He's holding my hand while his other hand is on the steering wheel. Nakapikit ang mga mata ko habang nakasandal sa upuan. My body gave up after that kissed. Ang tagal nang halik na iyon at may nakakita pa sa amin sa labas na galing sa loob.
Siguro inisip nila ang sama-sama kong tao. I rejected Cristobal on the spot and was with Conrad kissing him in front of everyone. Huh, ang hanep!
Sa likod ng isip ko ay bumalik lang ang lahat ng alaala at masasakit na salita ng mga tao sa likod ko.
***
Ang kapal ng mukha ni pink piggy! Mukhang suman! Ang pangit! Ang taas talaga ng ambisyon mo, Candy! At si Conrad pa talaga!?Eww, mukha ka namang baboy na basura!. . . No, I don't like Candy, hindi ko siya gusto...
***
Sumikip na ang dibdib ko at napamulat na ako. Nilingon ko si Conrad na tahimik na nagmamaneho. Napako pa ang paningin ko sa isang kamay niyang nakahawak sa manubela at ang isa ay nakahawak nang mahigpit sa kamay ko ngayon. Kumunot na ang noo ko at agad akong kumalas sa pagkakahawak sa kanya.
"You're awake. Are you okay?" Haplos niya sa noo ko.
Dang it! At sa noo pa talaga? Ano ako nilagnat na?
"Ang init mo pa rin. I'll take you home with me. I have called your brother, Miguel. I've told him you will stay with me for the night."
"What!?"
Nabigla ako sa sinabi niya at parang nahimasmasan ako mula sa pagkakalasing.
E, iyon ang akala ko, hindi pa pala. Dahil parang may nakadagan na mabigat na bato sa katawan ko at hindi ko maangat ang sarili ko.
"I promise your two brothers that I won't do anything stupid tonight. At hindi ko gagawin iyon."
Inis ko siyang tinitigan at habol-hininga pa ang bawat titig ko sa kanya.
Shit you, Conrad! Sigaw ng isip ko.
"Just drop me home, Conrad..."
Imbes na buong pwersang galit sana ay nanghina lang din ako. I touch my forehead and yes, I am hot and sweaty. Pinilit ko pang tangalin ang seatbelt ko, pero walang lakas ang kamay ko para tangalin ito. Hanggang sa maramdaman ko na lang ang paghinto ng kotse sa madilim na basement. Pero umilaw din ito nang makalabas siya.
I saw his image, worried and concern while unbuckling my seatbelt. He then scooped me.
"Candy..." Dampi nang pisngi niya sa noo ko.
Pinakiramdaman niya ang init ko. Karga na kasi niya ako at ang bilis pa nang hakbang niya. My eyes are weary like I wanted to sleep. Ang hirap hawakan ng mga mata ko. I want to fight back and be away from him. Ayaw ko ng ganito, ayaw kong magdikit kami ng husto. Ayaw ko sa kanya at gusto kung lumayo na.
When I felt him holding me tighter and lifting me more higher I gasped for an air and wrapped my arms around his neck. Pakiramdam ko kasi mahuhulog lang ako. Pakiramdam ko kasi ang bigat ng katawan ko.
I stared at him and all I can see are his beautiful puffy eyes. Great! Nanaginip na ako ng gising! Sana nga lang panaginip lang ang lahat ng ito...
I GROANED as I felt the soft layer of blanket covering my body. I can even smell the candle vanilla scent in the air.
Ang bango. . .
Kumunot pa ang noo ko. Did Mommy bought some and lit some vanilla candles in my bedroom last night? Ang alam ko kasi naubusan na ako nito noong nakaraang buwan pa. At dahil sa wala akong oras, hindi agad ako nakabili nito.
Napangiti ako at yumakap sa malambot na bagay na nasa tagiliran ko. Nakapikit pa din ang mga mata ko. Hanggang sa maramdaman ko na may katabi ako ngayon sa kama. I hugged her, thinking it's mommy. Ganito kasi si mommy, lalo na 'pag may sakit ako, siya ang nag-aalaga sa akin buong magdamag.
"Thank you, I love you..." mahinang bulong ko sabay yakap sa kanya nang mas mahigpit pa.
Sinubsob ko pa tuloy ang mukha ko sa parting kilikili niya.
Ewan ko ba! Ewan ko kung ano ang meron sa kilikili ng mommy ko. Pero gustong gusto ko ang parteng ito. I even smile while my eyes are still shut and tried to smell her. I love her scent, I love my mom scent...
Pero kumunot ang noo ko nang maramdam na kakaiba ang hugis ng katawan niya. It's solid, rough, crisp, and like an archipelago. Kinapa ko pa ang bahaging dibdib niya, at nanlaki ang mga mata ko nang hindi ko maramdaman ang boobs ni mommy.
What the hell! Sino 'to? Isip ko habang nakabuka na ang mga mata, pero nakasubsob pa ang mukha ko sa kilikiling bahagi niya. Hanggang sa maramdaman ko ang kamay niya at hinaplos na ang noo ko.
"Good morning..." in his husky voice.
Parang nanigas ang buong katawan ko at lumabas ang kaluluwa ko sa katawan. Kaya agad napabangon ako nang wala sa sarili.
"The hell, Conrad!!" sabay takip ko sa sarili ko.
.
.
C.M. LOUDEN
BINABASA MO ANG
When a Billionaire Meets His Candyrella (MBBC#3)✅
RomanceCompleted ✅ Rated 18 The story of Conrad Mondragon and Candy MBBC#3 The Billionaire's Cinderella He was my ultimate crush in grade school and secondary school. He bullied me in Secondary High, but that didn't stop my feelings for him. He's among th...