Chapter 34. Sick

5.2K 158 0
                                    


Halos matapilok pa ako sa bilis nang hakbang ko palabas. Pumara na ako ng taxi at mabilis na pumasok sa loob. Binigyan ng instruction ang driver at mabilis naman ang pagtugon niya.

I know where Conrad condo unit was located. Isang beses pa lang naman ako nakapunta roon., at sana ay nasa condo pa siya at hindi pa nakaalis. Panay lang din ang tawag ko pero hindi pa rin niya sinasagot ito.

Dang it! So ano 'to? Ano ba kasing pinag-gagawa niya ngayon?

"Heto, Manong. Salamat," bigay ko sa bayad ng taxi.

Inayos ko ang sarili ko at tumikhim na bago pumasok na loob ng building.

My heart is pounding so hard inside me, undeniably strong. After all the excuses I've made, not seeing him for almost two weeks was definitely my fault.

Kasalanan ko ang pagtulak ko sa kanya palayo sa akin. I know he tried his best to talk to me, to reach-out in everything but I didn't evem give him a chance.

Kahit pa kagabi ay panay ang tawag niya sa akin, pero hindi ko sinagot ito dahil hindi pa ako handa. At ngayon na marinig na babalik siyang Maynila ay parang baliw akong hahabol habol pabalik sa kanya.

Huh, ang gaga lang din ah!

Mabilis ang pagpasok ko sa gusali at sakay ng elevator, until I received a text message from him.


Conrad's message to me:

I'm home, babe. And -


Kumunot pa ang noo ko dahil putol ang mensahi niya. Hindi pa 'ata niya natapos ito at na-send na agad.

I rang him again and the same way he's not answering it. Sa message box niya napupunta ang tawag ko. Nang makarating at makalabas sa elevator ay nasa harapan na ako ng pinto niya.

Pinindot ko ulit and doorbell, pero ganoon padin. Kaya tinitigan ko na ang mga numero na nasa gilid ng pinto.

Most men use their birthday's for a pin code, ganito rin naman kasi si Kuya Miguel at Elmo. Kaya minsan ay nabubuksan ko ang mga cellphone nila.

Wala akong alam kay Conrad pero susubukan ko, kaya ito na ang ginawa ko. I enter his birthday numbers, but it was wrong. I tried it twice, thrice, mali talaga! Hindi ito ang pin code niya rito.

I literary input my birthday and bingo! It works! Dang it! At talagang birthday ko pa talaga ang ginawang pin code niya? Huh, ang baliw niya ah.

"Conrad?"

I looked around and he's nowhere here. Wala sa banyo, wala sa kusina at wala sa balkonahe niya. Napansin ko rin na bukas ang sliding door ng greenly area sa bandang balkonahe ng kwarto niya, kaya patakbo akong humakbang patungo sa silid niya.

"Conrad?"

A sigh of relief came out from me when I saw him just sleeping. He's facing towards the wall. I walk slowly and quietly towards him. Hindi ko maintindihan kung bakit natutulog siya sa mga sandaling ito. Nakasara ang kurtina niya, pero bukas naman ang sliding window, dahilan ng pagpasok ng hangin sa loob.

I swallowed hard while staring at him. I am only a few inches away from him. Akma na akong napaupo sa gilid ng kama at maingat at takot na baka magising ko siya.

"Conrad..." I silently whispered.

He groaned like he was in agony and whispered my name silently.

"Candy..."

Parang may kung anong gumising sa loob ko nang marinig ang mahinang tawag niya sa pangalan ko kaya hinawakan ko na ang balikat niya. Pero nabigla ako dahil sa sobrang init niya.

"Conrad." Sabay haplos sa noo at pisngi niya.

He slowly rolled over towards me and smiled tiringly.

"Candy love..." bigat ng talukap ng mga mata niya.

"Conrad ang taas ng lagnat mo," kunot noo ko at haplos sa mukha niya.

Tatayo na sana ako para kumuha ng malamig na tubig, pero hinawakan lang niya ang kamay ko.

"Don't leave, babe." Higpit na hawak niya sa kamay ko at hinalikan pa niya ito.

"I w-was waiting for you last night, outside... Hindi ka man lang lumabas," mahinang pagkakasabi niya. Halata ang paos na boses nito.

I regretted it. Natulog ako ng maaga kagabi. Ang lakas pa nga ng ulan at nagising ako ng alas tres ng madaling araw na.

I saw his miscalls, and some are just new... Hindi ko pinansin ito, dahil ayaw ko muna siyang makausap. Hindi ko naman inakala na naghihintay pala siya buong magdamag sa labas, sa ulan?

"Baliw ka ba? Umuwi ka na sana! Ano ka ba! Ang baliw mo talaga!" Sapak ko sa balikat niya.

"I wanted to see you before returning to Japan," mahinang boses niya.

"But I guess I can't go anyway. I'm totally lost and sick. But then here you are," pilit na ngiti niya at haplos sa mukha ko.

"Please don't leave me, Candy... Naiintindihan ko na mahirap ang lahat para sa 'yo. I don't expect you to forgive me straight away. Pero sana huwag mo naman akong iwasan."

Namuo na ang luha sa gilid ng mga mata ko at hinaplos ko na ang mukha niya. Hearing him saying those words makes me so much guilty. I had forgiven him but I have not settled for myself, not yet. . . Nalilito pa ako, pero ang makita siyang ganito ay mas lalong pinahihirapan ko lang ang puso ko.

Pinakiramdaman ko ulit ang mukha niya. Ang init niya talaga at parang napapaso ako sa bawat haplos ko sa kanya. Tumayo na ako at nagtungo sa banyo niya. Hinalungkat ang first aid kit at naghanda ng malamig na tubig at basahan, t'ska bumalik sa kanya.

Tinitigan ko muna siya ng mariin bago pinunasan ang mukha niya. He's shivering in cold and I get panic. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. Pero kailan na bumama ang lagnat niya.

I might undress him halfway naked to wash him up so that he'll fell better?

Bahala na. . .

.

C.M. LOUDEN



When a Billionaire Meets His Candyrella (MBBC#3)✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon