Halos namutla na ang mga mata ko, namin, sa kakahintay sa kanya. Panay ang tingin ng bawat isa sa mga relo nila. Alas kwarto na kasi at wala pa si Conrad.
"Candy, are you sure you have informed him about the meeting today?" si Principal Moreno. Kumunot na ang noo niya at tumaas lang din ito.
"Yes, Sir. Hinabol ko pa nga kahapon at sinabi sa kanya na three-thirty," nguso ko.
Tumaas na ang kilay niya at halatang nag-aalala na. Dapat kasi uwian na ng lahat. E, meeting ngayon, kaya nandito pa ang lahat ng guro. Si Grasya at Gina ay panay lang din ang chismis at walang pakialam sa mundo! Samantalang ang ibang mga kasamahan ko ay hindi na maipinta ang mga mukha.
"Ipapaserve ko na ang snacks natin habang naghihintay. Baka na- traffic lang si Mr. Conrad," tugon ni Sir Moreno sa lahat.
Tumayo na ako at sumenyas sa kanya. Gusto kung lumabas at maghintay sa carpark ng school. Nakuha naman agad ni Mr Moreno ang gusto ko at sumenyas din siya na lalabas na ako.
Nang makalabas ay panay pa ang tingin ko sa buong paligid. Maliban nga lang sa security guard na nandito ay wala ng tao. Tahimik na ang buong paaralan, dahil wala na rin ang mga bata. Lahat nagsiuwian na.
"Manong, wala pa ba ang sasakyan ni Sir Conrad, ang anak ni Madam?"
"Wala pa po, Ma'am."
"Tawagan mo ako manong ha? Sa carpark lang ako maghihintay. Baka kasi mahinto siya sa tapat mo."
"Sige po, Ma'am Candy."
Lahat kasi kami dito ay may numero na pwedeng tawagan ng guard. Maliban kasi sa mga studyante na may sensor scan ID bago makapasok. Ang mga bisita ay kailangan pang tawagan ng guard ang guro na nag-imbeta sa kanila para makapasok sa paaralang ito. Ganito ka higpit dito.
Napasandal na ako sa puder at matyagang naghintay ng sasakyan niya. Kinuha ang cellphone at nagtipa ng mensahi kay Grasya.
Me to Grasya:
Grasya, pahinge ng number ni Mr. Conrad, please.
Grasya to me:
+639587848899
Ako:
Salamat
Tinawagan ka agad ito at tumunog lang din sa kabilang linya. Pero panay ring lang at hindi sinagot ito. Nanakit na tuloy ang mga paa ko at panay lakad nang pabalik-balik sa kinatatayuan ko. Tinawagan ko ulit at ganoon pa din, walang sagot.
Pagkaraan ng bente minutos ay nahinto ang itim na sasakyan niya sa harapan ko, at iniluwa agad ang nakapagtatakang hitsura niya.
Nakabukas kasi ang tatlong batones sa dibdib nito at medyo magulo pa ang buhok niya. Tumaas agad ang kilay ko at kunot-noo siyang tinitigan. Pero umaliwalis din agad ag mukha ko. Ayaw ko kasi na mapansin niya na naiinis ako dahil late siya ngayon.
"Sorry, I didn't noticed the time," tugon niya sabay ayos sa kwelyo ng damit.
He's not even looking at me and casually fixing his top. My forehead wrinkled when I noticed the red lipstick mark on his neck polo.
Huh, heck! Now I know what happened. May ibang ginagawa ang mukong na 'to at kinalimutan ang meeting. Kung hindi pa siguro ako tumawag ay tiyak puputi na ang mga mata naming lahat sa paghihintay sa kanya!
Nilapitan ko na siya at dinukot sa bulsa ko ang maliit na wet wipes pack na meron ako. Kumuha ako ng isa at ako na mismo ang nag-ayos sa sarili niya.
"Good God, Conrad! Kahit kailan talaga! Pwede ka namang makipaglandian sa mga babae mo sa ibang oras. Pero sana huwag sa ganitong oras na may meeting ka. At talagang kinalimutan mo pa? At inuna ang kalibugan mo! Ew!" Sabay pahid ko sa tatak ng lipstick sa kwelyo niya.
Sa sobrang inis ko ay hinila ko na nang husto ang kwelyo niya na halos mapunit ang damit niya.
Pakialam ko! Ang dami pa tuloy tumatakbo sa isip ko habang ginagawa ko 'to. Naalala ko lang tuloy noong mga high school pa kami at ang kabaliwan niya sa lahat ng babae sa campus.
Lahat 'ata ng labi ng mga magagandang schoolmates namin ay natikman na niya.
Ang landi talaga! Akala mo naman kung sino siyang gwapo? E gwapo nga naman talaga! Ay hindi, ang pangit niya pala! Pesti!
Nangunot ang noo ko at mas inayos ito. Wala na tuloy ako sa sariling isip ko dahil sa sobrang inis. Ang sarap sabunutan ng pangit na 'to!
Tumikhim na siya at mas kumunot ang noo ko nang makita ang dibdib niya. Kaya sa sobrang inis ko ay ako na ang nagsara nito. Naiinis ako, at parang sasabog ang dibdib ko sa sobrang galit ngayon.
"I have changed, people change, Candy."
" Change your ass!" salita kong mag-isa habang inaayos ang batones niya.
Alam ko na naririnig niya ako ngayon. Hinila ko na ang damit niya para masara ko ng husto. E, ang tangkad ng mukong na 'to at nahihirapan ako.
"Ang galing mo talaga ano? Ang proud siguro ng Mama mo sa 'yo! Nakakahiya ka!" Sabay bitaw ko sa damit niya, dahil tapos na ako.
His mouth came party opened while staring at me. Hinipan ko pa ang bangs ng buhok ko kahit na wala naman ako nito! At mariin na pinagmamasdana ng kabuuan niya.
"Bilis na po, Sir!" Sabay talikod ko at nauna na akong humakbang sa kanya. Nakasunod lang din siya.
Ang bilis pa tuloy nang hakbang ko at tig-da-dalawa ulit ang hakbang ko sa hagdanan. Hanggang sa marating namin ang conference room. Pumasok na ako at iniwan na nakabukas ang pinto. Lahat sila nakatingin sa akin, 'este sa amin pala! Parang nalaglag ang mga panga nila sa sahig nang makita kami.
Tumikhim na si Mr. Moreno at ngumiti na ang bakla. Agad lang din na naglakad si Conrad sa harap na lahat. Mas inayos na niya ang postura niya at naupo na ako na katabi sina Grasya at Gina.
"Ang fierce ha," bulong ni Grasya sa tainga ko.
"Hindi mo lang alam kung anong nangyari kanina. Kaya tumahimik ka dahil mainit ang ulo ko!" mahinang tugon ko.
Tumahimik na ang lahat at nagsimula na siyang magsalita.
"I'm sorry for being late. I-I had an emergency," he said clearing his throat while staring at me.
I rolled my eyes and looked away from him.
Emergency your ass, Conrad! Emergency sa kama. Heck!
.
C.M. LOUDEN
BINABASA MO ANG
When a Billionaire Meets His Candyrella (MBBC#3)✅
RomanceCompleted ✅ Rated 18 The story of Conrad Mondragon and Candy MBBC#3 The Billionaire's Cinderella He was my ultimate crush in grade school and secondary school. He bullied me in Secondary High, but that didn't stop my feelings for him. He's among th...