52-53

984 41 0
                                    

SHEMAN

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 52-53

Unedited...
"Ihatid mo na ako sa amin," sabi ni GV nang mainis siya dahil wala naman siyang gagawin. Panay ang tingin ng mga kababaihan sa kaniya. Sa una, paghanga pero kapag malaman ng mga ito na t-boom siya at kasintahan ni LL, ayan na ang tinging mapanlait!
"Mine? Ayoko. Bukas ka na lang umuwi. Maraming damit si Anndy."
"Ayoko sa damit ni Anndy!"
"E di damit ko na lang. May damit pa ako sa kuwarto," sagot ni Lance Leonard.
"Please, may pasok pa tayo bukas," pakiusap ni GV. Mamaya, layasa niya ito kapag nagpumilit na hindi pa siya uuwi.
"Gusto mo na ba talagang umuwi?" malungkot na tanong ni LL. Gusto pa talaga niyang makasama ang dalaga.
"Oo!"
"Bakit?" tanong ni LL.
"Para mag-enjoy ka. Hindi ka na kasi nakikihalubilo sa kanila dahil para kang tarsier! Kapit ka nang kapit!" Kinakati talaga ang braso niya sa pagkakahawak ni LL.
"Gusto kong kumapit. Mahirap na, nasa paligid lang si John Matthew!"
"Kinalaman ni Matthew?" Sabay tulak ng dalaga.
"Gusto ka rin no'n kaya mahirap nang malingat ako!"
"Okay lang! May Noona ka naman! Ganda nga!" sabi ni GV.
"Gusto mo?" may himig ng pagkainis sa boses ni Lance Leonard.
"Maputi siya, maganda, makinis at babaeng babae. Sino ba ang hindi magkagusto sa kaniya?" sagot ni GV at napasulyap kay Noona na nakipagtawanan kina Mandy. Naka-two piece na ito kaya lumilitaw ang magandang hubog ng katawan.
"Haist! Huwag ka ngang magkagusto sa kaniya! Na-sex ko na 'yan!" prangkang sabi ni LL. May respeto siya kay Noona pero hindi lang talaga niya kayang isipin na nagkakagusto si GV sa iba. Mapababae man o lalaki.
"Ah?" Tumaas ang kilay ni GV at hinarap si LL. "Naka-sex mo na siya? Siya ang first sex mo? E di sana, pinanindigan mo!"
"Hindi naman siya nabuntis. Bakit panindigan ko?"
"Kailangan bang mabuntis para panindigan mo ang isang babae? Ikaw ang nakauna sa kaniya kaya panindigan mo!" giit ni GV.
"Mine?" bulalas ni LL. "Kapag pinanindigan ko siya dahil ako ang nauna sa kaniya? Paano na lang ang iba pang babaeng nakatalik ko? E puro virgin din sila?"
Natigilan si GV sa sinabi nito. "Walang hiya ka! Tapos shinota mo ako?"
'So? Wala namang masama kung ginawa kitang girlfriend. Ano ang masama roon? Ikaw kaya ang first and last girlfriend ko."
"First and last mo mukha mo!"
"Leonard?" tawag ni Noona na papalapit sa kanila. "Halika, ligo tayo!"
"Kayo na lang, Noona, dito lang ako kay GV," sagot ng binata at inakbayan ang kasintahan.
"Noona?" Napalingon sila nang tinawag siya ni Blue. Kasama nito sina Sky. Kaninang umaga, inimbitahan ni Ann sina Kimberly dahil open naman pala sa lahat ng kakilala. Para lang sana sa mga Lacson pero nagbago ang isip nina Angel.
"Kuya Blue!" bulalas ni Noona at isa-isang humalik sa pisngi ng triplets.
"Hi, kailan ka pa umuwi?" tanong ni Blue.
"Kahapon lang! Na-miss kita, Kuya! Sikat ka na!" Kahit paano, nakilala niya ang mga Villafuerte dahil kina Mandy at Lance Leonard. Nakakasama niya ito noon kapag may party.
"Wow, dalaga ka na!" sabi ni Black. Nasa tabi nito si Nathalie.
"Uy, magkasama kayo ni Lance?" tukso ni Sky.
"Kayo na ba?" segunda ni Blue kaya biglang namula ang mukha ni Noona.
"H-Hindi ah!" tanggi ni Noona. Alam ng mga ito na may crush siya kay LL noon pa man.
"Ahm, mag kuya?" tawag ni Lance nabaling ang atensiyon ng triplets sa kaniya. "Si GV po--"
"Ahm, gusto ko pong magpa-picture kay Kuya Blue!" pagputol ni GV t pasimpleng kinurot sa tagiliran si LL. "Idol ko po kayo, Kuya!"
Nagkatinginan ang tatlo. "Lance? Paki-picturan kami ni Kuya Blue!"pakiusap niya at ibinigay kay Lance Leonard ang hawak na cellphone. "Puwede po ba, Kuya?"
"Sure!" nakangiting sagot ni Blue. Gusto na niyang magpahinga sa mga fans pero kaibigan naman ito ni LL.
Tumabi si GV sa kaniya at ngumiti kay LL na halatang napipilitan lang na kumuha ng litrato.
"Alam mo, magkamukha kayo," sabi ni Sky.
"Oo nga, pareho kayong pogi," nakangiting sabat ni Avery.
"Mas popogi ka pa, GV kapag dalawa tayo ang magpa-picture!" ani Sky kaya tumaas ang kilay ni Black.
"Huwag lang kay Black! Baka maging babae ka na nang tuluyan!" biro ni Sky kaya isang nagbabagang mga mata ang ibinigay ni Black sa kapatid pero dedma lang si Sky. Sanay na siya.
"Sige, punta muna kami kina Tita Ann," paalam ni Blue at tinapik sa balikat ang dalaga. "Sama ka, Noona?"
"Sige po! Na-miss ko na kayo!"
Naiwan na naman silang dalawa. "Ikaw? Baka gusto mo ring sumama sa sa kanila?" tanong ni GV.
"Hindi ah!" tanggi ni LL. Hindi naman talaga. Gusto niyang sa tabi lang siya ni GV dahil alam niyang nasa paligid lang si John Matthew.
"Maganda si Noona. May lahi ba siyang Koreana?"
"Daddy niya, Korean," sagot ni LL.
"Ah, kaya pala ang ganda niya," puri ni GV. Maganda talaga si Noona.
"Type mo?"
"Okay na," walang ganang sagot ni GV.
"Hindi kayo bagay!" Salubong na ang kilay ng binata. Bakit ba kanina pa nila pinag-uusapan si Noona? Nagdududang tinitigan niya ang katabi.
"What?" Nakakunot ang noong tanong ni GV nang mapansin ang mga titig ng binata. Kakaiba eh! Parang NBI na iniimbestigahan siya sa isang krimen na hindi naman niya ginawa.
"May gusto ka ba kay Noona?" prangkang tanong ni LL. Hindi nakasagot si GV kaya mas lalong kumulo ang dugo niya.
"May gusto si Noona sa akin noon pa kaya huwag kang umasa na magugustuhan ka niya!"
"E di kayo na!"
"Ngayon pa lang kayo nagkita, nagseselos ka na?" hindi makapaniwalang tanong ni LL kaya tumahimik si GV. Nagseselos ba siya kay Noona?
"H-Hindi ah!" tanggi ni GV.
"Nagseselos ka talaga sa kaniya. Bakit ganiyan ang mukha mo?" puno ng pagdududa pa rin ang mga mata ni LL.
"Haist! Huwag ka na ngang magtanong!" Tumayo si GV. Uuwi na siya!
"Let me remind you, Pitoy! Wala kang pag-asa kay Noona at higit sa lahat, akin ka na!" paalala ni LL. Noon, ang kapatid niya ang kalaban dito tapos ngayon, mukhang ang childhood friend pa niya.
"Tama na'ng pag-uusap! Uuwi na ako!" giit ni GV. Sumasakit ang ulo niya kay LL.
"Mabuti pa nga! Uuwi na lang tayo!" pagsang-ayon ni LL. Hindi na siya babalik pa rito. Sa condo na lang siya didiretso.
Nagpaalam na sila pero wala rin siyang nagawa sa pakiusap ng mga Lola na bumalik siya dahil minsan lang daw silang umuwi ng Pilipinas. Matapos niyang ihatid si GV, bumalik na siya sa Batangas. Ayaw pa sanang magpahatid ng dalaga dahil marunong naman itong umuwi pero nagpumilit siya.
Nang makarating sa resort, nakipag-usap at inuman siya kina Mandy kasama ang triplets ng Villafuerte at mga kapatid niya. Pasado alas nuwebe na ng gabi kaya mas lalong lumamig na ang simoy ng hanging may kasamang tubig-dagat.
"Saan na si GV?" tanong ni Noona. Nasa tabing dagat sila. Nakaupo na nakapalibot sa ginawang bonfire. Alam niyang wala siyang puwang sa puso ni LL pero ang malamang si GV ang kasintahan nito ay hindi talaga siya makapaniwala.
"Umuwi na. Kamusta ang Korea?"
"Okay lang. Pagmamay-ari pa rin ng mga Koreano," biro ni Noona at piningot ang ilong ni Lance.
"Ah, akala ko, Pilipino na ang may-ari," biro rin ni Lance.
"Sus, LL?" tawag ni Noona.
"Hmmm?"
Ang mga kasamahan ay nagbibiruan.
"Next sem, dito na ako mag-aaral," sagot ni Noona.
"Mabuti naman," sagot ni Lance. "Nang makapagpaturo ako ng Korean language sa 'yo."
"Sure!" masayang sabi ni Noona. Matapos nang may nangyari sa kanila noon at parang balewala lang kay LL, nag-decide siya na sumama sa ama para doon na mag-aral. Hindi niya inakalang maging magkaibigan pa rin sila ni LL matapos ang ilang taon. Iyong kausapin siya kagaya ng dati.
"Anndy? Ano ang ginagawa mo?" tanong ni Lance nang mapansing nakasimangot ang kapatid habang nakatingin sa iPhone.
"Kuya, si Mommy may bagong facebook!" sumbong ni Anndy. Matagal nang deactivated ang facebook ng ina nila dahil sa bashers. Akala kasi ng mga babae, girlfriend siya ng quadruplets.
"Hayaan mo na!" sagot ni LL.
"Eh kasi, si Daddy, may facebook din!" nakasimangot na sagot ni Anndy. Ina-add pa nga siya ng dalawa.
"Ano ang masama roon?" Tumango si LL kay Noona na nagpaalam para puntahan sina Mandy.
"Tingnan mo post nila! Itinag pa talaga niya si Daddy! At ngayon lang ito!" Ipinakita ni Anndy sa kapatid ang ipinost ng ina. Ang guwapo raw ng kasama niya sa picture na nakaakbay sa kaniya at nanggigigil siya. Nag "goodnight baby" pa ito.
Ngumiti si Lance sa nakita. "Hala, ang sweet ni Mommy! Akalain mo 'yon? Tinawag niyang baby si Daddy sa social media? Pustahan, ang lapad ng ngiti ni Daddy!"
"Oo nga! Naka-public pa 'yan!"
"Kaya ayoko ngang gumawa ng facebook account eh!" sabi ni Lance Leonard dahil ang kulit ng ina! Tag pa ito nang tag sa kanilang apat kaya naba-bash. Maghirap na. Sapat na sa kaniya ang instagram. Nagugulat na nga lang siya dahil may mga fans club na silang magkapatid.
"Kuya?" muling tawag ni Anndy.
"What?" tanong ni Lance Leonard.
"May facebook na rin si GV," sagot ni Anndy. "At friend sila ni Mommy!"
"Patingin ako!" Inagaw na ni Lance ang cellphone ng kapatid at excited na tiningnan ang mga posts ni GV. Tungkol ito sa breakup nila ni Olivia na mahal pa rin nito ang ex kahit na niloko lang siya!
"Walang hiya! Hanggang ngayon, hindi pa siya naka-move on sa Bolivia na iyon!" galit na sabi ni Lance Leonard!

SheManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon