Chapter 2. Cactus

13.6K 385 9
                                    

"Loving you is like a cactus because when I want to give you love and care, you repeatedly cheat with me and hurt me just as a thorn hurts a person."

.


Ano pa nga ba ang gusto niya? He hates color pink and red. Kaya siguro ayaw na ayaw niya sa akin noon, dahil panay pink at red ang ribbon sa buhok ko. Isama mo pa na pink din ang kulay ng bag pack ko. 

I can still remember when I walked down the hallway when I was in grade six, and he called me pink piggy! Bwesit talaga!

He called me pink piggy with thick braces. Kamukha ko raw si Dora na may malaking ribbon sa ulo at naka-brace ang ngipin. 

Ang walanghiya! At grabe pa ang tawa nila noon ng mga kagrupo niya. Pero kasi ako si tanga! Tawa-tawa pa rin ako. At least, pinansin kuno! Kaya okay lang. Tsk, ang gaga ko talaga noon ano?

He hates stupid and silly girls. Pasok 'ata ako sa kategorya na 'yan! Well at least matalino naman ako. He hates peanut butter. Kaya sa tuwing nakikita niya na peanut butter bread na naman ang baon ko ay parang nasusuka ang mukha niya!

E, ang baliw naman niya kasi! Panay tingin kung ano ang binabaon ko. Baliw rin ano?

Nang tumuntong akong high school, senior ko na siya. Pumasa siya sa test, kaya imbes na magkapareho kami ay fourth year na agad siya. Tatlong taon ang tanda niya sa akin. Nahuli siya sa pasukan noong mga grade school pa kami. Ewan ko lang kung ano ang dahilan. Palipat-lipat kasi siya at galing pang Amerika.


INAYOS ko na ang magiging bagong mesa niya at nilagay ang mga bagay na nagugustuhan niya. Umatras pa ako at nakangiting tinitigan ang buong silid. Pero bigla kong naalala sa sarili na kung sino siya talaga.

He was my ultimate crush when I was in grade school and secondary school. He bullied me a lot and was among the people who signed the petition and denounced my scholarship when I was at the University.

Akala niya siguro nakalimutan ko na ang pinagdaanan ko sa mga kamay niya? Hindi ano. Never!

Akala mo naman kung sino siyang gwapo noon? E, ang pangit niya ano! At ako naman itong si tanga ay na-inlove lang naman ng tudo sa kanya! Kung iisipin mo, ang sama ng ugali niya at ang pangit nga pala ng standard ko. Heck!

"Cindy!" ang boses ni Grasya sa likod ko.

Tumabi siya sa akin at tinitigan ang mga bagay na nilagay ko sa mesa ngayon. Lumapit na siya at isa-isang tiningnan ang mga nasa ibabaw nito.

"Aray!" Sabay kagat sa hintuturong daliri sa bibig niya. I shook my head and my brow raised.

"Iyan kasi! Alam mo namang cactus 'yan at talagang hinawakan mo pa!"

"E, ang ganda at may bulaklak pa. Akalain ko ba naman na ang tutulis nito?" sabay titig niya niya sa cactus.

"Cactus nga 'di ba? May cactus ba na hindi matulis?"

Ngumiti na ako. Mala-wicked ang ngiti ko at humalukipkip pa ako. Katabi ng gummy bears na jar ay ang cactus na nilagay ko. Sinadya ko talaga ito, para mahawakan niya.

"Mukhang pinaghandaan mo talaga ah," tingin niya sa kabuuan ng silid at mesa.

"Syempre! Bagong may-ari e. First impression last! Kaya dapat na magustuhan niya para may bunos tayo," taas kilay ko.

"Tama! Tsk, ang talino mo talaga, Candy!" harap niyang nakangiti sa akin.

"Alam mo ba na single pa raw ang anak ni madam?" baliw na ngiti niya sa akin.

When a Billionaire Meets His Candyrella (MBBC#3)✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon