Chapter 6. Homey

11.7K 374 13
                                    



Mabuti na lang at kalahating araw lang talaga ako sa paaralan. When he left yesterday the whole staff was disappointed. Pero iba ang ekspresyon ni Mr. Moreno, at mukhang wala lang sa kanya ito. Halata na kilala niya ang mga ugali nila Madam at kasama na ang anak ni Madam Leona na si Conrad.

I have told him that Conrad wants everything change except for the gummy bears. Kaya imbes na ako ang magpalit sa lahat, ay binigay ko na ang trabaho kay Gina. Wala naman siyang masyadong ginagawa. Si Grasya sana dapat, pero nagreklamo lang din agad.

May iilan pa akong ginawa na report para sa mga magulang ng bawat bata. Since, I'm on my half day, I'm aiming to finish it today, para wala na akong gagawin bukas.

I am in the middle of doing my reports when I heard my phone vibrated. Pero dahil ayaw kong ma-esturbo sa ginagawa ay hindi ko ito pinansin.

It beep not just twice but more than that. Naka-mute ito kaya panay vibrate lang din. Pagkaraan ng tatlong oras ay natapos na ako. Tumayo na at inunat ang braso ko sa ere. Ang sakit pa ng likod ko! Kaya pinagalaw ko na rin ang leeg ko. Kagabi ko pa sana gustong magpamasahe, kaso naging abala ako sa lahat at nakalimutan ko na ito.

Bumukas ang pinto at ang mukha ni Gina ang bumungad sa akin. Nakanguso pa siya at mukhang hindi na masaya.

"Goodness me, Candy. Ayaw ko na!" Sabay lapag niya sa mga papelis na dala. Naupo na siya at ininom ang natirang juice ko sa gilid.

"Ang strickto niya! Kung hindi nga lang makalaglag panty ang hitsura niya ay siguro umalis na ako sa opisina niya!"

Tinaas ko lang ang kilay ko at naupo ulit. Niligpit ko na ang mga papelis. Alas kuwatro na rin, kaya uuwi na ako.

"Nakuha mo ba lahat ng gusto niya?" Sabay ayos ko.

"Oo, at ikaw pa talaga ang hinanap. Sinabi ko na hindi ka pwede dahil may report kang ginagawa. Ba't ba wala siyang sekretarya rito?"

Oo nga ba't nga ba walang sekretarya ang mukong na Conrad? Kung sa bagay wala naman dito ang negosyo niya. Rinig ko kasi na malaki ang hinahawakan niyang kompanya pero nasa pinakamalaking syudad ito ng Pilipinas. He's into hotels and resorts. Hindi ko nga lang alam kung ano ang posisyon niya.

"Hindi magtatagal ang sekretarya sa kanya. Baka isang araw lang at uuwi ng luhaan," bahagyang tawa. At humarap na ako kay Gina.

"Ano? Kompleto na ba ang gusto niya?" pagpapatuloy ko.

"Oo, nagpa-order na ako sa iba. Pero bukas pa ang dating ng mga furniture's na iyon. In fairness, ang mahal ng taste niya."

I smirked when I've heard it. Hindi pa rin siya talaga nagbabago.

Conrad is a Mondragon iba ang ama niya sa dalawang kapatid niya. Madam Leona is a Del Briones. I've heard that her family owns a huge hundreds of hectares of sugar plantation and banana. Pero sa pagkakaalam ko ang Ama ni Conrad ay isa sa pinakamakapangyarihan na tao sa boung bansa at Asya.

Pinatunayan niya 'yon noong elementarya at high school pa kami. Wala 'atang araw na walang chaperon o bantay na hindi nakasunod sa kanya. Naalala ko rin na tumakas siya sa mga ito at inakyat ang bakod ng paaralan palabas sa oval, para makatakas sa mga bantay niya. Nakatakas siya kasama pa niya ang mga kabarkada niyang kasing katulad din niya.

Sino ba naman ang makakalimot sa ginawa niya noong kamuntik na siyang mahuli?

Huh, ginawa lang naman akong panakip-butas at na-korner sa mga braso niya! Isinandal ako sa pader at sinubsob ang mukha niya sa leeg ko! Grabe ang kaba ko noon, na para bang matutunaw na ako. High school pa ako noon, at patay na patay pa ako sa kanya.

'Sorry, pink piggy but it's between life and death. Thank you for saving me'.

Bwesit talaga! Maganda na nga sana, pero tinawag akong 'pink piggy'!

Napailing na ako at pilit ibinalik ang isip ko sa kasalukuyan mundo ko. Kung iisipin ko ang nakaraan ko sa kanya ay nakakakilig nga naman. Pero kung iisipin ko ang mga ginawa niyang pambubully sa akin, ay sumasakit ang batok ko, at ang sarap niyang tirisin at ibitin patiwarik!

"Hoy, Candy!? Kanina pa ako rito talak ng talak e hindi ka naman pala nakikinig sa akin?" pasigaw ni Gina. Namaywang na siya.

Kumurap na ako at ginulo lang ang buhok ko.

Dios ko! Heto na nga ba ang sinasabi ko. Nabubulabog ang mundo ko ng dahil kay Conrad! Pesti talaga oh!

"B-bakit? May sinabi ka ba?"

"See? Hindi ka nga nakikinig!" Pamaywang niya.

"Ang sabi ko bukas sa delivery ikaw na ang pumirma at magpapadala raw siya ng dalawang tao para maglinis sa magiging opisina niya."

"Opisina niya? E, opisina ni Madam ang silid 'di ba? Anong gusto niya? Alisin lahat ang mga gamit ni Madam?" reklamo ko.

Tumayo na siya at ginulo na ang sariling buhok. Naawa na tuloy ako, dahil parang tumanda siya ng sampung taon sa isang araw na ito. Nakakatawa na nakaloloka!

"I don't know! At ikaw na ang bahala. Sinabi ko na kay Sir Moreno. Pero sinabi niya sa akin na ikaw raw, dahil ikaw naman daw ang personal assistant niya rito!" Sabay irap niya.

Ngumiwi na ako ng maalala ito.

Dang it! Wala nga naman akong kawala. Pinangako ko naman pala ito kay Madam.

"Maaga ba bukas?" pasigaw ko sa kanya sa labas.

"Oo, maaga!"


The next day I was early. Same as usual early bird catches the worm. Dang, it!

Maaga nga namang dumating ang furniture truck na loaded ng mga gamit niya. It's like a moving truck and etc. Kasama ang iilang tauhan at dalawang tagapaglinis pa. Panay lang din ang monitor ko at bigay instructions sa kanila. Mabuti na lang at kahit papaano ay marunong akong mag-ayos ng desenyo sa bahay at opisina.

Natutunan ko lang din sa kapatid kong si Michael, Architect Home and design kasi ang propesyon niya.

Natapos ang lahat ng halos anim na oras. Nag-order ako ng lunch sa canteen at pinakain muna sila bago sila umalis. Naubos ang buong araw ko at alas kuwatro na.

Mariin ko pang tinitigan ang ayos ng at bagong desenyo rito. I took a deep breath and smile when I realized how beautiful the arrangement around, and it's look more than the office of the CEO. It's homey, and I like it. . . ang ganda nga naman ng taste niya.

Nawala ang ngiti ko nang marinig ang pagtikhim niya sa likod ko. Umakyat ang kaba sa puso ko dahil alam kong siya ito. Para kasing kilala ko na kahit pa ang patikhim niya.

I looked at who was behind me, and there he was, looking around and surveying the whole area. Designs. I swallowed hard, and my traitor heart jolted! Heck!

"G-good Afternoon, Sir," tango ko sabay ngiti na.

Inayos ko na ang postura ko at makailang ulit ang maglunok sa sarili.

Kung hindi lang siya ang may-ari ng paaralang ito ay hindi ako ngingiti sa kanya. Pero wala na akong choice! Kaya makikipag-plastikan na ako.

.

C.M. LOUDEN


When a Billionaire Meets His Candyrella (MBBC#3)✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon