Heck! That was close. Kakagat na sana ako sa peanut butter bread ko pero hindi natuloy. Kaya napalunok na ako at ibinaba na ito.
Tumayo ako at lumapit sa mesa na kung nasaan ang pagkain na in-order niya. It's Jollibee meal, with my ultimate favourite chicken joy, spaghetti and jolly hotdog. May mushroom soup pa nga ito at mainit pa ng inihanda ko.
Naalala ko lang ang unang beses na niyaya niya ako na magiging ka-date niya sa prom noong high school pa kami. Sa Jollibee niya ako dinala dahil nasa labas lang naman ito ng paaralan namin. Grabe! Abot hanggang langit ang kaba ko noon, at isang baldeng pawis ang nangyari sa akin.
Ganito rin ang in-order niya! Walang pinag-iba. Walang forever!
"K-Kain ka na. Handa na," pekeng ngiti ko.
He cleared his throat, moved his swivel chair back, and stood up. He even walks casually towards me.
"Are you okay with this? Hindi ko alam kung paano e-order ito rito, kaya tinawagan ko pa ang sekretarya ko sa Manila para siya ang mag-order nito," sabay upo niya.
Napangiwi ako at napaawang na din ang labi.
Dang it! Taga saang planeta ba 'to si Conrad nakatira? Tsk, ang baliw.
"Inutusan mo na lang sana si Mr. Moreno."
"Well, inutusan ko na siya na papuntahin ka rito. Nandito na ang mesa mo. Your office will be here."
Kinuha na niya ang water container na dala, at ininom muna ito bago siya kumain. Napansin ko rin na amoy lemon ang tubig niya.
Hmp, health-conscious ang mukong!
"Mag-o-office lang ako rito kapag nandito ka." Sabay higop ko sa mushroom soup. Gumaan agad ang pakairamdam ko.
"So, does it mean I will be in the office more often? Do you want me to be here always?" lambing na sagot niya.
Napaubo na ako ng wala sa sarili. Hindi ko tuloy malunok ang mushroom at sumagad ito sa gitnang bahagi ng lalamunan ko. Agad lang din niyang inabot ang tubig na inomin niya at ininom ko agad ito. May coke naman ako, pero ewan ko ba kung bakit tinangap ng kamay ko ang inalok niya.
Lasang pinaghalong pomegranate at hibiscus nga naman ito. It's a cold tea drink, and it's refreshing.
"Salamat," sabay balik ko nito sa kanya.
"Mag opisina ka sa gusto mo. Ikaw naman ang bagong nagmamay-ari. At hindi naman mahalaga na nandito ka palagi, dahil nandiyaan naman si Mr. Moreno. Just do your other job. Di ba marami kang trabaho?"
Sinagad ko ang sagot ko. Para naman huwag siya palagi rito. Mababaliw 'ata ako at siya pa 'ata ang magiging dahilan ng maagang pag-retiro ko.
Bahagya na siyang natawa at napailing na din.
"So you don't like me here?"
"No, it's not like that. Importante ka rin naman. Lalo na ngayon na may event na magaganap next week, at ang dami mong pipirmahan para sa payroll na din. After that you can evaporate!"
I swallowed hard on my last word. Hindi 'ata taming sabihin ito sa kanya, dahil siya ang boss ko.
Dang it! Pakialam ko.
"I will join the other teachers in some days if that's okay. Nakakailang kasi, baka pag-chismisan pa tayo," pagpapatuloy ko.
Natahimik siya at nagsimulang tikman ang pagkain niya.
"Okay. I'm easy."
"Good," nguya ko.
"How's your hangover?"
"Yeah, good."
"How's Elmo?"
"Yeah, good too."
"How's your Mom?"
"Yeah, she's fine."
"And how's the kissed?"
"Yeah, good."
Nahinto ako ng subo at agad na nag-angat nang tingin sa kanya.
Good God grief! The heck, Candy! Isip ko, at nakagat ko pa ang pang-ibabang labi ko habang seryoso naman siyang nakatitig sa akin ngayon.
He then smirked and shook his head. He scooped more mushroom soup and poured it into my empty bowl.
"Eat up. . . babe?" pilyong ngiti niya at itinaas ng isang kilay nito.
Napakurap na ako at kinabahan na din.
Shit! Wala nga naman akong kawala sa mukong na 'to.
"I-I did not mean it! That was just an accident," sabay lunok ko at kurap pa.
Hindi ko na tuloy alam kung makakain pa ako nito sa harapa niya. E, gutom na gutom pa naman ako! At ang mushroom soup pa lang ang naubos ko.
"I know." Sabay tango niya pero nakangiti lang din.
Pesti! Pinagtatawanan ako ng mukong na 'to!
Uminit na ang pisngi ko sa inis at galit. Hindi ako kinikilig, kung 'di naiinis ako sa sarili ko.
There is no way that I will let myself fall under his trapped again. Hindi ko na hahayaan ang sarili ko na mahulog ulit sa kanya. Kung meron man dito na dapat magbayad ng damdamin ay siya iyon! At hindi ako!
Tinitigan ko na ang pagkain ko at nahinto na siya ng subo.
"What's wrong? Hindi mo ba gusto? Magpapa-order ba ako ng iba?"
Tumaas na ang isang kilay ko habang tinititigan siya.
"No, kakain ako," inis na titig ko sa mga mata niya.
At nagsimula ko ng kainin ang chicken joy. Hindi ko na siya pinansin at tahimik kaming kumain dalawa. Hanggang sa tumunog na ang cellphone niya. Nasa gilid ito ng mesa at sabay kaming napatingin dito. Nabasa ko pa ang pangalan na 'Sarah' at may heart emoticon pa ito sa gilid. Tumaas lang din ang isang kilay ko.
Girlfriend niya 'ata. Heck, ang babaero talaga!
Pinahiran niya agad ng wet wipes ang kamay at kinuha ito. Tumayo na siya at naglakad patungo sa bintana. Inis kong tinitigan ang likod niya habang kain sa manok ko. Napailing na ako.
Ang landi ni Conrad! May girlfriend tapos nakikipaglandian sa iba. Naningkit pa tuloy ang mga mata kong nakatitig sa kanya sabay nguya at subo ng manok.
Nagtagal ang pag-uusap nila. Mga limang minuto 'ata at panay pa ng ngiti niya. Naubos ko na ang pagkain ko at tinitigan ko pa ang sa kanya. Pasimpli ko pang kinuha ang isang manok niya at kinain agad ito. Humarap na siya at nabilaukan lang din ako. Kaya agad na ininom ko ang soda.
"I have to go. Tapos ka na?" ngiti niya.
"H-Ha?"
Napatingin siya sa pagkain ko na malinis at buto na lang ang natira, at napatingin na din siya sa natira sa kanya. Kinuha niya ito at nilapag lang din sa harapan ko.
"Eat well, babe. I have to go."
Sa hindi ko malamang kadahilanan ay umakyat ang pintig ng puso ko sa leeg ko! I swallowed hard while staring at him and he just smiled. He grabbed his stuff and his laptop.
"Hindi ka na kakain pa?" Tanong ko habang nakanguyang tinitigan siya. Tumaas pa ang kilay ko at mariin ko lang na pinagmamasdan ang bawat kilos niya.
"Hindi na. Nabusog na ako sa 'yo," kindat niya at napangiwi ako.
"Kaya pala ang bigat mo," bahagyang tawa niya.
Magre-reklamo pa sana ako pero humakbang na siyang malapit at pinto at lumabas na din.
Mabigat pala ha! Hmp, balang araw luluhod ka rin sa harap ko Conrad! Sisiguraduhin ko.
.
C.M. LOUDEN
P.S. ang dami kung tawa hahaha!
BINABASA MO ANG
When a Billionaire Meets His Candyrella (MBBC#3)✅
RomanceCompleted ✅ Rated 18 The story of Conrad Mondragon and Candy MBBC#3 The Billionaire's Cinderella He was my ultimate crush in grade school and secondary school. He bullied me in Secondary High, but that didn't stop my feelings for him. He's among th...