Hanggang sa bahay ay dala ko ang inis at galit sa kanya. Naimagine ko kasi ang mukha niyang natatawa habang pinagmamasdan si Cristobal sa harapan ko.
He's mocking me! He's seriously mocking me, thinking what a pity, pink piggy!
Kahit pa anong gawin ko ay ang mukhang niyang natatawa ang nakikita ko. Kaya ginulo ko na ang buhok ko at kinuha ang cellphone sa mesa ko.
Biyernes nga naman ngayon, at walang trabaho bukas. Sina Grasya, Gina at ang iba pa ay nandoon na, nasa bar at nagbabar hoping. Samantalang ko? Heto? Nagkukulong sa kwarto ko na parang sira!
Wala ang dalawang kapatid ko, nag-paparty rin, at sina Mommy at Yaya lang din ang nandito sa bahay.
"Hello, Grasya? Saang bar kayo?"
"Wohoo! Nasa point 7-heaven kami, Candy! Pupunta ka? Hihintayin kita sa main entrance kung gusto mo?"
"Sige, wait for me. I'll be there in fifteen minutes."
Mabilis akong nagpalit ng damit. Naka-black mini shirt at off shoulder lacey white top. Naka flat shoes na elegante lang. Masakit pa kasi ang paa ko at ayaw ko munang mag heels.
Nang makababa ng hagdanan at nag-spray na ako ng perfume, at ang mukhang nakangiti ni Mommy agad ang sumalubong sa akin.
"Are you going out for a party?"
"Sina Grasya at Gina lang ang makakasama ko, Mommy. May numero ka naman sa kanila 'di ba? Tawagan mo lang mamaya."
"Oh, no, it's okay, Candy. Have fun, anak. Tumawag na ako ng taxi at nasa harap na naghihintay."
Nahinto ako nang hakbang at nilingon kong muli si Mommy. She really knows me well. She can easily tells what I need next. Parang scanner lang din ang mga mata niya at nababasa niya ang laman ng utak ko.
"Thank you, Mom," sabay halik ko sa kanya.
"I will probably be home late."
"It's okay, hija. Have fun!" Sabay kaway niya.
NANG makarating sa labas ng point 7-heaven ay ang taas pa tuloy ng linya. Friday night and it's ladies night pa. Hinila ko pa ang napaka-iksi kong itim na skirt at hinawi lang din ang mahaba kong buhok. I did not even tied my hair. Hinayaan ko lang din na ibuhayhay ito. Medyo kulot naman kasi ang dulo, kaya okay lang at parang kinulot na din ang buhok ko.
I only put a light make up with a bloody red lipstick. Kinuha ko na ang cellphone at tinawagan si Grasya. Ang haba kasi ng pila at mukhang aabutin pa ako ng sampung minuto.
"I'm here. Nasa tapat lang din. Hindi pa ako pumila."
"Oh, no need. Wait, lalabas ako."
Ang mukha niya agad ang nakita ko at kumaway pa siya. Lumapit na ako at may pinakita lang siya sa dalawang bouncer na guwardiya. Pumasok na ako at napahawak ako sa kamay niya.
"Ang lakas mo ah?"
Inilapit ko na sa tainga niya ang bibig ko, dahil sa lakas ng musika sa loob. Alam ko kasi na hindi niya ako maririnig ng maayos.
"Syempre, alam mo na," kindat niya at pilyang ngumiti.
Punuan nga naman ang centre stage dahil sa dami ng tao. Umakyat na kami sa ikalawang palapag at dito ko nakita ang grupo ng lahat. Sina Gina, Vilma at iba pa, at talagang kasama pa nila si Cristobal!
"Sinama ninyo si Cristobal?" ngiwi ko.
"Oo, inimbita ka niya kanina 'di ba? Sinabi kasi namin sa kanya na hindi ka sasama. Kaya naglakas loob siya kanina. E, inayawan mo rin naman," lakas na tawa niya.
BINABASA MO ANG
When a Billionaire Meets His Candyrella (MBBC#3)✅
RomanceCompleted ✅ Rated 18 The story of Conrad Mondragon and Candy MBBC#3 The Billionaire's Cinderella He was my ultimate crush in grade school and secondary school. He bullied me in Secondary High, but that didn't stop my feelings for him. He's among th...