Chapter 42. Safe

10.8K 347 15
                                    



Candy's POV

Everything was a blur, and it happened so fast. Norman and I accompanied Conrad inside the chopper when they airlifted him. There was a medic inside, but he could only perform the basics to stop too much blood from coming from him.

The chopper then landed in one of the most proficient hospitals in the city. And here we are in Cagayan de Oro City.

Lutang ang isip ko sa lahat kamy ay naghihintay kasama si Norman sa labas ng emergency room. Panay ang tawag niya sa pangalan ko at tulala naman ako sa sarili.

I looked at Norman in the corner, standing with a stain of blood on his shirt while talking to someone on his phone. Humakbang din siya palapit sa akin nang matapos.

"Miss Galvantes has booked the closest hotel around here. And it was just around the front building of the hospital. Doon ka muna manatali at magpalipas ng gabi, Candy," titig niya sa kabuuan ko.

I nodded and he looked at myself. Napatingin na tuloy ako sa paa ko, dahil dito nahinto ang mga mata niya.

Hindi ko nga naman inisip na ang daming dugo rin pala sa damit ko. Naka-stinelas pa ako at ang dumi ng paa ko. Nabalot rin ito sa tumuyong dugo.

Then I felt the tingling pain down my foot. I remembered that I had cut down there.

Tumingala akong nakatitig kay Norman at nakatingin na siya sa paa ko. Lumuhod agad siya at hinawakan ito. He cursed while touching my foot. Umalma kasi ako sa sakit.

"May sugat ka?"

"Hindi naman malalim at huminto na naman ang dugo. Nakuha ko 'ata sa kakatakbo ko kanina," mahinang sagot ko.

Mas hinaplos niya ito at mas naramdaman ko ang sakit.

"Damn it." He silently uttered while staring at me.

Nakatitig nga siya pero nakikiramdam naman ang kamay niya sa paa ko. Kaya naramdaman ko agad ang sakit. Tumayo na siya at lumapit sa reception nurse na nasa gilid. Namaywang pa siyang nakipag-usap sa nurse at tinitigan pa nila ako.

"Dito po tayo, Maam," ngiti ng nurse sa akin.

Pumasok kami sa isang maliit na treatment room. The nurse instructed me to lay down on the hospital bed and then, I followed. She cleaned my wound first. Pagod na ako, pero puno ng pag-aalala ang puso ko kay Conrad.

I kept asking the nurse how long it took them to finish in the emergency. Hindi na kasi ako makakapaghintay na makita si Conrad. Pero dahil sa bigat ng mga mata ko ay hindi ko na namalayan na nakatulog na ako.


NAGISING ako nang maramdaman ang galaw ng kamay niya sa paa ko. Napatingin agad ako rito. Makailang ulit pa ang pagkurap ko bago nagliwanag at naging malinaw ang lahat.

"You're awake," he smiled.

He's wearing a white coat with a name tag on his chest. Kumunot pa ang noo ko nang mabasa ang kabuuang pangalan niya rito. . . Enzo Denver Mondragon.

"Don't strain yourself too much, Candy. Malalim ang sugat sa paa mo. Mabuti na lang at napansin agad ni Norman ito. Nakuha ko na ang bubog sa ilalim. Maliit lang pero delikado dahil gumapang na sa ilalim ng laman. But it was all good," ngiti niya at umayos na siya.

Kumurap pa akong nang makailang beses, at napako ang paningin ko sa puting orasan na nasa dingding ng silid. Alas dyes 'y medya na pala ng umaga. Napaupo agad ako sa bigla.

"Si Conrad?" Wala sa sariling tanong ko sa kanya.

Nang maibaba ko ang paa ay naramdaman ko na agad ang sakit na galing sa ilalim nito. Hinanap ko pa ang stinelas ko, at nasa gilid na ito. Bago na at malinis.

When a Billionaire Meets His Candyrella (MBBC#3)✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon