ang mukha mo," pagbabanta ni Jiro kaya mas lalong natakot si GV. Nakita na niya kung paano magalit at makipaglaban si Jiro noong nabastos siya sa Japan kaya ayaw niyang magkasalpukan sila ni LL dahil alam niyang walang kalaban-laban si Leonard.
"Subukan mo!" singhal ni LL at isang nakakainsultong ngiti ang ibinigay kay Jiro. "Fiancée? Ang tanong, mahal ka ba niyan?"
"Tama na! Pasensiya na kung hindi kami tumabi!" paumanhin ni GV at hinihila si Jiro palayo dahil pinagtitinginan na sila at baka sa kung saan pa mauwi ang bangayan ng dalawa.
"Paano kung mahal na ako ni GV? May problema ba sa iyo?" balik-tanong ni Jiro kaya si LL naman ang natigilan. "Kung nagmamahalan man kaming dalawa, wala ka na roon dahil sa dulo, ako pa rin ang pakakasalan at hindi ikaw!" Isang nakakainsultong ngiti ang ibinigay ni Jiro kay LL bago ito talikuran. Of course, bago pa man sila umuwi ng Pilipinas, alam na niya ang naging relasyon ng dalawa.
CHAPTER 75
Unedited...
"Kuya!" tawag ni GV sa dalawang kapatid na nasa mall nang makasalubong nila ni Jiro.
"Princess!" bati ni Dexter.
"Kuya naman! Nakakaasiwa ang princess!" reklamo ni GV.
"Bakit nandito kayo?" tanong ni Rico na nakatitig kay Jiro. "Baka kung ano na ang milagrong ginagawa mo sa kapatid namin ha!"
"Huwag ho kayong mag-alala, wala akong ginagawang masama kay Maye," nakangiting sagot ni Jiro at inakbayan ang dalaga. "Nirerespeto ko siya."
"Mabuti naman!" sagot ni Dexter.
"Mga kuya!" Napalingon sila nang may sumigaw sa kanilang likuran. "Nandito rin kayo, mga kuya?" tanong ni LL na kasama si Noona. Napa-poker face si Jiro nang mapansing todo ngiti si LL.
"Nandito ka pala, LL?" wika ni Dexter.
"Opo, si Noona pala," pagpakilala ni Lance Leonard.
"Ah... Mauna na kami," sabi ni Dexter. Galit sila kay LL pero matagal na iyon at napatawad na nila.
"Sige ho..." ani LL kaya hindi napigilang umarko ang kanang kilay ni GV.
"Bati na kayo ng mga kuya ko?" tanong ni GV.
"Oo, noong iniwan mo kasi ako, pabalik-balik ako sa bahay ninyo at nagmamakaawang sabihin kung nasaan ka pero ayaw nilang ipaalam. Ang sabi nila, kalimutan na raw kita dahil masaya ka na kasama ang mahal mo," nakangiting sagot ni LL kaya napalunok ng laway si GV. Iyon pala ang sinabi ng mga kapatid dito. "Kaya nang malaman ko iyon, binalikan ko ang mga eksena natin at naisip kong..." Tumawa ito. Tawa na alam niyang totoo, "Totoo ngang hindi mo ako mahal, hindi ko kasi naramdaman noon kaya ayun, sinubukan kong mag-move on pero inisip ko pa rin na baka mahal mo rin ako kaya bumalik ulit ako at ayun, ipinakita nilang masaya ka na nga kasama si Kawasaki kaya hinayaan na kita, tutal masaya ka na nga sa kaniya. Thanks kay Pitoy at Noona, natutunan ko na ring yakapin ang reyalidad na ganun talaga, iniwan mo na kami. At higit sa lahat, masaya ka na yata kaya kampante na rin ako." Gusto niyang matawa sa mga napagdaanan at kabaliwan noon. Para siyang tanga sa harap ng mga kapatid at ina ni GV, pero ngayong maayos na ang lahat pati puso niya, nakakatawa na siya.
Napakagat si GV sa ibabang labi. Araw-araw na lang ba siyang iiyak dahil sa nakikitang ngiti ni LL na alam niyang hindi na siya ang dahilan? Mga ngiti na kung ang dahilan man ay siya, iyong panahon namang nagpakatanga ito sa kaniya?
"Ang haba nu'n ah!" sabat ni Jiro at ngumisi sa kaharap. "Sana isinulat mo para ipadala natin sa MMK o Magpakailanman, baka sakaling mag-trending!" sabat ni Jiro. Kahit laking Japan siya, pusong Pinoy pa rin ang kaniyang ina at updated sila sa mga kaganapan dito sa Pilipinas.
"Tumigil kang pakialamero ka!" saway ni LL. Naiinis talaga siya sa pagmumukha ni Jiro. Maliban sa tinitilian din ito, palagi pa niyang katunggali sa lahat ng bagay. "Bumalik ka sa Japan bago ko pa mawasak 'yang pangit na mukha mo!"
"Siguraduhin mo lang dahil uunahin kong basagin ang bungo mo!" matapang na sagot ni Jiro. "Magdrama ka lang, sa mall pa! Pathetic!"
"Pakialam mo? Palibhasa wala ka nang ibang makuhang babae kaya nang-aagaw ka na lang!"
"L-Lance, tama na," saway ni Noona at kumapit sa braso nito. Mas nadagdagan pa ang pagkulo ng dugo ni GV kaya ipinulupot din niya ang mga kamay sa kanang braso ni Jiro.
"Bakit? Papalag ka?" tanong ni LL at nakipagtitigan kay Jiro. Kung hindi lang dahil sa dalawang babae, magsusuntukan talaga sila ni Jiro.
"Kung kinakailangan, papatulan talaga kita pero naaawa ako sa iyo, sa katawan mong 'yan? Ang alam mo lang, makipagsuntukan pero pustahan, hindi mo kayang makipagpatayan!" pang-iinsulto ni Jiro. Pinagtitinginan na sila ng mga tao dahil may kaniya-kaniyang babae na pumipigil sa kanilang mga braso.
"Hindi ko kayang pakipagpatayan pero kung mamatay man ako, para iyon sa taong mahal ko!" giit ni Lance na nangangati ang kamaong gustong dumapo sa nakakainis na pisngi ni Jiro.
"Drama mo masyado! Para kang inahing manok, putak nang putak!" preskong saad ni Jiro.
"Jiro? Videoke na lang tayo," yaya ni GV at hinila na palayo si Jiro dahil napansin niyang may papalapit ba guwardiya sa kanila. Hindi na siya lumingon pa dahil sa inis.
Bumili si Jiro ng isang daang token at pumasok sa silid na may lumabas na magbarkada.
"Kumanta ka ha," sabi ni GV at inabot sa kaniya ang isang song list.
"Ikaw na lang," sagot ni Jiro.
"Ikaw na, maganda ang boses mo e!" ani GV.
Bumukas ang pinto at pumasok sina LL at Noona.
"Haist! Bakit nandito kayo?" naiinis na tanong ni GV.
"Share lang dahil puno na ang rooms," sagot ni LL at inagaw ang hawak ni Jiro na song list. Si Noona naman ay naupo sa tabi kabilang upuan.
"Maghintay kayong matapos kami!" sagot ni GV at inagaw rito ang song list.
"Puwede namang maki-share dahil may pinagdaanan naman tayo bakit ayaw mo?"
"Puwede bang bigyan mo kami ng privacy?" Tumaas na ang boses ng dalaga dahil sa pagkapikon. "Ilabas mo na nga ang boyfriend mo!" Utos niya kay Noona.
"Ano ang masama kung nandito kami? Sanay namang maki-share 'yang si Jiro kaya okay lang," sagot ni LL.
"Labas na lang tayo, Jiro." Pagsuko ni GV.
"Bakit kayo lalabas? Huwag mong sabihing affected ka?" nakangising sabi ni LL kaya napapikit si GV para pakalmahin ang sarili. "Kanta ka na Noona, alam kong maganda ang boses mo," excited na sabi ni LL sa katabing dalaga. Si Jiro ay tahimik lang ang pinag-aralan ang reaksiyon ni GV na hindi na kumibo. Hindi naman siya manhid, alam niyang nasasaktan ang dalaga. Kahit pa sabihing naka-moved na ito kay LL, hindi maiwasang maiilang ito, kahit siya man sa sitwasyon ng dalaga.
"Kantahan na lang kita," sabi ni LL at pinahanap kay Noona ang nais kantahin. Nakatitig lang si GV sa dalawa na mukhang masaya.
" Ganoon ba kapag lalaki ka? Wala lang sa iyo kapag kasama mo ang past at present mo?" umiiyak na bulong ng puso niya. Naalala naman niya ang dating siya. Iyong tipong kahit na marami ang nagkakagusto at naghahabol na babae sa kaniya. Ang sarap ng pakiramdam noon, poging-pogi siya sa sarili. Iyong hindi na niya kailangang ligawan pa ang babae or kapag may nagustuhan siyang babae, siya mismo ang manligaw. Hindi kagaya ngayon, may nagugustuhan nga siya pero nahihirapan siyang iparamdam o ipaalam dito na mahal niya ito dahil babae siya.
"Sana ako na lang ang lalaki at si LL ang babae,"
bulong niya habang nakatingala sa binatang nakatayo na at kumakanta sa harapan ni Noona. " Para malaya kong aminin sa iyo na mahal kita kahit na mabasted pa ako."
Noong minahal niya si LL, sinubukan niyang baguhin ang sarili para hindi ito mapahiya at hindi magmukhang bakla pero ngayong nabago na niya ang katauhan, hindi naman puwede.
" Baka si Jiro talaga ang para sa akin," pakikipagtalo niya sa utak at nginitian ang binatang katabi na nakatitig lang sa kaniya.
Tumayo siya at inilagay ang isang token saka pinindot ang reserve button sa gustong kantahin.
Nang matapos na si LL, humarap ito sa kaniya at iniabot ang microphone.
"Ikaw na ang kakanta, Mine?"
Natigilan siya sa narinig. Nagkatitigan lang sila pero ang lakas ng dibdib niya. Baka na mali lang siya ng pagkakarinig kagaya kanina?
"'Yong mic GV, sa 'yo na, hindi ba't kakanta ka na?" Natauhan naman siya sa sinabi ni LL. Tama nga siya, mali lang talaga ang pagkarinig niya.
Inabot niya ang mic at pinandilatan ang binata. Ang hirap magpakababae, ang hina ng loob, palagi pang natatalo!
" If I were a boy, even just for a day
Id roll outta bed in the morning and throw on what I wanted then go
Drink beer with the guys
And chase after girls
Id kick it who I wanted
Id never get confronted for it
Cause they'd stick up for me"
Parang dati lang, sinasapak pa niya si LL at nakikipagbugbugan pa siya sa mga lalaki at kahit na ano'ng grupo, hindi siya natatakot, matapang siya e. Pero ngayon, parang pusang hindi marunong lumaban sa harap na tigre.
" If I were a boy I think I could understand
How it feels to love a girl
I swear Id be a better man
Id listen to her
Cause I know how it hurts
When you lose the one you wanted
Cause he's taken you for granted
And everything you had got destroyed
Ngayon lang niya lubos na naintindihan ang dating kasintahan na si Olivia. Na kahit sabihin pa niyang mahal niya ito noon, hindi pa rin pala sapat dahil ang totoo, siya ang unang nagloko. Kahit hindi pa man sila noon ni LL, alam niyang nahuhulog na ang loob niya noong nag-community service sila.
Si LL naman kasi! Kung hindi siya nito inakit at kung hindi lang sana ito nagpursiging maging babae ang puso niya, e di hindi sana siya nasaktan ng ganito. Mali lang ang pag-risk niya ng pagkatao.
Pagkatapos nilang kumanta, niyaya niya si Jiro na lumabas sila pero tila nang-aasar si LL, lumabas din ang mga ito.
"GV, kain tayo," yaya ni Jiro.
"Sige, gutom na rin ako," sagot ng dalaga.
"Sabay na kami ni Noona, kanina pa kami nagugutom," sabat ni LL kaya naikuyom ni GV ang kamao.
"Ano ba ang problema mo?" Pero kahit na ano mang gawin na pagsigaw ni GV, mukhang hindi ito tatalab kay LL.
"Nagugutom ako at gusto kong sumama sa inyo dahil masarap kumain kapag marami," sagot ni LL. Makahulugang nagkatitigan sina Noona at Jiro na parang mga alalay lang ng dalawa.
"Tara nyo na nga!" sabat ni Jiro.
"KFC tayo!" sabi ni LL, "Favourite 'yon ni GV!" makahulugang sabi nito at nginisihan si GV.
"Sige, na-miss ko rin ang KFC," sabat ni Noona at hinila na si LL kaya walang nagawa si GV kundi ang sumunod sa kanila.
" Nag-K-KFC din sila?" galit na bulong ni GV at sinundan ng masamang tingin sina LL.
Hinayaan na ni Jiro na sina LL at Noona ang um-order.
"Nasasaktan ka ba dahil ako ang kasama mo at iba rin ang kasama niya?" tanong ni Jiro na nakatingin kina LL na pumipila.
"A-Ano ba ang pinagsasabi mo?"
"Huwag ka nang magsinungaling GV, hindi ako bulag at hindi ako manhid," sagot ni Jiro na hindi inaalis ang mga mata sa maamong mukha ni GV.
"K-Kalimutan mo na, wala na iyon, tapos na kam--"
"Nasa tabi lang ba kita dahil sa utang ng daddy mo?" diretsahang tanong ni Jiro kaya umiwas ng tingin si GV. Nahihiya siya kay Jiro.
"Para sa iyo Maye, ano ba ang mas mahalaga? Ang buhay ng pamilya mo? O si LL?"
"A-Ano ang ibig mong sabihin?" kinakabahang tanong ni GV.
"I will drop all my subjects, babalik na ako sa Japan next week," pag-uumpisa ni Jiro. "Sasama ka sa akin sa Japan at mabuhay ang pamilya mo? O maiiwan ka pero lahat ng Lacson at pamilya mo ay papasin ng pamilya ko?"
"J-Jiro..."
"I'm sorry, Maye, ngayon pa lang, humihingi na ako ng tulong dahil wala akong magagawa, iyon ang gusto nila," malungkot na sabi ni Jiro.
"P-Puwede mo ba silang pakiusapan?" naiiyak na tanong ni GV.
"For what?"
"W-Wala..." Bawi ni GV. Kung sabagay, mukhang masaya na rin naman si LL kasama si Noona.

SheManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon