Naningkit ang mga mata ko habang nakatitig sa kanya, at pilyong ang ngiti niya sa akin. He smirked again and I lifted my brows. Konti na lang at talagang makakatikim na sa akin ang mukong na 'to!
"Stop it, Conrad. I am not talking to you. I'm talking to Mr. Moreno and to your mother," kalamadong tugon ko. Nakangiti pa ako. E, sa hindi ko naman kasalanan kung sisingitsingit siya sa kwento.
I rolled my eyes again and my lips are smiling. Noong isang araw pa mainit ang dugo ko sa kanya at ngayon ay dadagdagan lang niya? Bwesit talaga!
Tumikhim na si Mr. Moreno dahilan ng pag-angat nang tingin ko kay Madam ngayon. Nahahalata niya ang tensyon sa amin ni Conrad. I looked at Madam and shyly smile at her. She looked at us bewildered, but her eyes looked fixedly to her son and a smile crept on her face.
"Mr. Moreno? Can you accompany me to other staff on the other side of the table? Gusto ko silang makausap sa mga ibang bagay tungkol sa paaralan," si Madam kay Mr. Moreno.
"Sure, Madam!" pilantik ng kamay ni Mr. Morena at tumayo na siya, tumayo na sila.
Ngumiti ako at ngumiti rin si Madam sa akin. Pero kay Condrad napaku ang titig niya at mukhang senyas ang ginawa niya sa anak. Napalunok na ako, at pilit na inaayos ang sarili ko. . . Hay naku, kumalma ka naman puso ko!
Naging tahimik kami ni Conrad nang makalayo sila at naiwan kaming dalawa sa mesa. I eat quietly, ignoring him beside me. I'll better be of thinking that he's nowhere near beside me, but the heck! I hate it! Because here I am again getting annoyed at his presence.
"Is there anything for the following weeks? Anything important before the finals? I am planning to go to Manila. Importante kasi," panimula niya habang pilit na kinakain ang cake na para sa kanya.
"Kailan ba ang alis mo? Papipirmahan ko na lang ang lahat bago ang finals. Baka kasi matagalan ka pa roon. Mas mabuti nang wala na ng alalahanin pa," pormal sa sagot ko. E, pormal din naman ang tanong niya.
"I will be leaving in two weeks. Matagal pa naman. Pero nagpapaalam lang ako ng maaga sa'yo," lambing na pagkakasabi niya at napangiwi ako.
"Okay. I'll prepare everything," I shrugged my shoulders and didn't look at him. Bahala nga siya!
Natahimik ulit kami hanggang sa maalala ko ang invitation na dumating kahapon. It was from the TyTAN Co. I have given the invitation to Madam. Inisip ko kasi na siya na lang ang bahala kung sasali ba siya o si Conrad.
"Did your mother mention you about the TyTAN Co. Invitation?"
Sinuklay na niya ang kanang kamay sa buhok niya.
"Oh, yeah. I nearly forgot... Titingnan ko kung makaka-attend ako, and if not si Mama na lang din."
I nodded and did not say a word. Ni ayaw ko ngang titigan ang mukha niya. Every time he talks and I talk back I never look at him. Maiinis lang akong lalo sa mukha niyang nakangiti sa akin.
"Damn it!" mahinang mura niya at napalingon na ako sa kanya. Kumunot na ang noo kong tinitigan siya.
He's looking at his diary using his apple watch ID. I smirked. I knew that, somehow it would give him a conflict.
"Hindi pala pwede si Mama. She cannot attend on that date."
I sighed deeply while looking at him. Ewan ko lang kung anong nangyari sa 'ayaw ko siyang titigan', e nakatitig na ako ngayon sa kanya. Ngumuso pa ako sabay tango.
"Will you be my escort on that day if I'll attend?" seryosong tugon niya at titig sa mga mata ko.
My mouth came partly open. Dang it! May atraso pa siya sa akin kani-kanina lang, at kaya nga umiwas na ako sa topic na 'Bagiuo' dahil baka mas maiinis lang akong lalo. And now? Here he is asking me to be his partner? Ano siya baliw?
Sorry Conrad but I was not the same sixteen-years-old Candy who had fallen head over heels in-love with you! Naalala ko lang din kung paano kumalabog ng husto ang puso ko noon, noong inimbita niya ako na maging ka-partner niya sa prom. Noon pa iyon at hindi na ngayon. At wala na ang pusong ganoon dahil namatay na 'ata ito sa loob ko!
"I can't... I have a party to attend."
At totoo naman talaga. Isasama ako ni Kuya Miguel sa anniversary party ng kompanya nila. It is on the same day but probably two hours time difference only. Mas mauuna ang TyTAN Co kaysa sa anniversarry party nila ni Kuya. Pero kahit na, ayaw ko pa rin na sumama sa kanya.
"Okay..." he became silent and nodded at the same time. Napayuko na siya na parang nag-iisip lang din.
"Why not invite your girlfriend? Mas maganda kung kasintahan mo ang isama mo," ngiwi ko. Pakialam ko!
He went quiet while drinking his soda. So, it's true, may girlfriend na talaga siya. Silent means yes 'di ba? Baliw ka nga naman Candy. Why do I expect that he's not taken. E, sa mukha pa lang ng mukong na ito ay tiyak tigdadalawa ang syota nito. Hmp, mga lalaki nga naman o!
"By the way, I won't be in the office tomorrow, and I will return in four days. I have moved my schedule for Manila to tomorrow. Gusto ko kasing sumali sa TyTAn Co invitation at makausap ang mga Mendevellon."
Naalarma na tuloy ang isip ko habang nakatitig sa kanya ng husto. I am hoping that he won't have this freaking idea of getting the Mendevellon into the School. Inayawan na nga ito noon ni Madam ng makailang beses. Paano na lang kaya pag si Conrad?
"So, sasali ka?"
"Yes, I just wanted to meet them," ngiti niya.
Kumunot na ang noo ko at napalunok na.
"Okay..."
"Do you think I will be fine?" pilyong ngiti niya.
"Yeah, you will be fine, Conrad. Get to know them and think a thousand times why your Mom did not accept their proposal for years. May dahilan ang Mama mo."
"Kaya nga kailangan ko ng makakasama. Hindi ka talaga pwede?"
I wrinkled my forehead again while looking into his eyes. What is he trying to prove now? Tumiin-bagang pa siya at hindi na nakangiti.
"As I said, I have an appointment at 8 pm. And your appointment is 6 pm, Conrad. Hindi ako robot! At magkaiba pa ang venue."
"Why? Where is the party at your venue?"
"It's the Mendoza's Engineering Firm and Builders 20th-year-anniversarry, at niyaya ako na maging ka-partner--"
"Okay I'll drop you back before your appointment," sa putol ng salita niya sa akin.
Hindi niya ako pinatapos at napaawang lang din ang labi ko. Kung malas ka nga naman talaga o!
"Ano ka, magiging driver ko?" ngiwi ko.
"Yes, why not?" he shrugged his shoulder coolly and smiled at me.
Dang it! Ang pilit mo talaga ah! Tingnan natin kung hanggang saan ang kaya ng pasensya mo sa akin Conrad. Napalunok na ako. Nag-iisip habang nakatitig sa kanya ng husto.
"Okay!" ngiti ko sa kanya sabay atras ng upuan ko.
"Excuse me," tumayo na ako at hindi ko na siya tinitigan pa.
This time Conrad I will make you pay. Isip ko habang naglakad palayo sa kanya.
.
.
C.M. LOUDEN
BINABASA MO ANG
When a Billionaire Meets His Candyrella (MBBC#3)✅
RomanceCompleted ✅ Rated 18 The story of Conrad Mondragon and Candy MBBC#3 The Billionaire's Cinderella He was my ultimate crush in grade school and secondary school. He bullied me in Secondary High, but that didn't stop my feelings for him. He's among th...