SHEMAN
by: sha_sha0808 Ash Simon
CHAPTER 48-49
Unedited...
"Grabe, ang landi talaga niya! Nagmamaton-maton lang kunwari para makuha si Prince Leonard!" kakapasok pa lang ni GV sa classroom nang marinig ang usapan ng mga kaklase.
"Sinabi mo pa! Pahiya lang siya kay Prince Leonard!"
"Tama! Ano na lang kaya ang sasabihin ng pamilya nila kapag malamang siya lang ang kasintahan ni LL!"
"Pahiya lang siya sa mga Lacson!"
Tanggap naman ni GV ang ganitong isyu. Noon pa lang, alam na niya kaya nga hanggat maaga, didistansiya na siya sa quadruplets lalo na kay LL pero paano niya gagawin iyon?
"Hindi na nahiya! Pustahan, kawawa lang si GV sa mga haters nila. Sana naging tomboy na lang siya! Hindi na naawa kay Leoanard."
Nang hindi makatiis, sa kanila siya dumiretso at sinipa ang silyang nakaharang sa harapan niya kaya nagulat ang mga ito.
"Wala na ba kayong makakain at ako ang inuulam ninyo ngayong umaga?" tanong ni GV.
"Wow, wala ka namang kalasa-lasa!" sagot ng isa at tumayo pa saka hinarap siya. Leader ito ng isang sorority. "Look at your self! Hindi ka babae! Mas lalaki ka pa tingnan kaysa kay LL! Hindi ka ba nahihiya? Hindi ka ba naaawa sa kasintahan mo? Alam mong nakakasuka kayo pagmasdan!"
"Lintik! Wala akong pakialam sa inyo! Kung ayaw ninyo kaming makita, pumikit kayo!" Tumaas na ang boses ni GV. Ang lakas manglait!
"Kung gusto ninyong magpapansin kay LL, doon kayo magreklamo at huwag sa harapan ko!"
"Talaga?" tinaasan siya ng kilay ng isa at tumayo rin saka namewang. "Hindi ka matatanggap sa lipunan bilang babae dahil wala kang sapat na ganda!"
"Kaya nga nag-tomboy ako, 'di ba?" panunuya ni GV.
"Naman! Mas nakaka-inlove ka pa kapag tomboy ka!"
"So?"
"Immoral!" Tumaas ang presyon ng dugo ni GV sa narinig. "Hindi ka bagay kay Prince Lan--aw!"
Isang malakas na sampal ang dumapi sa kanang pisngi niya. Susugod pa sana ang isa pero isang solidong suntom ang pinakawalan ni GV sa sikmura nito kaya namimilipit sa sakit. Tumahimik ang lahat. Takot na takot ang mga mata! Kilala nila si GV kapag makipaglaban. Babae ka man o lalaki, wala siyang pakialam.
"Kayong lahat!" Inikot ni GV ang mga mata sa paligid. "Oras na may marinig pa akong pang-iinsulto sa pagkatao ko, kamao ang huhusga sa inyo!"
Walang isang gumalaw o nagsalita. Takot lang na masuntok na tila bakal na kamay ng dalaga.
"Kung insecure kayo, huwag ako! Lintik! Namomroblema na nga ako kay LL, dagdagan pa ninyo?" singhal niya saka padabog na naupo. Badtrip siya! Mas lalong uminit ang ulo niya nang matanggap ang messages ni Lance Leonard kaya sa sobrang inis, ni-replayan niya ito ng "fuck you".
Matapos ang klase, nagpaiwan sina Olivia at Dina para kausapin ang dalaga.
"G-GV," tawag ni Olivia. Inayos ni GV ang mga gamit at hindi pinansin ang dalawang nakatayo sa harapan niya.
"S-Sorry ulit, bru!" sabi ni Dina. "Alam kong mali ang ginawa ko. Alam kong hindi dapat na agawin si Olivia sa iyo p-pero noon pa lang, mahal ko na siya. Hindi biro ang ginawa ko pero gusto kong malaman mo na pinahalagahan ko ang pagkakaibigan natin sa abot ng makakaya ko. Nagkataon lang talaga na--"
"Tama na!" pagpigil ni GV. Nasasaktan pa rin siya! "Hindi ko kailangan ang paliwanag ninyo! Sapat na ang nakita ko para hindi kayo pagkatiwalaan!" Tumayo na siya at tinalikuran ang mga ito pero hinawakan siya ni Olivia sa kaliwang braso.
"G-GV, sa buong pagsasama natin, maniwala ka, minahal kita!" naiiyak na sabi ni Olivia.
Malungkot na hinarap ni GV ang dalaga at tinitigan sa mga mata. "Walang nagmamahal na nagpapaagaw sa iba!" Bumuntong hininga si GV. "Hangad ko ang kaligayahan ninyong dalawa."
"Mine!" Napatingin silang tatlo sa pinto nang tinawag siya ni LL. Salubong ang mga kilay.
"Halika na, kain tayo sa tambayan!" Lumapit siya sa mga ito at hinila si GV palayo sa dalawa. "Ikaw!" Na ang tinutukoy niya ay si Olivia.
"Diyan ka na lang sa tomboy na 'yan! Huwag mo nang sirain pa ang magandang pagsasama namin ni GV! Nagmamahalan kaming dalawa!" sabi ni LL kaya natigilan si GV at tumingala para makita ang mukha ni LL. Por juice por santo! Seryoso talaga siya! Alam ba nito ang pinagsasabi? Dati, sila lang pero ngayon, nagmamahalan na sila? Seriously?
"Halika na, Mine!" Nagpatianod siya kay LL. Napasinghap naman ang mga estudyante sa hallway dahil naka-holding hands sila.
Galit pa siya! Mukhang may alam sina Lee Patrick at John Matthew sa suot niya! Mukhang nahulaan nito na doon siya natulog sa condo ni LL! At galit siya sa mga text messages nito na puro "I love you!" naduduling siya sa kakabasa!
"Huwag mong pansinin ang mga mata nilang naiinggit!" bulong ni LL. Hindi naman talaga pinapansin ni GV. Sanay na siya sa dedmahan kaya nagpo-focus siya sa isusumbat nito mamaya.
" Maghintay ka lang! Malilintikan ka talaga sa akin mamaya!" bulong niya. Gusto na niyang takbuhin ang tambayan ng mga ito para masampulan si LL. Puno na siya!
Nang buksan ni LL ang pinto, mabilis na pumasok ang dalaga at nang masarado, hinarap niya si LL.
"Bakit panay ang text mo--"
"Ano ang ginagawa ninyo ni Olivia?" tanong ni LL na mas malakas pa ang boses sa kaniya. "Bakit magkasama naman kayo?"
"Ako muna ang paking--"
"Huwag mong sabihing, nakikipagbalikan ka sa babaeng iyon?" Namewang na si Lance Leonard.
"Tumigil ka muna--"
"Hindi ka pa ba nadala?" nakapamewang na tanong ni LL. "Niloko ka niya, GV! Ako na ang nagmamahal sa 'yo! Kalimutan mo na siya! Magsimula tayo!"
"Pasalitain mo muna ak--"
"Ano? Ipagtatanggol mo siya! Ano sa tingin mo, matatanggap ko ang mga baluktot na rason mo? Huwag kang tanga!" sigaw ni LL kaya natameme si GV. Ang mukha nito, mas galit pa kaysa sa kaniya. "Now, what? Hindi ka makapagsalita?" dagdag ni LL.
"Walang hiya talaga!" galit na bulong ni GV at tumahimik na lang. Dumiretso siya sa sofa at naupo. Natutuyuan siya ng tubig sa lalamunan.
"Mahal mo pa ba talaga si Olivia kahit na niloko ka na niya?" tanong na naman ni LL nang lapitan siya.
"Huwag mo akong kausapin, pakiusap," pagmamakaawa niya sa binata. Hindi na niya kaya! Ngayon pa lang, suko na siya! Ang hirap nitong maging kasintahan.
Mayamaya pa ay lumambot ang mukha ni LL. Naawa siguro sa kaniya dahil paiyak na siya. "Bukas, Mine, punta ka sa bahay ha. Ipapakilala kita sa mga pinsan naming galing sa abroad. Sunduin kita," wika ni LL pero naka-poker face na ang mukha ni GV.
Mayamaya pa'y dumating na ang tatlo nitong kapatid. After 15 minutes, nagpaalam si GV na bumalik na sa klase.
"Grabe! Welcome na talaga siya sa tambayan ng quad?"
"Shit! Totohanan na sila!"
Ayan na naman ang mga nakakita sa kaniya. Laganap na sa buong campus ang relasyon nila!
Nang lunch time, mabilis na tumalima si GV at sa back gate siya ng school dumaan. Pinatay niya ang cellphone at umuwi sa bahay nila para magpahinga.
"Sina kuya?" tanong niya sa ina.
"Umalis. Two days daw sila sa Laguna sa barkada nila," sagot nito kaya nagpaalam na siya para matulog muna at nagpagising na lang kapag hapunan na.
Kinabukasan, alas otso na siya nagising. Sabado naman kaya walang problema kung hapon na siyang bumangon.
Kakalabas lang niya nang tumunog ang telepono sa kuwarto niya.
"Hello?" tinatamad na sagot niya.
"Tingin ka sa bintana dali!" naibaba niya kaagad ang telepono nang mabosesan ito.
Mabilis na sumilip siya sa bintana. Nakasandal si LL sa kotse nito.
"Damn!" Muling tumunog ang telepono kaya sinagot niya.
"Ano ang kailangan mo?"
"Sinusundo ka. Sabi sayong pumunta ka sa bahay eh. Nakabihis ka na ba?"
"Hindi ako pupunta!"
"Magdo-doorbell ako, sige ka!" pananakot ni LL. Nang silipin niya ito, naglalakad ito palapit sa gate nila.
"Ugh! Oo na! Sandali! Fifteen minutes!" pabagsak na ibinaba ni GV ang telepono at kumuha ng damit sa closet. Bahala na.
"Mom? Aalis muna ako!" sigaw niya at nagmamadaling lumabas. May sinasabi pa ang ina pero wala na siyang panahon para pakinggan ito.
"Sakay na!" nakangiting sabi ni LL na kakabukas lang ng pinto ng sasakyan.
"Kailangan ba talaga, puwersahin ako para lang sumama sa 'yo?"
"Hindi ah!" tanggi ng binata. "Kaya nga papasok ako sa bahay ninyo para ipaalam kita ng maigi at makilala ako ng mommy mo. Masama ba 'yon?"
"Ugh! Alis na tayo!" pasalampak na naupo siya sa front seat. Pumasok naman si LL at nagmaneho patungo sa mansion nila.
Pagdating sa bahay ng mga Lacson, ang iingay ng binatilyo at dalagita sa playground na naglalaro.
"Pasok tayo," wika ni Dylan at inakbayan siya papasok ng bahay.
"Ang dami n'yo naman yatang bisita?"
"Family nga namin sa ibang bansa. Dumating sila kahapon ng hapon at dito na dumiretso," sagot ni LL.
"Waah GV!" bulalas ni Ann at patakbong lumapit sa kanila.
"Welcome to our family!" Nakipagbeso-beso pa ito sa kaniya. Sina Jacob at JM ay nakaupo sa sofa kasama ang mga pinsan na anak ni Alex.
"Mabuti naman at sinagot mo ang isa sa kanila," masayang sabi ni Ann. Medyo naasiwa si GV. Gusto sana niyang tapatin ito na si JM lang talaga ang nanligaw sa kaniya at hindi naman nag-effort si LL. Pinilit lang talaga siya. Blackmail kumbaga. Ni minsan, hindi nga siya tinanong nito kung okay lang ba sa kaniya na sila na?
"GV? Maiwan ko muna kayo. Aakyat lang ako sa itaas. May meeting pa kami," paalam ni Ann at binalingan ang mga anak. "Kayo na muna ang bahala kay GV ha. Aakyat lang ako," bilin ni Ann.
"Ako na po ang bahala kay Mine ko, Mom," sagot ni LL kaya kampanteng iniwan ni Ann si GV sa mga anak. Pagkalabas niya sa elevator. Dumiretso siya sa kuwarto nina Patch.
Kumatok muna siya at binuksan. Nandito ang tatlong mga kapatid ni Demetrio at ang tatlong pinsan ni Dylan. Ito ang rason kung bakit umuwi sila sa bansa.
"Hindi kami interesado sa maskarang iyan," wika ni Angel.
"Yes, walang gustong umuwi sa amin dito. Kayo na lang ang bahala kung kanino ninyo ipapasa," pagsang-ayon ng isang kapatid nila. Sina Dylan ay hindi umimik. Pamangkin lang naman sila.
"Alam kong bago pa namatay sina Mommy, may plano na siya para sa mask na iyan. I guess, right time na lang ang hinihintay ninyo?" patanong na sabi ni Angel. Ang panganay sa kanilang magkapatid. "Dahil sa aming nasa ibang bansa, wala kaming balak na isakripisyo ang buhay namin doon. May mga assasins kaming hinahawakan at hindi namin gamay ang fraternities. Sa inyo na 'yan, Bunso."
"Ate? Kaya nga po magpapa-search kami," sagot ni Demetrio.
"Kung iyan ang sa tingin ninyong dapat na gawin para mahanap ang next na sorority queen, go!"
"Mabuti naman at nagkaliwanagan," sagot ni Demetrio. Ang bunso at nag-iisang lalaki sa pamilya habang nakatingala sa maskarang nasa dingding.
"Kain na tayo," yaya ni Regine sa mga ito kaya lumabas na silang lahat. Pinatay muna ni Ann ang ilaw bago isinara ang pinto.
Pagkasara na pagkasara ng pinto, biglang kuminang ang mga diyamanteng naging kulay itim na naka-disenyo sa maskara-ang isa pang kulay nito na hindi nakikita ng nasa kasalukuyan! Depende sa kung ano'ng nangyayari sa nakaraan!

BINABASA MO ANG
SheMan
RomanceShe-Man Sa paaralan na kung saan, napapalibutan ng iba't ibang kapatiran. Sa paaralang araw-araw ay kilabot at gulo ang nangyayari. Sa paaralang walang ibang ginawa ang mga estudyante kundi maglaban at magbugbugan. Sa paaralang hindi na kayang kontr...