Hindi ko na alam kung anong oras na pero oras na para bumangon.We were supposed to have our dinner last night with Marco and Fia. I haven't met them, but I believe Marco is Conrad's cousin, and Fia is his wife.
When I rolled over behind, wala na siya sa kama. I rolled over back and my stare darted at the top ceiling. Kumunot pa ang noo ko nang mapansin ang kulay itim na chandelier niya rito.
Dang it! Ayaw ko 'ata ng chandelier na ito. At ba't nasa ibabaw ng kama pa? Paano pag bumagsak ito habang natutulog kaming dalawa? Heck! Kaya bumangon na ako at tinitigan ang kabuuan ng kwarto niya.
Cream, black and white. They're all men's favourite colours. I walked closer to the huge window and opened the drapes. Mala-palasyo pa ang desenyo nito. Nakahinga ako ng maluwag nang makita ang maliit na balkonahe niya na puno ng halaman. Kaya imbes na sa banyo ay nauna pa akong lumabas dito.
Ang ganda nga naman ng lahat. . . City life, and it's an overwhelming feeling. I took a deep breathe while looking at everything.
Tall rise buildings, the sky was somehow faded with a bit of smoke in the air. Iba sa pakiramdam, at parang hindi ako nabibilang dito sa ganitong uri ng mundo.
"Oh, here you are, love."
Lumapit agad siya at yumakap lang din sa likurang bahagi ko.
"Good morning," dampi nang halik niya sa balikat.
"Morning too."
I slightly touch his face using my cheek. Abala kasi ang mga mata ko sa lahat ng nakikita ko ngayon.
"How are you feeling?" he huskily asked.
"Um, overwhelm? How should I put this?" Ngumuso na ako sa kanya. Hindi ko kasi alam kung ano ang tamang salita na dapat kong gamitin.
He groaned while hugging me and kissing my neck. "Masasanay ka rin."
"Hindi naman siguro tayo titira dito 'di ba?"
Natahimik siyang saglit at natahimik din ako.
"Kung saan mo gusto. I'm okay, love. . . pero nandito ang negosyo ko at lahat," buntonghininga niya.
"Pero nasa Davao ang trabaho ko," reklamo ko.
Humarap na siya sa akin at ngumiti na.
"I will let you manage the school once we get married. But I want to have you with me every day, love," sa nakakaawang titig niya. Ngumiti na ako at ngumuso na.
"Kung hindi lang kita mahal, hindi ako sasama sa 'yo rito. Pero kasi ang lakas mo sa puso ko," sabay pisil ko sa ilong niya.
Hinalikan na niya ako sa noo pababa sa ilong ko.
"I'm easy, babe. I will be with you every day."
Yumakap na siya sa akin nang husto. He rested his chin on my shoulder while staring at the busy city life.
"I want us to live in a quiet, peaceful environment. In a very healthy environment, love. . . hindi rito, hindi sa ganitong mundo. We could live in the province and build our little castle. But once in a while, we have to visit here for business," suhesyon niya.
"Okay babe, you're the boss to that," I smiled. Nakuha niya rin naman ang gusto ko.
"No, I want you to be my boss in everything. Mas gusto ko na ikaw ang boss ko sa lahat ng bagay," lawak na ngiti niya.
AFTER we had our morning talks and cuddles, we had our breakfast. Siya ang naghanda at nagluto. Half of the day was filled with office and touring around the area. Nakilala ko ang iilang tao na malapit sa kanya. Well, aside from Xavion and Norman, I meet Marco and Fia in the area.
BINABASA MO ANG
When a Billionaire Meets His Candyrella (MBBC#3)✅
RomanceCompleted ✅ Rated 18 The story of Conrad Mondragon and Candy MBBC#3 The Billionaire's Cinderella He was my ultimate crush in grade school and secondary school. He bullied me in Secondary High, but that didn't stop my feelings for him. He's among th...