"Meron nang plano ang mga kalaban natin, yet hindi pa din natin nahahanap ang mga spirits." Captain James said.
"Paano tayo maghahanap kung hindi natin alam kung saan magsisimula?" Saad naman ni Ms. Alexa.
"What if mag-build tayo ng school for them, na ang alam lang iba is for advance martial arts training." Suggest ng Elders ng Nature Agency.
Biglang nag-alarm ang buong headquarters, agad silang napapunta sa main area ng hq.
May lumabas na isang tao mula sa screen naka-mask siya at may logo ang noong parte nito.
Siya ang leader ng Anti-Nature.
May letrang capital "N" na may ekis sa gitna.
"Hello Nature Agency! ambagal-bagal niyo naman talaga." Bungad nung naka-mask.
"Anyways you can call me, Toxic." Dugtong pa niya sabay tawa ng malakas.
"Anong kailangan mo toxic? Why you still bothering us?!" Galit na sagot ni Captain James.
"Kayo ang may kailangan sa akin." Pagkasabi niya nito ay may nakita silang anim na tao na nasa mid 20's na ang edad.
"Hawak ko ngayon ang mga hinahanap niyo, sila ang napili ng kalikasan." Pananakot niya.
Nagkaroon ng pagdududa ang mga Nature Agency dahil walang prove itong si Toxic that's why nag-decide sila na pabayaan nalang itong tao na ito.
Lahat sila ay nagbalik sa dati nilang ginagawa maliban kay Elder Pablo, Captain James, at Ms. Alexa.
"Patunayan mo na sila nga." Hamon ni Ms. Alexa sa kaniya.
Pinakawalan ang anim na ito at nakipaglaban nga kay Toxic, pero wala ni isang nagtagumpay.
Kitang-kita nila ang nangyari kaya nangamba ang buong Agency, akala nila ay biro lang ang lahat.
Magmula noon ay nangako si Captain James sa sarili na hindi na siya magpapabaya for the next generation.
"Nalalapit na ang takdang oras." Sabi ni Toxic at nawala na siya mula sa malaking screen.
BINABASA MO ANG
Seven Spirits (Spirit Series #1)
FantasySa buong mundo, mayroon lamang pitong natatanging tao na makakamtan ang Pitong Espiritu mula sa kalikasan. Ito ay nagiging salinlahi sa bawat henerasyon. Hindi ito nagmumula sa bloodline kundi mula sa mga taong may pusong pangalagaan ang Mundo, sa m...