Chapter 5. I don't like it

6.6K 200 2
                                    

"I don't like you, but I love you."

*****


Napakurap ako na parang hindi makahinga. Nakanganga si Sir Moreno at naghihintay siya sa isasagot ko.

"Sir, I- I ca. . . "

"Ops, that's an order from, Madame. Eh, kung ako lang masusunod ay ang table ko ang ililipat ko sa loob," taas ng kilay niya.

"Pero kasi si Madam na ang may sabi. Wala ka ng magagawa, Candy," ngiting-ngiti niya.

Bakla talaga!

Hindi ko na 'ata mabilang kung ilang beses na akong napangiwi sa araw na 'to!

"Okay, go upstairs, and I'll be there soon."

Sa pagtalikod niya ay humakbang na din ako. Ang amoy pa tuloy ng vanilla scented candle ang bumati sa akin pagkapasok ko ng silid. I hate to admit it, but I don't like vanilla scent. Pero isa kasi ito sa mga amoy na gustong-gusto niya kaya ito ang binili ko.

Binaba ko ang bag sa gilid at mariin lang din na tinitigan ang angulo ng mesa niya. Namaywang pa ako sa sarili at nag-isip , hanggang sa bumukas ang pinto at hindi ko ito pinansin dahil alam ko na si Sir Moreno lang din ito.

"Sir, will I move that white cabinet here?" Tanong ko sa kanya ng hindi siya hinarap at nakatalikod lang ako sa kanya. Hindi siya sumagot kaya inisip ko hindi niya gusto ito.

"Okay, I'll leave it there. Hindi naman siguro siya matalisod ano? Maliban nga lang kung magbubulagbulagan siya at mabanga. Eh, katangahan na iyon." Mala-evil smile ko.

Inimagine ko kasi ang mukha niya. And I'm sure, he's not going to like this. Kilala ko si Conrad, perfectionist ang mukong na iyon!

Tumikhim siya bago nagsalita. "I am okay as long as you move it a little bit more. Matatalisod nga naman ako."

Tumayo agad ang balahibo ko sa batok at napakurap ako sa sarili. Naging statwa ang katawan ko nang marinig ko ang sa boses niya. I swallowed hard and turn slowly to face him.

"H-Hi, Sir," pekeng ngiti. Pakiramdam ko ang putla ko na, at ngumiti pa rin ako sa kanya.

His brows furrowed as he looked around the room. He then moves slowly with his masculine figure. I looked at him thoroughly, and as he checked everything on his table, his lips parted when he saw the jaw of gummy bears and the cactus in front of it. He nodded silently and moved the cactus away from the jar of gummies.

Ang akala ko tuloy matutusok siya. Eh, mukhang ako ang mututusok sa mga sandaling ito dahil sa sobrang kaba!

He opened the jar of sweets and grabbed some gummies. He even moves his head to his side while eating it. Binuksan niya ang lahat ng drawer ng mesa at ang libro na nasa harapan niya.

It's the book of  history of the school. It has the mission and goals. Lahat ng mga mahahalagang bagay ay nasa libro na ito. Binuklat lang niya at sinara lang din. Mukhang hindi siya interesado. Nilibot ng mga mata ang tingin sa buong silid bago tumitig pabalik sa akin.

"Is there anything you want in particular, Sir?" I asked with my head moving to my left side and smiled.

Iba ang tumatakbo sa isip ko ngayon. Kahit pa gaano pa siya ka-gwapo sa harapan ko ay ang sarap niyang tirisin sa mga sandaling ito!

"I will ask Mr Moreno to change everything. Hindi ko gusto."

My lips parted and I rolled my eyes. Mabuti na lang at hindi niya nakita ang ekspresyon ng mukha ko dahil tumalikod na siya, at humakbang patungo sa bintana. Nanatili ang mga mata niya roon habang nakatingin sa labas ng oval ground.

Inangat ko na ang dalawang kamay ko at pabirong tiniris siya.

Kung malas ka nga naman talaga! Ang sarap niyang itulak sa bintana!

I even balled my fists behind him and acted like I want to punch him!

Uminit na kasi ang dugo ko. Halos buong araw ang pag-aayos ko kahapon at sabihin lang na hindi niya gusto? Pesti talaga oh!

Tumikhim siya at agad na binaba ko  ang kamay ko patago sa likod ko. Ngumiti lang din ako na parang robot sa harap niya.

Ang sarap niyang sipain talaga!

"Hindi ka pa rin nagbabago ano?" pilyong ngiti niya.

Bahagyang tumaas ang kilay ko. Ano raw? Hindi pa rin ako nagbabago? Heck lang ah!

"What do you mean, Sir?" pormal na tugon ko at fake smile pa.

"I mean, I used to like the stuff on the table. But everyone changes, Candy. . . ang gummy bears lang siguro ang nagustuhan ko. The rest, I want it to change," he smiles coldly at me.

Nagwala ang mga bituka ko sa tiyan dahil sa inis ko sa kanya. Kung hindi nga siya ang anak ni Madam, ay tiyak kanina ko pa siya binanatan ng salita! Ang malas ko talaga!

"True! I mean, I have changed too," sa lawak na ngiti ko.

Tumango na siya at namaywang pang tinitigan ang kabuuan ko. He even smirked and strode towards me. . . closer. Huminto lang din siya nang matapat sa akin at tumitig na siya ng husto sa mga mata ko.

"It's true. I can see that you've changed, Miss Candy De Silva." Sabay kindat niya, at humakbang na palayo sa akin.

Naningkit na ang mga mata ko sa galit at napakuyom-kamao na ako. I even stuck my tongue out behind him.

Pakialam ko! Pero parang binuhusan ng yelo .ang buong katawan ko nang humarap siya ulit sa akin. Kaya mabilis kong inayos ang sarili ko.

"And by the way, I won't return until everything is okay. May company meeting ako, and tomorrow I will have an important gathering with my staff. So, I am not sure when I will be free next."

"H-Ho?"  awang nang bibig ko, at tumalikod na siya.

"P-Pero, Sir Conrad!" Bilis na hakbang ko. Hindi man lang niya titingnan ang lahat dito.

Ano 'to? We've been preparing everything for him and it's not even ten minutes, aalis na siya? Ang baliw ah!

Patakbo pa akong lumapit sa kanya. Pero ang bilis niyang maglakad. Hanggang sa naabutan ko na siya.

"But everyone is expecting you, Sir!" reklamo ko.

Nahinto siya at tinitigan ako. Napalunok pa tuloy ako dahil sa seryosong titig ng mga mata niya sa akin.

"Meet me tomorrow in my office. I'll send you the address. I'll give you what I want and my schedule," sabay talikod niya.

I stopped for a moment, and my jaw dropped six times.

Heck! Ano 'to? Hindi mo ako sekretarya ano!

"W-Wala ka bang sekretarya! Sa kanya na lang ako makikipag-communicate!" pasigaw na tugon ko.

E, sa bilis nang hakbang niya ang layo na niya sa akin ngayon. Itinaas lang niya ang isang kamay sa ere na paran kumaway lang din. Naalala ko tuloy ang gesture na 'to. Ito kadalasan ang senyas niya sa akin noon sa tuwing sasabihin niya na 'wala'.

Bumagsak na ang balikat ko at inis na pinagmamasdan siya.

Pesti ka talaga, Conrad! Ang pangit mo! sigaw ng isip ko.

.

C.M. LOUDEN

When a Billionaire Meets His Candyrella (MBBC#3)✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon