SHEMANby: sha_sha0808 Ash Simon
CHAPTER 36-37
Unedited...
"Oh? Bakit mo ako pinatawag?" tanong ni LL nang pumasok sa tambayan.
"Gusto kitang makausap ng masinsinan!"
"Wala tayong dapat pag-usapan!"
"Meron! Isang tanong, isang sagot! May gusto ka ba kay GV?"diretsahang tanong ni JM. Ang dalawa pa nilang kapatid ay napatingala sa kanila habang kumakain ng pringles na para bang nanonood ng pelikula.
"Bakit? Selos ka?" balik-tanong ni LL.
"Just answer my fucking question! Damn you!" singhal ni JM.
"Wala kang karapatan para alamin ang nararamdaman ko!" singhal din ni LL. Sina Jacob ay napailing na lang sa kanila. Tuwang-tuwa pa sa nangyayari sa dalawang kapatid.
"Meron!" sabat ni JM na kulang na lang ay dudurugin niya ang mukha nito. "Dahil ang babaeng gusto ko, gusto mo rin!"
Hindi umimik si LL. Tinalikuran niya ang kapatid at lumapit sa kusina para kumuha ng tubig pero sinundan siya ni JM.
"Ano? Hindi ka makapagsalita? Sagutin mo akong hayop ka!" Kinalimutan na niyang kakambal niya ang kapatid. Tutal, hindi naman siya nito iginagalang.
"Maghintay ka! Kumukuha lang ng buwelo para umamin! Kailangan mo ba talaga akong sundan dito?" sagot ni LL at inilapag sa mesa ang baso saka muling lumabas sa sala.
"E di umamin ka rin! Gusto mo talaga si GV!" Parang asong nakabuntot si JM sa kapatid. Gigil na gigil!
"Oo! Masaya ka na?" pag-amin ni LL. Hindi siya sigurado sa nararamdaman pero parang ganoon na nga ang isinisigaw ng utak niya. Hindi niya makakayang iba ang kasama ni GV. Kung puwede niyang harapangan ang lahat, gagawin niya. Basta sa kaniya si GV.
Ngumisi si JM. "Sa tingin mo, gusto ka niya?"
"Ikaw? Gusto ka rin ba niya?" balik-tanong ni Lance Leonard. Ayaw makialam at sumabat nina Lee Patrick. Basta nandiyan lang sila na handang pumagitna kapag magsapakan ang dalawa dahil kapag magkaroon ng pasa ang isa sa kanila, damay silang lahat.
"Oo! Ako ang sasagutin niya!" siguradong sagot ni JM. Kahit na totomboy-tomboy si GV, mapapasagot niya ito. Kaunting diskarte lang ang kailangan.
"Ako kaya!" sagot ni LL. May gusto talaga si GV sa kaniya. Nahihiya lang itong umamin pero nararamdaman talaga niya. Isa pa, kailangan talaga niyang singilin ang dalaga at pagbayaran ang lapastangang ginawa nito sa mga labi niya!
"Tama na nga ninyo! Para fair, ligawan na lang ninyo si GV," suhestiyon ni Jacob. "Iyong patas na ligawan at walang sama ng loob kung sino ang pipiliin niya. Basta huwag lang ninyong kalimutan na magkapatid tayong apat. Ang matatalo, tanggapin ang katotohanan!"
"Deal ako diyan!" sagot ni John Matthew. Kampante siyang siya ang pipiliin ni GV.
"Sige!" pagsang-ayon ni LL pero bakit parang kinakabahan siya? Hindi kasi niya alam kung paano ang manligaw. Baka matatalo siya ni JM. Isusumpa talaga niya ang kapatid at lalayas siya sa Pinas kapag nangyari iyon.
"Bakit parang natatakot ka?" nakataas ang kilay na tanong ni JM.
"Asa ka! Nag-iisip lang ako ng date monthsary namin ni GV!" depensa ni Lance Leonard sa sarili. Sana pala, sapakan na lang ang labanan para may chance pa na manalo siya.
"Oh, halina kayo. May pasok pa tayo,: yaya ni Lee Patrick at tumayo na.
Naunang lumabas si JM. Nakasunod naman ang tatlo sa kanila.
"Damn!" pagmumura niya nang makakasalubong na naman nila si Jaffy.
"Oh, Balunbalunan!" bulalas ni Lance Leonard na nakatodo ngiti pa. Napansin niyang binagalan ni JM ang paglakad.
"Hi!" masiglang bati ni Jaffy saka napasulyap kay JM. "Hello, John Matthew!" todo ngiti pa siya sa quadruplets. Simple lang siya kung kumilos. Hindi gaanong makapal mag-makeup at maayos din namang magdala ng damit. Ang cute nito sa light pink na sombrero.
Patay na patay talaga siya kay John Matthew mula pa noon kaya sinusundan niya ito kahit na saan magpunta pero nitong nakaraang araw, naging busy siya. Kinailangan kasi siya ng kaniyang kakambal sa ibang bansa kaya nagmamadali siyang pumunta roon.
"May pasalubong pala akong chocolate sa 'yo!" Agaw-pansin na sila sa daan pero wala siyang pakialam. Busy siya sa kakakalkal ng tsokolate sa shoulder bag. Ibabalot pa sana niya ito pero nakasalubong na niya ang mga Lacson kaya ibibigay na niya kahit na walang cards. "T-Teka lang." Natatarantang hinalungkat niya ang bag at para naman siyang nanali ng jackpot sa lotto nang mahanap ito.
"Here!" Pag-angat niya ng mukha, wala na ang tatlo. Si Jacob na lang ang nasa harapan niya kaya gumuhit ang pagkadismaya sa kaniyang mukha.
"Para sa akin ba 'yan?" tanong ng binatang nasa harapan. Umiling si Jaffy. Hindi naman siya tanga. Alam niyang walang gusto si John Matthew sa kaniya pero nagbubulagbulagan siya. Isa siya sa mga fangirl na umaasang magkatuluyan sila ng iniidolo niya.
"Akin na lang 'yan!" mahinang sabi ni Jacob at kinuha sa kaniya ang hawak na chocolates dahil pinagtitinginan na sila ng mga estudyante. Kanina pa niya gustong magtago dahil mukhang hinuhubaran na siya ng mga ito pero naaawa siya sa dalaga dahil kapag iwa pa niya ito sa gitna ng daan, magmumukha lang itong tanga.
"Salamat dito!" Kunwari ay masaya siya. "Let's go? Ihatid na kita sa classroom ninyo bilang bayad sa tsokolateng ito!" Hinawakan niya ang babae sa kamay at hinila para makapaglakad. Padami na rin ang mga lumabas sa classrooms para masilip siya.
"H-Huwag mo na akong ihatid, Jacob," nahihiyang sabi ni Jaffy. "Kaya ko nang pumunta sa classroom."
"Sure ka?" nagdududang tanong ng binata at binitiwan siya.
"O-Oo, salamat pala sa ginawa mo." Kung wala si Jacob, baka pagtawanan na naman siya at gawing merienda ng mga estudyante sa buong campus dahil binalewala ng mga Lacson. Kung sabagay, minsan lang may babaeng napapahiya sa publiko dahil hindi naman lumalabas ang mga ito kapag maraming tao.
"Pagpasensiyahan mo na si John Matthew. Gano'm talaga 'yon. Hindi niya ugaling magkagusto sa babaeng habol sa kaniya nang habol," paumanhin ni Jacob. Mas gusto ni JM na siya ang naghahabol sa babae.
"Wala iyon."
Bitbit ang tatlong pirasong chocolates ay pumunta na si Jacob sa classroom nila. "Oh, chocolates mo!" inilapag niya sa desk ang bitbit.
"Ilayo mo nga sa akin 'yan! Baka may gayuma pa 'yan!" pagkasuplado ni John Matthew. Sa tuwing mapasulyap siya kay Lance Leonard, nagwawala ang kalooban niya! Sa daming puwedeng maging karibal, ang kapatid pa niya!
"Ibigay ko na lang 'to kay Anndy. Sayang naman. Mamahalin eh," sabi ni Jacob at iniabot kay Lee Patrick ang chocolates. "Pakitago muna sa bag mo," pakiusap niya.
Nang maupo siya sa silya, kumulo na naman ang dugo ni Jacob nang mapansin si Hael na natutulog. Naalala pa niya ang eksenang sinampal siya nito. Nananariwa ang sakit sa tuwing makita niya ang pagmumukha ang dalaga lalo na kapag natutulog ito!
"Huwag mong sabihing, may gagawin kang masama sa kaniya?" bulong ni Lee Patrick. "Huwag mo nang ituloy. Maawa ka naman sa kaniya." Naiintindihan niya ito. Umaga pa itong pumapasok at gabi na kapag umuwi dahil sa trabaho. Matataas pa ang mga quizzes nito kaya alam niyang nagsusunog ito ng kilay para i-maintain ang scholarship.
Nang dumating ang guro ay pasimpleng tinapik ni Lee Patrick ang balikat ng dalaga. Dahan-dahan itong nagmulat na para bang isang sanggol na kakagising lang. Tipid na ngiti naman ang ibinigay ni Hael bilang pasasalamat.
Nang matapos na ang klase, sabay na pumunta ang dalawa sa parking lot.
"Pitoy!" tawag ni LL at patakbong lumapit sa dalaga. "Pauwi ka na?"
Ipinagpatuloy ni GV ang paglalakad na para bang walang narinig. Mamaya pa raw uuwi si Olivia dahil may practice pa ng sayaw kaya pinakiusapan na niya si Dina na sabay nang umuwi ang mga ito dahil ihahatid nila ang ina ngayon sa airport.
"GV!" Halos mawalan na naman siya ng kulay nang tawagin ni JM ang pangalan niya. Malapit na siya sa kotse nang humarang ito sa harapan niya.
"Sa akin ka na sumabay," sabi ni John Matthew.
"Sa akin ka na sumakay. Mas mabilis akong magmaneho kaysa kay JM!" sabat ni Lance Leonard na nakaharang din sa kaniyang harapan.
"Ako ang naunang nag-offer!" nanggigigil na sabi ni John Matthew.
"Pakialam ko? Importante pa ba iyon kung sa akin naman siya sasama?"
Palipat-lipat ang mga mata ng dalaga sa pagkapatid. Naguguluhan siya sa mga nangyayari. Sa pagkakatanda niya, nagpaalam si John Matthew na manligaw sa kaniya pero ano itong drama ni Lance Leonard? Iginala niya ang mga mata dahil baka na "Wow Mali" lang siya at biglang susulpot si Joey De Leon para sabihing drama lang ang lahat. Katuwaan lang.
"Ako ang nauna sa kaniya!" giit ni John Matthew. "Ako ang first kiss niya!"
Nanlaki ang mga mata ni GV sa sinabi ni John Matthew. Laking pasalamat niya dahil sila pa lang ang tao rito dahil masyado pang maaga para sa uwian.
"Hala! Nananaginip ka?" panunuya ni LL. "Ako ang nakaunang humalik noong na-CPR ko siya! Ako ang unang nakahawak sa boobs niya!" pagmamalaki ni Lance Leonard na tila ito ang nakahuli ng pinakamalaking isda sa dagat.
Ilang beses kumurap si GV. Tama ba ang naririnig niya sa mga ito? Siya ba talaga ang pinag-uusapan nila? Ang nakakadiri at nakakahiyang karanasan niya sa mga ito? Baka panaginip lang ang lahat? Sana nga!
"At hindi lang basta nahawakan! Nakita ko pa talaga! Maputi at pinkish ang nipples niya!" Biglang nanginig ang kalamnan ni GV sa sinabi ni LL. As in nakita talaga nito ang tinatago niya? Akala ba niya, pumikit ito noon? Walang hiya!
"Sinungaling!" singhal ni John Matthew. Hindi puwede! Hinding maunahan siya ni Lance Leonard.
"Tanong mo kay GV!" turo ni LL. Kung puwede lang maglaho sa mundo, noong nakaraang linggo pa niya gustong gawin ito.
"Pakiusap, tama na!" malakas na sigaw niya kaya natigilan ang mga ito. "Ano ang drama mo, Lance Leonard? Ano ito?" naguguluhang tanong niya. Mas tumindi pa yata ang nangyayari sa kaniya ngayon.
"Nanliligaw sa 'yo!" seryosong sagot ni Lance Leonard kaya hindi na talaga maigalaw ni GV ang kahit na daliri niya. Para siyang sinabugan ng bomba sa ulo.
"Huwag mo siyang sagutin! Hindi na siya virgin!" sabat ni John Matthew.
"So? Siya naman nakauna sa mga labi ko!" pag-amin ni Lance Leonard. May mga nakatalik na siya pero isinusumpa niyang wala pang babaeng nakatikim ng matamis na mga labi niya. Si GV pa lang!
"Diyos ko," mahinang sambit ni GV at nang magalaw na niya ang mga kamay ay napahawak siya sa dibdib. Nanunuyo ang kaniyang lalamunan sa mga naririnig. Aatakihin yata siya sa puso. "Ano ang nagawa ko at bakit sinumpa mo ako ng ganito?" Masama mang mangsisi pero hindi ito ang ipinagdasal niya parati. Hindi ito ang kasagutan sa kaniyang mga kahilingan.
"GV? Mamili ka, sino sa aming dalawa?" tanong ni JM kaya parang boxer na tinitigan niya ang dalawang nasa harapan. Palipat-lipat.
"Alam ba ninyong may kasintahan ako? Si Olivia ang mahal ko! Wala akong ibang mahal kundi si Olivia lang dahil babae ang gusto ko! Lalaki ako!" tila may bakal siyang dinudurog sa kamao habang nagpapaliwanag sa mga ito. Kulang na lang ay buksan niya ang ulo ng mga ito para itanim sa mga utak nila na lalaki talaga siya!
"Wala akong pakialam kay Bolivia! Si JM o ako?" tanong din ni LL.
"Oo nga! Si LL o ako?" pagsang-ayon din ni John Matthew. Lihim na ipinagdasal niya na sana, magkaroon ng kidlat at siya na lang ang tamaan para mamatay na siya! Tutal, naghihirap din naman siya dahil sa pangto-torture ng mga ito noong nakaraang linggo pa.
"GV? Gusto kita," seryosong pagtatapat ni JM. "Handa akong baguhin ka lalo na ang pananaw mo sa buhay! Handa akong gawin kang tunay na babae sa kahit na ano mang paraan." Ipagmamalaki niya ito sa pamilya nila kung sakaling siya ang piliin ni GV. Boto na rin ang ina nila rito kaya wala siyang magiging problema.
"GV? Hindi kita gusto," sabi ni LL. "Dahil mahal na siguro kita at ayaw kong baguhin ka dahil tanggap ko kung ano ka..."
Napapikit si GV. Pakiramdam niya ay tinubuan siya ng sungay at buntot. Iyong tagos hanggang langit ang haba! Pakiramdam niya ay nasa impyerno siya nakatayo ngayon kaya gusto niyang sumigaw. Gusto niyang magwala at manakit ng tao.
"Putragis kayong dalawa!" Itinaas niya ang kuwelyo ng polo shirt at nanggigigil na sumigaw. "Magsuntukan na lang tayo!" paghamon niya at sumugod kay John Matthew pero napaatras ito. Nang sugurin naman niya si LL ay mabilis itong tumakbo. Sumunod din si JM nang mapansin nitong hindi siya nagbibiro. Makipagsuntukan talaga siya! Patay na kung patay!
BINABASA MO ANG
SheMan
RomanceShe-Man Sa paaralan na kung saan, napapalibutan ng iba't ibang kapatiran. Sa paaralang araw-araw ay kilabot at gulo ang nangyayari. Sa paaralang walang ibang ginawa ang mga estudyante kundi maglaban at magbugbugan. Sa paaralang hindi na kayang kontr...