SHEMAN
by: sha_sha0808 Ash Simon
CHAPTER 38-39
Unedited....
"Are you ready?" tanong ni Lee Patrick habang vini-video ang kapatid.
"Yes, I'm ready!" sagot ni Anndy habang nakatutok sa camera. "Are you?"
"Yes naman. Ready na kami. Enjoy your day, baby Anndy." Nakahawak pa rin siya ng camera habang inaayos ng designer ang gown ng nakakabatang kapatid. Dalagang-dalaga na kung pagmasdan si Anndy. Sabi nga nito, teenager na siya.
"Kuya? Si Daddy ang last dance ko, 'di ba?" tanong ni Anndy.
"Yes. Ayaw mo ba?" Pinatay na ni Lee Patrick ang video cam at inilapag sa maliit na mesang nasa kanang bahagi ng sofa. Nasa dressing room sila ng pamilya. Pasado alad kuwatro na ang oras kaya malapit nang matapos si Anndy. Alas singko, magsisimula na ang program at maglalakad siya sa hagdan.
"Sana ako ang first dance mo, Princess."
"Hmp! Si Lolo Demetrio ang gusto ko!" parang batang sabi ni Anndy. Magarbo ang party dahil Prince and Princess ang tema kaya nagmumukha itong prinsesa ng lahat ng prinsesa. Mula sa koronang nakapatong sa ulo hanggang sa sapatos na suot ay sobrang mamahalin.
"Bababa na muna ako. Happy birthday. Mamaya na ang regalo naming apat," paalam ni Lee Patrick at lumabas na saka tumungo sa elevator.
Pagkalabas niya ay marami na ang mga bisita.
"Oh, saan ka galing?" tanong ni Jacob nang makasalubong niya.
"Kay Anndy. Tiningnan ko. Patapos na siya kaya magsisimula na ang program ano mang oras," sagot niya at napasulyap sa babaeng nagse-serve ng juice sa mga bisita. Lahat ng gamit ay made of crystals. Mula sa baso, mesa at mga tela ay kulay puti ang lahat.
"Nandito pala ang babaeng 'yan!" Napasimangot si Jacob nang sundan ang babaeng nakasuot na puting palda at blusa na nagbibigay ng maiinom sa mga bisita sa table.
"Working student siya ng CTU kaya nandito rin siya. Halika na nga! Saan na ba sina JM?" pag-iiba ni Lee Patrick dahil baka masira pa ni Jacob ang party dahil sa galit kay Hael.
"Si JM? Nag-aabang sa gate na parang prinsipe!"
"Baliw! Pustahan, mukhang lalaki si GV," natatawang sabi ni Lee Patrick. Himala lang kung magsuot ng palda o gown si GV sa ganitong okasyon.
"Kanina ko pa kayo hinahanap!" napipikon na sabi ni LL nang magkasalubong silang tatlo. "Nasaan si JM?"
"Nandoon sa gate. Inuunahan ka kay GV," panunuya ni Jacob. "Mahina ka kasi."
"Ah, okay lang 'yan. Siya ang magpapasok kay GV dahil akin naman 'yon mamaya kapag nandito na sa loob!" Siguradong sagot ni LL.
"Ewan ko sa inyo," sabat ni Lee Patrick. "Sa dami ng babae, si GV pa talaga e babae ang hanap no'n!"
"Wala akong pakialam kung babae ang gusto niya. Basta ang alam ko, akin na siya."
Tumaas ang mga kamay ng dalawa bilang pagsuko. Mahirap makipagtalo sa taong hindi ugali ang pagsuko. Si LL pa. Eh, matigas ang ulo nito.
"Excuse me, cousins!" Bati ni Mandy na papalapit sa kanila. Kasama nito si Jairah at ang isang dalagitang ngayon lang nila nakita.
"Ano ang kailangan ninyo?" tanong ni LL. Parehong nakasuot ng puting damit ang dalawa na animo'y mga prinsesa at si Mandy ay nakakulay pula. Ito lang yata ang naiiba sa lahat Ang gaganda at sopistikada ng mga ito. Kahit simple lang ang suot ng kasama nilang dalagita, makikita mong magaling itong magdala at mukhang galing sa may kayang pamilya.
"Hinahanap niya ang birthday celebrant. Where's Anndy?" maarteng tanong ni Jairah.
"Yeah, where is she?" mataray na tanong din ni Mandy.
"Nasa dressing room," sagot ni Jacob. Nakita niyang papasok ang triplets ng mga Villafuerte kasama ang mga magulang kaya umingay ang nasa paligid.
"Sina kuya Sky!" Kapag nandito ang triplets, sumasaya silang apat. Ito na ang tumatayong kuya nilang apat. Ang palaging nagtatanggol sa kanila noong elementary pa sila.
"Sino siya?" tanong ni Lance Leonard at inginuso ang babaeng nasa tabi ni Jairah.
"Anndy's bestfriend," sabat ni Mandy at tinaasan ng kilay ang pinsa. "You like her?"
"Nagtatanong lang," sagot ni Lance Leonard. Maganda naman ito pero napakabata pa para pagsamantalahan. Isa pa, may Pitoy na siya. "What's her name?"
"Christine," sabat ng dalagita at nginitian ang tatlong binata. Mga guwapo sila pero wala siyang gusto sa mga ito. Bata pa siya.
"Maiwan muna namin kayo," paalam ni Lee Patrick at lumapit kina Sky. Sumunod din ang dalawang kapatid.
Nakipag-usap silang tatlo kina Sky.
"Nandito pala si Christine," wika ni Sky nang makita ang second cousin nila.
"Oo nga. Sino ang kasama niya?" tanong ni Black. Apo ito ng lola Nicole nila sa mother side.
Lumapit si Christine sa kanila at nakipagbeso-beso sa mga pinsan.
"Tita Kimberly," bati ng dalagita at naupo sa tabi ng ina ng triplets.
"Mabuti at pinayagan ka ni Paul," sabi ni Kim na ang tinutukoy ay ang pinsang buo na daddy ng dalagita.
"Opo, susunduin din niya ako mamaya." Dating sikat na aktor ang ama nitong si Paul at sikat na pornstar ang ina pero nang magpakasal, tumigil na sila sa showbiz at nag-focus sa negosyo. May lahing hapon si Christine kaya medyo tsinita ang mata at kutis.
Lumapit si Ann sa kanila at naupo. Si Dylan at ang quadruplets ay lumapit sa punong-hagdan para salubungin ang kanilang prinsesa. Ilang sandali pa ay tumunog ang malamyos na musika. Dahan-dahang bumaba si Anndy sa hagdan na para bang isang anak ng hari. May nakapatong na korona sa ulo na gawa sa diyamante. Kumikintab sa kaputian ang damit at napakaganda nitong pagmasdan. Isang prinsesang ipinapakilala sa kanilang kaharian habang naghihintay sa baba ang amang hari at apat na prinsipeng parehong nakasuot ng white suit.
A happy family in a white and full of diamonds castle.
Pasimpleng pinahidan ni Ann ang mga luha. Parang kailan lang. May dalaga na siya. Apat na ang anak nila ni Dylan.
"Noon, tayo rin ang nasa kalagayan niya, kambal!" bulong ni Yna at hinawakan siya sa kamay.
"Oo nga. Ngayon, ang mga anak na natin. Hindi natin namalayan, may mga apo na tayo," natatawang sabi ni Ann at magiliw na pinagmamasdan ang mag-ama niyang nakangiti habang nakatingala kay Anndy.
Matapos ang ilang minuto, nagpalit ng suot si Anndy para sa first dance niya kay Demetrio. Sa bawat pagsayaw niya, iba't ibang mamahaling gown ang isinusuot niya na mas lalong nagpakita kung gaano kayaman ang mga Lacson.
Nang matapos sumayaw ng quadruplets, naupo sila sa tabi ng ina. Sina Sky na naman ang sumayaw kay Anndy.
"Brod, si GV!" sabay nguso ni Lee Patrick kay GV na papasok kaya napatingin sila ni JM sa dalaga. Parehong napatampal sa noo sa suot ni GV. Para itong prinsipe na naghahanap ng prinsesa.
"GV!" bulalas ni Ann at tinawag ito.
"Tita Ann," nakangiting bati ni GV. Actually, hindi niya alam kung bakit nandito siya sa mansion ng mga Lacson. Wala talaga siyang balak na dumalo pero nagulat siya nang makatanggap ng tawag kay Ann at nakiusap na dumalo ito na hindi talaga niya matanggihan. Ang lakas ng convincing power nito sa kaniya. Para kasi itong iiyak kapag tumanggi siya.
"Mukha pa siyang lalaki kaysa sa inyo!" natatawang bulong ni Lee Patrick sa dalawang katabi. Si LL ang nasa kanan niya at si JM naman ang sa kaliwa.
Tumayo si JM at sinalubong ang dalaga.
"Mabuti naman at nakadalo ka," masayang sabi ni JM at pasimpleng inakbayan si GV.
"Kunin mo ang kamay mo o mag-iiskandalo ako!" mahina pero puno ng galit na saway ni GV dahil nasa balikat na niya ang kamay ni JM.
"Bakit ba ayaw mong akbayan ka?" bulong ni JM at tinanggal ang kamay saka ang kanang kamay ni GV ang hinawakan.
"Dahil kinasusuklaman kita!" Pilit na ngumiti siya kay Ann nang malapit na sila.
"Kahit na kinamumuhian mo ako, hindi ko alam kung bakit mahal pa rin kita." Pasimpleng pinisil ni John Matthew ang kamay ng dalaga. "Siguro, dahil isa kang magandang babae sa aking mga mata."
"Fuck you!" Tapos ngumiti siya ng ubod ng tamis kay Ann.
"Looking forward to it!" bulong ni JM kaya piniga na talaga ni GV ang kamay nito.
"Ulo mo!"
"Gusto mo makita?" pilyong sabi ni JM at pasimpleng idinaan ang naka-holding hands na kamay sa gitna ng hita niya.
"Bitiwan mo ang kamay kong manyak ka!" Sabay apak sa paa nito.
"GV, dito ka na sa tabi ko," wika ni Ann saka pinalipat si Jacob.
"Magandang gabi po," bati ni GV.
"Mabuti at dumalo ka. Akala ko, hindi ka na makapunta pa," masayang sabi ni Ann. Si JM ay naupo sa harapan nila pero tinawag din ng ama para tulungan si Anndy sa pagbibihis. Ito lang ang hindi niya nakitang tumulong kanina dahil nag-aabang ito sa gate.
Sa bawat paghanap niya sa anak ay si Lance Leonard ang nandiyan sa tabi niya.
"Punta ka na roon. Tulungan ninyo ang ama ninyo!" pagtataboy ni Ann sa tatlong anak.
"Si Lance Leonard na lang," tanggi ni John Matthew.
"Maaawa naman kayo sa kapatid ninyo. Pagod na siya dahil sa kakatrabaho kanina," pagtatanggol ni Ann sa anak kaya tumayo na ang tatlo.
"Sabi sa inyo eh. Masosolo ko si Pitoy ko," bulong ni Lance Leonard kay Lee Patrick.
"Putiks! Ikaw na LL!" Napailing na tumayo si Lee Patrick. Kaya pala parang kalabaw itong magtrabaho kanina at hindi talaga nawawala sa paningin ng kanilang mga magulang.
"Ano ang ginagawa ng babaeng 'yan dito?" salubong ang kilay ni John Matthew nang makitang sumasayaw ang stalker niya sa gitna ng dance floor. Katabi nito si Hael na ngayon ay naka-formal gown na.
"Imbitado siya," sagot ni John Jacob.
"Sino ang walang hiyang nag-imbita?"
"Ako," sabat ni Ann. Anak ito ng kaibigan niyang si Inday. Nagandahan siya kay Jaffy at mabait ang parents nito. Isa pa, mabuting bata si Jaffy.
Nang wala na ang tatlo, tumayo si LL at lumipat ng upuan sa tabi ni GV.
"Princess Pitoy?" tawag niya at sinundot pa ito sa tagiliran para humarap sa kaniya.
"Huwag mo akong kausapin!" Napahigpit ang pagkahawak ni GV sa wine glass. Manipis lang ito kaya hindi malayong mangyari na madurog ito sa kamay niya gamit ang lakas.
"Bakit hindi kayo sumayaw?" suhestiyon ni Diane sa dalawa. Sila na lang ang naiwan Open na ang dance floor para sa lahat kaya parang mga prinsesa't prinsipe sa isang kaharian ang mga nagsisayawan. Natutuwa siya para sa mga anak pero hindi niya alam kung kanino siya boto para kay GV. Basta maging manugang lang niya ito, okay na sa kaniya kahit na sino sa apat na anak.
"Huwag na, Mommy. Mapagkamalan pa kaming bakla," sagot ni LL. Sino ang tangang makipagsayaw kay GV gayong ito ang porma niya? Lalaking lalaki.
"Princess Pitoy ko? Kumain ka pa ng marami!" Naparami ang kain ni GV dahil ang sarap ng pagkain. Sa wakas, pinakain siya ng masarap na putahe ng mga Lacson.
"Hindi ka ba talaga titigil sa pagtawag sa akin niyan? Nakikita mo kung ano ako? Lalaki akong pumorma at pareho tayong babae ang hinahanap! Tumingin ka nga sa paligid! Ang gaganda nila! Lance Leonard naman!" Nagbubulungan na sila pero ang inis niya, makakawasak sa lahat ng babasaging gamit kapag sumigaw siya ng buong lakas.
"Ikaw lang ang nakikita ko. Eh, ano kung lalaki ka pumorma? May boobs at pekpek ka naman, okay na 'yan," bulong bi LL na malapit sa tainga ni GV kaya binitawan ni GV ang wine glass dahil sa tingin niya ay madudurog na talaga.
"Bakit ang tigas ng ulo mo?" mahina pero halos lalabas na ang ugat niya sa leeg. Hinarap niya ito at isang napakatalim na titig ang ibinigay kay LL. Umaasa siya na masaksak niya ito pero ngumisi ang binata at inilapit ang mukha sa kaniya.
"Boring naman kasi kapag lumambot na ang ulo k--"
"Okay lang ba kayo?" nag-aalalang tanong ni Ann nang matumba ang bakanteng upuan na nasa harapan nila.
"Opo, Mom. Aksidente lang na nasipa ng Pitoy ko ang upuan," nakangiting sagot ni LL. Si GV ay namumula na ang pisngi dahil sa pagkapikon.
Tumingala si Ann nang may nasagi ang mga mata. Napakunot ang kaniyang noo. Tama ba ang nakita niya? Lumiwanag ang chandelier? Naramdaman niyang may nakatitig sa kaniya kaya hinanap ito ng kaniyang mga mata. Si Dylan. Pareho lang ba sila ng nakita? Sabay na napatingin sila sa wine glass na bitbit ng mga caterer. Parang kumislap ang mga ito?
"Excuse me," paalam ni Ann sa mga ito at pumunta sa elevator. Naguguluhan siya sa nakikita dahil hindi siya sigurado. Nasa peripheral vision lang niya ang liwanag pero kapag titigan niya ito, nawawala na.
"Baby!" Nasa harapan na niya si Dylan. Nang pumasok ang asawa, pinindot niya ang third floor. Tahimik sila hanggang sa bumukas ang pinto.
"Saan ka pupunta?" tanong ni Dylan nang lumabas sila kaya tumigil si Ann sa paglalakad. Nalilito.
"H-Hindi ko alam," naguguluhang sagot niya.
"Ann," tawag ni Dylan at parehos silang napatingin sa maliit na siwang ng ilalim ng pinto ng kuwarto nina Patch. Tila may kung anong kumikislap sa loob ng silid.
Kinuha ni Dylan ang susi pero nang buksan nila ang kuwarto ay sumalubong sa kanila ang kadiliman. Nang muli nilang isara, napatingin sila sa ilalim ng pinto. Paunti-unting nagkaroon ng liwanag sa maliit na siwang.
" Ang maskara," bulong ni Ann at mabilis na dumungaw sa hagdan at pinagmasdan ang mga babaeng nasa ibaba at masayang nag-uusap. Nakiki-party.
"Nandito siya!" Nanayo ang mga balahibong sambit niya at iginala ang mga mata. Mga teenagers. Iba't ibang mukha.
"Sino?" nagtatakang tanong ng asawa at dumungaw rin sa baba.
"Ang susunod na sorority queen. Nandito lang siya sa paligid," wala sa sariling sagot ni Ann. "Nakikilala na ng maskara ang kaniyang bagong reyna!"

BINABASA MO ANG
SheMan
RomanceShe-Man Sa paaralan na kung saan, napapalibutan ng iba't ibang kapatiran. Sa paaralang araw-araw ay kilabot at gulo ang nangyayari. Sa paaralang walang ibang ginawa ang mga estudyante kundi maglaban at magbugbugan. Sa paaralang hindi na kayang kontr...