Hello! H-how are you? E- Everything all right? I l-like to hear from you. Love to see you soon. . . I miss you. . . So, HELLO!
*****
Namulat agad ang mga mata ko nang maramdaman ko ang pag-alsa ng kotse. Alam ko na agad na nasa tapat na kami ng gate ng malaking bahay ni Madam Leona. Pumasok ang sasakyan, at napatingin ako sa malawak na harden nila. Sila na 'ata ang may pinakamalaking harden sa buong subdivision dito.
Nahinto ni Manong ang sasakyan sa tapat at lumabas na ako. Ang malamig na hangin agad ang bumati sa akin. Napatingala pa ako. Uulan ba? Makulimlim kasi ang langit.
"Nasa loob, Maam Candy, sa harden."
"Salamat, Manong."
Hindi ko na mabilang kung pang-ilang beses na akong nandito sa bahay nila. Sa loob ng limang taon na empleyado at guro ng MCS, ay sanay na akong pinapatawag ni Madam. Marami siyang pinapagawa, at halos lahat ay tungkol sa paaralan. Ako rin ang pinapahawak niya sa tuwing my event na magaganap.
Ngumiti ako nang masalubong si Elma. Isa sa mga kasambahay niya. Matanda na siya at mabait nga naman.
"Ma'am, Candy," ngiti niya. "Nasa labas po si Madam, sa may pool area."
"Salamat, Nay. . . Siya nga pala, Nay!"
Lumingon din agad siya at humarap muli sa akin. Kinuha ko lang din ang dalawang lipstick na nabili ko. Last time that I was here she likes my lipstick so much. Kahit pa matanda na siya, ay alam kong gusto pa rin niyang magpaganda. Kaya binilihan ko siya ng dalawang lipstick na loreal o' paris.
"Heto po." Lahad ko. Lumawak agad ang ngiti sa labi niya at aga na tinangap ito.
"Ay, Ma'am Candy! Salamat talaga, anak. Nag-abala ka pa talaga."
"Okay lang, Nay. At bagay na bagay sa 'yo ang kulay na ito."
"Naku! Ang mahal nito. Sana iyong mumurahin na lang ang binili mo," reklamo niyang nakangiti.
"Okay lang, Nay. Mas maganda nga 'to dahil may vitamin e, Nay. Maganda sa labi," ngiti ko.
"Na hala, sige. Salamat," lawak na ngiti niya.
Nang makarating ako sa harden ay si Madam agad ang namataan ko sa gilid. Nakatitig sa malaking aquarium, at nakangiting pinagmamasdan ang malaking isdang arowana niya.
"Good afternoon po, Madam," ayos na ngiti ko.
"Candy."
Naupo agad siya. Nilapag ang bitbit na tasa at nakangiting nakatitig sa akin at binalik ulit ang tingin sa tatlong isdang arowana niya.
The aquarium is huge at it's length. Hanggang hallway ang haba nito at malapad din. May tatlong Arowana na malalaki na. Five years ago they were small but now they're huge. . . ang laki na nila at lagpas isang metro na ang taas ng tatlong ito.
"Maupo ka, hija."
"Salamat, po."
Lumapit si Bebang, ang nakababatang katulong nila at nilapag ang inomin ko. Nagpasalamat na ako.
"Hija, I've heard from Professor Eric that you've borrowed our family book history?" ngiti niya.
Tumango na ako at ininom na ang juice. "Opo, gusto ko po kasing malaman para sa bagong mamamahala nito. I'm sorry po, kung hindi ako nakapagpaalam sa inyo."
"No, it's okay, hija," sabay inom niya sa t-saa.
"I've read your portfolio. Nag-aral ka pala noon sa Montessori? Conrad, my eldest son, went to the same school too. Kilala mo ba ang anak ko?"
BINABASA MO ANG
When a Billionaire Meets His Candyrella (MBBC#3)✅
RomanceCompleted ✅ Rated 18 The story of Conrad Mondragon and Candy MBBC#3 The Billionaire's Cinderella He was my ultimate crush in grade school and secondary school. He bullied me in Secondary High, but that didn't stop my feelings for him. He's among th...