Chapter 7. Chase

6.3K 205 2
                                    



Tahimik ako at naghihintay lang sa magiging sagot niya. Medyo tumaas ang isang kilay niya habang nakatitig sa bawat desenyo. Napansin niya siguro na may pinabago ako.

"Hmm, not bad. You did not follow my design?"

He seriously looked at me with his hands on his hips. I swallowed hard.

Now, I remember about the papers that Gina left yesterday on my table. Mga desenyo pala niya ang iba roon, at hindi ko pinansin. Ang iilan lang kasi ang natingnan ko, kaya ako na ang gumawa sa iilang desenyo.

Dios ko! Hindi ko man lang nakuhang basahin lahat dahil naging abala ang buhay ko.

"S-Sorry po, Sir. I thought - gusto mo baguhin ang desenyo?" sabay lunok ko. Hindi ko na pinagpatuloy ang pangangatwiran ko. Alam ko naman na sadyang matigas ang ulo ng baliw na ito!

"Pasensya na, Sir. Kasi hindi ko nabasa ang lahat," sulit na lunok ko.

Tumango na siya at naglakad lang din palapit sa mesa. Unang tinitigan ang gummy bears at kumunot lang din ang noo nang makita na nandito pa rin ang cactus sa gilid.

My goodness me! Nakalimutan ko ang cactus! Pero hindi na niya pinansin ito at binukasan ang jar ng gummy bears at kumuha ng isa at kinain na niya.

"Well, just keep it like this. I'm okay with it. But you have to change this side here. I want my filling cabinet behind me. Lahat ng importanteng bagay at pipirmahan ko ay dapat dito mo ilagay sa bandang ito," seryosong tugon niya. At tumango na ako.

Ano pa nga ba ang magagawa ko?

"I'm on office twice a week, depende. Once a week, twice, or none at all. Kaya kung sino man ang gumagawa ng pays slip at kailangan ng pirma ko, just prepare it ahead of time," tipid na ngiti niya sa akin. At tumango na ulit ako.

"I don't know how the school runs, but I believe Mama told you to assist me well. So I will count on your capability, Miss Candy De Silva?" he wickedly smiles.

Napalunok na ako at pekeng ngumiti.

Kung malas ka nga naman oh! Ano pa nga ba ang magagawa ko ngayon. E, wala na 'di ba? Kaya kung aasa siya sa impormasyon na mula sa akin, ay gagalingan ko na. Because this school is the bread and butter of my co-employees.

"Yes, Sir," direktang sagot ko.

Naglakad na siya patungo sa bintana at sa oval ground na naman napako ang mga mata niya. Nakikita ko kasi ang mga mata niya sa gilid.

Ano kayang pinagmamasdan niya?

We went quite for a moment and I stood up standing like a robot again. Naghihintay ako na sabihin niya na pwede na akong umalis at umuwi. Pero wala pa, wala pa siyang sinabi!

"The oval ground, Miss Candy? Wala bang planong e-rehabilitate at mas pagandahin ito?"

Napakurap na ako at parang lumabas ang isang paru-paru sa puso ko. Noon ko pa kasi gustong pagandahin ito, at nagbigay komento pa ako noon sa meeting namin na kasama si Madam. Pero gastos lang daw ito ng budget at hindi masyadong mapapakinabangan.

"P-Po? A-Ano, Sir. Honestly, noon ko pa gusto sanang mangyari iyan. Gusto ko sanang mas mapalawak ang mga gamit sa playground para sa mga bata, at malagyan ng isang maliit na swimming ground. Para hindi na kami lalabas sa tuwing swimming lessons nila. Pero kasi gagastos lang daw at - "

"Okay, I get your point."

Hindi man lang niya ako pinatapos makapagpaliwanag talaga. Tapos I get your point agad? Dang, it!

Hahakbang pa naman sana ako para mas makalapit sa kanya. Pero mukhang ayaw niya 'ata na malapit ako, kaya nahinto ako sa gitna at hindi natapos magsalita.

"I want the accounting department to prepare the reports for the past five years. Gusto kong makita ang financial statement ng paaralan," tindi ng titig niya.

Heck! Parang ginaya niya 'ata ang sistema na nakasanayan niya na. Iba na nga naman si Conrad ngayon, kaysa sa noon. Pero isang bagay pa rin naman ang hindi nagbabago sa kanya. Ito ay ang utak niya. Ang talino nga naman niya kaya crush na crush ko siya noon eh. Maliban sa gwapo e, matalino pa.

"Are you listening, Candy?" taas ng kilay niya at seryoso ang titig sa akin.

Napakurap na ako at pilit at ginigising ang sarili para mabalik sa mundong ito.

Ano ba 'tong mga pinag-iisip ko. Epekto 'ata ito ng tatlong araw na stress at kulang sa tulog. Hay naku!

"Y-Yes, Sir!" Tuwid na ayos ko at sagot. Para tuloy akong girl scout. Snappy!

Bahagya na siyang natawa at napailing na din.

"Okay, I'll see you in ten days." Sabay hakbang niya.

Napakurap akong lalo nang ngumiti siya at natunaw ang puso ko. Parang namulaklak ang buong paligid at nakalimutan ko ang galit ko sa kanya. Mas kumurap na ako at pilit na ibinalik ang tamang pag-iisip ko.

What? Ten days? Hindi pwede! School foundation day next week at hindi pwedeng wala siya. May meeting pa na magaganap bago ito at ano na? Wala siya? Heck!

"E-excuse me, Sir!" Pasigaw ko at sabay takbo palapit sa kanya.

Tig dadalawang hakbang pa ang ginawa ko pababa ng hagdanan. Kung mahulog ako ngayon at gumulong pababa tiyak mas lalong sasakit ang likod ko! Ang sakit pa naman nito!

"Sir!!"

Heck! Why the hell every time he goes out like this I ended up chasing him? Dapat sana siya ang naghahabol sa akin at hindi ako sa kanya! Pesti talaga!

Nahinto agad siya at nilingon na ako. Habol hininga pa tuloy akong patakbong palapit sa kanya. Nasa labas na kasi kami ng gusali.

"S-school f-foundation day, Sir!" habol hininga ko at napahawak ako sa tuhod ko ngayon.

Nangunot na ang noo niya at alam kong hindi niya naiintindihan ang sinabi ko. I gave my hand signal to wait for a bit while I'm catching my own breathe. Napako pa ang dalawang kamay ko sa tuhod. Ang hirap pala 'pag hindi ako sanay sa habulan. Kailangan ko na 'atang mag-ehersisyo.

"Are you okay? It seems like you're having a hard time walking down the stairs?"

I shook my head and stood up. Hawak ko pa ang dibdib ko habang humihinga at tinitigan siya.

Huh, heck! Tinatanong pa ba?

"School foundation day next week, at hindi pwede na wala po kayo. May meeting pa na magaganap bukas para rito. Alam ko po na abala kayo, Sir. Pero bukas, po, three-thirty meeting. Sa katabing office mo rin ang venue, sa function room," sabay habol sa hininga ko.

Walang ngiti sa mukha ko dahil sa paghinga ko. Namaywang ulit siya at tinitigan ang relo niya. Pinindot pa niya ito. It's an apple watch ID. I bet he's looking at his schedule on diary.

"Okay, three thirty arvos?"

"Yes, po."

Pinindot pa niya ito at nakatitig lang din ako sa kanya. Sa kakatitig ko ay namasdan ko pa lalo ang ilong at labi niya.

'Bloody sexy!' Isip ko, pero uminit lang ang dugo ko kalaunan. Ang pangit mo talaga Condrad! Sa lihim na mura ko.

"Okay, I'll see you tomorrow."

"Thank you po, Sir," ngiti ko. E, hindi man lang siya ngumiti! Ewan ko lang ha. Pero kanina pa siya panay kunot ang noo sa akin.

"Can you drop that 'po', Candy? I'm not that old to be called 'po'."

My mouth partly opened. So, ito pala? Ito pala ang dahilan ng wrinkles niya sa noo? Heck! Nakakatawa!

I shut my mouth again and nodded. Tumalikod na agad siya at naglakad na. Mariin ko lang din na tinitigan ang likod niya.

Hmp, akala mo lang 'yon, Conrad! Mas iinisin pa kitang lalo, at tingnan natin kung hanggang saan ang kaya mo? Pagsisisihan mo talaga ito!

.

C.M. LOUDEN



When a Billionaire Meets His Candyrella (MBBC#3)✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon