"Here."
Binigay ko sa kanya ang gummy bears at mabilis niyang kinuha ito at isinubo sa bibig niya.
"Thanks, babe." Mabilis niyang halik sa pisngi ko.
I darted my eyes at him and give him a hawk look. Madalas kasi ang nakaw na halik niya sa akin ngayon. Nagpapa-cute lang din ang walanghiya! At mas ngumiti pa siya dahil sa inis ko sa kanya. Tnitigan ko na siya habang kinakain ang gummy bears niya.
I stared at him deeply while he was looking at the sky. His beautiful smile, long lashes, pointy nose and perfect thin lips. . . he's bloody handsome.
"Got you!"
Napaubo ako dahil sa pagkabigla at umiwas ako nang mabilis sa titig niya. Uminit na ang mukha ko at namula na rin siguro itong lalo.
Dang it! Ba't ko ba kasi siya tinitigan ng husto? Ang baliw ko talaga!
I looked away and moved away from him, but he caught me again and gently slid his hand around my waist.
"You are the most beautiful being around here, Candy. . . trust me," he winked.
Napailing na ako at umiwas lang din sa kanya.
"Bolero ka rin ano?" Mabilisang hakbang ko palayo sa kanya.
Aabutin siguro kami ng tatlong oras kung iikotin namin nang lakad ang buong Isla. Kaya sa tabing dagat lang kami at hindi na lumayo pa sa pribadong resort na bahay ni Norman.
"Interesado ka ba sa ganito?"
"Oo, I'm planning to buy the nearest Island closer to Norman. That's for sale, pero pinag-aaralan ko pa." Turo niya sa bahaging malayo.
I nodded. "Well, that's good for the future. Your kids will love it one day."
Nahinto siya nang hakbang at nauna akong bahagya. Nahinto rin ako at nilingon siya.
"What? Halika na. Hinihintay na tayo ni Norman." Pamaywang ko.
He smile and walks more closer towards me. Hindi na muna ako humakbang at hinintay lang din siya.
"Our kids, Candy. . . not anyone else kids but ours," sa mapang-akit na titig niya.
"Really? Asa ka pa!" Sapak ko sa balikat niya at natawa na sa kanya.
Ang sarap niyang inisin ngayon. Hindi ko alam pero ayaw kong mahulog sa bitag niya ngayon.
I can even feel butterflies in my stomach when he says it. Pero iba ang iniisip ko, dahil alam ko naman na hindi mangyayari ito.
Humakbang na ako at nakasunod lang din siya. Hanggang sa maramdaman ko na naman ang mainit na kamay niya.
He's holding my hand, and that stopped me from walking. Napatitig lang din ako rito. Half of the day was like this. He's like a glue that stick on me. Ayaw niya 'ata akong bitawan sa araw na ito.
"Candy."
Nahinto ako dahil humarap na siya sa akin. He stared at me deeply and seriously.
"Candy, how can I get your heart again. Tell me?" tiim-bagang niya.
"Ano? Ano na namang drama 'to, Conrad?" ngiti ko sabay hawi sa buhok ko.
"I will court you until you will fall for me again, babe," matinding titig niya at hawak sa kamay ko.
Heck! Mura ng isip ko at kurap habang tinititigan siya.
Am I too obvious that I hate him at times? Ano na nga ba ang mangyayari sa plano ko kung ganito siya palagi sa akin? Huh, dang it!
"C-court? Manliligaw ka? E tayo na nga?" Ngiwi ko at napailing na sa kanya. Ang baliw rin naman ng utak ng isang 'to!
"Conrad, you have told everyone already that I am your girlfriend. Nahuli na 'ata ang courtship ah at nauna ang girlfriend na kita." Bahagyang tawa ko ulit kanya.
"I know," tango niya. "That's why I am making things right," seryosong titig niya.
"I want to make everything right, Candy. Bigyan mo ako ng pagkakataon. . ."
Nawala ang ngiti sa mukha ko at napalunok na ako.
Heck! Mukhang hindi nagbibiro ang playboy na 'to!
"Okay," kibit-balikat ko. Wala na ako sa mood magpakipot dahil kasama na ito sa plano ko.
"Okay, court me lovingly. Good luck!" Pisil ko sa ilong niya at nauna na akong humakbang sa kanya.
Nang makabalik kami sa resort ay handa na ang pagkain dito. Norman is talking with someone and she's way different from anyone. Unang tingin ko pa lang sa kanya ay parang nahinto ang mundo ko. I saw myself on her when I was at high school. But she's more like a preserved in style.
"Thank you, Miss Galvantes. Can you accompany Candy inside so we can eat soon?" si Norman sa kanya.
"Y-yes, sir."
Inayos niya lang ang salamin at nakangiting tinitigan ako. Ngumiti ako sa kanya at gumaan agad ang loob ko nang matitigan siya.
"D-dito po tayo, Miss Candy," senyas ng kamay niya at ngumiti na ako.
We walked quietly and she's just beside me. Medyo petite siya at maliit ang katawan. Matangkad ako kaysa sa kanya. Nabalot lang ng makapal na damit ang katawan niya, kaya si Betty La Fia ang naalala ko sa kanya. But she's more cute and pretty, I am sure of that. Tinatago niya lang ang ganda niya. Makinis din ang balat niya at maputi ito.
"Miss Stella Galvantes? Stella, right?"
"P-Po? Ahm, sorry, Miss Candy?" at her cute smile.
"Just call me Candy. Mukhang hindi naman 'ata tayo nagkakalayo ng edad. Ilang taon ka na ba?"
"Um, twenty-five."
"Oh, I see. Mas matanda pala ako sa 'yo ng dalawang taon. Kaya huwag na masyadong pormal, pareho lang naman tayo rito," lawak na ngiti ko.
"Okay, I'm easy. Dito tayo, Candy," pormal na tugon niya.
Naupo na ako at inihanda na niya ang inonim sa gilid. Panay lang din ang tingin ko sa kanya, at sa bawat kilos niya. Medyo may pagkamahinhin siya pero halata na nag-iingat lang din ito.
.
C.M. LOUDEN
BINABASA MO ANG
When a Billionaire Meets His Candyrella (MBBC#3)✅
RomanceCompleted ✅ Rated 18 The story of Conrad Mondragon and Candy MBBC#3 The Billionaire's Cinderella He was my ultimate crush in grade school and secondary school. He bullied me in Secondary High, but that didn't stop my feelings for him. He's among th...