30-31

1.2K 40 0
                                    


SHEMAN

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 30-31

Unedited...
Lahat ng atensiyon ay natuon kay GV nang bumaba siya sa sasakyan matapos pagbuksan ni JM. Nasa loob na ng gym ang mga kapatid.
"Artista ba sila?" tanong ng babaeng mataba na nasa kuwarenta na ang edad.
"Ewan ko. Baka..." sagot ng isa.
"Pasok na tayo, GV," yaya ni JM at hinawakan siya sa siko dahil nang humakbang siya pasulong ay naapakan niya ang damit sa unahan.
"Bitiwan mo ako!" nanggigigil na sabi niya. "Yung totoo, JM? May gusto ka ba talaga sa akin? O gusto mo lang na ipahiya ako?" kasing talim ng bagong punyal ang titig na ibinato ni GV sa binata saka hinatak ang suot para makapaglakad at hindi sumayad sa lupa. Mabuti na lang dahil nakasapatos siya. Kung pinasuot pa siya ng high heels, baka kanina pa sumubsob ang mukha niya sa cemento.
"Sorry naman. Hindi ko inakala na ito pala ang pupuntahan natin," paumanhin ni JM. Akala niya, party ito pero pagpasok sa gym, mga lumang plastic chairs ang bumungad sa kanilang mga mata na may mga matatandang nakaupo rito. May mga batang naghahabulan pa sa paligid.
Nalaman niyang dadalo ang isang celebrity kaya buong akala niya, pabonggahan silang mga bisita kaya todo porma naman silang magkapatid pero ito lang pala ang madadatnan.
Dinala sila ng barangay kagawad sa isang table na nasa gilid ng stage at binigyan ng silya para maupo. Magkahilera silang lima sa isang table habang nasa kabilang side ng gym ay mga staff ng DSWD na naghahanda na ng pagkain.
"Nakakahiya ka! Agaw-pansin!" bulong ni LL sa kaniya na ikinainis niya. Kanina pa siya parang pagong na gustong magtago sa sariling bahay sa ayos niya tapos pinaalala pa sa kaniya ng katabi. Kinalabit naman siya ni JM kaya hinarap niya ito.
"Maganda ka sa suot mo," puri nito at nginitian siya. Para siyang isang tao na napagitnaan ng dalawang demonyong nagtatalo. Iyong tipong sinasabi ng isa na pula ang kulay ng paligid ng impyerno at sa isa naman ay ayaw magpatalo dahil itim talaga.
Nang matapos ang program, tumayo ang apat para magtulong sa pamimigay ng pagkain.
"Dito ka lang! Mahiya ka naman sa ayos mo!" Ikinakahiya talaga siya ni LL. Kung hindi lang dahil sa mga tao, kanina pa niya ito sininghalan para umalis sa harapan niya. Nagmumukha itong hito sa dagat. Hindi nababagay.
Nauna na sina Jacob at Lee Patrick dahil may pasok pa sila mamayang alas diyes.
"Dito ka na lang, GV," sabi ni JM, "Baka mahirapan ka sa suot mo."
"Wow, akalain mo 'yon? Naisip mo pa talagang mahirapan ako sa damit ko?" bulalas ni GV na puring-puri sa ideya ni JM.
"Sorry na. Hindi ko talaga alam."
"May pa blackmail, blackmail pa kayo!" Ang dami nang taong nakakita sa kaniyang pagsuot ng bestidang ilang metro ang haba. Para siyang dadalo sa gown competition.
"Maganda ka naman ah," sabat ni JM.
"Saan banda?" tanong ni GV.
"Nagtanong ka pa? Alam mo namang wala," sabat ni LL nang hindi na makatiis. Magkaroon man siya ng bashers at matanggalan ng fans club sa campus nila pero hindi talaga bagay kay GV ang suot.
"Naman!" pag sang-ayon ng dalaga. "Hindi ako maganda dahil pogi ako!"
"Mahiya naman ang mukha ko sa pagmumukha mo!" pakikipag-away ni LL. Isang malaking palaisipan sa kaniya kung bakit pinasuot nilang tatlo ng bestida si GV?
"Halika na nga, LL!" Hinatak na siya ng kapatid bago pa sila magsigawan na naman.
Naupo lang si GV sa isang tabi. Bahala na ang apat basta hindi siya tatayo dahil mukhang siya ang center of attraction lalo na't maiksi ang buhok niya.
"Halika na, GV. Uwi na tayo," yaya ni JM nang lumapit sa kaniya.
"Hindi pa tapos ang pakain," ani niya na ang totoo ay kanina pa niya gustong pumunta sa malayo.
"Sige lang."
Naiilang na tumayo siya saka sumunod sa binata hanggang sa makapasok na siya sa sasakyan nito.
Ang saya niya! Para siyang ibong nakakulong sa maliit na hawla ng libong taon na pinakawalan kaya malaya niyang naikot ang kapaligiran.
"Saan mo gustong dumiretso?"
"Sa bahay na," sagot niya at inabot ang damit na suot kanina sa backseat.
"Salamat pala sa date, GV!" pasalamat ni JM habang itinuturo niya ang daan patungo sa kanila.
"Date pala ang tawag do'n?" Kunwari ay na-amazed si GV. "Kakaiba ka rin makipag-date, ano? Nakaka-inlove!"
Napakamot na lang si JM sa ulo. Ang totoo, hindi naman siya masaya dahil hindi niya na-enjoy ang moment na kasama ang dalaga. Ramdam naman niya kasi ang pagkailang nito sa paligid.
"Dito na!" sabi ni GV at itinuro ang bahay na may pulang gate. "Huwag ka nang bumaba." Pinigilan niya ito sa braso dahil mukhang bababa ito para pagbuksan siya. "Baka makita ka pa ng mga kuya ko."
Nagpapasalamat siya ng lihim nang sumunod naman ang binata. "Kailangan ko pa bang ipasalamat ang paghatid mo?" pamimilosopo niya.
"GV? Huwag ka sanang magalit," malumanay na sabi ni JM.
"Hindi naman ako galit. Sino ba ang may sabing galit ako?" Sabay turo niya sa sarili at hinubad ang seatbelt.
"GV? Bagay talaga sa iyo ang maging babae. Maniwala ka, magpakababae ka na lang kasi," pangungumbinse ni JM.
"Ay, sapilitan?" Hinarap niya ang binata at seryosong pinagmasdan ito sa mukha. "Ayaw kong maging feeler na para bang ako ang pinakamagandang dalaga sa buong mundo pero JM, tapatin na kita. Wala kang pag-asa sa akin dahil lalaki talaga ang puso ko. Hindi ako maging babae at walang pag-asang maging tayo," pagprangka niya. Ito na lang ang tanging paraan para tumigil ito. Wala talagang pag-asa na magbago ang kasarian sa puso niya. Lalaki talaga siya at kapwa babae ang hanap niya.
"Huwag mong sabihin sa akin 'yan, GV. Alam kong darating ang araw na maging babae ka at lahat ng mga sinabi mo, kakainin mo rin." Determinado siyang mapasagot si GV kahit na sa ano mang paraan. Nakakasira sa pagkalalaki niya kung ito lang ay hindi pa niya mapasagot. Wala pang babaeng tumatanggi sa kanilang apat.
"Hindi na nga darating ang araw na iyon. Ngayon pa lang, sinasabi ko na. Bakit ba ang hirap ninyong paintindihin?"
"Sana maintindihan mo rin na gusto kita. Bakit ang hirap mo ring paintindihin?" balik-tanong din ni JM kay GV kaya napahilamos na lang ang dalaga sa mukha.
"Baba na ako!" Binuksan ni GV ang pinto at walang pasabing bumaba. Para siyang nakikipag-usap sa lasing at iginigiit nito na six ang nine na numerong nakikita niya.
Bukas ang gate kaya tuloy-tuloy siya sa loob. Ni hindi na niya nilingon ang binata pero narinig niya ang pag-alis ng sasakyan nito.
"Ugh! Matutuyuan ako ng dugo nito!" bulong niya habang naglalakad.
"Oh? Ano ang nangyari sa 'yo?" Nanlaki ang mga mata ni Dexter nang makasalubong siya. Mayamaya pa ay malakas na tumawa ito.
"Putiks! Ikaw ba 'yan, sis? Hanep! Ang ganda mo ah!" hindi siya makapaniwala sa nakikita.
"Oh?" napatigil sa paglalakad ang isa pa niyang kuya kasama ang ina nila nang makita siya. "Babae ka na?"
"Anak!" tawag ng kanilang ina. "Totoo ba ito? Babae ang anak ko?"
"Haist! Tumigil na nga kayo! Isipin ninyong panaginip lang ito!" Alam niyang masama ang manapak ng tao lalo na ng mga nakakatanda sa kaniya kaya diretso lang siya sa paglalakad patungo sa hagdan. Kunwari ay wala siyang naririnig o nakikita hanggang sa makarating na siya sa kuwarto niya. May pasok pa siya kaya kailangan niyang magpalit ng damit. Ipapakuha na lang niya sa kapatid ang motorsiklo sa labas ng opisina ng DSWD.
Puting pantalon at checkered polo ang isinuot ni GV saka nagmamadaling bumaba.
"Ba't lalaki ka na naman?" tanong ng ina nang makita siya.
"Kuya, pahiram ako ng ducati," paalam niya saka mabilis na kinuha ang susi na nasa ibabaw ng maliit na mesa sa kanang bahagi ng tv. Pinalagpas na niya ang pagsisente ng ina.
Tila may takip na ang tainga niya para hindi pumasok ang mga sinasabi ng mga ito. Late na talaga siya.
Mabilis na pinaharurot niya ang motor para makarating kaagad sa paaralan. Paminsan-minsan ay sumusulyap siya sa wrist watch na nasa kanang kamay niya.
Pagdating sa paaralan, ipinark niya ang motor at nilakihan ang habang patungo sa classroom. Nakahinga siya ng maluwag nang makitang lumabas ang dalawang kaklase at may mga nakaupo pa sa labas ng classroom. Tanging silid na lang nila ang wala pang nagtuturo kaya tahimik ang daan.
"GV!" Ipinagpatuloy niya ang paglalakad nang mabosesan ang tumatawag.
"Hala! Ano 'yang pula sa puwetan mo!" Tumigil siya at lumingon kay LL.
"M-May dugo sa puwetan mo," ulit ng binata nang maabutan siya. Magkasunod lang sila mula pa kanina sa parking lot pero mukhang nagmamadali si GV kaya hindi siya napansin.
"Huwag mo nga akong lokohin!" galit na sabi niya saka nakaramdam ng pagsakit ng puson.
"May dugo talaga." Kinuha ni LL ang cellphone at pinicturan. "Tingnan mo oh. Hindi ako nagbibiro." Ipinakita niya ang picture. Napansin niya ang pamumutla ni GV kaya napangisi siya.
"Hala, may menstruation din pala ang mga tomboy?"
"Tumigil ka! Umalis ka na nga!" pagtataboy ni GV. Sa dinami-dami ng puwedeng makakita, itong si LL pa! Akala niya, nextweek pa siya magkakaroon.
"Aalis naman talaga ako. Tingnan natin kung hahangaan ka pa nila. Yuck! May mens ang si Prince GV!" nandidiring sabi ni LL.
"Alis!" pagtataboy ni GV.
Biglang nagsilabasan ang mga estudyante sa dulong classroom kaya ang kulay ng balat ay mukhang tinakasan ng dugo. Namumutla.
"May jacket ako," bulong ni LL saka hinubad ang jacket.
"So?"
"Aalis na ako," sagot ng binata saka tinalikuran siya.
"Wait!" Wala siyang choice. Mapapansin talaga ng mga ito ang tagos niya lalo na't kapag maglakad siya ay nasa kaniya ang mga mata ng mga ito. Ang iksi pa naman ng polo shirt niya kaya hindi niya ito matatakpan. "Ano ang kapalit?"
Humarap si LL sa kaniya at ngumisi. "Isang araw servicing," sagot ng binata.
"Dalawang oras lang ang makakaya ko!"
"Tatlong oras."
"Dalawa..."
"Alis na ako."
"Oo na! Tatlong oras." Pagsuko niya.
"Here..." Bumalik si LL at iniabot sa kaniya ang jacket. Mabilis na ipinulupot naman niya ito sa bewang.
"Bukas, alas tres ng hapon," wika ni LL na nakatingin sa jacket na nasa bewang na ng kausap.
"May pasok pa ako niyan." Pinagsisisihan niya kung bakit pumasok pa siya. Sana pala, natulog na lang siya sa bahay nila. Dagdag pasakit na naman ito sa ulo niya dahil bawat kilos at pagkakamali niya, may deal na kapalit sa mga Lacson. Ipinaglihi yata siya sa kamalasan.
"Skip ka."
"Okay," pagsang-ayon niya pero sa isip, hindi niya ito susundin. Wala naman silang kontrata.
"Alam ko kung ano ang nasa isipan mo," sabi ni LL. "Kapag wala ka pa ng alas tres, makikita mo ang litratong ito sa lahat ng sulok ng campus na ito!" Sabay taas ng binata ng hawak na iPhone. Para na namang tinakasan ng kulay si GV sa mukha.
"Ugh!" Sarap tirisin ng binatang nakangisi sa harapan niya! Wala na siyang nagawang tama magmula nang makabangga niya ito. One thing na natutunan niya, huwag maging tanga sa harapan ng mga Lacson kung ayaw mong maging sunod-sunuran sa mga ito! Mukhang tinakasan na siya ng kasiyahan sa buhay! Para siyang sinumpa na magdusa buhat nang makilala niya ang quadruplets!

SheManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon