The week has passed so quick. Tatlong araw lang siya sa hospital at agad na nakalabas na. I have stayed in hotels in which organized by Norman's personal assistant, si Stella. Tinawagan pa niya ako at kinamusta sa lahat. Mabait siya, I liked her a lot. She's got a very loving personality. Medyo clumsy nga lang siya na katulad ko rin minsan, pero nagkakaintindihan kaming dalawa.Everything was like a speed. Enzo works around in one of the prominent hospital in the city. Napaka-low profile niya sa lahat. To think, isa siyang Mondragon. Nagtataka nga ako bakit napaka discreet ng identity nila. Pero hindi na bago sa akin ito, dahil ganito rin naman ang ibang pinsan ni Conrad.
We flew back to Davao and our lives came back to its original routine. Na cancel ang Japan, dahil sa iilang prioridad niya. But this time I have no excuse anymore around him. Gusto niya akong isama sa Maynila para makita ko ang totoong mundo niya.
I was honestly confused. Kinakabahan ako. Pagkatapos kasi ng nangyari kay Cristobal ay parang ang hirap na ulit magtiwala sa mga tao.
"Just chillax, ate. Enjoy with him. Okay lang kami ni Mommy rito," si Elmo sa kabilang linya.
"How's Kuya Miguel?"
Narinig ko kasi na nasa Myanila siya ngayon at baka magkikita rin kaming dalawa.
"I think he's fine. Hindi mo ba alam na binibigyan siya ni Conrad ng responsibilidad?" kantyaw ni Elmo.
"What?" kunot-noo ko, wala tuloy akong alam sa pinagsasabi niya.
"You will soon find out. Magkita na lang kayo ni kuya sa Maynila, ate. I love you and take care!"
Siya pa mismo ang pumatay sa tawag. E, may itatanong pa sana ako. Baliw talaga!
Napailing na lang din ako sa sarili, at mas inayos ko na ang maliit na bag na dala ko. Hinihintay ko kasi si Conrad, at nasa airport na ako. One of Norman personal bodyguards escorted me. May importanteng bagay na ginawa si Conrad kaya hahabol din siya sa akin.
MAAYOS ang lahat at nang makaakyat sa private airplane na pagmamay-ari ni Norman at nakahinga na ako ng malalim.
Few flight stewards were inside and two private pilots. Gumuhit agad ang tibok sa puso ko nang mapansin na may pumasok. Kaya lumingon agad ako, pero si Norman ito kasama niya si Stella ngayon.
"Hi, Candy!" si Stella sa akin at ngumiti ako sa kanya.
Paupo na sana siya nang tinawag siya ni Norman. Nautusan na naman siya at mabilis pa sa alas singko ang hakbang niya pababa sa eroplano. Parang may nakalimutan 'ata siya at rinig ko pa ang pilit na mura ni Norman sa likurang bahagi ko.
He stood up looking worried for Stella. Humakbang na siyang palapit sa pinto at ang mukha ni Conrad na ang nakita kong pumasok mula rito.
"What's wrong, Norm?" si Conrad sa kanya.
"Fucking mess! She's giving me a gutsy feeling of guilt," sabay labas ni Norman.
Nahinto si Conrad at tinitigan lang siyang bumaba palabas. Napako agad ang paningin niya sa akin ngayon. He smile widely and I did the same. Para akong nakakita ng pinakapaborito kong pagkain sa isang restaurant, at hindi ko na maalis ang ngiti ko.
"Hi, love," halik niya sa labi ko.
Lately he was very intimate towards me. Pakiramdam ko bibigay na ako sa mga sandaling ito. Nakakatunaw na kasi ang lahat ng pisikal na pagpaparamdam niya. Tumabi na agad siya sa akin at umayos na siya sa upuan niya.
"Are you ready?" He sensually whispered.
"Ano pa nga bang magagawa ko? Di ba wala na?" pagbibiro ko.
Bahagya na siyang natawa at mas hinalikan na ang balikat ko.
BINABASA MO ANG
When a Billionaire Meets His Candyrella (MBBC#3)✅
RomanceCompleted ✅ Rated 18 The story of Conrad Mondragon and Candy MBBC#3 The Billionaire's Cinderella He was my ultimate crush in grade school and secondary school. He bullied me in Secondary High, but that didn't stop my feelings for him. He's among th...