60-61

1K 35 1
                                    

SHEMAN

by:sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 60-61

Unedited...
"Mine? Kain tayo sa KFC, gutom na ako," yaya ni LL habang naglalakad sila.
"Tigilan mo nga ako! Sa Mcdo na lang tayo o sa Jollibee!" sabi ni GV. As usual, nandito na naman siya idinaan ni LL sa mall.
"Ayoko! Parang walang gulo, KFC tayo!"
"Puwes, kumain kang mag-isa!"
"Biro lang, Mine! Sa condo na lang tayo kakain. Mag-o-order ako," ani Lance Leonard at inakbayan ang dalaga.
"Ayoko! Sa bahay na lang ako kakain," sagot ni GV.
"Daan ka muna sa condo ko. Wala akong kasama," suhestiyon ng binata. "Doon na lang tayo manood."
"Lance? Tigilan mo nga ako sa kahibangan mo! Wala ako sa mood makipag-asaran sa 'yo!"
"Hindi naman ako nang-aasar. Seryoso ako, Mine!"
Ipinagpatuloy ni GV ang paglalakad. Parang buntot namang nakasunod si LL sa kaniya. As usual, marami ang napapalingon.
"GV? Halika, pasok tayo sa Department Store" yaya ni LL at hindi na hinintay na makasagot pa ang kasintahan. Hinila na niya ito papasok sa loob ng Department Store.
"Ano ang bibilhin natin dito?" tanong ni GV.
"Kahit ano. Doll shoes, gusto mo? Ibili kita." Lumapit ito sa mga sapatosan at namili ng magandang sapatos.
"Yes, Sir? Doll shoes, sir?" tanong ng saleslady na lumapit sa kanila. Mukhang napako pa ang mga mata sa binata. Ganoon din kay GV. Manghang-mangha sa kaguwapuhan ng dalawang kaharap.
"Yes, please," sagot ni Lance Leonard. "Ano ba ang magandang design na nababagay sa girlfriend ko?"
"Ano ho ba ang size ng girlfriend ninyo, Sir?" magalang na tanong nito.
Humarap si LL kay GV. "Mine? Ano ang size mo?" tanong niya saka inakbayan si GV. "Pili ka na at isukat para malaman natin kung alin diyan ang kakasya sa 'yo."
Nanlaki ang mga mata ng saleslady at ng mga dalagang nakikinig sa kanila.
"N-Nagbibiro lang siya, Miss! Pinagtitripan ka lang nitong tropa ko!" bawi ni GV saka pasimpleng siniko si LL at binigyan ng nakakamatay na tingin. Sinenyasan niya si LL na umeskapo na sila kaya padabog na sumunod ang binata sa kaniya.
"Oh? Bakit ganiyan mukha mo?" tanong ni GV habang pababa na sila sa escalator. Dumistansiya pa talaga si LL sa kaniya.
"Dini-deny mo kasi ako!" pagtatampo ni LL.
"Arte mo!"
"Saan ang arte sa sinabi ko? Ang nagmamahalan, hindi ikinakahiya sa publiko!"
"Damn, kailangan ko rin ng privacy!" mahina pero galit na sagot ni GV. Kaunti na lang, magsisigawan na sila rito sa mall.
"Hindi kasama sa privacy ng relasyon natin na i-deny ako!" tumaas na rin ang boses ng binata kaya may napapalingon na sa kanila.
Nagtitigan lang silang dalawa. Walang nagpapatalo. "Fine, sa condo na lang natin pag-usapan ang bagay na iyan," pagsuko ni LL.
"Umuwi kang mag-isa! Mamamasyal pa ako!" sabi ni GV.
"Sabay tayo, Mine!" Inakbayan siya ni LL at umiba na naman ang modo nito. "Pasensiya ka na kung tinaasan kita ng boses bago lang. Nansasaktan lang talaga ako kapag itinatanggi mo ako," nasa boses nito ang labis na kalungkutan kaya hindi alam ni GV kung ano ang gagawin. Kung maaawa ba? O maiinis! Pero nakakaawa talaga ang mukha ng mokong.
"Halika, pasok tayo sa mga accessories," yaya na naman nito at hinila siya papasok sa home-made accessories na gawa ng isang sikat na fashion designer.
"Mine!" tuwang-tuwa na tawag ni LL kay GV at kinuha ang head-band saka inilagay sa ulo ni GV.
Tumawa siya at magiliw na tinitigan si GV. "Bagay sa'yo, bilhin ko 'yan!"
"Ayoko!" mabilis na tanggi ni GV.
"Sige na, ang cute mo kasi e. Para kang si Mickey Mouse. Hindi ba, favorite mo 'yon?" Parang tainga ni Mickey Mouse ang suot na black headband ni GV kaya nagmumukha siyang miyembro ng clubhouse nina Mickey Mouse.
"Ang cute ng mine ko! Kahit na ganiyan ka, mukha ka ng babae!" puri ni GV. Ayaw na niya ng gulo kaya sinikap niyang balewalain ang mga mapanghusgang mata sa paligid.
Pasimpleng sinulyapan niya ang sarili sa human size na salamin at ngumiti sa sarili pero agad namang sumeryoso ang mukha niya.
"Honey? Bili mo 'ko nitong si Hello Kitty," paglalambing ng babae sa boyfriend nito na kakapasok lang. Ang ganda nito sa suot na puting bestidang hanggang tuhod ang haba na pinaresan ng fuschia doll shoes. Isang sikat na teen star ito na minsan nang naging kapatid ni Blue sa isa nitong pelikula.
Pinagmasdan niya ang lalaki. Guwapo ito at bagay silang dalawa.
"Si Lance ba 'yan?" tanong ng babae nang mapansin si Lance na nakapila sa counter, bitbit ang pricetag ng suot niyang headband.
"Hey, dude! Long time no see!" bati ng binata at nakipag-fist to fist sa dating kaklase. "Who's with you? Chicks mo, ano?"
"Girlfriend ko," nakangiting sagot ni Lance at napasulyap sa kaniya kaya parang gusto na niyang lumubog sa kinatatayuan. Nanliliit siya sa sarili.
Nang matapos magbayad ay lumapit si LL sa kaniya. "Let's go?"
Lumingon siya sa magkasintahan. "Mauna na kami," paalam ni LL.
Bago sila lumabas, narinig pa ni GV ang tanong ng babae, "Bakla si LL?"
"Bagay sa 'yo ang ganito," sabi ni LL na nakatingin sa head band niya.
"Salamat," wala sa sariling sagot ni GV.
"May bumabagabag ba sa girlfriend ko?" Napansin niyang may problema ito habang palabas na sila sa mall.
"LL? Hindi ka ba nahihiyang ako ang kasama mo? Hindi ka ba nahihiyang ipaalam sa mga kakilala mo na ang isang kagaya ko lang ang syota mo?" Tumigil si LL at hinarap siya.
"Mine?" Hinawakan niya ito sa magkabilang balikat. "Hindi kita ikinakahiya dahil mahal kita. Kung sila lang ang iisipin ko, e di sila na lang sana ang linigawan ko."
Napayuko si GV. Ewan ba niya, pero bakit parang gustong magdiwang ng puso niya sa narinig.
"GV, I love you," sabi ni Lance.
"I love you too."
"Talaga?"
"H-Ha? M-May sinabi ba ako?" natarantang tanong ni GV at napakagat sa ibabang labi. Gusto niyang batukan ang sarili at tahiin ang bibig dahil kusa na lang itong nagsalita na hindi man lang kinonsolta ang utak niya.
"Wala," sagot ni LL. "Wala akong narinig. Uwi na tayo?"
"Sige..."
Nakakabinging katahimikan ang namayani sa loob ng kotse. Hindi na nga siya nagprotesta nang iminaneho ni LL ang sa sasakyan patungo sa condo nito.
"L-Lance?" Si GV na ang bumasag sa katahimikan.
"Mine?"
"W-Wala ka ba talagang narinig?" usisa niya. Hindi talaga siya mapakali.
Umiling si LL habang nakakagat sa ibabang labi.
"Sure ka?" panigurado niya.
"Gusto mong kumain ng pizza? Daan tayo sa greenwhich?"
"Seryoso ako sa tanong ko!"
Itinigil ni LL ang sasakyan dahil sa red light at humarap sa kaniya.
"Gusto mo ba talagang malaman?" seryosong tanong din ni LL.
"Ahm, m-may narinig ka ba?"
"Mine? Bago ko sagutin ang tanong mo, puwede ko bang malaman kung totoo ang narinig ko?"
"Lance naman!"
"E kasi, pumalakpak talaga ang tainga ko kanina sa narinig ko. Alam mo 'yon? Para akong nasa Heaven!" Ayan na ang malapad nitong ngiti at pinaandar na naman ang sasakyan. Kanina pa siya lumulutang sa ulap. Hindi lang niya pinapahalata kay GV dahil namumula ang mukha nito. Pero rinig na rinig talaga niya ang bawat salitang binitiwan nito.
"Argh! Kaasar!" naiinis na wika ni GV
Kung puwede lang niyang iuntog sa pader ang ulo.
"Huwag na nating pag-usapan kung ayaw mong umamin. Kung sabagay, magpakipot ka muna, Mine."
Wala nang nagsalita pa muli sa kanila hanggang sa makarating sila sa condo unit ni LL. Kahit sa elevator, wala ring nagsasalita pero pasimpleng hinawakan ni LL ang kamay niya kaya nanlalaki ang mga mata ng tenant na nakasabay nila.
Pagkapasok nila, agad nag-order si LL ng makakain. Binuksan niya ang tv at nagpaalam na magbihis muna. Nang dumating ang pagkain, si GV na ang ang nag-receive.
"Kanina pa ba ang pagkain?" tanong ni LL na kakalabas lang ng kuwarto. Naka-black shorts ito at white sando.
"Bago lang." Napasulyap siya sa malapad na dibdib nito.
"Kain muna tayo, Mine, alam kong gutom ka na."
Matapos nilang kumain, tahimik na naupo si GV sa sala habang si LL ay naghuhugas ng platong pinagkainan nila.
Pasado alas siyete na ng gabi kaya tumayo siya para magpaalam kay LL.
"Saan ka pupunta?" tanong ni LL habang pinupunasan ang basang kamay niya ng towel.
"Uuwi na ako."
"Mamaya na, mag-usap muna tayo."
"Hinahanap na ako sa bahay."
"Ako ang bahala kay Tita kapag hanapin ka."
"Lance, wala tayong dapat pag-usapan pa."
"Meron," sagot ni LL at hinawakan siya sa balikat nang makalapit ito sa kaniya upang maupo. "Heart to heart talk tayo."
" Damn, nandito na naman sa ka-cornihan niya!"
sigaw ng isip ni GV at sinunod na lang ang nais nito. Naupo siya pero nakatayo lang ito sa kaniyang harapan.
"Totoo ba ang narinig ko kanina?" usisa ni LL.
"Akala ko ba, wala kang narinig!" Itinuon niya ang mga mata sa tv. Baka sakaling mawala ang kaba niya.
"May narinig ako. Totoo ba na mahal mo rin ako?" tanong ni LL at mahinang sinipa ang kanang paa niya.
"W-Wala akong sinabing gano'n!"
"Maghuhubad ako kapag hindi ka umamin!" pagbabanta ni LL pero hindi talaga humaharap si GV sa kaniya.
"E di maghubad ka!"
Nakikita niya sa peripheral vision na naghubad ito ng sando. Ayaw talaga niyang humarap kahit na ilang malalanding demonyo pa ang bumubulong sa kaniya na tingnan ito. Basta concentrate lang siya sa tv.
"Mine?" Kinakalabit siya ni LL pero para siyang may stiff neck. Ayaw niyang galawin ang ulo. Basta nasa tv lang siya. "Kapag hindi mo ako sagutin, tuluyan kong hubarin ito!"
"My ghad!" bulalas niya nang lumipat si LL sa tapat ng tv kaya ang katawan na nito ang nakikita niya. Napako pa talaga ang mga mata niya sa malaking umbok na natatakpan ng kulay itom na brief nito.
Pumikit siya pero ilang sandali pa ay iminulat niya ang kaliwang mata habang ang isa ay nakapikit pa para silipin lang si LL pero laking gulat niya nang nasa harapan na niya ito.
"Magbihis ka nga!" utos niya at napayuko na lang. Pinipilit niyang labanan ang tila magnet nitong katawan na humahatak sa mga mata niya para pagmasdan ito.
"Aminin mo na kasi! Mahal mo ako o hindi?"
"Lintik! Magtatanong ka lang, kailangan may hubad portion pa?"
"Gusto ko kasing malaman ang hubad na katotohanan!" sagot ni LL kaya napataas na ang kilay ni GV.
"Wow, ha! Nakadamit pala ang katotohanan ngayon?"
Naupo si LL sa tabi niya at hinarap siya. Kinuha nito ang dalawang kamay niya at hinawakan ng mahigpit. "Mine? Mahal mo na ba ako? Totoo ba ang narinig ko kanina?"
Ilang beses na napamura si GV sa isipan! Natutukso talaga siyang tingnan ang katawan nito.
"One second lang," sabi niya at napasulyap sa dibdib ni LL. Okay, pinkish ang right nipple nito. Bumaba ang mga mata niya sa right upper quadrant ng katawan nito.
" May abs siya," bulong niya at binilang mula sa itaas. Tatlong abs sa kanan kaya sigurado siyang may tatlo rin sa kabila.
"Six packs abs," bilang niya. Napaisip tuloy siya kung matigas ito o malambot? Hindi pa siya nakahawak ng abs, boobs lang ni Olivia.
"Wala namang nagbabawal sa 'yo na hawakan 'tong abs ko kaya try mo na, matigas siya!" nakangising sabi ni LL kaya agad na iniwas na naman niya ang mga mata.
"P-Pinagsasabi mo diyan?" Kunwari ay wala siyang idea sa pinagsasabi nito.
"Psh! Ang abs ko! Alam kong pinagnanasaan mo na." Hinatak ni LL ang kamay niya pero hinihila niya.
"Bitiwan mo ang kamay ko! Wala akong pagnanasa sa six packs abs mo!"
"Walo kaya!" ani LL.
"Anim lang!" giit ni GV. Anim lang talaga bilang niya e.
"Walo kaya, bilangin mo pa!" Ang ngisi ni LL, hindi na masukat kung gaano kalawak.
"Anim lang kaya bilang ko!"
"Talaga, Mine? Binilang mo?" bulalas ni LL at ang mga mata nito ay parang nagbibintang ng batang nagnakaw ng piso sa wallet niya.
"H-Ha? Tumigil ka nga!" sabay tayo niya. Nawawala na siya sa sarili kapag sumasagot siya ni LL. Kasalanan talaga ito ng dila niya eh!
"Waaah!" hiyaw niya nang hatakin siya ni LL kaya napaupo siya sa kandungan nito. Tatayo na sana siya pero agad na niyapos siya ng binata.
"Mine?" bulong ni LL na malapit sa tainga niya kaya nanayo ang balahibo niya lalo na sa mainit na hininga nito na dumampi sa punong-tainga niya. "Mahal mo ako?"
Hinawakan siya ni LL sa panga para magharao ang kanilang mga mukha at hinuli ang mga mata niya. "Kailangan ko ang honest answer mo, GV. Please, huwag mo nang lokohin pa ang sarili mo."
Biglang gumulo ang mundo niya na kahit isang salita, wala siyang mabuo. Napasulyap siya sa mapupulang labi ni LL. Natutukso siyang tikman ito lalo na't alam niyang sobrang tamis ng lasa nito.
"Do you love me, GV?"
"N-Naguguluhan ako," sabi niya at napalunok ng laway nang ilang pulgada na lang ang layo ng mukha nito sa kaniya.
"Yes or No? Mahal mo ba ako?" Idinikit ni LL ang mga labi nito sa labi niya habang ang kamay ay nakapulupot sa bewang ni GV na nakakandong sa kaniya.
"M-Maybe..."
"Yes or no lang," pati ilong nila ay nagdikit na kaya nabibingi si GV sa lakas ng pagkalabog nito.
"Y-Yes," mahinang sambit niya at sinalubong ang mainit na mga labi ni LL.
Ilang minuto pa ay tumigil sila at parehong hinahabol ang hininga.
"Damn, ang s-sarap ng labi mo, Mine!" hinihingal na sabi ni LL at mas lalong hinigpitan ang pagyakap sa kasintahan. Hindi makapagsalita si GV. Nawawalan siya ng hangin. Kung puwede lang, ayaw na niyang matapos ang halik nito.
"Mahal mo na ako, 'di ba?" masayang tanong ni LL.
"W-Wala akong--damn! Oo na! Mahal na lang kita!" naiinis na sagot ni GV nang gumalaw ang bewang ni LL. "King ina! Masakit!" reklamo niya. Ang tigas kasi ng nasa puwetan niya. Nanunutok!
"Hmp? Mas masakit kapag makapasok siya," biro ni LL.
"Subukan mo lang!" pagbabanta niya. Mukhang masakit nga! Daliri pa lang nito noong nag-KFC sila, nasasaktan na siya, ito pa kaya?
"Biro lang. At least, alam mo na na kahit ganito ka, sinasaludo ka niya!"
"Tigilan mo ako!" Tinanggal niya ang kamay ni LL at tumayo saka hinarap ito. Okay, fine! Mas lalong lumaki nga ang nasa loob ng brief nito! At hindi maikailang ang hot ng loko! Para itong nagpi-pictorial sa porn magazine!
"Ayaw mo?" naka-pout na tanong ni LL.
"Gusto mo, putulin ko 'yan?" Tinaasan niya ito ng kilay.
"Biro lang, Mine. Basta tayo na ha! Mahal mo na ako ha! Next level na tayo! Totohanan na 'to ha."
"Iuwi mo na ako!"
"Bukas na, Mine! Dito ka na matulog. Pangako, walang mangyayari sa atin. Sa kabilang kuwarto ako matutulog." Tumaas pa ang kanang kamay nito para manumpa. Makakatanggi pa ba siya kay LL? Kaya natulog siya sa condo nito pero laking pasalamat niya dahil tinupad nito ang pangakong sa kabilang kuwarto ito matulog.

SheManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon