34-35

1.3K 46 0
                                        


SHEMAN

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 34-35

Unedited...
"Baby?" malambing na tawag ni Ann kay LL nang pumasok ito. Sinalubong niya ang anak habang bitbit ang shake na ginawa niya. "Gusto mo ng shake? Gagawan kita..."
"Huwag mo akong tawaging 'baby', Mom!" singhal ni Lance Leonard kaya napahawak si Ann sa dibdib sa pagkagulat. Ang ganda ng modo niya dahil sa flowers na ibinigay ng asawa pero heto ngayon ang anak, sininghalan siya. As in sininghalan talaga siya!
"M-May mali ba a-ako?" nauutal na tanong siya pero nilagpasan lang ng anak. Sumipsip siya sa straw ng mango shake at nanlaki ang mga mata. Hindi makapaniwala sa anak.
"S-Si Lance Leonard ba talaga siya?" nagdududang tanong ni Ann.
"Baby? Bakit ganiyan ang mukha mo? Bakit parang takot ka?" malambing na tanong ni Dylan na kakalabas lang sa elevator. Nakatulog pala siya dahil sa sobrang pagod. Pagod dahil sa body bonding nila ng asawa.
"S-Sabihin mo nga sa akin. Si LL ba talaga ang umaakyat sa hagdan?" nangingilabot na tanong ni Ann sa asawa.
"Bakit, Baby? Himala na ba na hagdan ang gamitin ng anak natin?"
"S-Siya ba talaga?" naiiyak na tanong ni Ann.
"Baby? Ano ba ang nangyari? May ginawa ba sa iyo ang batang iyon?" Umiba na ang mukha ni Dylan. Huwag lang magkamali ang anak dahil makikita nito ang hinahanap kapag sinaktan si Ann.
"W-Wala. Hindi ko lang k-kasi inaasahan na hagdan ang gamitin niya. Nakakapanibago." Sinisikap niyang huwag maiyak. Kapag magsumbong siya, baka kung ano pa ang gagawin ni Dylan sa anak at hindi niya makakayang makita ang anak na pinapagalitan ng ama.
"Sus, nakakagulat ba? Baka may problema. Ganoon naman talaga siya kapag may kinaiinisan. Hagdan ang ginagamit sa pag-akyat," ani Dylan na tila nabunutan ng tinik sa dibdib. Akala niya kung ano na.
"T-Tara na ulit sa kuwarto, body bonding tayo," yaya ni Ann. Saka lang niya na-realized ang sinabi. "H-Hindi pala..." Huli na nag lahat. Nagniningning na ang mga mata ni Dylan na nakangiti sa kaniya.
"Baby? Tara, body bonding tayo," bulong ni Dylan saka hinapit siya sa bewang. Baka may makarinig na katulong sa kanila at pagalitan pa siya ng asawa.
"Sige na nga!" nakasimangot na pagpayag ni Ann. Nasabi na niya e. Baka isipin nito, wala siyang isang salita. Inakbayan si ni Dylan at iginiya patungo sa elevator. "I love you, baby ko. Kahit na abutin pa tayo ng magdamag sa pagbo-body bonding, hindi ako magsasawa sa 'yo." Si Ann lang naman ang palaging sumusuko sa kanilang dalawa. Sinisigurado kasi niya na hindi ito mabitin at mauna itong makarating sa rurok bago siya.
"Mommy!" Kulang na lang ay malaglag ang panga ni Dylan sa pagtawag ng tatlong anak na papasok sa bahay.
"Haist! Pag minamalas ka nga naman!" reklamo niya at naiinis na humarap sa mga anak.
"Oh! Ano ang kailangan ninyo?" tanong ni Dylan na niyakap si Ann mula sa likuran at nakatingin sa mga anak.
"Saan kayo pupunta?" tanong ni Jacob. Iba ang kutob niya sa reaksiyon ng dalawa. Iyong may milagrong gagawin sa madilim na silid pero biglang may nag-on ng ilaw.
"Pakialam ninyo? Haist! Maligo na nga kayo! Ang babaho ninyo!" Tinakpan ni Dylan ang ilong dahil amoy imburnal ang magkapatid.
"Mommy? Paliguan mo kami. Sige na po," paglalambing ni Lee Patrick na ikinasimangot ng kanilang ama.
"Ang tatanda niyo na!" ani Dylan.
"Ikaw nga, nagpapaligo pa kay Mommy," sabat ni Jacob.
"Mag-asawa naman kami!"
"Ay, anak naman kami kaya okay lang 'yan!" depensa ni John Matthew.
"Teka lang, ano ang ginawa ninyo kay LL at mukhang nag-alburuto ang kapatid ninyo?" Pag-iiba ni Dylan mg usapan. Mahiral makipagbangayan sa apat lalo na kapag nagtutulungan ang mga ito.
"Malay ko," ani Jacob. Wala talaga siyang kaalam-alam sa mga nangyayari. Kanina pa nga siya nagtataka sa mga ikinikilos ng tatlo. "Ang sabi niya, iihi lang siya pero hindi na nakabalik." Nawalan na rin sila ng gana nang hindi kumibo si GV at walang pasabing umalis na sa barangay hall kaya umuwi na lang sila.
"Dad? Hinalikan na ni JM si GV sa harapan namin," sumbong ni Lee Patrick sa mga magulang. Sakto namang lumabas si LL sa elevator kasama si Anndy. Naka-swimming trunk lang ito at may nakasampay na puting tuwalya sa balikat.
"Waaaah! Talaga? Nag-kiss na kayo ni GV? Kayo na? Magiging manugang ko na siya?" tili ni Ann at tinakbo ang anak para yakapin. "Proud ako sa 'yo, JM! Ayieee... Kayo na ni GV. Nag-kiss na kayo!" kinikilig na sabi ni Ann.
"Siya ang nag-kiss. Hindi naman ginusto ni GV iyon!" sabat ni Lance Leonard. "Pag nag-kiss, kayo na kaagad?"
"Selos ka?" matapang na sabat ni JM.
"Para ano?" Hindi rin patatalo si LL sa titigan kay JM. Hindi siya uurong. Tila may invisible na kuryenteng kumikislap sa pagitan ng dalawa dahil sa kanilang mga matang nagliliyab.
"Hindi mo ba matanggap na ako ang nagustuhan ni GV at hindi ikaw?" panunuya ni JM. Palipat-lipat ang mga mata ng pamilya sa dalawa at naguguluhan.
"Matatanggap ko lang kung sabihin niya mismo na ikaw ang pinili niya at hindi ak-- Si Bolivia!" Umiwas ng mga mata si LL at pinasalubong ang mga kilay.
"Teka lang, may gusto ka rin ba kay GV, LL?" pumagitna si Dylan sa dalawa dahil mukhang magsapakan na ang mga ito.
"Wala! Bakit ako magkakagusto sa tomboy na iyon?" Sabay talikod niya sa mga ito.
"May gusto ka! Aminin mo na kasi, bro," ani Lee Patrick.
"Bakit ba pinagkaisahan ninyo ako?"
"Tod deny ka kasi!" sabat ni Jacob. Halata naman pero todo deny pa ito.
"Maliligo na ako!" Binilisan na ni LL ang paglakad palayo sa mga ito bago pa siya magwala. Pinagkaisahan talaga siya ng pamilya.
"May gusto si LL?" hindi makapaniwalang tanong ni Jacob kay Lee Patrick. Ngayon lang nag-sink in sa utak niya ang mga nangyayari. "Nagseselos siya kanina."
"Psh! Pagsabihan ninyo si LL dahil baka makalimutan kong kapatid ko siya!" Padabog na naglakad si JM patungo sa elevator.
"Dylan? May gusto ba talaga si LL?" napakapit si Ann sa braso ng asawa. Hindi niya alam kung matutuwa siya o hindi lalo na sa nakita niyang titigan ng magkapatid kanina. Nakakabahala.
Isinampay ni LL ang tuwalya sa upuang nasa gilid ng pool at nag-dive. Mainit ang ulo niya! Kumukulo ang dugo!
"Psh! Kaasar sila!" bulong niya at binilisan ang paglangoy gamit ang free style. Nang hindi makuntento ay nag-butterfly at nag backstroke siya hanggang sa mapagod.
"Kainis!" Malakas na inihampas niya ang kamay sa tubig at sumisid sa pinakagitna ng swimming pool. Iminulat niya ang mga mata at hindi umahon hanggang sa makakaya ng kaniyang hininga.
"Baby LL, b-buhay ka pa ba, anak?" naiiyak na tawag ni Ann. Nakikita niyang nasa ilalim ito ng tubig.
Umahon si LL at hinahabol ang hininga. Kahit ang mabilis na pagtibok ng kaniyang puso ay nararamdaman niya.
"Bakit nandito ka, Mom?" tanong niya at lumangoy sa gilid ng pool. Naupo ang ina at inilublob ang mga paa sa tubig.
"Baby? Tapatin mo nga ako, may gusto ka ba kay GV?" malumanay na tanong ni Ann. Natatakot siyang baka masinghalan ulit ng anak. Hindi talaga niya matatanggap iyon. "Huwag mo akong taasan ng boses. Isusumbong kita sa Daddy mo," pagbabanta na niya bago pa sumama ang loob niya.
"Bakit mo natanong, Mommy?" isinandig niya ang likod sa pool side at tumingala sa kalangitan.
"K-Kasi... Gusto rin siya ni JM," nabahalang sagot ni Ann.
"Kapag ba gusto ng kapatid mo ang isang tao, magpaparaya ka na?" makahulugang tanong ni LL. Natigilan si Ann. Unang minahal ng asawa si Yna--ang kapatid niya pero ngayon, siya ang asawa ni Dylan. Mangyayari ri kaya kina LL at JM ang nangyari sa kanila ni Yna? Pero hindi naman niya minahal si Dylan noong sila pa ng kapatid niya. Umusbong lang ang pagmamahalan nila matapos silang ikasal.
"G-Gusto mo rin ba si GV?"
"Hindi ko alam..." naguguluhang sagog ni Lance Leonard at tumingala sa ina. Humihingi ng tulong ang kaniyang mga mata. Litong-lito na talaga siya sa nararamdaman.
"Ano ba ang nararamdaman mo para kay GV?" usisa ni Ann.
"Wala. Natutuwa akong asarin siya dahil ang pikon niya," napangiting sagot ni LL. Namumula pa talaga si GV sa tuwing inisin niya lalo na kapag maghamon ito ng suntukan.
"Tapos?"
"Ahm..." nag-iisip pa siya. "'Yon nga po. Gusto ko siyang asarin palagi. Iyong halos lalabas na ang kaluluwa niya dahil sa galit."
"Mahal mo ba siya?" Nakatitig lang si Ann sa maamong mukha ng anak. Dati, ang liliit pa nila pero ngayon, binata na. Ang dali lang lumaki ng mga bata at tumatanda na rin sila ni Dylan.
"Ewan ko. Basta mommy..." nakasimangot na tumitig siya sa mukha ng magandang ina. "Naiinis ako kapag may kausap siyang iba! Naiinis ako kapag may ibang mang-asar sa kaniya! Naiinis ako dahil hinalikan siya ni John Matthew! Dapat ako lang!" parang batang inagawan ng laruan ng kapatid na sumbong niya sa ina. Ilang beses pang kumurap si Ann dahil baka magbago ang facial expression ni Lance Leonard pero wala. Namumula talaga ito sa galit.
"Mommy?" pagpukaw niya sa ina dahil natulala ito. "May gusto na ba ako kay GV kapag ganito ang nararamdaman ko?" para itong batang nagtatanong kung may binebenta ba talagang manok sa Mang Inasal.
"M-May gagawin pa pala kami ng daddy mo, LL." Tumayo si Ann.
"Hindi mo ba sasagutin ang tanong ko, Mommy?" nakakunot ang noong tanong ni LL.
"Anak, magbo-body bonding pa kami ng daddy mo," paalam niya. Mas gustuhin pa niyang ipaalam sa anak na ganoon ang gagawin nila ng asawa kaysa sa sagutin ang tanong nito. Of course, alam niya. Romance reader siya sa mundo ng Wattpad kaya hindi siya puwedeng magkamali. Isa pa, ina siya. Alam niya ang saloobin ng mga anak kahit na hindi sila umamin. Natatakot siya sa puwedeng mangyari kina LL at JM dahil sa kasamaang palad, naging magkaribal ang magkapatid pagdating sa pag-ibig!

SheManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon