SHEMAN
by: sha_sha0808 Ash Simon
CHAPTER 46-47
Unedited...
"Lance? Uuwi na ako," sabi ni GV. Pasado alas diyes na. Nasa MOA pa sila dahil nanood ng fireworks. Pauwi na siya kanina nang harangan siya. As usual, kung anu-ano na naman pinagsasabi nito kaya napilitan siyang sumama.
"Mamaya na. Ihahatid kita."
"May curfew ako!"
"Ipapaalam kita sa parents mo."
"Nandito pa nga tayo, 'di ba? Paano mo ako ipaalam?"
"Kailan ka pa hinahanap ng mother mo? Huwag mo naman akong ganyanin, Mine!" pakiusap ni Lance Leonard. Gusto pa talaga niyang makasama si GV ng matagal.
"Lance naman! Hindi ka pa ba nagsasawa? Kanina pa tayo pinagtitinginan ng mga tao! Akala nila, bakla tayo!" Nakasimangot na sabi ni GV. Lahat na lang ay napapalingon sa kanila. Paano, hindi binibitiwan ni LL ang mga kamay niya. Minsan, inaakbayan siya.
"Ano ba ang masama? Okay lang naman. May magbarkada namang ganito ka-sweet kahit lalaki," depensa ni LL.
"Pero ang halikan ako sa ulo nang madalas, hindi ko na talaga ma-take! Putiks! Ba't ba panay ka kiss?" Ilang beses din niya itong itinutulak pero tatawa-tawa lang ang loko.
"E, sa gusto talaga kita i-kiss!" naka-pout na sagot ni LL.
"King ina! Huwag kang mag-pout! Para kang si Damulag!" saway ni GV at kinurot ito sa tagiliran.
"Haist! Hayaan na lang natin sila! Ang mahalaga, alam kong babae ka!" Hahalikan na naman sana siya ni LL pero itinulak na niya ito. Niyakap niya ang jacket dahil sa lamig ng hangin na dumadampi sa balat niya. Ang sarap ng hangin at ang ganda ng iba't ibang ilaw sa paligid ng seaside nitong MOA. Mga lovers na rin naman ang mga nasa paligid dahil lumalalim na ang gabi.
"Tara, uwi na tayo," yaya ni LL kaya nakahinga ng maluwag si GV.
"Mabuti naman at naisipan mo 'yan."
"Hindi sana kaso mas pabor sa akin kapag umuwi na tayo," makahulugang sagot ni LL at hinatak na siya patungo sa car park.
"Dahan-dahan lang!" saway ni GV. Kanina pa sila naghihilaan kaya ang pula na ng kaniyang mga kamay. Kung hindi sa kaliwa, sa kanan siya hinahatak nito kaya wala siyang choice kundi ang sumunod.
"Magta-taxi ako," wika ng dalaga nang malapit na sila sa kotse ni LL.
"Hindi puwede. Ihatid kita sa bahay ninyo!"
Nang buksan ni LL ang sasakyan, sapilitan niyang itinulak papasok si GV at agad na umikot sa driver's seat.
"Ganito ka ba makipag-date? Sapilitan?" reklamo ni GV habang pinapaatras ni LL ang sasakyan. "Lahat ba ng babaeng idini-date mo, hinahatak mo?"
"Wala pa akong naka-date na ibang babae. Ikaw lang!" sagot ni LL at pinaliko ang sasakyan para makalabas sa parking lot.
"Huwag mo nga akong pinagloloko!" Ayaw niyang maniwala dahil isa itong Lacson.
"Hindi naman kita niloloko. Seryoso ako sa 'yo," sagot ni LL at pinabilisan ang pagpatakbo.
"Overspeeding ka na," puna ni GV.
"Gabi naman at walang sasakyan. Isa pa, nagmamadali ako. Inaantok na ako," sabi ni LL.
"Kung sabagay, sanay ka naman sa mabilisan," bulong ni GV. Kahit ang relasyon nila, 'sing bilis din ng kidlat. Hindi nga niya namalayan, sila na pala. Wala man lang ligawan o sagutan na naganap. Basta sila na raw.
"Naman!" pagmamayabang ni LL. "Bakit mo pa patatagalin ang isang bagay kung doon din naman 'yon patungo? E di nagsasayang ka lang ng oras," sagot ni LL at hindi pinansin ang traffic light na naka-red light.
"Paano kung nadisgrasya tayo? Hindi ka talaga marunong sumunod sa batas trapiko!"
"Wow, tayo na lang ang sasakyang tatawid, hihintayin pa natin ang go signal? Kung magpakatanga ka, mag-isa ka na lang. Wag mo akong idamay!" sagot ni LL.
"Oo na lang! Antisocial!"
"Kapag ako ang kasama mo, ako ang batas!" wika ni LL at idiniretso ang sasakyan.
"Mag U-turn ka," wika ni GV.
"Bakit?"
"Doon ang daan sa bahay namin." Sa ganitong oras, tulog na siguro ang mga kasambahay lalo na ang dalawang kuya niya kaya okay lang na ihatid siya ni LL. Sabihin na lang niyang kaibigan niya ang naghatid kung magising ang mga ito.
"Pero rito ang daan patungo sa condo ko," sagot ni LL.
"Ihatid mo muna ako sa bahay namin!"
"Gabi na. Inaantok na ako!"
"LL naman! Uuwi ako!"
"Iuuwi naman kita kaya huwag kang mag-alala," sabi ni LL kaya medyo nakahinga siya ng maluwag. Baka may dadaaan lang sila sa unit nito.
"Mabuti naman dahil inaantok na ako." Mag-a-alas onse na ng gabi. Dapat sa ganitong oras, natutulog na siya.
"Bukas na kita iuuwi."
Halos malaglag ang panga niya sa narinig. "Ulitin mo nga ang sinabi mo?"
Tumigil sa Lance Leonard sa parking lot ng condo building nila.
"Baba na, Mine ko!" sabi nito habang tinatanggal ang seatbelt.
"Iuwi mo ako!"
"Iuuwi na kita sa unit ko kaya halika na, Mine!"
"Lance Leonard!" tumaas na ang boses niya pero bumaba ang binata at pinagbuksan niya.
"Bumaba ka na kasi bago pa ako manggulo rito," pakiusap ni LL. "Kapag hindi ka bumaba, sasabihin kong carnapper ka!"
"Walang hiya ka!" galit na sabi ni GV.
"C'mon, may extra room ako kaya huwag kang mag-alala."
"Ayoko!" tanggi niya.
"Sir? Ano ho ang nangyayari rito?" tanong ng dalawang security guard na nagroronda. Nakita nilang mukhang nagtatalo si Leonard at ang tao sa loob ng sasakyan.
"Kuya!" Tumaas ang kilay ni GV nang parang natatakot ang boses ni LL. "Carnap--"
"Kaibigan ho niya ako! Nagtatalo pa kami kung uuwi ako sa amin pero delikado na kaya sa unit na lang niya ako matulog!" nakangiti pero halos lalabas na ang mga ugat ng dalaga sa kamao nang ikuyom niya ito. Kahit sa ganitong paraan, mailabas naman niya ang kaniyang galit!
"Ganoon ba? Akala namin, kung ano ang nangyayari," wika ng isang guwardiya na may bitbit pang flashlight.
"Halika na, brod! Punta na tayo sa unit ko. Inaantok na ako," inosenteng yaya ni LL at hindi sinasalubong ang nagbabagang mga mata ni GV.
"S-Sige." Napilitang bumaba si GV at padabog na naglakad patungo sa elevator. Bahala si LL na maiwan! Isasarado na sana niya ang pinto pero napigilan ni LL. Humabol naman ang tatlong babae na makisabay sa kanila.
"Sila na ba talaga?" bulong ng isa na taga-CTU rin.
"Ehem!" ani LL na para bang may bumabara sa lalamunan niya.
"Mine?" paglalambing niya kay GV kaya napasandal ang dalaga sa gilid ng elevator dahil nanghihina ang tuhod niya. "Nagutom ako sa date natin. Ipagluto mo ako mamaya ha!"
Ang landi ng boses, putsa!" sa isip ni GV. Mas pinili niyang manahimik na lang. Napapansin niya ang mga kamay ng tatlong babae sa unahan. Nagpipisilan.
Pasimpleng inakbayan siya ni LL kaya napapikit siya dahil baka masapak niya ito.
Kumunot ang noo ni LL nang naduduwal ang babaeng naka-miniskirt sa harapan nila na para bang may lalabas sa sikmura nito.
"Okay ka lang?" tanong ng kasama at hinihimas ang likod nito.
"O-Okay lang. May naalala lang akong nakakasuka!" sagot nito kaya kumulo bigla ang dugo ni GV.
"Psh!" narinig niyang nag-smirk si LL. "Mine? I love you," bulong ni LL pero rinig naman ng nasa unahan kaya kinuha ng isa ang panyo dahil naduduwal din.
"Tumahimik ka na," saway ni GV at kinurot ito sa tagiliran. Ang lakas mang-asar ni LL.
"Excuse us," wika ni LL at hinawakan ang kamay niya para lumabas ng elevator.
"Walang hiya ka!" sabay hampas ni GV sa balikat ng binata.
"Hmp! Akala mo ang gaganda! May pasuka-suka pa!" naiinis na sabi ni LL.
"Siyempre, babae sila!"
"Babae ka rin naman," ani LL. "At mas maganda ka kaysa sa kanila!" Pinipindot niya ang password.
"Wala ka bang card?" tanong ni GV.
"Nakakatamad kunin!" Binuksan na niya ang pinto at ini-on ang ilaw sa gilid ng pintuan. "Pasok, Mine!"
Iginala ni GV ang mga mata. Pangalawang beses na niya itong pagpunta rito at mas maayos ngayon. Lahat ay nasa tamang lalagyan at amoy na amoy niya ang musculine scent ng buong unit.
"Gusto mo ng makakain?" tanong ni LL at hinubad ang jacket saka isinampay sa sofa.
"Busog ako. Nasaan ang kuwarto na gagamitin ko?" wala sa mood na sagot niya.
"Right side. Mamaya ka na matulog, Mine."
"Pagod ako!"
"Tabi tayo," sabi ni LL na nakabuntot sa kaniya.
"Utang na loob! Patahimikin mo na ako!"
"Fine!" pagsuko ng binata at itinaas ang mga kamay. "Ihatid na kita sa loob."
"Huwag na! Buksan mo na lang ang pinto!"
"Bibigyan kita ng damit para pamalit mo!" nauna nang pumasok si LL kaya sumunod si GV sa loob.
"Gamitin mo na lang ito. Hindi ko pa ito nagamit," sabi ni LL nang kunin ang damit pantulog sa closet.
"Salamat."
"Kung gusto mo ng panty, hindi pa 'yan nagamit sa closet."
Tumaas bigla ang kilay ni GV kaya ngumiti si LL. "Selos ka naman! Siyempre walang ibang babae akong dinala rito sa unit ko, ikaw lang!" pagpaliwanag nito. "Para kina Anndy at Mommy 'yan kapag dumalaw sila rito."
"Lumabas ka na nga!" pagtataboy ni GV at itinulak ang binata palabas ng kuwarto.
"Kiss muna!" sabay pout nito.
"Kiss mo mukha m--uhmp!" nanlaki ang mga mata niya nang mabilis na ginawaran siya ni LL ng halik sa mga labi.
"Goodnight, Mine! Kahit ganitong kiss, solve na ako. Night, night! I love you!"
Napaupo si GV sa kama. Kanina pa nakaalis si LL pero sumasakit pa rin ang ulo niya. Kinuha niya ang ternong pajama na may disenyo ni Bugs Bunny at tumungo sa shower room. Mabuti na lang dahil may mga bagong toothbrush, toothpaste at mga personal hygiene kaya ginamit na niya.
Nang matapos, lumabas siya at ibinagsak ang katawan sa malambot at malapad na kama.
Pinakiramdaman niya ang paligid. Wala siyang naririnig na kaluskos. Baka tulog na si Lance Leonard.
Ilang sandali pa, tuluyan na siyang hinila ng antok.
Kinabukasan, nagising siya dahil sa sinag ng araw na galing sa bintana.
"Hmmm..." inaantok pa na nagmulat siya.
"Morning, Mine ko!" bati ni LL. Binuksan nito ang kurtina para magising ang dalaga. Nang pasukin niya ito, ang himbing pa ng tulog nito.
Timatamad na bumangon si GV at walang pasabing pumasok siya sa shower room.
"Mine?" tawag ni LL sa labas. "Kapag tapos ka na diyan, lumabas ka lang. Ready na ang breakfast at ang damit mo, sa ibabaw lang ng kama!"
Matapos maligo, lumabas siya sa shower room na nakatuwalya. Nakita niya ang bagong damit sa ibabaw ng kama kaya napilitan siyang isuot. Wala na ang damit niyang isinuot kahapon.
Nang lumabas siya ng kuwarto, nakita niyang may ginagawa si LL sa lavatory kaya lumapit siya rito.
"Ano ang ginagawa mo?" naiinis na tanong niya at inagaw ang panty na hawak ng binata.
"Naglalaba!" sagot ni LL.
"Wala ka bang washing machine?"
"Sira ang washing kaya kinamay ko na. Akin na nga 'yan nang malabhan ko!" sabay agaw ni LL.
"Ako na!" tumaas ang boses ni GV. Hindi siya makapaniwalang nilalabhan ni LL ang mga damit niya.
"Ako na lang. Maupo ka na roon!" utos ni LL.
"Ako na sabi eh!" singhal niya. Kakagising lang niya pero pinapa-highblood na naman siya nito.
"Galit ka, Mine?"
"Bakit mo nilabhan?" balik-tanong niya kay LL.
"Bakit? Wala namang masama kung labhan ko ang damit mo."
"Naglalaba ka ba dati? Ikaw ba ang naglalaba ng mga damit mo?" usisa ni GV. Ang pinakaayaw niya, ay ang may makialam ng mga gamit niyang ibang tao.
"H-Hindi. Ngayon lang," sagot ng binata.
"Damn! Bakit mo nilabhan ang damit ko?" Hindi siya makapaniwala. Puno pa ng bula ng sabon ang mga kamay ni LL. Hindi niya alam kung matatawa siya o magagalit? Si Lance Leonard Lacson? Naglalaba ng damit niya? Damn! Sarap i-video kung hindi lang siya galit!
"Dahil gusto kong labhan ang damit mo," mahinang sagot ni LL. Nakita niya ang hinubad na damit ni GV kaya kinuha niya ito para labhan.
"King ina! Bakit nga?" sigaw na ng dalaga.
"Bakit ka maninigaw? E gusto kong labhan ang damit ng girlfriend ko?" naiinis na sagot ni LL. Ito na nga ang nilabhan ang damit, ito pa ang magagalit?
"Lance naman!" Nawawalan na siya ng boses kay Lance. Anumang oras, aatakihin siya sa puso. Panty pa niya ang unang kinusot nito.
"Bakit?" nakakunot ang noong tanong ni Lance. "Relationship goal din natin 'to!"
Natigilan si GV sa sinabi nito. Kailan pa sila nagkaroon ng relationship goals? Kailan pa?
"Fuck your relationship goals!" Padabog na iniwan niya si Lance Leonard at hinayaang labhan nito ang mga damit niya!
BINABASA MO ANG
SheMan
RomansaShe-Man Sa paaralan na kung saan, napapalibutan ng iba't ibang kapatiran. Sa paaralang araw-araw ay kilabot at gulo ang nangyayari. Sa paaralang walang ibang ginawa ang mga estudyante kundi maglaban at magbugbugan. Sa paaralang hindi na kayang kontr...