Chapter 20. Candyrella

10.3K 362 10
                                    


Kung may nagpapakabulabog man ng umaga ko ay ang mga dose-dosenang bulaklak na galing kay Cristobal ito.

Napalundag ang puso ko nang makita ito pagkababa ko ng hagdanan. I wasn't expecting it from someone, but my face turns sour when Mommy said that it's from Cristobal. May nag-deliver ng ganito kaaga talaga!

Dang it, Cristobal!

Kinilabutan na tuloy ako sa kanya ng bonga. Iyong pakiramdam na ang sarap ibalik ng lahat ng mga bulaklak na nandito sa sala.

"Oy, ano 'to fiesta?" si Elmo. Kalalabas lang din niya galing sa kwarto.

"Hulaan ko, ate. Galing sa stalker mong weirdo," bahagyang tawa niya.

Pinandilatan ko na siya. Ang aga-aga at heto iniinis na ako. Ang ganda pa naman ng gising ko dahil ngayon ang event ng mga Mendevellon at ang company anniversary nila ni kuya. Pero ang salubungin ka ng ganito ka agang sorpresa na galing kay Cristobal ay nakakaloka!

"Pinaghandaan niya talaga, ate. Alam niyang magkikita kayo mamayang gabi sa event party ng kompanya ni kuya."

"Heto, kape mo anak," bigay ni mommy ng kape sa akin. Tinangap ko na ito at ininom na nakatitig sa mga bulaklak na pinadala niya. Binasa na ni Elmo ang maliit na mensahi na nakasulat dito.

My Candy Love,

Like all the elements, you complete me.

Cristobal

"Ang hanep, pati periodic table of elements dinamay," kantyaw na tawa ni Elmo.

Umirap na ako at pinaikot ang mga mata ko. Insakto ding nakita ni Kuya Miguel ang reaksyon ng mukha ko. Pababa siya ng hagdanan galing kwarto.

His brow furrowed while looking at all the flowers in the centre lounge. Mariin ko pang tinitigan ang kuya ko. His posture actually dominates. Very masculine and bold. He's the young and hot version of dad. Kaya hindi ko masisi kung maraming babae ang nagkakandarapa sa kanya.

"Kanino galing?" kunot-noo niya.

Okay, here comes my very protective brother, while the other young one is the crazy lunatic!

"Kay Crisostomo Ibbara a.k.a Cristobal, kuya," tawa ni Elmo sabay inom sa kape niya.

Nilagpasan lang ito ni kuya at dumiretso na sa kusina. Sumunod na din ako at pati na rin si Elmo. Naghahanda na si Mommy sa umagahan namin. May katulog siya at si Cheche ito, and kasambahay namin.

"Is your dress ready for tonight?" si Kuya sa akin.

"Oo, ihahatid ni Steph mamaya. May inayos pa siyang maliit na detalye."

"What time is your event in the school again?"

"At six arvo, kuya. Don't worry, I'll be out before eight. Magtataxi lang din ako."

Nilagyan na ni Mommy ng kanin ang plato ko.

"Thank you, Ma."

"Okay. Just ring me if you want me to fetch you."

I nodded while silently eating.

"Anong gusto mong gawin ko sa mga bulaklak. Ang dami nga naman," singit ni Mommy sa usapan.

"Ikaw na bahala, Ma. Huwag mong ipasok maski isa sa kwarto ko ha. Kinikilabutan na ako sa pinaggagawa ni Cristobal ngayon," ngiwi ko.

Natawa na si Elmo na panay subo.

"In-love kasi sa 'yo, ate. Ganyan naman talaga kasi ang isang tao. Kapag na-iinlove lahat ginagawa, kahit na magiging stalker pa sila," iling niya. Napako agad ang paningin ko sa kanya.

When a Billionaire Meets His Candyrella (MBBC#3)✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon