"Ang taba-taba mo! Tabaching-ching, oink, oink!"
"Ang bad mo! Akala mo naman sino kang gwapo! Ang pangit mo kaya!"
"Okay lang, eh 'di naman katulad mo na baboy! Bleee!"
"Isusumbong kita sa Mommy ko! Waaa!"
Kumunot na ang noo ko nang pumasok ako sa silid. Ganitong eksena agad ang bumulaga sa akin. Pinagkakaisahan nila si Klara, at si EJ lang naman ang nag-iisang sakit sa ulo na bully kong estudyante.
"EJ! Don't be rude, anak! You can go back to your seat. Everyone go back!"
"Good Morning, Miss Candy De Silva!" Bati nilang lahat sa akin at naupo rin sila.
"Hmm, good morning!"
Napako na ang paningin ko kay Klara na ngayon ay pinapatuyo ang luha niya. I pouted when I looked at her. She reminds me of my old self when I was at grade school. Mataba na chubby na chunky. Dinukot ko na ang kendi na meron ako sa bulsa at lumapit sa kanya.
"Here, tahan na okay. Don't listen to them. You are beautiful, Klara." Haplos ko sa buhok niya.
"Thank you, titser," ngumiti na siya sa akin.
Tinitigan ko ulit si EJ na ngayon ay nakayuko na ang ulo. Bumalik na din ako sa harapan at nagsimula na ang pagtuturo ko sa kanila.
Nang matapos ang first class ay may isang klase pa ako at saka ako naglakad pabalik sa staff teachers room.
I was a bit late and I ended up going to my first class instead of going first in the staff room. Inisip ko kasi na unahin na lang muna ang mga bata. Tutal wala na naman akong turo pagkatapos nito.
"Good noon!" Sabay bukas ko ng pinto at sara nito pabalik.
Most of them are having their lunches, and they're all quiet.
"Akala ko absent ka ngayon?" si Gina sa akin.
"Hindi ah. Nag punch-in na ako tapos dumiretso akong silid sa mga bata. Wala pa nga ang adviser nila eh. Medyo late na kasi ako."
"Late rin si Mrs Bora. Tinawagan ako kanina matapos ang flag ceremony. Emergency," singit ni Grasya.
Hindi man lang ako nakasali sa flag ceremony. Kada lunes ito nagaganap at ngayon lang din ako nahuli.
That's why I hate drinking ang going out on Friday night. Ang hangover ko kasi ay hindi nawawala agad at mararamdaman ko pa ito hanggang linggo. Mabuti na lang at nilaklak ko ang sangkatutak na vitamis at energy drink kahapon at natauhan ang utak ko!
"Where's my table?"
My brow furrowed as I scan the whole room. Wala rito ang lamesa ko at nakatingin lang din silang lahat sa akin ngayon.
"Hindi ba sinabi sa 'yo ni Mr. Moreno na sa opisina ni Mr. CCM ka na?" si Gina.
"What!?" awang ng bibig ko.
"Ngayon na ba? Lunes na lunes! Ba't ngayon? Sinong kumuha ng lamesa ko? Ang mga gamit ko?"
"Chillax, girl!" si Vilma.
"Kaninang umaga pinakuha ni Mr. Conrad Ciro Mondragon!" Pabagsak na tugon niya at natawa pa.
Napalunok na ako. Mukhang mawawalan nga naman ako ng trabaho sa taong ito. Ito na 'ata ang simula ng madilim na kamalasan ko sa mundo!
Ang bwesit na Conrad na naman!
"So, ano na ang gagawin ko? Saan ako kakain ng lunch? Alanggan naman doon? E, hindi naman siya palagi rito ah!" reklamo ko at naupo na sa mesa ni Grasya.
Nilabas ko na ang lunchbox ko, at same as usual peanut butter bread na naman ang binalot ni Mommy.
Ugh! I rolled my eyes when I remembered this peanut butter bread. Okay na naman si Mommy, pero sa tuwing umaga ay nagiging baliktad ang utak niya.
"Candy De Silva!"
Napatayo agad ako sa boses ni Mr. Moreno na nasa pintuan. Ngumiti na akong tumingin sa kanya.
"Y-Yes, Sir?"
"To your table. Kanina ka pa hinihintay ni Mr. Conrad," taas na kilay niya.
"P-pwede po ba mamaya na lang, Sir. Maglulunch muna ako rito na kasama sila," lawak ng ngiti ko. Nagpapacute lang din, baka sakaling makalusot.
He took a deep breath and seriously looked at me.
"Ms. Candy De Silva. Hindi pa kumakain si Mr. Conrad. Hinihintay ka. Go! Doon ka na kumain." Sabay talikod niya.
Ngumuso na ako at napaawang lang din ang labi ko.
May magagawa pa ba ako ngayon? Wala na 'ata! Kaya padabog kong kinuhang muli ang mga gamit na bitbit, at nagmartsa palabas ng silid na hindi sila nilingon. Rinig ko pa ang sigaw ni Grasya na 'fighting!' Langhiya talaga!
Nang makarating ay mariin ko pang tinitigan ang pinto ng opisina niya.
Heck! How can I face him? After I gave him that kiss, he might be mocking me again, thinking that I am still head over heels for him.
Ang swerte niya naman! Excuse me, hindi na kita type Conrad! Ang tagal ko ng nasusuka sa pagmumukha mo!
Ang dami pa tuloy mura ng isip ko habang pahakbang palapit dito. Kumatok na ako, at dahan-dahan na binuksan ang pinto. Ang mukha niya agad ang nakita ko na nakaupo sa mesa niya. Seryoso ang mga mata sa laptop na parang walang pakialam sa mundo. Napansin ko rin ang iilang take away food na nasa gilid lang ng mesa, at hindi pa ginalaw ito.
I cleared my throat before I speak. Kung magtatanong man siya sa nakaraang gabi, ay sasabihin ko lang na wala akong naalalang nangyari. Great!
"Hi, Sir. Sorry. Hindi ko alam na may paa pala ang mesa ko at nandito na ito," tipid na ngiti ko.
He lifted his brow and a crept of smile came out from the side of his lips. Hindi nga niya ako tinitigan, dahil abala ang mga mata niya sa laptop, at walang humpay ang mga kamay niya sa kaka-type.
Ano ba siya? Transcriptionist ba? Ba't parang robot 'ata.
Lumapit na ako sa mesa ko. Mabuti na lang at nasa gilid niya ito, at medyo distansya sa kanya. Hindi kami magkakatinginan talaga. Tahimik ko lang nilapag ang bag at mga gamit ko. Kumunot pa ang noo ko nang makita na maayos ang lahat na nandito. May bulaklak pa gilid ng mesa ko. Presko ito at nasa vase na.
"Kumain ka na ba? Ako hindi pa," ngiwi ko habang binubuksan ang baon ko.
Wala akong ibang pagkain kung 'di ang peanut butter bread na gawa ni Mommy. Medyo may konting hangover pa kasi ako at ayaw kong kumain.
I was about ready to devour my bread when he spoke.
"I've ordered some food here. Get it ready and let's eat together," pormal na tugon niya, at ngiti sa akin.
.
C.M. LOUDEN
BINABASA MO ANG
When a Billionaire Meets His Candyrella (MBBC#3)✅
RomanceCompleted ✅ Rated 18 The story of Conrad Mondragon and Candy MBBC#3 The Billionaire's Cinderella He was my ultimate crush in grade school and secondary school. He bullied me in Secondary High, but that didn't stop my feelings for him. He's among th...