28-29

1.2K 38 3
                                    


SHEMAN

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 28-29

Unedited...
"Saan ka pupunta?" tanong ng ina ni GV.
"Gagawa lang kami ng group project," palusot niya. Ngayong nasa Pilipinas ang ina, medyo nasasakal siya. Kailangan magpaalam kung saan pupunta o ano ang ginagawa? Hindi kagaya noong nasa ibang bansa pa ito, malaya siya. Ang dalawang nakakatandang kapatid ay mga wala namang pakialam sa kaniya dahil may kaniya-kaniyang aktibidadis.
"Anong group project iyan? Baka mamaya, magbabarkada ka lang? Aba, GV, hindi kita pinaaral para mag-droga!" nakapamewang na sabi ng ina kaya natigilan si GV. Hindi talaga kumukurap ang mga mata sa abot ng kaniyang makakaya. "Saan ka nagbebenta ng shabu? Sino ang drug lord ninyo? Naku, kapag matokhang ka, sinasabi ko sa iyo!"
"Mom? Anong tokhang ang pinagsasabi mo? Kung anu-ano ang iniisip mo!" nakasimangot na sagot ng dalaga. Ang lawak din ng imahinasyon ng ina. Wala sa reyalidad. "Bakit naman ako magbebenta ng shabu?"
"Ay, malay ko. Ilang buwan din akong nawala. Malay ko ang pinaggagawa ninyo!" sagot ng ina. Nag-aalala lang siya sa mga anak. Ayaw niyang mapariwara ito kahit na mag-isa niyang itinataguyod ang mga ito. Buhat nang maghiwalay sila ng asawa, siya na ang umasikaso sa negosyong naiwan ng kaniyang mga magulang. Ngayon, may ibang babae na ang ama ni GV pero wala na siyang pakialam doon. Anim na taong gulang pa lang si GV nang maghiwalay sila ni Dante dahil natuklasan niyang may ibang babae ang huli.
"Malinis ang konsensiya ko sa bagay na iyan, Mom. Don't worry, hindi ko papasukin ang ganiyang ilegal na gawain." Never naman talaga. Masisira lang ang buhay niya at kahit ganito siya, wala sa bokabolaryo niya ang magbenta. May pera sila.
"GV? Nakita ko ito sa kuwarto mo kanina. Ano 'to? Sasali ka sa search?" masayang tanong ng ina at ipinakita ang card na galing sa bulsa.
"Haist! Akin na nga 'yan, Mom!" Kinuha niya ito at inilapag sa mesa. "Huwag mo na lang kasing pakialaman ang mga gamit ko!"
"GV, gusto ko lang malaman mo na hindi kita pinigilang sumali sa sorority pero sana malaman mo ang limitasyon mo," sabi niya. Itinatago pa nga nilang tatlo ang pagsali ni GV pero nang pumasok siya sa kuwarto nito, saktong kakalabas lang ng anak sa banyo na nakatuwalya kaya kitang-kita ang latay ng sinturon sa likod nito.
"Thanks, Mom. Alis na po ako," paalam niya bago na naman mag-drama ang ina.
Wala siyang choice kundi pumayag sa nais ni JM na makipag-date rito kahit pa na labag sa kaniyang kalooban. Kung puwede lang na tumakas sila ni Olivia sa mundo at sa planet Mars na tumira, gagawin niya para lang malayo sa quadruplets.
"Ang tagal mo," sabi ni JM habang nakasandal sa sasakyan. Nakasuot ito ng mamahaling shades at mukhang naiinip na sa kakahintay sa kaniya.
"Saan tayo pupunta?" Kunwari ay balewala lang sa kaniya ang pagkainis nito. Saan ka makakita ng ka-date na kulang na lang ay sakalin ka sa leeg?
"Birthday ni Tita kaya pupunta tayo roon," sagot ni JM at pinagbuksan siya ng pinto sa front seat.
"Ayoko!" tanggi niya. Paniguradong nandoon ang mga kapatid nito.
"Wala ka namang choice kaya pasok na!" Utos ng binata. Bago pa man siya nakatanggi ay tinulak na siya nito papasok kaya wala siyang nagawa. Tahimik sila pareho habang nasa biyahe.
"Ano ang gagawin natin dito?" tanong ni GV nang tumigil sila sa flower shop.
"Bibili lang ng flowers for my her," sagot ni JM at tinanggal ang seatbelt. "Sama ka?"
"Huwag na. Ikaw na lang," tanggi ng dalaga at kinuha ang iPhone para tawagan si Olivia pero mabilis na inagaw ito ni JM.
"When you're with me, no cellphones allowed!" ma-otoridad na sabi nito at inilagay sa bulsa ng pantalon ang iPhone ng dalaga.
"Hey, akin na nga 'yan!"
"Sorry, dude! Nagde-date tayo kaya gusto ko, sa akin ka lang. Focus ka sa akin at bawal ang mga taong istorbo!" Sinipa ni GV ang brake ng sasakyan sa sobrang inis.
"Letse ka talaga! Isauli mo ang cellphone ko! Huwag mong pakialaman ang gamit ko!"
"Sorry, akin ang time mo sa araw ma ito, GV!" Binuksan nito ang pinto at malakas na isinara nang makababa na halos ikinabingi ng dalaga.
"Motherfucker!" pagmumura ni GV. Paano na lang kapag tumawag si Olivia at sagutin ni JM? E di, patay siya! Ang sabi pa naman niya ay may sakit siya ngayon kaya hindi siya makakapunta sa condo nito.
Hindi na niya pinansin ang binata nang ilagay nito ang inorder na bulaklak sa back seat ng sasakyan.
"Kapag may tumawag sa akin, huwag mong sagutin!" sabi niya na ang mga mata ay nasa unahang kalsada. Nakita niya sa peripheral vision na lumingon si JM sa kaniya. "Mag-concentrate ka sa pagmaneho! Baka mabangga tayo!"
Narinig niya ang mahinang pagtawa ng binata. "I don't care kung mababangga tayo. As long na mukha mo ang tinititigan ko." Para siyang binuhusan ng lava sa kakaputok lang na bulkan. Uminit bigla ang ulo niya sa ka-cornihan ni JM. "Pero dahil ni-request mo, mag-iingat ako sa pagmaneho para mas lalong matagal ko pang matitigan ang mukha ng babaeng magiging asawa k-- damn!" napamura siya nang malakas na suntukin siya ni GV sa kanang braso. "Madi-disgrasya tayo sa ginagawa mo!"
"Talagang madi-disgrasya tayo! Magmamaneho ka lang, ang dami mo pang kadramahan!" Sinusubukan niyang patulugin ang mga balahibong nagwala dahil sa mga sinabi ni JM. Nasusuka siya!
Tatawa-tawa naman ito at medyo pinabilisan ang pagpatakbo hanggang sa nakarating na sila sa party.
"Tita Cheska! Happy birthday!" bati ni JM at iniabot ang biniling bulaklak at regalo para sa tiya.
"Mabuti naman at dumating ka na. Kanina ka pa hinihintay ng tatlo," sabi ni Cheska at ibinigay kay Oliver ang regalo para ilagay sa table na nasa gilid ng tv.
"Bro! Mabuti naman at dumating ka. Saan pa kayo dumaan?" makahulugang tanong ni Lee Patrick at ngumiti kay GV na hindi na maipinta ang mukha. Kapag kasama niya ang apat, sumisikip ang mundo niya.
"Maiwan ko na muna kayo," paalam ni Cheska at pinuntahan sina Ann nang makitang papasok.
"Prince LL, puwede bang magpasama sa bathroom?" tanong ng babaeng bisita nina Cheska. Anak ito ng kaibigan ni Oliver. "Hindi ko kasi alam kung nasaan ang CR eh." Nagpapa-cute pa ito. Halata namang may gusto lang kay LL.
"Have we sex?" prangkang tanong ni LL na halos ikalaglag ng panga ni GV. Sino ba ang lalaking magtanong nito sa harapan nila? Si LL lang.
"Y-Yes, sa r-rooftop ng school," atubiling sagot ng dalaga.
"Ah, hindi ako umuulit ng pagkain," wala sa modong sagot ni LL at tinawag ang waiter. "Pakisamahan sa bathroom. Salamat."
"K-Kaya ko na..." wika ng babae at walang pasabing tumalikod sa mga ito. Napahiya siya!
"GV!" bulalas ni Ann nang makita siya. Iniwan muna niya ang asawa at lumapit sa mga anak na kasama si GV.
"Kamusta ka na? Hindi ka na nakabalik sa bahay," nagtatampong tanong nito.
"Busy lang po," magalang na sagot niya.
Naupo sila sa iisang table. Ang mga ka-edad nila ay panay ang sulyap sa kanilang lima. Ang akala ng nga ito, lalaki si GV dahil sa porma nitong parang pupunta lang sa mall upang mamasyal pero magaling magdala ng suot kagaya ng apat.
Nag-serve ng pagkain ang mga caterer. Sarap na sarap naman si GV sa kinakain.
"Maiwan ko muna kayo. Puntahan ko lang si Anndy," paalam ni John Matthew na nasa right side ni GV nang magtext si Dylan na hanapin ang kapatid dahil nawawala sa venue ng party.
"Samahan na kita. Magkasama lang sila ni Mandy kanina," suhestiyon ni John Jacob kaya silang tatlo na lang ang natira sa table. Kaharap ni GV ang dalawang binata sa table.
"In fairness, masarap!" puri ni GV sa letson paksiw na kinakain. At least, masarap na ang pinakain ng quadruplets sa kaniya.
"Patay gutom ka talaga!" puna ni LL. Pinandilatan lang siya ni GV at ipinagpatuloy nito amg pagkain. Mabilis lang niyang naubos ang kinakain pero hindi pa siya nabubusog. Gusto pa sana niyang kumain ng letson paksiw kaso nahihiya siyang humingi sa caterer na dumadaan. Siya na nga ang nakaubos sa nakahain sa table nito.
"Oh!" sabi ni LL at nilagyan ang plato niya.
"B-Bakit mo nilagay?" tanong niya. "Tama na..." inililipat na nito ang lahat ng ulam na nasa plato sa plato ni GV.
"Nawalan na ako ng ganang kumain kaya ubusin mo na!"
"Ayaw mo GV? Akin na lang," sabi ni Lee Patrick pero pinigilan ni GV ang kamay nito.
"Nagugutom ako!" Muling nilantakan niya ang pagkain. Lahat ng hiya sa katawan ay nawawala kapag itong apat ang kasama niya. Tutal, mga walang pakialam naman ito sa kaniya.
"Sana sa akin mo na lang ibinigay. Ayaw mo pa lang kainin," reklamo ni Lee Patrick sa kapatid.
"Hindi ka naman patay gutom katulad niya," sagot ni LL at pinahidan na ang bibig.
"Oh! Baka mabulunan ka!" Inabot niya ang tubig kay GV dahil napapansin niyang hindi pa ito umiinom kanina. "Tiyaka pakipunas na rin ng bibig mo. Nakakahiya ka!" Sabay bigay ng tisyu sa dalaga.
"Salamat naman." Pasimple niyang pinahidan ang bibig.
Mayamaya pa ay bumalik na ang dalawa at naupo sa tabi ni GV.
"Nasaan siya?" tanong ni Lee Patrick. Patapos na itong kumain.
"Sa kuwarto ni Ate Mandy. Tinuturuan siyang mag-makeup," sagot ni Jacob.
Matapos ng isang oras ay nagpaalam si John Matthew sa mga magulang na ihatid si GV.
"Basta, dumalaw ka naman minsan sa bahay ha," bilin ni Ann. Sila lang kasi ni Anndy ang babae sa pamilya kaya minsan, gusto niya ring magkaroon ng girlfriend ang mga anak para may makausap naman siya. Busy rin naman ang mga kaibigan.
"Sige po," magalang na sagot ni GV.
"Sabay na ako sa inyo," sabi ni LL. Na-flat ang unahang gulong ng kotse niya kanina. Mabuti na lang dahil nadaanan siya ng mga magulang kaya sumabay na siya.
"Kina Mommy ka na lang," sabi ni Matthew.
"Mamaya pa sila uuwi."
"Mag-taxi ka."
"Ayoko nga!" Hindi siya sanay na sumakay sa taxi lalo na sa dyip.
"Istorbo ka talaga!" Nauna nang lumabas sina Jacob at Lee Patrick dahil dadalo pa raw ng initiation ng Westbridge chapter. Napasok na nila ang Westbridge pero wala lang school permit dahil hindi legal ang frat sa mga Villafuerte.
"Sa back seat ka na sumakay," sabi ni LL at nauna nang pumasok sa tabi ni JM.
"Oh? Kaninong bulalak ito?" tanong ni GV nang pagpasok niya ay may bulaklak sa upuan ng back seat.
"Para sa iyo," sagot ni JM.
"Sa akin?" Binuhat niya ang bulaklak at inilagay sa kandungan para may space na mauupuan.
"Oo, para sa 'yo."
"Bakit mo ako binibigyan ng bulaklak?" nagtatakang tanong ng dalaga. Baka mamaya, gino-good time na naman siya ng mga ito.
"Mukha ka kasing patay," natatawang sabat ni LL pero tumigil din nang masamang tinitigan ng kapatid.
"Gusto ko kasing maramdaman mo na babae ka at hindi lalaki," seryosong sagot ni JM habang nagmamaneho. Nakikinig lang si LL sa usapan nila
Ayaw na niyang makialam pa. Sinaksak niya ang earphone sa magkabilang tainga at nakinig ng naka-save na kanta sa iPhone para hindi marinig ang usapan ng dalawa.
"Nagpapatawa ka ba? Bakit ako? Eh, babae rin ang hanap ko?" napailing na tanong ni GV.
"Because I want you to be my girl..." walang halong biro na sagot ni JM.

SheManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon