SHEMAN
by: sha_sha0808 Ash Simon
CHAPTER 68-69
Unedited...
Matapos magpakilala sa mga kaklase ay naupo si GV sa pinakadulong silya. Maye ang pakilala niya sa mga ito dahil hindi na naman siya nakilala ni LL. Masakit pala! Mas masakit pa kaysa sa ginawa niyang pagtalikod sa binata.
"Hi, Miss, trasferee ka ba?" tanong ng babaeng nasa tabi niya.
Ngumiti si GV at umiling. "Nag-stop lang ako ng one year."
"Really? Ka-batch mo pala ang quadruplets?" bulalas nito.
"O-Oo," sagot niya.
"Ang guwapo nila noh? Lalo na si Lee Patrick!" kinikilig na sabi nito.
"Mas guwapo si Lance Leonard!" sabat ng babaeng nasa kanan niya kaya napagitnaan siya ng mga ito.
"Hindi ba talaga matanggal 'yang pagka-obsessed mo kay LL?" nakasimangot na tanong nito.
"Hindi ako obsessed! Humahanga lang."
"Tigilan mo na! May kasintahan na siya!" sabi nito kaya napatingin si GV dito. Magtatanong pa sana siya pero sinaway sila ng guro.
"Maye name mo, 'di ba?" bulong nito.
"Ako pala si Marjorie," pagpakilala nito. "At ang nasa tabi mo si Mars."
"Ah..." Hindi na siya makapagsalita. Masyadong nawindang ang utak niya sa narinig.
"May kasintahan na pala siya?" bulong niya at malungkot na sinaway ang sarili. Bakit pa siya aasang may babalikan siya? E wala naman talaga dahil kahit siya, meron na. Ikakasal na nga sila. Kung mahal pa nila ang isa't isa, hindi rin puwede! Bawal.
Maaga pa silang natapos dahil first day pa lang naman.
"May kalahating oras pa tayo," wika ni Marjorie.
"Oo nga, saan tayo tatambay?" ani Mars.
"Kain muna tayo sa canteen, nagugutom ako," yaya ni Marjorie.
"Okay, I need a cup of coffee rin naman!" maarteng pagsang-ayon ni Mars. "Ikaw, Maye? Sama ka na sa amin. Wala rin namang gagawin!"
Naglalakad sila sa hallway nang lumabas sa classroom ang mga second year.
"Waaah! Prince LL!"
"Prince Jacob!"
"Pogi mo, Prince Patrick!"
"Grabe, ang Prince JM, ang hot mo po!"
Sigawan nila na hindi na alam kung saan o kaninong boses dahil sa dami ng estudyante.
"Tumabi kayo sa daan!" sigaw ni John Matthew na nakasalubong ang kilay kaya nagsitabi ang mga ito at tumahimik dahil mukhang hindi nagustuhan ng apat.
Hinila nina Marjorie si GV para tumabi. Napayuko ang dalaga at pasimpleng tinakpan ng mahabang buhok ang mukha. First day pa lang niya pero mukhang hindi maganda ang kinalalabasan. Paano pa kaya kapag malaman ng mga ito na siya si GV? Ang babaeng nang-iwan kay LL? Or baka hindi naman sila apektado noong nawala siya? Assuming lang talaga siya.
"Kayong tatlo!" Narinig ni GV ang boses ni Jacob na tumigil at hinarap sila. "Huwag kayong haharang sa daan lalo na kapag makasalubong ninyo kami!"
"S-Sorry ho," paumanhin ni Mars pero nakatingala at palipat-lipat ang mga mata sa guwapong mukha ng mga ito.
"Dapat lang na humingi kayo ng sorry!" ani Lee Patrick pero naglakad na si LL. "Bro, sandali, sampulan muna natin ang tatlong ito!"
Tumigil si Lance Leonard at hinarap ang mga kakambal. "Ayokong magsayang ng oras sa walang kuwentang bagay."
Walang nagawa si Lee Patrick kundi ang sumunod sa tatlong kapatid kaya nakahinga nang maluwag si GV. Para siyang kinakatay kanina nang nasa harapan lang niya ang apat.
"Ang suplado nila!" bulong ni Marjorie.
"Ganoon talaga kapag pogi at habulin!"
Dumiretso sila sa canteen.
"Grabe, minsan na lang dalhin ni LL ang pusa niya noh?" wika ni Mars nang nakaupo na sila sa isang mesa na malapit sa pinto at kumakain.
"Oo nga! Ang cute noh?"
"Saan ba galing ang pusang 'yon?" tanong ni Mars kaya napatigil sa pagkain si GV. Si Pitoy ang unang pumasok sa isip niya.
"A-Ano ba ang kulay ng pusa niya?" tanong ni GV.
"Orange! Ang cute at ang taba! Malaki nga niyang bitbit iyon dati," sagot ni Mars.
"T-Talaga? Saan na raw ang pusa?" Sana ay may makuha siyang impormasyon sa dalawang ito. Na-miss na niya si Pitoy. Kung sana ay buhay lang ang sa kaniya. Panigurado, mas magagalit si LL kapag malaman nitong wala na ang alaga niyang pusa.
"Hindi ko alam. Hindi na niya dinadala dahil nagkasakit daw kaya sa tingin ko, patay na--"
"No!" mabilis na wika ni GV kaya parang naging yelo ang dalawa at nakakunot ang noong napatitig sa kaniya. "I-Ibig kong sabihin, ayaw ko nang pag-usapan pa dahil may alaga rin akong nagkasakit." Palusot niya at biglang lumungkot ang mga mata. Totoo naman. Nalungkot siya para sa mga pusa. Nawala lang ang mga ito na hindi pa muling nagkita. Kasalanan naman niya lahat.
"Excuse me, mauna na ako sa inyo. May ime-meet pa ako," paalam niya saka tumayo at lumabas. Nakayuko siya habang naglalakad. Paakyat na siya ng hagdan nang makasalubong niya ang kalbong bru!
"Hi, Miss!" bati nito at hinarangan siya. "Alam kong baguhan ka lang dito pero mas maganda kapag huwag mong takpan ang maganda mong mukha!" preskong sabi nito kaya napapasuka si GV.
"Damn! Nalintikan na!" bulong ni GV.
"Puwede ko bang hilingin ang number mo? Sa tingin ko, ang ganda mo! Puwede manligaw?"
Naikuyom ni GV ang kamao. Kaunti na lang ay masasapak niya ito.
"Umalis ka sa daan ko!" mahina pero puno ng pagbabantang sabi ni GV. Ito yata ang makapagpabalik sa dating siya.
"Bru! Hinahanap ka ni Dina!" tawag ni Karbie.
"Psh! See you around, babe!"
"Fuck you!" bulong ni GV nang patakbong lumayo ito sa kaniya. Mabilis na umakyat siya sa rooftop. Nang pagbuksan niya ito, isinara niya at sinamyo ang preskong hangin. Isang taong nawala siya. Isang taong kinalimutan na niya ang paaralang ito pero heto siya ngayon, nakatayo sa lugar na kung saan nag-umpisa ang lahat, sa Cresantemum University.
"Kilala pa kaya nila ako? O kinalimutan na ng lahat? Sina Dina at Olivia, magiging kaibigan ko pa kaya?" tanong niya sa sarili. Mga katanungang wala pang kasagutan at masasagot lang kapag kaharap na niya ang mga ito. Inayos niya ang buhok at mapait na ngumiti habang nakatingin sa baba.
"Alam mo bang exclusive lang ang roof top na ito para sa aming quadruplets?" Napalunok siya ng laway nang marinig ang malamig na boses sa kaniyang likuran. Boses na nagpanginig sa kaniyang kalamnan.
"H-Hindi ko alam," nauutal na sagot niya at pinakiramdaman ang kilos ni LL.
"You should read the school's policy!" puno na ng galit na sabi nito.
"I-I'm sorry, hindi ko lang alam. H-Hayaan mo, h-hindi na ako babalik pa rito!" Hindi niya kayang humarap sa binata, baka himatayin lang siya.
"At sisiguraduhin kong wala nang makakapasok sa teritoryo namin!" Nakatayo lang si Lance sa likuran niya pero ramdam niya ang matalim na pagtitig nito sa kabuuan niya.
"Unless, you're one of those who wants me to fuck them!"
Napapikit siya. Kung alam kaya nito na siya si GV, masasabi kaya niya ito sa kaniya? Kung sabagay, ito talaga si Lance Leonard. Ano pa nga ba ang aasahan niya?
"Masyadong maiksi ang palda mo, madali lang iangat," wika ni LL at mas lalong lumapit sa dalagang nakatalikod sa kaniya. Maliit lang ang bewang at mahahaba ang maputi at makinis na binti nito.
"H-Huwag kang lumapit!" wika ni GV at humarap sa binata. Bahala na kung mamukhaan siya nito.
Ngumisi ito at pinagmasdan siya nang maigi sa mukha. Naiilang siya. Iyong tinging parang hinihigop ng mga mata nito ang kaniyang kaluluwa. "Ang ganda mo naman pala kaya ang lakas ng loob mo para pumunta rito." Isang malisyosong tingin ang ibinigay ni LL kay GV.
"L-Lalabas na ako," paalam niya. Bakit ba mas nasasaktan siya sa pang-iinsulto nito ngayon? Ganito ba kapag babae ka? Mas nagiging emosyonal?
"Good! Kanina ko pa hinihintay ang paglisan mo sa harapan ko!" Ang naiinis na boses nito ang mas lalong nagpahapdi sa puso niyang may sugat. Ang sakit palang harap-harapan kang ipagtabuyan. "Dahil sa totoo lang, Miss, hindi kita type! Hindi ikaw ang tipo kong babae. Pang kama ka lang!"
Ang sakit ng lalamunan niya dahil sa pagpigil ng mga luha! Ang sakit pa ng pang-insultong narinig niya mula sa taong labis na nangulila ang puso niya!
"H-Huwag kang mag-alala, hindi naman ako pumunta rito para m-magpapansin sa iyo kagaya ng mga babaeng nasa paligid mo. Gusto ko lang talaga magpahangin," sagot niya na pinipilit magsalita ng normal dahip sa sakit na naramdaman niya.
"Mali ang lugar na pinuntahan mo," mahina pero puno ng hinanakit na sabi ni Lance Leonard.
"Nasa tamang lugar lang ako ng paaralang ito para magpahangin," sabat ni GV at naglakad palapit sa pinto. Isa ito sa mga naging alaala niya sa binata. Dito niya unang nakita kung gaano ka walang kuwentang tao si LL. Dito sila unang nagkaroon ng true kiss. Dito niya nasigurado sa sariling nagustuhan na nga niya ang binata.
"Pero matagal nang walang hangin ang lugar na ito," saad ni LL nang nasa tapat na ng pintuan ang dalaga kaya tuluyan nang bumagsak ang mga luha ni GV. Hindi dahil sa naiiyak siya pero dahil sa walang buhay na pananalita ng dating kasintahan.
CHAPTER 69
Unedited...
"May problema ba?" tanong ni Jiro nang tumigil ang driver sa tapat ng CTU. Kanina pa niya napansin na hindi umiimik ang kasintahan.
"H-Huwag na lang kaya ako mag-aral?" saad ng dalaga. Kagabi pa niya iniiyakan ang unang pagkikita nila ni LL. Hindi na siya nito nakilala. Ramdam niyang nandoon pa rin ang pagtatampo nito sa dating GV.
Hinawakan siya ni Jiro sa kaliwang kamay. "Don't be afraid, Maye, nandito lang ako, hindi kita pababayaan. Matapos ang pag-aaral mo, ikakasal na tayo."
Nanlumo si GV sa sinabi ni Jiro. Nasasaktan siya para rito. Mas lalo yatang nahirapan siya sa sitwasyon. Ngayong bumalik siya, mas lalo lang niyang napatunayan na si LL pa rin talaga ang nagmamay-ari ng puso niya.
"P-Paano kung hindi matuloy ang kasal natin?"
Pinisil ni Jiro ang kamay niya at seryosong tinitigan niya. "Ayaw mo na bang ituloy?"
Mabilis na umiwas ng mga mata si GV para hindi nito mabasa ang tunay niyang kasagutan. "N-Naisip ko lang itanong, Jiro. Sige, baka ma-late na ako," aniya saka hinatak ang kamay at lumabas. "See you mamayang hapon," sabi niya.
Kumaway pa si Jiro sa kaniya bago isinara ang pinto ng sasakyan. Nakatayo pa rin siya at nakatitig sa papalayong sasakyan ng fiance. Ang sikip ng mundo nila ni LL. Sa sobrang sikip, nahihirapan na siyang kumilos at huminga.
"Beeeeeeeeeeeeep!"
Natauhan siya nang may bumusina sa kaniyang harapan kaya tumabi siya. Kilala niya ang sasakyang pumasok. Ito pa rin ang ginagamit ni LL.
Pumasok na siya sa paaralan. Nakasalubong niya sina Olivia at Dina na naka-holding hands pero hindi man lang siya sinulyapan ng mga ito. Wala talagang nakakilala sa kaniya. Kung sabagay, sino ba naman ang mag-aakalang mahaba na ang buhok niya at magsusuot siya ng sling bag na pambabae at palda. Madalas ay nagde-dress pa siya. Mayaman sina Jiro kaya hindi pa naipalabas sa market ang mga gamit, meron na siyang iniregalo nito.
Pagdating niya, sina Marjorie pa lang ang tao sa classroom.
"Maaga ka yata?" tanong niya.
"Yes, si Mars talaga ang palaging late," sagot ng dalaga.
"Really? Kaya pala late siya kahapon," sabi niya. Si Mars ang pinakahuling pumasok kaya hindi niya ito makalimutan.
"Believe it or not, walking distance lang ang bahay nila mula rito," napailing na sabi ni Marjorie.
"Matagal na kayong magkakilala?" tanong ni GV.
"Yes, Maye, since birth dahil magpinsang buo ang mommy ko at daddy niya kaya no choice ako," sagot niya.
"Ah..."
"By the way, sayang pala. End of semester na mag-uumpisa ang search for sorority queen."
"Ah... Mabuti naman," nakangiting wika ni GV. Naalala niyang inilista siya nina Dina noon pero dahil tumigil siya, alam niyang na-disqualify na siya.
"Sayang nga lang dahil hindi natin naabutan. Last year pa kasi nag-umpisa," nanghihinayang na sabi nito.
"Ikaw? Hindi ba't tumigil ka? Sumali ka ba noon?"
"H-Hindi," sagot ni GV. Impossibleng maging sorority queen pa siya kung ang nag-iisang minahal niya ay hindi nga niya kayang ipaglaban at protektahan, ang buong sororities at fraternity members pa kaya?
Matapos ang kalahating oras, dumating na ang guro at nag-umpisa ang klase. Kagaya ng inaasahan, ten minutes late na naman si Mars.
Nahuli siyang lumabas sa classroom para lumipat sa next subject dahil ang magpinsan ay nagmamadaling pumunta sa power room.
Napatigil siya sa paglalakad nang makita ang quadruplets kasama si Anndy na nakasimangot.
Madilim ang mukha ni Lance Leonard na nakatingin sa kaniya nang malapit na ang mga ito. Gusto niyang ihakbang ang mga paa para tumabi pero hindi niya kayang igalaw. Ang puso niya, sobrang lakas ng kalabog kapag nakikita ng kaniyang mga mata ang dating kasintahan.
"Hindi ba't sinabi na namin sa iyo na huwag kang humarang sa daan kapag makita mong parating na kami?" iritadong sabi ni Lance Leonard at isang nakakasuklam na tingin ang ipinukol sa kaniya.
"Miss, alam kong maganda ka pero huwag mong subukang magpapansin sa amin, nagmumukha kang desperada," wika ni Lee Patrick.
"H-Hindi ko sinasadyang humarang, sumakit lang ang paa ko kaya hindi ko na maihakbang," pagdadahilan niya. Sana ay maniwala ang mga ito.
"Kailangan mo ba ng tulong?" tanong ni John Matthew at nginitian siya. Kagaya ng dati, hindi pa rin ito nagbago ang turing sa kaniya kahit na umiba ang anyo niya. Sana si John Matthew na lang ang pinili niya.
"N-No need, thanks," isang tipid na ngiti ang isinukli niya rito. Ito ang taong ginawa ang lahat para mapaibig siya pero ang supladong si Lance Leonard pa rin ang pinili ng puso niya.
"Pasensiya ka na po sa mga kuya ko, suplado talaga sila," paumanhin ni Anndy at tumingala sa babae para makita ang mukha nito.
"Bumalik ka na sa school ninyo!" Utos ni Lee Patrick.
"Wala nga po kaming pasok, Kuya!" napipikon na sagot ni Anndy at tumingala muli sa dalagang kaharap.
"Oh my ghad!" Napatutop ito sa bibig nang mamukhaan ang kaharap na ngumiti sa kaniya. Humaba lang ang buhok nito pero sigurado siya sa katauhan nito.
"Waaaah. Ate GV! My ghad!" tili ng dalagita at tumalon-talon pa. Lumapit siya kay GV at pinisil ang pisngi nito para makasiguro.
"Waaah Ate GV! Ikaw nga! Ang ganda mo na!" Niyakap niya ito at inamoy-amoy. "My gosh! Pambabae na ang pabango mo!"
Tila nanigas si GV sa naging reaksiyon ni Anndy. Nakilala siya nito, ang saya niya!
"Ang ganda mo po! Babaeng babae ka na!" hindi makapaniwalang sabi nito. Napasulyap si GV sa quadruplets na nagulat ang mga mukha at sinusuri ang mukha niya.
"H-Hi, Anndy, mas dalaga ka na," nahihiyang bati niya.
"Damn! GV? Is that you?" tanong ni Jacob na hindi makapaniwala.
"Ikaw nga!" nakangising pagkumpirma ni Lee Patrick. Sina JM ay walang reaksiyon dahil sa pagkabigla. Si Lance Leonard ay hindi niya mabasa kung ano ang iniisip. Gusto niyang makita ang galit, pagkabigla o pagkainis pero wala. Nanatili itong blangko na nakatingin lang sa kanila.
"Lance Leonard!" Napalingon sila sa babaeng nakangiting palapit sa kanila.
"Pasensiya na, ngayon lang natapos ang klase ko," hinihingal na sabi ni Noona pero ang mga mata ni GV, nanatili pa ring nakatingala sa mukha ni LL na ngayon ay paunti-unting ngumiti kaya napakagat siya sa ibabang labi. Nasasaktan siya!
"Kuya, si Ate GV o, bumalik na siya," naka-pout na sabi ni Anndy.
"Aalis na kami, may importanteng lakad pa kami ng kasintahan ko," sagot ni LL at inakbayan ang kakarating lang na dalaga. "Welcome back, Maye? Pasensiya ka na, hindi kita namukhaan kahapon at kanina. Nagbago ka na kasi. Hindi ko nga inaasahan na nag-iba ka na ng awra. Well, ibang GV kasi ang nakilala ko. Kung sabagay, mas madali ngang bigkasin ang Maye," paumanhin ni LL pero bakit pakiramdam niya, wala lang dito ang muli nilang pagkikita? Parang binuhusan ng asin at sili ang sugat sa puso ni GV sa sinabi ni LL, walang kasing sakit lalo na't kaharap niya ito kasama ang bago nitong nobya.
" Hindi ako nagbago, LL, ako pa rin ito, ang GV na minahal mo." Iyan sana ang isisigaw niya sa binata pero alam niyang wala na rin itong silbi.
"S-Siya pala ang kasintahan mo ngayon," nauutal na sabi niya. Natahimik ang mga kapatid ni LL. Kahit sila, nahihirapan din sa sitwasyon. Nalulungkot. Hindi naman nila puwedeng tutulan ang relasyon nina Noona dahil mabait din si Noona sa kanila at alam nilang ito ang palaging nasa tabi ni LL wala sa sarili ang kapatid hanggang sa naging masigla ito.
"Yes," sagot ng binata. "Sa pagkakatanda ko, nagkakilala na kayo noon?"
"Y-Yes, natatandaan ko pa," mahinang sagot niya. Sino ba ang makakalimot sa babaeng naging first sex ng minahal niya? Ito pa ang pinagseselosan niya noon pero ngayon, mas lalo lang siyang na-insecure kay Noona.
"Mabuti naman," nakangiting sagot ni LL at pinisil ang balikat ni Noona na hindi nakaligtas sa mga mata ni GV.
"M-May pasok pa ako, maiwan ko na kayo," sabi ni GV at nilagpasan ang mga ito. Kahit na nawalan siya ng lakas, sinikap niyang maglakad. Maybe, iba na nga sila ni LL ngayon. May kaniya-kaniya na silang buhay. May kaniya-kaniya na silang relasyon at responsibilidad. Maybe, hindi na nga siya nito mahal dahil noong iniwan niya, si Noona ang nariyan. Kung sabagay, wala na ngang aasahan si LL sa kaniya, ikakasal na siya.
Ganoon nga siguro ang buhay, kahit na mahal ninyo ang isa't isa, wala pa rin kayong magagawa kapag makialam ang tadhana. Or maybe, hindi na talaga siya ang mahal ni LL. Sayang lang, hindi man lang niya ito naipaglaban. Masakit man tanggapin pero iba na ang daang tinatahak nila.
BINABASA MO ANG
SheMan
Любовные романыShe-Man Sa paaralan na kung saan, napapalibutan ng iba't ibang kapatiran. Sa paaralang araw-araw ay kilabot at gulo ang nangyayari. Sa paaralang walang ibang ginawa ang mga estudyante kundi maglaban at magbugbugan. Sa paaralang hindi na kayang kontr...