Ito na po ang panghuli at finale sa kwento. Maraming salamat po sa pagsubaybay sa love story nina Conrad at Candy. I will see you all again in the next Mondragon's Billionaires Boys Club number 4. Sa lahat po ng nag cast ng votes at comments, maraming maraming salamat. Love you all 😘❤️❤️
There will be a few special chapters, but that will be available soon in the book."Ako na, Dexter."
"Sigurado ka?"
"Oo, ako na, kaya akin na."
Binigay niya agad ang naiwang notebook at score ni Candy sa upuan niya. She missed half of the day in school. After she was bullied this morning because of the letter that she made for me. Nabasa kasi ito ng buong kaklase niya at narinig ko agad ang ingay nila. Magkatabi lang kasi ang silid paaralan namin.
When I first received a letter from her in my locker. I was laughing so hard. Iyong tipong nakakatawa na talaga. Napuno pa nga ng kantyaw iyon sa buong barkada, at pinagpasa-pasahan pa ang love letter niya. I ignored her a few times. Hindi lang naman kasi siya ang gumagawa ng ganito sa akin dahil marami naman sila.
Pero sa buong dalawang taon parang hindi 'ata siya nagsasawa. Umabot sa punto na inaabangan ko na ang bawat love letter niya sa locker ko. Natutuwa na ako kapag nakakatangap ako at nababasa ito. Pero nahinto siya ng isang linggo at wala ng love letter sa locker ko. Then I have found out that everyone on her class bullied her, to the point that she will skip classes.
Damn it! Saan ko ba hahanapin ang pink piggy dora na 'to?
Nakailang ikot na kasi ako sa oval, pero wala siya rito. Alam ko naman na dito lang siya palagi nagtatago. This is her safe hiding spot. Kung wala siya sa bleacher ay nasa loob siya ng practice room, at kung wala naman ay nakaupo sa ilalim ng puno sa unahan.
At tama nga naman ako. She was at the very end where no one can really see her. Kailangan ko pang gumapang sa ilalim ng bleacher para makapasok dito. And here she was, sleeping...
I shook my head while staring at her. Natakpan ng notebok ang mukha niya. Nakataas ang dalawang paa at sumandal ito sa silya. Ginawa niyang unan ang pink piggy bag niya. Malambot nga siguro ito, dahil mukhang matabang baboy naman ito sa paningin ko. Nagkalat ang iilang papel niya sa lupa, kaya pinulot ko na.
I smiled when I read my name on one of the papers.
I love you, Conrad.
I love you, Conrad.
I love you, Conrad.
I hate your smile.
I hate your cheeky smile again.
I hate you from afar.
But I still love you, Conrad...
I secretly smiled while reading it. Parang na miss ko ang sulat kamay niya ng isang linggo, dahil isang linggo akong hindi nakatangap ng ganito mula sa kanya.
I admit it. Hindi ko naman siya gusto. Pero natutuwa ako sa kanya. Ewan ko ba.
Maingat ko itong nilagay sa gilid, na kung nasaan ang dalawang notebooks niya. Napako pa tuloy ang paningin ko sa paa niya. I stare at her shoes, at top, down to her legs. May kung anong kumalabit sa puso ko nang mapako ang paningin ko sa makinis na balat niya.
Damn it! Why do I feel like I want to touch her. I swallowed hard and looked away. Pinagpawisan pa tuloy ako ng wala sa oras dito. I just noticed that she's got a slender body aside that she's a bit chubby. Mataba siya, medyo, pero maliit ang hugis ng buto niya sa paa, ang ganda...
I shook my head and felt my heart. Nagwala na ito sa loob ko at hindi ko maintindihan.
Fuck this! Nagmura na ako. Kaya nilapag ko na lang din ang notebook na naiwan niya at ang score na nakuha niya sa Math test. Perfect score pa nga ito. Matalino rin naman siya kahit papaano.
BINABASA MO ANG
When a Billionaire Meets His Candyrella (MBBC#3)✅
RomanceCompleted ✅ Rated 18 The story of Conrad Mondragon and Candy MBBC#3 The Billionaire's Cinderella He was my ultimate crush in grade school and secondary school. He bullied me in Secondary High, but that didn't stop my feelings for him. He's among th...