Chapter 11
4 days later....On the other hand
@Kim's Building
Jen's Dad: Secretary?
Sec.: Yes Mr. President?
Jen's Dad: anong masasabe mo sa mga pamilya na may LGBT na member?
Sec.: Masasabe ko lang po masaya po! Kasi kung bakla ang anak mo ipagtatanggol ka niya sa mga mang-aapi sa pamilya niya kahit ganyan ang mga bakla masaya sila kasama kasi pinapatawa ka pag malungkot ka sila pa kadalasan ang bread winner sa buhay! Ang mga lesbian naman same din kayang kaya ka ipagtanggol lalo pag mahalaga ka sa kaniya ang mga lesbians po kasi mabait po sila basta good ka sa kaniya may mga gays and lesbians naman po na medyo nasobrahan nila kaya kadalasan na huhusgahan sila!
Jen's Dad: may anak ka bang mga ganon ? Or kakilala??
Sec.: Wala po pero mga kaibigan meron ho mabubuti po sila may mga gays,Bi,transgender and lesbians na matitino meron din hong hindi! Minsan nadadamay ang matitino sa kalokohan ng iba!
Jen's Dad: nahusgahan mo din ba sila?
Sec.: naku hindi ko po masasabe na pang huhusga ang aking ginawa lalo kapag mali po sila! Dun lang po ako nakakapagsalita!
Jen's Dad: masama ba sila?
Sec.: Hindi naman po lahat ay masama! May mababait po marami po sila may mga matitino na minsan nadadamay sa kapwa nila ganon! Kasi wala naman pong perfect na LGBT parang tayo rin po yan na mga straight nagkakamali din pero ganon po talaga para matuto tayo pero meron din po na talagang may mga ugali na hindi maganda wala din naman po sila pinagkaiba sa mga gaya nating straight Mr. President kung tutuusin nga po mas kriminal pa ang taong mapanghusga pag naging kaibigan mo sila mahahanap mo talaga sa kanila din ang tunay na kaibigan!
Jen's Dad: Salamat Secretary!
Sec.: Welcome Mr.President, bakit niyo po pala natanong?
Jen's Dad: wala naman! Gusto ko lang kunin opinion mo sa kanila!
Sec.: Ganon po ba! Mr. President!
Jen's Dad ok sige you can go!
Sec.: *bow and leave*@Kim's House
Jen's Mom: Manang?
Maid: Yes po Ma'am!
Jen's Mom: Ano po ang mga ugali ng mga LGBT?
Maid: Ang ugali po nila, pagdating po sa Love matindi po sila magmahal! Pag sa buhay naman po madidiskarte sila! At mabait na bata mapagmahal po!
Jen's Mom: talaga? Pero nababalitaan ko sa mga ganon may binubugbog lalo sa mga lesbians!
Maid: naku Ma'am di naman po lahat ganon! Wag po natin lahatin ang iba po ay napo-provoke sa paligid nila,pero hindi po lahat ganon! Anak ko po lesbian bunso namen panganay namen gay po!
Jen's Mom: ha? So ganon mga anak mo?
Maid: opo Ma'am! Hindi ko po sinasabe na dahil sa anak ko ay lesbian kaya nasabe na di lahat ganon pero ang totoo po hindi po lahat ng lesbian ay ganon ang iba po tingin lang po nila sa iba ganon! Naiinis nga po ako sa ibang tao na kung husgahan anak ko na baka ganon din siya pero hindi naman nasa kung paano po yan pinalaki ng magulang nasa up bringing po kaya may mga tao na nambubugbog!
Jen's Mom: matagal ka ng nagwowork dito sa bahay pero hindi ko alam na may anak ka pa lang ganon!
Maid: hehe opo Ma'am meron po! Proud po ako sa kanila kasi kahit malayo ako napalaki po siya ng Ama nila ng maayos!
Jen's Mom: paano niyo sila natanggap? And paano niyo po nalaman na ganon sila I mean sinabe ba nila na ganon sila?
Maid: Yung bakla kong anak ang umamin na ganon siya tinanggap namen dahil mabuti po siyang tao hindi po siya gaya ng ibang gay po na mabisyo matino po siyang gay! Yung lesbian naman po nakitaan namen pero tinanggap namen po kasi mabait din po hindi po siya yung mahilig barkada may mga kaibigan naman po pero syempre pinipili niya yung mga maayos na kaibigan wala rin ho siyang bisyo matitino po sila Ma'am kaya masaya ako na kahit ganon sila binigyan pa rin kami ng mga anak na mabuting tao ,as long as mas kilala niyo sila dapat po na tanggapin sila dahil tayo po dapat na pamilya ang una na tatanggap at iintindi sa kanila Ma'am!
Jen's Mom: *napangiti ako bahagya* Ang swerte po nila sa inyo Manang!
Maid: Hehe mas swerte po ako sa kanila dahil nakapagaral po silang dalawa at may magagandang trabaho gusto na nga po nila ako magtigil sa ganitong trabaho dahil kaya na daw po nila kami buhayin! Pero sabe ko kapag nagretire na lang ako!
Jen's Mom: Salamat Manang dahil sa mga sinabe mo!
Maid: wala ho yun Ma'am! May problema po ba Ma'am?
Jen's Mom: wala naman Manang! Sige po bumalik na po kayo sa trabaho! Aalis na po ako pupunta na ako ng Office!
Maid: Sige po Ma'am mag-ingat ho kayo! *sabay alis ko*.
BINABASA MO ANG
Ms. Gender Bender
Roman d'amourTungkol din ito sa pagtanggap sa mga LGBTq and love story na ang babaeng nainlove pa rin sa kapwa babae