"Just smile and remember why you wanted to teach."
-Inspiration quote-
"Once upon a time, a prince lived behind the rainbow. He is mighty, powerful, and—"
"Hindi ba siya mahuhulog, Teacher Candy? Eh, sa ulap ng bahaghari siya nakatira?" reklamo ni Klara at ngumuso pa talaga si
"Ugh, ang bobo mo talaga, Klara! Obviously, it's just a story, and the rainbow replicates the castle!" Pasigaw na tugon ni EJ, Emilio Juan.
Klare's mouth twisted and she's ready to cry any minute. My brows furrowed while looking at EJ. Sa kakatitig ko sa kanya ay nakikita ko na ang ibang anyo sa mukha niya. . . ang mukha ng walanghiyang bully ko noon!
"Ugh, Teacher Candy!" Sumigaw si Pinky.
"Ang bad ni EJ." Ipinakita niya ang daliri niya sa akin na puno ng glue.
Naningkit na ang mga mata kong nakatitig kay EJ ngayon. Humalakhak lang siya.
Walanghiya talaga oh! Nagbabasa ako ng kwento rito at panay bully ang taba-ching-ching na 'to! Kaya tumayo na ako at nilapitan siya.
"That's enough, EJ. That's very naughty of you!" Hawak ko sa kamay niya, at pilit na nilalayo siya sa dalawang batang babae rito.
"Stay there and don't move!" Turo ko sa kanya, at napatakip lang siya sa bibig niya. Lumapit na ako kay Pinky at pinunasan ang kamay niya ng basahan.
"There's more, Teacher Candy. . . Look oh!" Turo niya sa upuan niya. Malambing ang pagkakasabi niya sa akin.
Ngumiwi ako nang makita kung ano ang nangyayari rito. Huminga ako ng malalim at lihim na pinaikot ko ang mga mata ko.
Dios ko, tatanda 'ata akong dalaga sa trabaho kong ito! Puro wrinkles ang lumalabas sa balat ng mukha ko! Kaya nga ako naging teacher ng mga bata kaysa sa mga matatanda, kasi nga cute nila 'di ba? Eh, hindi ko naman akalain na mas madaldal at makulit pa sila kaysa sa mga alaga kong pusa!
"Um, teacher Candy? Naghihintay kami po sa story," deman na tugon ni Tara.
"Okay, okay. I'm back." Pilit na ngiti ko. Umupo akong muli sa harapan at nagpatuloy sa kwento.
"Then, there was this beautiful ragged princess—"
"Paano naging beautiful ang ragged princess, teacher Candy? Eh, basahan na nga ang mukha niya 'di ba?" taas kilay ni Tara.
Napaawang na ang labi ko at hindi ko na kinaya ito. Hindi ko 'ata matatapos ang kwento! Natawa na si EJ na nakatayo sa gilid. Panay ang takip niya sa bibig at labas nang dila sa kaharap na babaeng classmate niya.
"Teacher Candy? Ba't nga ba english ang kwento? Eh, Filipino subject ito?" reklamo ni Beka.
My jaw dropped rapidly! Nahulog na ito sa sahig at hindi ko na mapulot ito.
Ang baliw! At tama nga naman, pero kasi reverse English to Filipino ang topic ngayon, at inuna ko lang naman na basahin ito sa English para itagalog din pagkatapos.
Dang it!
"Beka, 'di ka kasi nakikinig kay teacher Candy kanina eh! English muna tapos itatagalog din mamaya."
Nakahinga ako sa sinabi ni Peppa. Mabuti pa ang batang ito, ang bait at hindi ako binibigyan ng sakit sa ulo.
Tumunog na ang bell at agad na silang napatakbo. Lunch break na kasi, at mukhang gutom na ang lahat. Tama gutom lang ito.
Naiwan akong nakanganga sa harapan. Nakababaliw ang mga batang ito.
PADABOG kong nilapag ang bitbit kong libro sa mesa. Nilingon ko si teacher Amy at panay ang kain niya habang nakaharap sa laptop. Nagpapacute habang ka chat niya ang boyfriend na Australiano. Napaawang lang lalo ang bibig ko nang mag-flying kiss siya sa boyfriend niya.
BINABASA MO ANG
When a Billionaire Meets His Candyrella (MBBC#3)✅
RomanceCompleted ✅ Rated 18 The story of Conrad Mondragon and Candy MBBC#3 The Billionaire's Cinderella He was my ultimate crush in grade school and secondary school. He bullied me in Secondary High, but that didn't stop my feelings for him. He's among th...