78-79

1.4K 42 0
                                    


SHEMAN
by:sha_sha0808 Ash Simon
CHAPTER 78-79
Unedited...
"Uuwi na ako," ani GV.
"Huwag, gusto kong magkasama pa tayo."
"Pero LL, hinahanap na ako sa amin."
Tumayo si LL kaya itinuon ni GV ang mga mata sa tv. Ayaw niyang makita ang hubad nitong katawan na kanina lang ay tinamasa ng kaniyang katawan.
"Alas dos pa lang ng madaling araw, mamaya na kapag nagising ang haring araw." Nang mamasyal sila, dito siya dinala ni LL sa pinakamalapit na beach hotel.
"Pero magagalit ang mga kuya ko." Kanina pa sila tumatawag pero pinatay ni LL ang cellphone niya. Hindi naman labag sa kaniyang kalooban ang pagsama. Kung puwede nga lang na tumakas na sila, gagawin niya.
"Sabihin mong magkasama kayo ni Jiro." Naupo si LL sa dulo ng kama at nanood ng tv. "Ano 'yan? Mickey Mouse clubhouse?" natatawang sabi niya at hinarap si GV na may takip ng kumot ang hubad na katawan.
"Kanina pa, ngayon mo lang napansin?"
"Sorry naman, Mine, alam mo namang wala akong ibang pinapansin kapag kasama kita."
"Nakuha mo na ako, nambobola ka pa!" Tinaasan niya ng kilay si LL. Umusog siya nang kaunti nang tumabi na naman ito sa kaniya at niyakap siya sa bewang.
"Alam mo bang masaya ako kasi kasama ko na ang mine ko?" sabi ni LL at masuyong hinaplos nito ang pisngi niya. "Dapat masaya ka rin."
"Masaya ako."
"Hindi ka masaya, nakikita ko sa mukha mo," pagtutol ni LL. Alam niyang may pumipigil dito kaya ngumiti siya.
"Bakit ganiyan kalapad ang ngiti mo?"
"E kasi, hahahaha!" Tumawa ito, "Mine? Natatawa ako sa 'yo!"
"Bakit ka matatawa? May nakakatawa ba?" Naiinis na siya. Kung alam lang ni LL ang problemang kaharapin nila, magagawa pa kaya nitong tumawa?
"Naalala ko lang kasi noong panahong una tayong nagkita, boobs mo talaga ang sumalubong da akin." Mas lalo pang lumakas ang pagtawa nito kaya hinampas na ni GV ng unan.
"Walang hiya ka talaga! Puro kamanyakan ang naalala mo!"
"E kasi..." Ibinaba ni LL ang kumot sa katawan ni GV at pinagmasdan ang maliit pero magandang bulkan sa harapan. "Hindi ko lang sila natititigan ngayon, nahahawakan ko na at napipisil?" Talagang ginawa nito ang nasa isip. Pinisil niya kaya napasimangot si GV.
"Pero Mine? Hayaan na natin ang nakaraan, gagawa tayo ng bagong memories, iyong masaya at kay sarap balik-balikan kapag tumanda na tayo."
Ngumiti si GV, tama si LL, gagawa sila ng memories para balang araw, may masasayang alaala siyang babalikan kapag magpakasal na sila ni Jiro. Na may maikuwento siya sa mga anak niya balang araw na minsan, nagmahal din siya.
"Quadruplets kami kaya baka apat din ang nabuo natin," wika ni LL habang hinihimas ang tiyan niya kaya mabilis na tinabig niya ang kamay nito. Nakalimutan niya, wala silang proteksiyon ni LL.
"H-Hindi puwede!" nataranta niyang sabi. "Hindi puwedeng m-mabuntis ako."
"Hindi ako baog kaya mabubuntis ka!" Gusto na talaga niyang gumulong sa tawa dahil takot na takot ang hitsura ni GV. "Ayaw mo ba ako ang magiging ama ng mga anak mo?" Bigla na lang gumihit ang hapdi sa puso niya. Paano kung iyon nga ang dahilan ni GV.
"Ikaw lang ang gusto ko at kahit na ano mang oras, handa akong magpabuntis sa iyo, LL, pero ang sitwasyon, magulo!"
"Iyon naman pala e. E di mabuntis ka na ngayon dahil nag-make love naman tayo at buo na si Baby."
"Hindi mo talaga ako naiintindihan," naiiyak na sabi ni GV.
"Naiintindihan kita, normal lang naman na matakot ka sa una," kampanteng sagot ni LL at muling niyakap ito.
"LL, alam mo ba ang kaharapin natin paglabas natin sa hotel na ito? Alam mo ba ang nag-aabang sa atin pagsikat ng araw?" Malungkot na sagot ni GV at nilalaro ang mabango at malambot na buhok ng binata na nagulo niya kanina habang naging isa ang katawan nila.
"Bagong umaga," puno ng galak na sabi ni LL kaya napapikit na lang si GV. "Bagong buhay, bagong relasyon, bagong pag-asa pero ang mahalaga, ako pa rin at ikaw." Napangiti si LL at parang batang kinikiliti dahil nakikita niya ang sariling may bitbit na mga bata habang tumatawa si GV na nakatingin sa kanila. Parang ang mommy Ann at Dylan lang nila noon.
"Sana dumating pa ang pag-asang iyon para sa ating dal'wa," bulong ni GV sa sarili at hinayaan na lang si LL sa gagawin nang muling inangkin ang mga labi niya at pumatong sa kaniya.
------------------
"Sino ba ang mga kasama mo at hindi ka nila hinatid?" tanong ni Jiro. Alas singko pa lang kanina nang magpasundo si GV sa kaniya sa isang resort sa Cavite.
Napasulyap si GV sa rearview mirror, nakasunod si LL sa kanila. Sana lang ay hindi mahalata ni Jiro.
"Mga friends ko," sagot niya. "Jiro? Puwede bang kapag kausapin ka mamaya nina Kuya, sabihin mong ikaw ang kasama ko?"
Tumawa si Jiro at napahampas sa manibela. "Kaya mo ako pinasundo sa iyo dahil gusto mong pagtakpan kita?"
"Jiro naman, ngayon lang 'to."
"Aminin mo muna kung sino ang kasama mo!"
"Friends ko nga last year, okay na kami."
Natahimik si Jiro kaya nakahinga siya nang maluwag.
"Bakit ayaw mong aminin na ang nagmamaneho sa kotseng nakasunod sa atin ang kasama mo?" Napakagat siya sa ibabang labi sa sinabi ni Jiro. Nabuko siya nito. "At sa pagkakatanda ko, ang quadruplets lang ang may ganiyang sasakyan sa Pilipinas?" Bagong modelo ng Toyota ang kotse na wala pa rito sa Pipilinas ang gamit ni LL.
"Kayo ang magkasama magdamag, 'di ba?"
"J-Jiro... Ahmmm..."
"Huwag mo nang ikaila, hindi ako tanga para hindi mahalatang may relasyon kayo at siya ang dahilan kung bakit hanggang ngayon, hindi mo ako kayang mahalin."
Pinabilisan ni Jiro ang pagpatakbo ng sasakyan pero si GV ay parang sinabugan ng bomba sa buong katawan. Paano kung isusumbong siya ni Jiro? Paano kung uurong ito sa kasal? Paano na sila?
"J-Jiro, huwag mong sabihin sa mga magulang natin..." pakiusap niya.
Ngumiti si Jiro nang tumigil ang sasakyan sa tapat ng bahay nila at hinarap siya. "Kapag ba sabihin kong ang kapalit ng lihim ninyo ay ang pagsama mo sa akin pabalik sa Japan, sasama ka ba?"
Napanganga si GV na nakatitig lang sa mukha ng binatang hindi niya mabasa kung ano ang iniisip nito.
"Hindi mo kaya? Hindi mo siya kayang iiwan?" tanong ni Jiro na sinusuri ang mukha ng dalaga. "Paano kung mabuntis ka? Sa tingin mo, mapagtakpan kita at akuin ko ang bata?"
Tama ito. Ang guwapo at yaman nito para lang akuin ang responsibilidad na hindi naman para sa kaniya. Isa pa, sobrang daming babae na handang mag-alay ng sarili rito.
"Alam kong hindi na virgin ang fiancée ko, sa tingin mo, tatanggapin ka pa ba ng pamilya ko kapag malaman nila na may nakauna na sa iyo?"
"H-Hindi ko alam kung paano malulusutan ito pero Jiro, mahal ko siya," umiiyak na sabi ni GV. "M-Mahal ko si LL at handa akong ibigay ang sarili ko sa kaniya."
"How about your family?" nakataas ang kilay na tanong ng binata.
Hindi makasagot ang dalaga. Iyak lang siya nang iyak na para bang makatulong ito para maibsan ang sakit na nadarama.
Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Jiro bago magsalita, "Inalam ko ang family status ng mga Lacson at ayun sa kasaysayan, sila ang pinakamakapangyarihang pamilya sa bansa..." Sinulyapan niya ang dalaga na nakayukong umiiyak. Kahit paano, naaawa siya rito. Alam niyang labis na itong nasasaktan sa mga nangyayari at desisyon nila.
"...pero iyon ay noong nabubuhay pa ang lola nilang si Patch," makahulugang sabi ni Jiro. Sila ang pinakamayaman sa Japan at ang yaman ng mga magulang ni Lance ay nangangalahati lang sa kanila. At kung pipiliin niyang manirahan sa Pinas at makipag-compete sa quadruplets, masasapawan niya ang mga ito.
"S-Sasama na ako sa iyo sa Japan, tatapusin ko lang ang semester na ito," mahinang sagot ni GV habang tinatanggal ang seatbelt. Bababa na sana siya pero nagsalita si Jiro.
"Naniniwala ka bang may ginto sa dulo ng bahaghari?"
"H-Hindi ko alam... Parang wala naman."
"Paano mo nasabi?"
"Hindi ko pa nakita... Haka-haka lang iyon!" sagot ni GV at binuksan ang pinto. "Gusto mo bang hanapin natin ang dulo ng bahaghari para magkaroon tayo ng maraming ginto at mas lalo kayong yumaman?"
"Why not?" nakangising sabi ni Jiro.
"Sira ka rin pala, Jiro!" napailing na sabi ni GV.
"Wala namang masama kung subukan natin, 'di ba?"
"Huwag mo akong idamay sa kalokohan mo, Jiro! Hanapin mo ang dulo ng bahaghari at nang malaman mo ang sagot sa kalokohan mo!" May tupak din ang fiancé niya para maisip ang bagay na iyon.
"Mayaman na kami, Maye, ikaw na lang dahil mukhang kailangan mo iyon para mabayaran ang utang ng ama mo sa amin!"
Natigilan na naman si GV sa sinabi nito at napabuntong hininga. "Para mo na ring sinampal ako ng katotohanang napaka-impossibleng makahanap kami ng pambayad sa utang namin sa inyo." Wala na nga siyang choice kundi ang sumama rito.
"Parang ganoon na nga!" nakangising sagot ni Jiro.
"Sabi ko nga!" ani GV at bumaba na.
Napailing na lang si Jiro habang pinagmasdan ang dalagang pinagbuksan ng katulong ng gate.
Binuksaan ni Jiro ang bintana ng sasakyan saka nag "fuck you" sign kay LL na nasa malapit lang.
CHAPTER 79
Unedited...
"Ang saya mo yata?" puna ni Jacob habang naglalakad sila ni LL papasok sa classroom.
"Ang aga mo rin yatang nagising?" puna rin ni LL. Sa kanilang apat, ito talaga ang palaging huli sa balita dahil palaging late na kung magising.
"Wala ka na roon! Ang sarap kaya matulog!"
Pagpasok nila sa classroom, ganoon pa rin ang ngiti ni LL na para bang baliw pero hinayaan na lang niya. At least ngayon, alam na nilang may rason kung bakit ngumingiti si LL. Hindi kagaya noon, pusa lang ang kinakausap.
"Nasaan na pala ang alaga mo?"
"Kay Noona, binabantayan ang mag-ina niya." Mahigit isang buwan na silang palihim na nagkikita ni GV at masasabi niyang nasa maayos na ang lahat pero nakikiusap ang dalaga na huwag ipaalam ang relasyon nila dahil mas gusto raw nito ng privacy.
"Damn! Mabuti pa ang pusa, may love life!" bulong ni Jacob at napailing sa ka-cornihan ng kakambal.
"Inggit ka sa pusa ko?"
"Solohin mo 'yang pusa mo! Para kang ewan!" naiinis na sabi ni Jacob.
"Ano 'yan?" tanong ni LL kina Lee Patrick at John Matthew na nilalaro ang buhok ni Hael na natutulog.
"Ayaw niyang magising, baka patay na," sabi ni John Matthew.
"Hayaan ninyo siya, e di mabuti!" wika ni Jacob at naupo sa tabi ni John Matthew.
"Alam mo, nami-miss ko na si Lola Patch," malungkot na sabi ni LL kay Lee Patrick kaya natigilan ang mga ito. Sila man ay wala nalulungkot din at may mga times na naaalala nila ang matanda.
"Ako rin," saad ni John Matthew.
"Kapag buhay si Lola Patch, ano kaya ang gagawin niya sa atin kapag malaman niya ang kalokohan natin?" natatawang sabi ni Jacob.
"Malamang ratratin ka ng bala dahil sa kalokohan mo!" sabat ni Lance Leonard.
"Hindi naman," reklamo ni Jacob. "Mas uunahin niya si JM dahil sa ginagawa niya sa mga babae lalo na kay Jaffy."
"Uy, friends na sila ni Jaffy," nakangising sabi ni Lee Patrick.
"Shutup!" salubong ang kilay na saway ni John Matthew. Kung ano man ang meron sa kanila ni Jaffy, ayaw na niyang pag-usapan.
"Jacob, alam kong may kinupit kang pera kay Mommy, aminin mo!" wika ni Lee Patrick.
"Wala!"
"Ikaw ang kumuha?" tanong ni LL dahil pinatawag siya ng ina kanina.
"Oo na! Nasira kasi ang motor ko kaya pinaayos ko, ayaw naman akong bigyan ni Daddy!" pag-amin ni Jacob.
"Alam mo bang kapag buhay si Lola Patch, ibibitin niya tayong apat dahil sa ginawa mo?" sabi ni Lee Patrick kay Jacob.
"Pero wala na si Lola Patch at kaunti lang naman ang kinuha ko, parang pambayad lang e! Okay lang 'yon kay Lola Patch," sagot ni Jacob at malakas na sinipa ang upuan ni Hael para magising.
"Ouch!" reklamo niya nang malakas na binatukan siya nito sa ulo.
"Jacob?" bulalas ni Hael nang makita siya. "H-Hindi ko sinasadya," paumanhin niya at napakagat sa ibabang labi nang makitang umusok ang ilong nito.
"Bitiwan ninyo ako!" sigaw ni Jacob nang hawakan siya ng mga kapatid sa kamay pero ang mga paa niya ay sinusubukan niyang masipa si Hael. "Puputulan ko talaga ng ulo ang babaeng 'yan!" Nagkatinginan na ang mga kaklase nila pero wala siyang pakialam basta makaganti lang siya kay Hael sa pananapak nito.
"Hael, doon ka na sa unahan maupo," pakiusap ni Lee Patrick kaya nataranta namang lumipat si Hael ng upuan.
"Bakit ba kasi siya talaga ang nasa harapan ko," bulong ni Hael at pasimpleng binatukan ang sarili.
Mabuti na lang dahil nasalba siya nang dumating ang guro kaya nakahinga siya nang maluwag pero alam niyang sinasaksak na siya ng mga mata ni Jacob sa likod.
Pagkatapos ng klase, naunang lumabas si Hael dahil pinigilan pa nina LL si Jacob.
"Bitiwan nga ninyo ako!"
"Bakit mo ba kasi ginigising ang tao?" tanong ni Lee Patrick.
"Pakialam n'yo?" galit na sabi ni Jacob.
"Mine!" sigaw ni LL nang makita si GV na kakalabas lang. "Mine ko!"
Lahat ng estudyante ay napatingin sa binata. Tumakbo si LL at lumapit kay GV. "GV, hindi mo ba ako narinig?" tanong niya nang nasa harapan ng kasintahan at mabilis na ginawaran ito ng halik sa kanang pisngi.
"Sabi ko na nga ba e! Siya talaga si GV!" wika ng isang estudyante.
"Hala! Bumalik na siya? Hindi ba't siya ang kasintahan ng cute na transferee?"
"Oo nga! Kaya siguro ini-drop ang lahat ng subjects dahil nalaman niyang niloloko lang siya ni GV?"
"Shit! Hindi ko talaga napansing siya si GV."
"Malandi talaga! Baka wala nang mahuthot da isa kaya bumalik siya kay GV!"
"Paano na si Noona? Mas bagay sila ni LL!"
Kagaya ng dati, kahit na gustuhin man ni GV na isa-isahing sapakin ang mga ito, wala siyang nagawa kundi hayaan na lang silang pagpiyestahan na naman siya.
"Mine? Saan tayo pupunta?" excited na tanong ni LL habang sinusundan ang nagdadabog na kasintahan.
"Hindi ba't sabi ko sa 'yo, huwag muna nating ipaalam?" sumbat niya sa binata dahil hindi niya akalaing ito ang gagawin ni LL.
"Pagod na kasi akong magtago at ano ba ang pakialam nila? Nagmamahalan tayo kaya hayaan mo na!"
Sumakit na naman ang ulo ni GV dahil sa katigasan ng kasintahan.
"Bakit ba hanggang ngayon, matigas pa rin ang ulo?" singhal niya nang pagliko ay wala nang tao.
"Hindi ko maipasok kapag malambot!" pilyong sagot ng binata kaya namula na naman sa galit si GV. "Huwag ka na kasing magalit, gusto kong malaman ng lahat kung gaano kita kamahal at kung gaano tayo katibay kahit na ayaw nila sa atin."
"Bahala ka!" ani GV at dumiretso sa canteen.
"Dito na tayo sa labas maupo, marami na ang tao sa loob," sabi ni LL at hinila ang isang silya sa isang table. Naupo si GV. Inutusan ni LL ang napadaang neophyte na bumili ng pagkain sa loob.
"Sabi ni Mommy, bisita ka raw next week dahil magkaroon kami ng reunion," sabi ni GV.
"B-Baka busy ako..." pagdadahilan ni GV. Nahihiya siyang sumama kay LL lalo na kapag family gatherings ang pupuntahan. Pakiramdam niya ay hindi siya karapat-dapat na maging Lacson.
"Alam mo bang inihian ni Pitoy ang tsinelas ni Daddy kaya buong araw niyang hina-hunting ang pusa ko?" natatawang sabi ni LL at ikinuwento kay GV ang mga kalokohang ginawa ng pusa noong wala ito. Tawa naman nang tawa si GV kaya napangiti si LL habang nakatingin sa dalagang nakaputing sombrero, pantalon at puting tshirt katerno ng puting sapatos kaya may pagka-boyish tingnan habang nakataas ang kanang paa sa upuan.
"Mine? Mas bagay sa iyo ang ganiyan," sabi ni LL kaya tumigil si GV sa pagtawa. "Kapag ganiyan ka, lumalabas ang pagiging natural mo, ang tunay na ikaw."
"P-Pero nag-iba na ako..." malungkot na sabi ni GV. Hindi ito ang gusto ng ama na porma niya. Nasusuot lang niya ang ganito dahil wala ang ama sa Pilipinas.
"Humaba lang ang buhok mo pero ikaw pa rin ang GV na minahal ko," giit ni LL at nginitian ang dalaga. Hanggang ngayon, hindi pa rin siya makapaniwalang nasa harapan na niya ito. Nakikita. Nakakausap. Nayayakap. "Ikaw pa rin ang mine ko," puno ng pagmamahal na sabi niya kaya napayuko si GV dahil marami ang nakatingin sa kanila. Sa bawat araw na nagdaan, pinaparamdam ni LL na siya ang pinakamagandang babae sa buong universe. Kung sabagay, noon pa man ay ipinaparamdam na ni LL sa kaniya.
"M-May nangyari ba sa inyo ni Noona?" Hindi na niya napigilang itanong. Wala namang nakakarinig sa kanila dahil malayo ang mga estudyante. Takot lang nila kay LL.
"Bakit mo natanong? Selos ka Mine?" todo ngiting tanong ni LL sa dalaga. "Uy, selos ang mine ko!" Hinuhuli pa niya ang mga mata ni GV pero pinandilatan siya ng dalaga.
"Kung ayaw mong sagutin, huwag mong sagutin! Magsama kayo ng Noona mo!" Nanggigigil na sinipa niya si LL sa paa pero tatawa tawa lang ang binata. "Alam ko namang mahal mo talaga si Noona!"
"Mas mahal kita!"
"E di mahal mo nga siya!"
"Bilang kaibigan lang talaga. Ikaw pa rin ang mahal ko mula nang makilala pa kita!"
"Mahal mo si Noona at may nangyari na sa inyo habang wala ako," naiiyak na sabi ni GV. Siya namannang nang-iwan kaya may karapatan si LL na magkarelasyon at makipagtalik sa iba pero nasasaktan pa rin siya.
"Nagseselos talaga ang mine ko, ang cute mo eh!" tukso na naman ni LL pero sumeryoso nang mapansing hindi na umimik si GV at pinipigilan lang nito ang mga luha.
"Mine? Huwag kang mag-alala, kahit nasa malayo ka, tapat pa rin ako at hindi ko nagawang makipag-body bonding sa iba."
"Y-Yung totoo?" Nagdududa pa rin si GV. Ayaw lang siguro niyang tanggapin na pagkatapos sa kaniya ay mayroon pang iba.
"Ang lalaking tapat, marunong magtiis kay Maria Palad!" sagot ni LL. Wala talagang nangyari sa kanila ni Noona, hindi niya kaya dahil kay GV lang siya. "Mahal kita kaya noong nasa malayo ka, okay na ako sa pag-masturbate."
"Maniwala ako!" Tinaasan siya ng kanang kilay ng dalaga.
"Oo nga, kahit na araw-araw akong nagtitiis sa mga kamay ko, hindi ako magrereklamo basta nanatili lang akong tapat sa 'yo."
"Araw-araw talaga?"
"Araw-araw naman kitang naiisip."
"Paano kung gusto kong ihiling na oras-oras? Minu-minuto?"
"Grabe ka naman, i-literal mo talaga ang mga sinabi kong pag-masturbate? E di puso ko na lang ang mag-masturbate minu-minuto, segu-segundo."
Wala nang umimik sa kanila at parehong nahulog sa malalim na pag-iisip. Parang hindi naman yata tama na kamanyakan ni LL ang pag-uusapan nila pero nagiging kampante si GV sa ganitong usapin kapag silang dalawa lang ang nag-uusap.
"Maye!" tawag ni Jiro na papalapit sa kanila.
"Jiro!" bati ni GV at tumayo. Ang mga nasa paligid ay hindi napigilang tumili nang muling makita ang binata.
"Ba't nandito ka?" nakasalubong ang mga kilay na tanong ni LL.
"Pinupuntahan ko si GV, bakit?"
"Ano ang kailangan mo sa kasintahan ko?" tanong ni LL.
"Kasintahan mo?" napa-smirk si Jiro, "Pero fiancée ko siya."
"Fuck you! Ako ang mahal niya!" singhal ni LL kaya napalapit sina Jacob at John Matthew sa kanila.
"Ikaw nga ang minahal pero hindi ka pinaglaban?" nakangising tanong ni Jiro. Nag-eenjoy siya sa reaksiyon ni LL dahil sobrang pikon nito.
"J-Jiro, usap muna tayo," yaya ni GV at hinatak ang braso ni Jiro dahil baka magsapakan ang dalawa. Si LL ay pinipigilan na ng dalawang kapatid.
"Papatayin talaga kita!" gigil na gigil na wika ni LL.
"Subukan mo dahil hindi ka pa nakaporma, sisiguraduhin kong natamaan ko na ang vital organs mo!" pagbabanta ni Jiro kaya nataranta si GV at hinila na palayo ang fiancé.
"Mag-usap na lang tayo mamaya, LL," sabi ng dalaga.
Nang tumalikod sina GV, itinaas ni Jiro ang naka-holding hands nilang kamay ni GV dahil alam niyang nakatitig si Lance Leonard sa kanila.
"Bitiwan ninyo ako! Lintik ka Jacob! Papatayin ko ang hambog na 'yon!" Napailing si Jiro nang marinig pa niya ang sigaw ni LL na pinipigilan ng mga kapatid.

"Bitiwan ninyo ako! Lintik ka Jacob! Papatayin ko ang hambog na 'yon!" Napailing si Jiro nang marinig pa niya ang sigaw ni LL na pinipigilan ng mga kapatid

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


SheManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon