Chapter 24. Plan

5.4K 185 5
                                    


When it was nearly time to go we bid our goodbye's to everyone and to Tito Phenomino. Gusto ko sanang iwan na lang dito si Conrad dahil pakiramdam ko ay marami pa silang pag-uusapan ng Tito Phenomino niya. Pero mapilit siya at gusto niyang ihatid ako sa venue party in Kuya Miguel.

"I am honestly okay, Conrad. You don't have to drop me."

Umikot na ako at ikinabit na ang seatbelt ko. Umayos na siya at pinaandar na ang sasakyan. Late na nga kami ng sampung minuto, pero okay lang. I am pretty sure Steph is with Kuya Miguel anyway.

"No, I will escort you all the way there."

"No, need. Ihatid mo lang ako. Baka marami ka pang gagawin at baka may naghihintay rin sa 'yo."

"No one is waiting for me, Candy. Don't worry."

"Bahala ka."

Nang makarating kami sa venue ay pumasok na agad kami sa loob. Inayos ko muna ang sarili ko dahil medyo umiikot na ang paningin ko ngayon.

Ikaw ba naman ang makaubos ng tatlong cocktail drinks. Tingnan natin kung hindi iikot ang paningin mo!

"You've drink a lot already," sabay hawak niya sa baywang ko at iginiya ako nang maayos para sa hakbang ko sa loob.

"Walk accordingly, babe," he whispers.

I smirked and shook my head. "I may be a little tipsy but I can still managed myself, Conrad. Kaya huwag kang mag-alala dahil hindi na ulit kita hahalikan pa! Kaya umuwi ka na at salamat sa paghatid mo sa akin," ngiwi kong titig sa kanya. Rinig ko pa ang bahagyang tawa niya, kaya nilingon ko na siya ulit at tinaasan lang din ng kilay ko.

Mas humigpit ang hawak niya at nagpatianod na ako. After all, my plan is now working. Yes, my plan is working well. Madali lang naman ito at makikipagplastikan lang naman ako ng damdamin sa kanya.

I will make him fall for me if I can handle, and I know I can. Gusto ko lang na ang isang Conrad Mondragon ay ma in-love ng tudo sa harap ko. Gusto kung makita ang ganitong ugali sa kanya sa akin.

Honestly, I felt loved every time I am with him, pero hindi ko kayang paniwalaan ang damdamin niya dahil pakiramdam ko ay nagkukunwari siya sa lahat at walang katotohanan ang mga ito. Parang hindi kapani-paniwala ang ugaling ganito sa kanya.

Nang bumukas ang pinto ng venue ay pumasok na kami. Ang lahat ay napatingin sa amin ngayon.

Dang it! Naging centre of attraction na tuloy kami dahil sa late na at agaw eksena pa.

"Candy!" si Steph.

Agad din akong humakbang palapit sa kanila. Napatingin pa tuloy si Kuya Miguel sa kabuuan ko at ang iilang lalaki na katabi niya dito.

They're all staring at me like I'm naked! Nakikita ko ito sa mga mata ng mga hinayopak na mga lalaking rito!

"Steph, Kuya."

Humalik na ako sa pisngi ni Steph at yumakap lang din kay Kuya. Napansin niya agad si Conrad sa likod at nagtaas-bagang na siyang nakatitig kay Conrad at seryoso ito.

I look at the boys beside kuya and I know most of them. They're all Engineers too and his friends at work. Sumenyas pa ako nang ngiti at kaway at ganoon din sila. Pero sa dibdib ko napako ang mga mata nila at hindi sa mukha ko! Mga walanghiya talaga!

Tumabi na si Conrad at tumikhim na. Umiwas agad nang titig ang ibang lalaki sa akin at tumalikod pa ang iba. Hanggang kay kuya na napako ang paningin ko at titig na titig ito kay Conrad.

"Ahm, kuya, this is Conrad Ciro Mondragon. . . Conrad, kuya ko, si Engineer Miguel De Silva."

"Finally, nice to meet you, man," si kuya kay Conrad.

"The pleasure is mine, bro," tangap ni Conrad sa kamay ni kuya.

They seriously stares at each other. Walang ngiti sa mukha ni kuya, samantalang si Conrad ay pilit na ngumingiti sa kanya. I move a step closer to Steph and she winks at me.

"This is Steph, my best friend," pagpapakilala ni kuya kay Steph kay Conrad.

"Hi, Conrad! Finally, nice to meet you in person. Ang gwapo mo pala talaga," kindat ni Steph sa akin.

Oh, Steph. Don't be so stupid! Isip ko habang pinaikot ang mga mata ko sa kanya. Rinig ko lang ang bahagyang tawa ni Conrad at natahimik na sila.

"Ahm, salamat Conrad. I'll be okay from here," I smile at him, showing my sweet side.

Magsasalita pa sana siya nang may tumawag sa pangalan niya.

"Conrad, bro!" Tapik balikat sa kanya ng isang pormal na lalaki sa paningin ko.

"Norman, bro," si Conrad sa kanya.

"Thank you for coming, bro. Akala ko hindi ka na dadalo rito."

Nakahawak ang kamay niya kay Conrad pero sa akin naman napako ang tingin niya. He looked at me from head to toe with his charming smile.

"That's my sister, Sir Norm," si Kuya Miguel sa kanya.

"Oh really? She's very stunning. I thought she's with you, bro? Magkasama kasi kayo kanina nang pumasok," si Norman kay Conrad.

"Yeah, we went to the event before for the school."

"Hi, I'm Candy De Silva, and I am also a preschool teacher," ngiti ko kay Norman.

Malugod niyang tinangap ang kamay ko at parang nahihiya pa dahil kay kuya. Hinila na ako ni Steph at iniwan na namin silang tatlo na nag-uusap. Sumenyas lang ako kay Conrad at tumango rin siya.

"Toilet, please," tugon ko kay Steph.

"Mas tumangkad 'ata si Conrad ah at mas naging mala model ng nude men's magazine ang katawan."

Natawa na ako at napailing na. Steph and her imagination, and we are the same! Kaya nga siguro nagkakaintindihan kami pagdating sa hugis at anyo ng lalaki.

Hinugasan ko na ang kamay ko sabay ayos sa sariling buhok.

"Ikaw ha. Ano bang plano mo? I know you, Candy... stop it before it hurts you."

I shrugged. "It won't hurt me, Steph. Sisiguraduhin ko na hindi ako ang masasaktan dito. Magbabayad lang siya sa mga ginawa niya. Iyon lang naman ang gusto ko," ngiti ko habang nakatitig sa sariling mukha sa salamin.

.

.

C.M. LOUDEN

When a Billionaire Meets His Candyrella (MBBC#3)✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon