SHEMAN
by: sha_sha0808 Ash Simon
CHAPTER 80-81
Unedited...
"Mine! Nanganak na ang asawa ni Pitoy!" masayang pagbalita ni LL sa kaniya. Kagabi lang, nasa vet clinic sila dahil nanganak na raw ang pusa.
"Alam ko!" sabi ni GV na pinipigilan ang inis. Kagabi pa ito tawag nang tawag at text nang text. Naupo si LL sa tabi niya. Talagang sinadya pa nitong puntahan siya sa classroom nila para lang ipakita na masaya ito sa panloloko ng alaga sa namayapang pusa niya? Kapal ng mukha!
"Mine? Ito ang pictures nila oh! Ang ganda!" Pinakita pa talaga ni LL ang mga pusa kaya wala siyang choice kundi tingnan ang mga litrato.
"Ayan, kulay puti at orange ang tatlo tapos ang dalawa, pure orange at ang dalawa naman ay pure white!" masayang pagkukuwento ni LL habang ipinapakita ang mga maliliit na pusang nakapikit pa ang mga mata.
"Sarap ihambalos ang cellphone sa mukha!" bulong ni GV sa sarili nang sinulyapan si LL na nakangiting sina-scan ang cellphone.
"Sana namatay si Pussy habang nanganganak!" dasal niya kahit na alam niyang masama ang iniisip. Ano ang magagawa niya? Ang bitter niya sa mga pusa.
"Kung ako rin kaya ang namatay? Malamang masaya ang mokong na 'to!" Naikuyom niya ang kamao sa naisip. Ang sama talaga ng loob niya. Hindi ba ito nakakaramdam na nasasaktan siya? Ang manhid.
"Kapag magpakasal na tayo, ang dami na nating alagaang pusa, Mine!"
"Ipaampon mo!" suhestiyon ni GV.
"Hindo puwede! Magpapagawa ako ng cat house para sa kanila!"
"Ibigay mo kay Noona ang mga pusa at si Pitoy lang ang alagaan natin!" Hindi talaga niya kaya pang mag-alaga ng pusa lalo na kung anak ito ni Pitoy sa ibang pusa. Dagdagan pa na kakulay nito ang mga ina. Never talaga!
"Ayoko! Alagaan natin ang anak niya!"
"Mamili ka, ako o ang mga pusa?" galit na sabi niya. Wala siyang pakialam sa mga kaklaseng nakikinig sa usapan nila. Basta siya, galit siya sa mga pusa!
"M-Mine naman..."
"Bumalik ka na sa klase mo, padating na ang teacher namin!" pagtataboy ni GV.
"Galit ka?"
"Hindi ako galit pero puwede ba, umalis ka na muna dahil sumasakit ang ulo ko kapag nakita kita?" pakiusap niya. Kanina pa siya nahihilo tapos dagdagan pa ni LL na kapag titigan niya, nagmumukha ba itong pusa dahil sa pinagmamayabang.
"Ano ang tinitingin-tingin mo? Alis ka na dahil nasusuka na ako sa mukha mo!" Nakatitig lang kasi ito sa kaniya at pinag-aralan ang mukha niya.
"B-Buntis ka?" bulong ni LL kaya natigilan siya.
"H-Hindi ah!" tanggi niya pero bigla na lang kinabahan sa naisip. "Alis ka na nga!"
"Mine? Paano kung buntis ka nga? Pa-checkup tayo mamaya!" Excited na sabi ni LL. Wala silang contraceptives na ginagamit at balak na talaga niyang magkaanak sila ni GV.
"Impossible, meron ako kahapon!" sagot ni GV.
"Pero nag-body bonding tayo kahapon," bulong din ni LL at nilaro ang mga kamay niya.
"After natin, dumating na!" naiinis na sagot ni GV. Kahit ang pabango nito, nagpapabaliktad sa sikmura niya.
"G-Ganoon ba? Akala ko talaga, nakabuo na tayo," malungkot na sabi ni LL saka tumayo dahil dumating na raw ang guro nila senyas ni Jacob na nasa labas lang ng classroom. "Sabay tayong mag-lunch, text mo lang ako kung uwian n'yo na."
Nang makalabas si LL, nakahinga siya nang maluwag.
"Uy, hindi mo sinabing ikaw pala ang dating kasintahan ni LL? Ayieeee. Ang sweet ninyo!" kinikilig na sabi ni Marjorie.
"Oo nga! Ang ganda kaya ng love story ninyo. Hindi ko talaga ma-imagine na ikaw ito!" sabi ni Mars na tinitingnan ang pictures nila ni LL noong maikli pa ang buhok niya.
"Ang cute ng pusa mo oh!"
"Ang cute naman ni Mickey Mouse!" sabi ni Marjorie na tiningnan ang litratong nasa instagram ni LL. Naalala niyang, nasa binata pala ang cellphone niya noong sapilitan siyang dinukot ng ama. Nakuha iyon ni LL sa kalsada.
"Huwag nyo na ngang ipakita!" saway niya. Nasasaktan lang siya sa mga litrato. Dagdagan pa ng caption ni LL na "Mine ko, uwi ka na, miss ka na namin ni Pitoy!"
Pitong buwan nang naka-post at ang daming nag-comment. Ilan lang naman ang in-upload ni LL sa account at halos lahat ay mga pictures niya kaya nakatanggap siya ng bashers. Marami ang nagsasabing "move on" na, hindi na siya babalikan, walang kuwentang girlfriend siya at kung anu-ano pa. Six months nang walang nai-post si LL. Iyon ang huli niyang post.
"GV!" masayang bati ni Olivia nang pumasok. "Hindi kita nakilala!" naiiyak na sabi nito saka mahigpit na niyakap siya. "Ang ganda mo!" puro ng paghangang sabi nito.
"Bru!" bati ni Dina sa kaniya at nakipag-handshake. "Grabe, hindi ko akalaing ganiyan ka pala kaganda! Parang gusto tuloy kitang ligawan!" biro ni Dina.
"Malakas pa rin akong sumuntok sa 'yo!" biro ni GV. Masaya siya dahil kahit paano, okay ang relasyon ng dalawa. Naririnig pa nga niya sa mga tsismosa na secretly married na ang mga ito. Ikukumpirma pa niya sa mga ito kapag magkaroon sila ng time na mag-bonding. Siguro, hindi talaga sila ni Olivia para sa isa't isa at habang nasa Japan siya, na-realized niya na gusto niyang magkaroon ng anak kay LL kapag bigyan ng pagkakataon. Si LL ang lalaking nagpamulat ng kaniyang mga mata na babae siya, physically and emotionally. Psychologically lang ang pagiging lalaki niya. Na iyon ang gusto niya dahil ayaw niyang masaktan physically dahil sa masamang gawaing ipinakita ng kanilang ama.
"Bru, sumama ka minsan sa grupo, pustahan, maraming bru ang tutulo ng laway sa 'yo!" natatawang sabi ni Dina.
"Sure!" sabi niya.
"GV? I'm happy for you," naiiyak na sabi ni Olivia. Tumayo si GV at niyakap ang babaeng minsang minahal niya. Mahal pa rin niya si Olivia pero bilang matalik na kaibigan na lang. Ganoon din si Dina, hindi nagbago ang pagtingin niya dito bilang lesbian bestfriend. Kapag maisip niya ang pinaggagawa nila noon, natatawa na lang siya.
Pagkatapos ng klase, tumawag si Jiro sa kaniya. Gusto raw siya nitong makausap pero tinanggihan niya. Ag sabi niya, mamayang hapon na lang kapag uwian na.
Mabilis na pumunta siya sa pinakamalapit na mercury drug store at bumili ng pregnancy test dahil malakas ang kutob niyang buntis nga siya.
"Mine? Sa tambayan na tayo kumain, nandoon sina Mommy at Anndy," sabi ni LL na sinalubong siya.
"Sige," nahihiyang sagot ni GV. Minsan makulit si Ann kaya naiilang siya lalo na't nagu-guilty siya dahil pakiramdam niya, naglolokohan lang sila nina LL at Jiro.
"Manugang!" tili ni Ann at niyakap si GV nang pumasok. "Ang ganda mo talaga!"
"Ikaw rin ho," sabi niya.
"Mom? Huwag mo namang yakapin ng mahigpit ang mine ko," saway ni LL. Naghahanda sina Mandy at Jairah ng makakakain sa maliit na dining table.
"Iihi lang muna ako," paalam ni GV kaya dinala siya ni LL sa kuwarto nito dahil may kaniya-kaniya silang CR at isang public restroom sa labas.
"Uhmmp!" Tinulak ni GV si LL nang pagkasara ng pinto ang inangkin nito ang mga labi niya. "Tama na!" Naduduwal siya sa amoy nito kahit pa sabihing nasasarapan siya sa mainit na mga labi ni LL.
"Na-miss kasi kita, Mine ko!"
"Halos araw-arawin mo na ako!" reklamo niya saka pumasok sa CR. Sinalod niya ng clean cup ang ibang ihi at gamit ang medicine dropper, inilagay niya sa pregnancy kit. Kinakabahan siya sa magiging resulta.
Ilang sandali pa, napakagat siya sa ibabang labi sa resulta. Hindi niya alam kung matutuwa ba siya? O maiiyak dahil positibo, buntis nga siya.
"Mine? Matagal ka pa? Kakain na raw!" sabi ni LL kaya mabilis na tinago niya ang pregnancy kit sa bag at inilagay sa suot ang mga ginamit matapos hugasan para itapon mamaya sa bahay nila.
"Okay ka lang? Namumutla ka," nag-aalalang sabi ni LL nang makalabas si GV.
"S-Sumasakit lang ang tiyan ko," sagot niya.
"Ah, magpapa-checkup tayo mamaya sa clinic."
"Huwag na, nagugutom lang ako dahil hindi ako kumain ng breakfast kanina," pagdadahilan ni GV.
Nang lumabas sila, sinikap niyang maging normal sa harapan ng mga ito kahit na ang totoo, sukang-suka na siya sa amoy ng ulam.
"Kumain ka mine," sabi ni LL saka nilagyan ng pagkain ang plato ni GV.
"GV? Alam mo bang ang kulit ni LL noong umalis ka? Inaaway ako," sumbong ni Ann sa dalaga na kaharap nila. Katabi nito sina Mandy at Jairah. Ang tatlong magkapatid ay wala pa dahil umiiwas sa pagkaing dala ng ina. Kani-kaniyang palusot na lang sina John Jacob, Lee Patrick at John Matthew.
"Mommy!" saway ni LL.
"Bakit? Totoo naman ah!" depensa ni Ann at muling hinarap si GV. "Noong nasa Jap--"
"Mommy, tama na, puwede?" saway ni Lance Leonard sa ina para putulin ang sasabihin nito. "Ayoko nang maalala ang nangyari kaya hanggat maari, huwag na nating pag-usapan kung puwede lang?"
"Okay, fine!" nakasimangot na sabi ni Ann. "Pero GV, masaya kami dahil bumalik ka na kay LL matapos ang ilang buwang pamamalagi mo sa Japan. At least, okay na ang lahat sa inyo ni LL," masiglang sabi ni Ann. Sobrang saya niya para kay LL. Hindi naman lingid sa kanilang kaalaman ang mga pinagdaanan ng anak noong wala pa si GV.
"Salamat ho," pasalamat ni GV at sinubo ang kanin sa kutsara pero sa kaloob-looban niya, nasasaktan siya. Hindi lang kasi si LL ang niloloko niya kundi pati pamilya nito. Pasimpleng hinawakan niya ang tiyan, paano kapag malaman ni LL na buntis siya? Paano kung malaman din ng kaniyang ama at nina Jiro?
"GV? May kaunting salo-salo kami sa Sunday sa Tagaytay, pumunta ka ha," pag-imbita ni Ann. Sina Mandy at Jairah ay walang pakialam sa kanila dahil kanina pa nagugutom ang mga ito.
"S-Subukan ko ho," magalang na sagot niya at ipinagpatuloy ang pagkain.
Matapos nilang kumain, nag-usap muna sila at nang ala una 'y medya na, hinatid siya ni LL sa classroom nila.
Buong klase siyang wala sa sarili dahil sa pagbubuntis niya. Suwerte lang niya dahil wala silang oral recitation.
Alas kuwatro ang uwian nila kaya nagmamadaling lumabas siya sa gate dahil nasa labas daw si Jiro.
Sumakay siya sa front seat at habang nasa biyahe, tinext niya si LL na sinundo na siya ng mga kapatid at pinatay ang cellphone.
"Kamusta? Nangangayat ka," puna ni Jiro kaya matamlay na ngumiti si GV sa binata.
"Kamusta ka na?"
"Okay lang, pogi pa rin! May inaasikaso lang na mga kasamahan," sagot ng binata. Dahil siya ang nasa Pinas, siya ang pinakiusapan ng ama na umasikaso at makipag-usap sa ibang mafia boss na nandito sa Pilipinas.
Tumahimik si GV. Nabahala siya sa sanggol na nasa sinapupunan niya. Kahit hindi pa ito halata, malalaman at malalaman ng lahat na buntis siya.
"Kailan ka uuwi sa Japan?" tanong niya nang nasa tapat na sila ng bahay nila.
"Good question, Maye," sagot ni Jiro at may inabot sa kaniyang puting sobre.
"A-ano 'to?"
"Plane ticket, sa Monday ang flight, six thirty ang departure so two hours before ng flight dapat nandoon na tayo."
"P-Pero hindi pa tapos ang pasok ko!" natarantang sabi ni GV.
Ngumiti si Jiro sa kaniya, "Hindi mo na tatapusin ang semester na ito."
"Jiro naman!" Nahihirapan na siya sa sitwasyon.
"Ilang araw, linggo o buwan na kitang hinayaang maging malaya kasama si Lance Leonard. Hindi pa ba sapat ang oras na ibinigay ko sa iyo?"
Napahilamos si GV sa mukha. Kaunti na lang ay iiyak na siya lalo na't buntis na siya.
"Dalawang bagay ang puwede mong gawin, leave or stay," sabi ni Jiro na humarap kay GV.
"Kapag sumama ka, umasa kang magkakagulo dahil sa pagkakaalam ko, bantay sarado ka na ng mga Lacson!" nakangising sabi ni Jiro. Alam niyang lahat ng port ay may pinabantay na si LL.
"J-Jiro..." Hindi niya alam ang sasabihin lalo na kung ano ang magiging desisyon. "K-Kapag hindi ako sasama sa iyo?" wala sa sariling tanong ni GV. Gusto na lang niyang magpakamatay dahil sa problema pero may munting buhay na sa sinapupunan niyang umaasa sa kaniya.
"Kapag pinili mong manatili rito, makakaasa kang dadanak ng dugo at maraming hayop ang mawalan ng buhay," makahulugang sagot ni Jiro kaya napahigpit ang paghawak ni GV sa shoulder bag.
"B-Bababa na ako, p-pagod pa ako," nanghihinang sabi niya saka walang lakas na binuksan ang pinto saka bumaba.
CHAPTER 81
Unedited...
"Ang ganda mo mine!" puri ni LL sa kasintahan nang makita itong nakaupo sa labas ng coffee shop na malapit lang sa bahay nina GV. Tumakas lang ito sa mga kapatid para sumama kay GV sa Tagaytay.
"Lance!" masiglang sabi ni GV saka tumayo at hinalikan ito sa pisngi.
"Ready?"
"Oo," sagot niya at ngumiti ng sobrang tamis.
"Masigla yata ang mine ko?" tanong ni LL. Ngayon lang ito hindi nagagalit sa kaniya. Mula noong Lunes, inaaway siya nito. May kagatin, hampasin at kung ano pa ang maisipang gawin sa katawan niya.
"Ano ang gusto mo? Iiyak ako?" nakataas ang kilay na sabi ni GV at niyapos ang kanang braso ni LL.
"Hindi naman. Mas gusto kong ganiyan ka, masayahin!" todo ngiti na sabi ni LL saka hinalikan ito sa pisngi. "Kanina pa tayo hinihintay nina Mommy sa Tagaytay."
"Talaga? Excited na rin ako!" sabi ni GV. "Mine? Daan muna tayo sa mall, maaga pa!" yaya niya.
"Ano ang gagawin natin?"
"Mamasyal!"
"Palagi na lang tayong namamasyal, bukas na lang."
"Gusto ko ngayon na!" naka-pout na sabi ni GV at niyakap si LL kahit na marami ang nakatingin sa kanila. Ang ganda at guwapo naman kasi nila kaya agaw-pansin talaga.
"Pero nandoon na ang mga bisita," sabi ni LL. Alas dos na ng hapon at may biyahe pa sila.
"Ayaw mo? Hindi na lang ako sasama," pagtatampong sabi ni GV.
"Oo na, kung 'di lang kita mahal, ewan ko lang!" pagpayag ni LL kaya dumaan sila sa MOA at mas pinili ni GV na maglakad sila sa seaside.
"Mine? Kapag ba maging ama ka at ako ang ina, ano ang gagawin mo?" tanong ni GV.
"Papakasalan kita at gagawa ulit tayo ng maraming supling kapag lumabas na ang panganay," sagot ni LL at hinigpitan ang pagkahawak ng kamay ng kasintahan.
"P-Paano kapag wala tayong anak?"
"Papakasalan pa rin kita dahil ikaw lang ang mine ko!" sagot ni LL at tumigil sa paglalakad.
"Lance? Paano kung ito na ang huling araw na magkasama tayo? Ano ang gagawin mo?" tanong ni GV kaya ngumiti si LL.
"Gagawin ko ang lahat para hindi matuloy ang huling araw na ito," isang matamis na ngiti ang ibinigay ni LL pero ang totoo, nababahala siya. Ayaw lang niyang ipahalata sa dalaga.
Pareho lang silang hindi na umimik at tahimik na naglakad hanggang sa mapagod.
"Punta na tayo sa Tagaytay," yaya ni Lance Leonard.
"Ayaw mong magsimba? Malapit lang dito ang Baclaran," wika ni GV na nakatingala sa binatang nakaakbay sa kaniya. "Isa pa, Linggo ngayon."
"Nakapagsimba na kami kanina," sagot ni LL. Gusto na niyang makarating sa Tagaytay.
"Nagmamadali ka ba mine?" tanong ni GV.
"No, gusto ko lang na mapakilala ka sa ibang kamag-anak namin."
"S-Sige," pagpayag ni GV.
Habang nasa biyahe, panay ang sulyap ni GV kay LL na nagmamaneho. Gusto niyang makabisado sa memorya ang guwapong mukha nito para kahit hindi niya ito makita ng ilang taon, hindi niya makakalimutan ang bawat anggulo nito.
Alam niyang kanina pa may nagte-text at tawag sa cellphone niya pero hindi niya sinasagot. Hinahayaan lang niyang nakabukas pero nasa silent mode.
"Mine? Puwede bang bagalan mo ang pagpatakbo ng sasakyan?" pakiusap niya kay LL.
"Bakit naman?" tanong ni LL at pinagmasdan ang mukha ng dalaga.
"G-Gusto lang kitang makasama nang matagal," mahinang sagot niya. Hinawakan ni LL ang kaliwang kamay niya at nginitian siya.
"Are you buying our time, Mine?"
"Y-Yes, h-hindi na kasi kita makakausap mamaya dahil sa mga bisita," sagot ni GV at binigyan ito ng matamis na ngiti.
"Sana walang tinatagong lihim ang pagiging masiglahin mo ngayon," sagot ni LL at pinabagalan ang pagpatakbo. Kung anu-ano na ang pinag-usapan nila pero para kay GV, ang dali lang ng oras dahil hindi niya namalayan, nasa resthouse na siya ng mga Lacson sa Tagaytay. Pasado alas nuwebe na ng gabi nang mapatingin siya sa wrist watch na nasa kaliwang kamay.
Maliwanag ang buong paligid dahil sa ilaw na nasa poste.
"Kaninong resthouse sa kabila?" tanong ni GV."
"Kina Tita Divina, ang ibang bisita ay diyan matutulog after ng party," sagot ni LL.
Napansin ni GV ang ilang mamahaling sasakyang parating at tumigil sa hindi kalayuan dahil puno na ang space sa tapat ng gate.
Bumaba si LL at pinagbuksan siya ng pinto.
"L-Leonard? Sino ang mga nakaitim sa dulo?" kinakabahang tanong ni GV. Malayo ang mga bahay sa resthouse na ito. Nadaanan nga nila ang racing area ng fraternities kanina.
"Huwag kang matakot, Mine, mga bantay lang 'yan kung sakaling may kalaban sa atin. Alam mo na, ngayon kami magtitipon-tipon na magkaanak," sagot ni LL saka inakay si GV papasok.
Ang lawak ng swimming pool ng resthouse at ang dami ring tao, halatang galing sa kilalang pamilya.
Hindi pa rin magawang maging kampante ni GV. Bakit pakiramdam niya, gumagalaw ang lahat ng puno? At sa bawat dilim, may mga aninong nakatago?
"Napapa-paranoid lang ako," bulong ni GV at niyakap ang braso ni LL. Alas singko ng umaga kaya ang usapan nila ni Jiro, alas tres ng madaling araw ay nasa tapat na ito ng bahay nila.
Bumulaga sa kanila ang malaking bulwagan ng resthouse na puno ng table decorations na black and white ang motif.
"Manugang!" tili ni Ann nang makita sila at niyakap siya nang makalapit na sila.
"G-Good evening po," magalang na bati niya.
"Kumain ka na? Kain muna kayo, ipapakilala kita sa buong pamilya!" sabi ni Ann at nagpaakay siya rito patungo sa isang table na may mga kaedaran ni Ann. Nasa table rin sina Dylan at Cheska.
"Guys, si GV pala, manugang ko kay LL!" pagpakilala ni Ann kaya nawalan ng kulay ang mukha ni GV sa pagkapahiya. Maipakilala pa kaya siya nito kapag malaman ni Ann na mamayang madaling araw na niya iiwan si LL?
"Mom? Sa table na lang nina Jacob kami kakain ni GV, baka ma-OP lang siya," bulong ni LL dahil hindi naman nila kaedad ang nasa table.
"Okay," sagot ni Ann. "GV, siya pala ang ibang mga pinsan ng ama ni Lance Leonard na nasa ibang bansa," pagpakilala ni Ann.
Hinila na ni LL ang kasintahan sa table ng mga kapatid at pinsan.
"Nasaan sina Lee Patrick?" tanong ni LL.
"Nasa itaas, kasama si Anndy at ang iba pa," sagot ni Cheska.
Maganang kumain si LL pero nakailang subo lang si GV at pinagmasdan ang katabi. Kung puwede lang sana nilang sulitin ang buong gabi.
"Kain ka pa, Mine," sabi ni LL.
"B-Busog na ako," sagot ni GV at napakagat sa ibabang labi. "May tubig ba kayo?"
"Gusto mo ng tubig?" tanong ni LL at tinawag ang pinakamalapit na waiter sa kanila. "Tubig nga para sa girlfriend ko," sabi ni LL.
Biglas bumilis ang pagtibok ng puso ni GV, hindi siya puwedeng magkamali, ang waiter na lumapit sa kanila, tauhan ito nina Jiro. Ito pa nga ang palaging sumasama sa kanila habang namamasyal sila ni Jiro sa Japan. Iginala niya ang paningin, napansin niya ang tatlong lalaking lumabas sa kusina na nakapang-waiter din ang suot. Ang isa ay kilala niya.
"L-Lance?"
"Hmmm?"
"P-Puwede bang magpahinga muna tayo? Nahihilo ako," pakiusap niya.
Nang ilapag ng waiter ang tubig, hindi niya ito ininom kahit na nauuhaw siya.
"Sige, alam kong nakakapagod ang biyahe," pagpayag ni LL at nagpaalam sa mga pinsan at inakay siya paakyat sa hagdan. "Mamaya na kita ipakilala sa mga pinsan ko," sabi ni LL at binuksan ang isang pinto ng silid.
"M-Mine?" Niyakap niya si LL ng sobrang higpit.
"May problema ba?" tanong ni LL.
"W-Wala, gusto lang kitang yakapin nang sobrang higpit," naiiyak na sabi niya.
"Ako rin," sagot ni LL at gumanti sa mga yakap ni GV. "I love you, Mine! At hindi na ako makakapayag pa na mawala ka sa akin."
"A-Ako rin, ayaw kong mawala ka!" umiiyak na sabi ni GV kaya kumalas si LL sa pagkakayakap sa kaniya.
"May problema ba? Bakit ka umiiyak?" Pinahidan niya ang mga luha ni GV.
"N-Naiiyak lang ako dahil hindi ko akalaing makasama at mayakap pa kita," sabi ni GV at siya na mismo ang humalik sa mga labi ni LL na buong pusong sinalubong ng binata hanggang sa lumalim ang kanilang halikan at nagmamadaling naghubad ng saplot hanggang sa mga ungol na lang nila ang naririnig ng kanilang mga tainga.
"Mine? Mahal kita!" sabi ni LL at niyakap siya. Pareho silang pagod at nakahiga sa malambot na kama.
"M-Mahal din kita LL, mahal na mahal at h-hindi ko kayang mawala ka." Niyakap niya si LL at humagulgol ng iyak. Ayaw na niyang matapos ang gabi. Ayaw na niyang sumikat ang araw para lang makasama ito.
"Hey, huwag ka nang umiyak, dito lang ako, hindi kita iiwan..."
"L-Leonard? Paano kung iiwan na naman kita?" tanong niya kaya hinawakan siya sa baba ni LL para iharap sa kaniya.
"Makakaya mo bang iiwan na naman ako?"
Natigilan si GV at nakipagtitigan dito. Makakaya ba niya? Iiwan na naman ba niya si LL? Hindi yata niya kaya.
"Ako kasi Mine, hindi ko na kayang mawala ka sa paningin ko..."
Walang nagsalita sa kanila. Sapat nang nakatitig sila sa mga mata ng isa't isa at ang kanilang mga puso ang nag-uusap.
"Lance!" tili ni GV nang makarinig ng napakalakas na pagsabog mula sa labas.
"It's okay, fireworks lang iyon," sabi ni Lance at tumayo saka binuksan ang makapal na kurtina. Tumayo rin si GV at nagmamadaling isinuot ang damit niya. Ganoon din si LL. "Halika, Mine, ang ganda ng fireworks!"
Sunod-sunod ang pagputok at ang ganda ng iba't ibang disenyo sa langit ang sumalubong sa mga mata ni GV.
Nakabihis na rin si LL at niyakap siya mula sa likuran saka hinalikan sa batok. "Ang ganda ng nakikita natin pero sa lahat ng nakikita ko, ikaw nag pinakamaganda!" bulong ni LL at mas hinigpitan ang pagkakayakap. Naghiyawan ang mga tao sa baba habang nakatingala sa langit habang ang ilang bata ay nagising kaya patakbong lumapit sa mga magulang.
Kitang-kita ni GV ang mga tao sa pool area, ang daming paputok lalo na fireworks sa itaas.
"Mine? Lalabas lang ako, kukuha ng champagne," paalam ni LL at kumalas sa pagkakayakap sa kaniya saka lumabas.
Dalawang minuto na ang nakalipas pero hindi pa bumabalik si LL kaya parang dibdib na naman niya ang nasabugan. Patakbong lumapit siya sa pintuan at pinihit ang seradura.
"J-Jiro..." sambit niya at napaatras nang pagbukas ng pinto ay bulto ni Jiro ang kaniyang nakita.
"Hi!" nakangiting bati ni Jiro na may bitbit na baril. "Can we talk?" Napaatras si GV at iginala ang mga mata pero wala si LL. Pumasok si Jiro at isinara ang pinto. Naglakad ito sa couch at inilapag ang baril sa katabing table. "Don't be afraid, walang bala ang baril na ito."
"A-Ano ang kailangan mo? B-Bakit ka nandito?" nanginginig ang katawan at boses niya. Maingay pa rin sa labas pero nabibingi na siya. Hindi niya alam kung para saan o saan galing ang mga putok na naririnig.
"J-Jiro, hindi ako sasama sa iyo," matapang na saad ni GV. Buo na ang desisyon niya, ayaw niyang sumama rito.
"Ipagpalit mo ang buhay ng pamilya mo para kay LL?"
"M-Mahal ko ang pamilya ko at mahal ko si L-Lance Leonard!"
"Kung ganoon, okay lang na patayin ko ang pamilya mo?" hamon ni Jiro kaya napaiyak si GV.
"P-Puwede bang tulungan mo ako? P-Puwede bang iurong mo ang kasal at sabihin sa d-daddy mo na h-hindi tayo magkasundo at h-hindi mo ako gusto? Babayaran ko a-ang utang ng ama ko kahit habang buhay ako p-pero Jiro, mahal ko si LL. Please, t-tama na," luhaang pakiusap niya. Hindi niya kayang iwan si LL. Alam niyang matindi na ang pinagdaanan ng kasintahan noong mawala siya.
"Matanong kita, GV, sa tingin mo, bakit kita dinala rito sa Pilipinas?"
"H-Hindi ko alam..." Pinahidan niya ang mga luha. "J-Jiro, h-hindi ako puwedeng magpakasal sa 'yo..." Napahawak siya sa tiyan. Ayaw niyang ma-stress dahil sa munting anghel na nasa sinapupunan. Napadako ang mga mata ni Jiro sa hawak niyang tiyan.
"Buntis ka..." Kinuha ni Jiro ang baril at nilaro-laro ng mga kamay.
"J-Jiro, maawa ka sa amin, k-kahit sa baby ko na lang... P-Pakiusapan mo naman ang p-parents mo oh!" Si Jiro na lang ang pag-asa niyang makatulong sa kanila. Tumindi ang ingay sa labas pero hindi niya alam kung ano ang nangyayari.
Nag-de-kuwatro ang binata at ngumisi sa kaniya. "Alam mo ba kung bakit ang quadruplets ang pinakapaboritong apo ng namayapang si Patch Leenddie Santos Lopez Lacson?"
Umiling si GV, wala siyang alam.
Isang malalim na buntonghininga ang
pinakawalan ng binata. "Dahil sa kanilang magkapatid, nag-iisang lalaki lang ang ama nina Lance Leonard!" makahulugang sabi ni Jiro saka tumayo.
"J-Jiro..."
"Huwag kang umiyak, wala kang dapat na iyakan, Maye." Naglakad siya palapit kay GV pero napaatras ang dalaga, takot na takot sa kaniya ang mga mata.
"Hindi kita sasaktan, Maye."
"P-Please, g-gusto ko nang maging malaya, Jiro. P-Pakiusap, tama na," pagmamakaawa ni GV. "A-Ano ang gusto mong gawin ko kapalit ng kalayaan namin?"
Tumawa si Jiro at iniabot ang baril sa kaniya. "Kill me! Malaya ka na."
Nakatitig si GV sa baril at umiling kaya mas lalong tumawa si Jiro at napailing habang nakatitig sa maamong mukha niya.
"Punasan mo ang mga luha mo at ngumiti ka, walang rason para sayangin mo ang mga luha mo, Maye." Tinago niya ang walang balang baril sa bewang at nilagpasan si GV.
"A-Ano ang ibig mong sabihin, Jiro?"
Humarap si Jiro at nginitian siya. "Matagal ka nang malaya, Gamaliel Vilma Maye Potoy. Bago pa tayo umuwi rito sa Pinas, malaya ka na..."
"A-Ano ang ibig mong sabihin, Jiro?" naguguluhang tanong ng dalaga.
"Isang araw bago tayo magkaharap at magkakilala ng personal, sinira ni LL ang pinto ng kuwarto ko sa Japan para lang makausap ako at binalaan na oras na galawin ko ang Mine niya, malilintikan daw ako at papatayin niya kahit na alam naman nating mas malakas ako sa kaniya."
"P-Pumunta si LL sa Japan?"
"Welcome to our family, Maye!" nakangising sabi ni Jiro saka muli siyang tinalikuran. "Minsan ko lang makasama ang mga pinsan ko sa mother side kaya wala na akong panahong makipaglokohan sa babaeng kinababaliwan ng second cousin ko!"
Naiwan si GV na nakatulala at hindi pa naintindihan ang mga nangyayari.

BINABASA MO ANG
SheMan
RomanceShe-Man Sa paaralan na kung saan, napapalibutan ng iba't ibang kapatiran. Sa paaralang araw-araw ay kilabot at gulo ang nangyayari. Sa paaralang walang ibang ginawa ang mga estudyante kundi maglaban at magbugbugan. Sa paaralang hindi na kayang kontr...