Chapter 12. Awkward

10.5K 373 22
                                    



Tumango na ako at panay lang din ang ngiti ni Cristobal sa akin. Nag-iisip ako ngayon. Na-survery namin noon ng kapatid kong Engineer, si Kuya Michael ang Del Tower 101. Nag-redesign kasi siya ng isang condo at isinama niya ako, dahil gusto ko rin naman makita ang loob.

I was really planning to separate from them and I wanted a space for my own. Pero ang mamahal ng presyo sa Del Tower at hindi ko kaya ito. Kaya sa bahay na lang muna ako. Mas masaya nga, dahil kasama ko si Mama at ang dalawang baliw kong kapatid.

"Really? That's cool. Ang mahal kaya roon."

He nodded and smile. "Kailangan ko sa trabaho malapit lang kasi sa mga part time ko."

I nodded too. Ngayon ko lang din naalala na part time lang siya sa paaralan, at nagpa-part time din siya sa dalawa pang Unibersidad. Ang akala ko nga noon nag-aaksaya lang siya ng talino at propesyon niya dahil nasa school siya ng mga bata. Pero mali pala ako. Nalaman ko lang din ito ng mabasa ko ang bawat portfolio nilang lahat. Pinag-aralan ko kasi, baka kasi tanungin ako ni Conrad.

And speaking of the Conrad? Siya pala ang dahilan kung bakit ako nandito ngayon!

"Excuse me, pwed ba mahiram ang partner mo, Miss? Isasayaw lang namin," ngiti ng isang babae.

May dalawang kasama pa sila at mukhang mga bata pa na kasing edad lang ni Elmo.

"Professor, Cristobal! Sayaw tayo, Sir!"

Napangiti na ako at tumango na rin. Mga studyante nga naman sila at sa tingin ko ay mga studyante niya sa iilang University na kung saan siya nagpapart time.

Nahiya man si Cristobal ay wala na rin siyang nagawa nang hinila na ang braso niya. Sumenyas na siya at tumango na ako, Para tuloy siyang bata na pinalibutan nilang tatlo. Nilingon ko ulit ang kapatid ko na parang baliw na nagsasayaw. Napailing na ako at ngumiwi pa. Ang baliw talaga. At least, may makakasama ako pa-uwi mamaya.

"Excuse me, Miss. Can I join?"

Napatingala ako sa kanya at umiling lang din. Hindi ko type makipag-usap sa mga estranghero ngayon. Kaya umalis din naman siya. After him there was three more that invited me to dance, but I refused them all. Panay tingin lang ako sa mga baliw kong kasama na nagsasayaw na kasama ang kapatid ko. Naubos ko na 'ata ang tatlong beer light na nandito.

"Siguro naman hindi mo ako aayawan."

Naupo na agad siya at nilapag lang din ang inonim niya. I smirked at him and rolled my eyes. . . Ang walanghiyang Conrad lang naman! Straight on the rock ice whiskey pa an ininom niya. Nagpa-party rin pala ang walang magawa?

Tsk, ang malas ko talaga!

"You haven't joined them?" Turo ng labi niya sa mga kasama ko.

"Hindi ako marunong sumayaw at wala ako sa mood!" sabay inom ko.

Ba't ba ako nakikipag kwentuhan sa mukong na 'to?

"And you refused those gentlemen's too?"

"Walang gentlemen sa bar, Conrad. Dahil halos lahat ng lalaki na nandito ay isa lang ang gusto!" taas ng kilay ko.

Bahagya na siyang ngumiti at umiling na din. Sumenyas pa siya sa waiter sa unahan na nakatingin sa amin. Itinaas ang baso niya na wala ng lamang whiskey. Natahimik kaming dalawa at nag-iwas ako ng titig sa kanya. Napako lang din ang mga mata ko kina Gina at Grasya. Kumayaw pa tuloy sila sa amin, at inangat lang din ni Conrad ang kamay niya sa kanila.

Dumating ang waiter na bitbit ang kalahating whiskey bottle niya, at may ladies drink pa na bitbit ito. Inilapag sa banda ko at umalis na din.

"Salamat," at tinikman ko na 'to. Naubos ko na kasi ang tatlong light beer ko.

When a Billionaire Meets His Candyrella (MBBC#3)✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon