Halos pinigilan ko ang paghinga nang makita siyang pumasok sa loob. Si Mommy na mismo ang nagbukas ng gate para sa kanya. Nakadungaw ako sa bintana at tanaw na tanaw ko ang kabuuan niya. Mabilis kong inayos ang sarili at tinitigan ang kabuuan sa salamin bago lumabas ng kwarto.
"Oh, there she is," si Mommy.
I smile widely while looking at him. He's standing waiting for me. His smile is a reminder that I was once crazy over him. His posture always dominates no matter what and like a living hot god. Kahit pa siguro anong klaseng damit ang suotin niya ay babagay naman talaga sa kanya. Ang mapupungay niyang mga mata ay nagpapaalala sa akin noon ang kabaliwan ko sa kanya.
He can easily makes my heart flutter, and his smile can melt me in an instant. Pero iba na ito ngayon. Wala na ang ganitong damdamin na katulad noon.
"Hi..." He sweetly utter, and looked at me from head to toe with a dashing smile on his face.
"You look, perfect..." ngiti niya at pilit ang ngiti ko.
"I know and thank you," ngiwi ko.
Nahinto ako sa harap niya at nagtitigan na kaming dalawa. Tumikhim na si Mommy, kaya napako ang paningin namin sa kanya.
"Take care of Candy, Conrad. Responsibilidad mo siya ngayong gabi," si Mommy sa kanya.
"Don't worry, Tita. At salamat sa pagtitiwala," ngiti at tango ni Conrad kay Mama.
"Okay, have fun!"
Inihatid na kami ni Mommy sa labas at pinagbuksan niya na ako ng pinto ng kotse niya. I even noticed that he's using a different one tonight, and it's cool vintage personalize Chevrolet. Masyadong bulgar si Conrad pagdating sa mga bagay na ganito. Hindi pa rin talaga siya nagbabago.
Naalala ko lang ang gabing iyon. . . ang gabing siya ang naging ka partner ko.
-----------------
(High School Prom Night)
"Ang ganda mo, Candy," lawak na ngiti niya sa akin.
"S-Salamat."
Nakayuko pa ako at hiyang-hiya pa sa kanya. Ni-rentahan pa ni mommy ang damit ko ngayon. He honestly offered a dress two days ago. Pero kasi sa sobrang excited ko ay nagparenta na agad ako ng prom dress kay mommy ng maaga, kaya hindi ko na tinangap ang alok niya. Tama na sa akin na ako ang magiging kapartner niya sa prom nila.
Mas lumawak pa ang ngiti ko nang makita ang sasakyan niya. An old classic vintage ford car. Mala 1970's ito pero ang ganda-ganda, sobra. . .
Nang makapasok sa loob ay inabot pa niya ang bulaklak sa akin. Abot langit na 'ata ang ngiti sa labi ko. Pakiramdam ko puputok na ang dibdib ko na parang Mayong bulkan pinatubo!
He hold me like I am the most beautiful girl in the whole school. Lahat sila nakatingin sa akin. Lahat ng mga babae sa campus nasisira ang mukha dahil sa akin. I smile proud, pakialam ko! Ako na 'ata ang pinakamasayang babae sa mundo.
"Eww, si pink piggy na naging suman," boses ng isang babae sa gilid.
Napalunok na ako, pero nakangiti pa rin. Mas hinaplos ni Conrad ang kamay ko, at pinaniwala na okay ako sa kanya, at okay ako sa mga sandaling ito.
He was quiet the whole time beside me. We were quiet. I kept staring at him while smiling like a crazy bizarre girl! E, sa hindi ako makapaniwala na siya ang nasa tabi ko. Tinitigan pa niya ako at inalis ang napakalaking ribbon na nakatali sa buhok ko.
BINABASA MO ANG
When a Billionaire Meets His Candyrella (MBBC#3)✅
RomanceCompleted ✅ Rated 18 The story of Conrad Mondragon and Candy MBBC#3 The Billionaire's Cinderella He was my ultimate crush in grade school and secondary school. He bullied me in Secondary High, but that didn't stop my feelings for him. He's among th...