Chapter 10. Lip mark

6.2K 219 2
                                    



Napakagat ko pa tuloy ang pang-ibabang labi ko at natatawa na ako. Inimagine ko kasi kung ano na ang posisyon nila nang tumawag ako sa kanya. Panay ngiti na tuloy ang mukha ko habang pinagmamasdan ang notebook diary ko lamesa.

Siniko na tuloy ako ni Grasya at bumalik na ang utak ko sa eksena.

"As I have said, let's enhance the school system and offer different packages to all parents. I know this is only a primary school, but once we put in our work and make the school reputation on top, I know we might open a high school," si Conrad sa lahat.

"But before that. I want to check the financial statement first. Titingnan natin kung kakayanin ba," pagpapatuloy niya.

Ang dami pa niyang sinabi at panay tango lang din ang iba. Samantalang nakikinig lang ako at inilalabas ito sa kabilang tainga ko.

He's acting like he cares for everyone. Baka nga naman, who knows! E, sa pagkakaalam ko walang puso ang isang Conrad Ciro Mondragon!

He's a jerk, bully, and heartless asshole. Pesti, ang dami!

"Any questions?"

Napakurap ako at natahimik na ang lahat. Napayuko na ako at panay lang din ang sulat ko sa diary ng palihim. Nag-sketch drawing ako ng mukha niya at nilagyan ko ng matataas na sungay ito, tapos buntot ng baboy pa.

I chuckled when I realised my drawing was funny and more like him.

Siniko na ulit ako ni Grasya, na katabi ko ngayon. Kaya nilingon ko na siyang nakangisi pa. Sumenyas lang din ang mga mata niya at pinagalaw ang kilay nito, at mukhang hindi na ito natatawa. Hanggang sa marinig ko na ang pagtikhim ni Conrad sa likod ko. Umayos agad ako at tinakpan na ang drawing na ginawa ko.

"Candy? Any questions?" buong boses niya.

"Ha? A, e, i, o. . . wala, wala po, Sir!" Sabay yuko ko.

Rinig ko pa ang pagtikhim ni Mr. Moreno at ang pagsipa ni Gina sa paa ko sa ilalim ng mesa. Kumunot na tuloy ang noo ko habang pinagmamasdan siya. Kaya napatingin na ako sa lahat, at lahat sila ay nakangangang nakatitig sa akin, na parang naghihintay sa tamang sasabihin ko.

Dang it! Ano ba 'to? May sasabihin ba ako o opinyon man lang?

Mukhang ako kasi ang ginagawa nilang pambato pagdating sa mga bagay na ganito. Lalo na noon, sa tuwing meeting namin ni Madam. Ako kadalasan ang boses ng lahat.

I cleared my throat, smiled innocently and stood up. Humarap na ako kay Conrad at pekeng ngumiti sa kanya.

"Ahm, um, honestly, Sir. I have a few concerns with me," panimula ko.

Umayos agad si Conrad nang upo sa mesa niya sa harapan naming lahat. Imbes na maupo siya sa upuan ay talagang sa lamesa pa talaga. Ang gwapo tuloy ng hitsura niya.

Hay naku Candy ano ba!

Tumitig lang din siya ng husto sa akin at huminga ako nang malalim. Napako na tuloy ang mga mata ko sa kwelyo ng damit niya. Hindi na halata ang markang labi nito, pero halatang- halata pa rin ang lipstik na parang nagkalat lang din sa kwelyo niya.

Nanlaki pa ang mga mata ko nang makita na may isang lips mark pa pala na malapit sa may batones niya. Napalunok na ako. Kaya siguro panay ang titig nang lahat ng pumasok kami. Iba siguro ang iniisip ng mga 'to.

"Okay, go ahead, Candy," in his lazy voice while he loosen-up one of his polo buttons.

Sa bahaging dibdib na tuloy niya napaku ang mga mata ko. Napalunok na at ibinalik ang titig ko sa mga mata niya.

"Ahm, aside from the oval ground enhancement, Sir. I also suggest about our salary," saad ko na wala sa sarili.

Sa dibdib niya kasi napako ang paningin ko. Parang nabuhay lang ulit ang galit ko sa kanya at mga kabaliwan niya.

Ang sarap niyang tirisin talaga!

"Okay, what about the salary? Hindi ba akma sa standard na sweldo ang binibigay ni Mama, Mr. Moreno?" buo at pormal na tanong niya kay Mr. Moreno.

Tumayo agad si Sir Moreno at ngumiti na.

Ang bakla talaga! I'm sure nagpapacute lang 'to.

Naupo na ako at tinakpan na ang mukha ko ng diary ko. Nilingon ko si Grasya sa gilid na panay ngiti na, na parang aso!

Nagpaliwanag si Mr Moreno kay Conrad. Pero hindi na ako nakinig at pinalakihan ko na si Grasya ng mga mata ko. Sumenyas pa ang bruha at ngumuso pa. Nabaliw na 'ata!

Sunod na nagsalita ay si Sir Moreno, tungkol ito sa magaganap na foundation day. Ito rin ang pormal na pagpapakilala kay Conrad sa lahat, bilang bagong may-ari ng paaralan na ito.

Nang matapos ay naganap namang ang diskusyon ng iba pa, hanggang sa natapos na talaga, at nauna ng umalis ang lahat.

"Night party mamaya, Candy. Sama ka?" si Grasya sa akin.

Ngumuso na ako. "Hindi ako pwede kasi may gagawin pa ako."

"Hay naku, ganyan ka naman talaga palagi. Sige ka tatandang dalaga ka talaga!" sabay irap niya at umalis na sa harapan ko.

I shook my head while picking up my books and stuff. Hinubad ko na ang salamin ko. Ginagamit ko lang naman ito kapag may ginagawa akong reports at pagsusulat. Nagtake note kasi ako kanina, na kahit wala sa isip ko. Lumabas na ako sa function room at ako na panghuling nagsara nito.

"C-Candy..."

Napangiwi ako nang bumungad sa harap ko ang mukha ni Cristobal. Napaatras pa tuloy ako dahil sa kapal ng salamin niya at parang na-kuryente na naman ang mga buhok nito.

Ano ba kasing pinag-gagawa ng baliw na 'to? Sumobra na 'ata ang utak at naging weirdo na tuloy sa paningin ko.

"Yes, Cristobal?"

"A-ano, p-p-p-pwede k-ka-kaba m-m-mamaya?" utal na saad niya at ngiti na parang rabbit.

Kada bitaw niya ng letra at salita ay mas napaawang lang lalo ang bibig ko, at kulang na lang malaglag ang panga ko sa sahig! Nakakahawa kasi siya magsalita.

"A-ano, hindi ako pwede eh. Marami pa akong gagawin kaya sorry," sabay ngiwi ko sa kanya.

Nahagip pa tuloy nang mga mata ko ang mukha ni Conrad sa likod niya. Kanina pa siguro ang mukong na nakatingin sa aming dalawa.

He smirked and shook his head while looking at the two of us. Namaywang pa siya at naglakad lang din at lihim na natawa.

At anong nakakatawa Conrad? Mas mabuti pa nga si Cristobal kaysa sa isang katulad mo na puro kalandian ang nalalaman!

Naningkit ang mga mata ko habang pinagmamasdan siyang nakatalikod at naglakad sa amin palayo.

.

C.M. LOUDEN

Please vote for support. Thank you.



When a Billionaire Meets His Candyrella (MBBC#3)✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon