Chapter 19. Different

5.4K 212 8
                                    



"Don't worry, kuya. I will accompany you no matter what. Hindi ka mapapahiya," kalmadong ngiti ko at napailing na siya. Walang expresyon ang mukha. Ang tigas lang din talaga. Pero kalaunan ay napatango na.

"I'll introduce you to someone. He's a potential boyfriend for you," panimula niya.

Nahinto tuloy ako sa pagsubo at tinitigan na siya. Dang it! Ano ba ang plano ng kuya ko ngayon. ang baliw ah!

"Really? Sino?" ngiwi ko.

"Si Crisostomo Ibbara a.k.a Cristobal!" lakas na tawa ni Elmo.

Kamuntik ko ng makalimutan na nandito pala ang walang magawang kapatid ko. Dang it!

"Ano? Ew!" ngiwi ko.

"Do you know him?" kunot-noo ni kuya sa akin. Naging seryoso na tuloy ang mga mata niya.

"Obvious ba? Siya kaya ang Einstein ng paaralan namin. My God kuya! Huwag naman siya, at ba't mo kilala?"

Dang it! Ang weird ni Cristobal kinilabutan tuloy ako sa kanya.

"I re-design his unit in Del Tower 101 before. Actually he's a bit funny at first. Ako kasi ang ni-request niya. Ang buong akala ko pa tuloy ay bakla siya. Hindi naman pala dahil iba ang sadya niya. . . Ikaw," tipid na ngiti ni kuya sa akin at napangiwi ulit ako.

Huh, ang baliw ni Cristobal ah! Ang weird!

"I know him kuya. Remember? Was he the person that was in the bar, ate? Sumayaw siya sa stage kasama ang mga studyante niya. Lumapit siya sa akin at nagpakilala. Kilala raw niya si Kuya Miguel."

Napangiwi na ako at hindi ko na tuloy malunok ang kinain ko. Hindi ko tuloy alam kong sino at ano si Cristobal.

"May stalker ka na, ate." Tawa ni Elmo at tinaasan ko na siya nang kilay.

"I don't like him, kuya. Kung e-re-reto mo siya sa akin, e mas mabuti pang mag madre na lang ako!"

"Akala ko ba gusto mo? When we talked he sounds like you like him too. Ganoon ang pagkakaintindi ko sa sinabi niya. Hindi ba?"

"There's no freaking way, kuya! Iba siya sa school. He kept sending flowers to me. Pero ni kahit isa sa mga bulaklak na binibigay niya ay hindi pa nakapasok sa bahay na 'to!"

Parang sasabog na 'ata ang dibdib ko sa inis. Pakiramdam ko kasi pinangungunahan ako ni Cristobal sa mga kapatid ko.

I respected him. I know he likes me a lot and he's very show-of in the school. Hinahayaan ko siya dahil ayaw ko siyang mapahiya, at ayaw ko siyang masaktan.

Alam ko kung ano ang pakiramdam ng isang unrequited love. Nakikita ko ang sarili ko sa kanya noon kay Conrad. Kaya hinahayaan ko siya. Hindi ko tuloy alam kong paano e-basted ang isang katulad niya. E, ayaw ko naman siyang paasahin. Kalokan na talaga!

"So you don't like him at all?" si kuya sa akin.

"No, I don't like him at all."

"Then, tell him. Hindi iyong pinapaasa mo ang tao sa wala. He seems okay to me. He's a professor and a cousin of King Tan."

"Well, I don't know how to, kuya?" reklamo ko.

He stopped eating and looked at me seriously.

"Candy, it's better for him to know the truth. Huwag mong iwasan ang tao at sabihin mo sa kanya na hindi mo siya gusto. Masaktan man siya pero ganoon talaga iyon. Hindi iyong iiwas ka."

Napalunok na ako at natahimik na. Pakiramdam ko bumagsak ang puso ko sa sahig. Bumalik kasi sa alaala ko noong panahon na sinabi ni Conrad sa akin noon na hindi niya ako gusto talaga.

Ang sakit n'un, sobra... tatlong araw pa nga ang absent ko noon at nahihiya pa akong magpakita sa kanya.

If I were to tell it to Cristobal I'm sure it's going to break his heart too and I don't know how to say it. Kaya madalas ay umiiwas ako. Pero hindi ko talaga siya gusto. At ngayon makikita ko pa siya sa party nila ni kuya. Huh, ayaw ko na 'atang magiging escort ni kuya.

"Candy, are you listening to me?"

"Yes, kuya..." buntonghininga ko.

"Now, what's this other event? Whom invited you?"

"Sa school, kuya. Invitation ng mga Mendevallon. Si Madam sana dapat pero wala siya, at si Conrad ang dadalo na kasama ako,"sagot ko sabay nguya na rin.

"Oy, is babe mo?" kantyaw na tawa ni Elmo.

Itinutinutok ko na sa kanya ang tinidor sa inis!

"Shut up, Elmo!"

"Boyfriend mo?" si kuya.

"No, he's not and he will never be!" taas kilay ko.

"Oy, defensive si Ate," tawa ulit ni Elmo. "E, nahalikan mo na nga," sabay nguso niya.

Naningkit na ang mga mata ko at kulang na lang ay ibato ko na sa mukha niya ang tinidor na hawak ko ngayon.

"Don't laugh at your sister, Elmo," si Mommy sa kanya.

"She was drunk when she kissed Conrad. Although I like him for you, hija," ngiti ni Mommy.

My mouth twisted, and so my brows lifted.

Dang, it! Pinagkakaisahan ako ng lahat na nandito sa harap ko.

"What's his name again?" seryosong tanong ni kuya na ngayon ay tapos na sa pagkain niya at ininom na ang tubig.

"Ahm, Co--"

"Conrad Ciro Mondragon, kuya," sagot ni Elmo sa kanya at nakangiti pa.

Pinandilatan ko na siya ng mga mata ko. Ako dapat sana ang sasagot, pero ang walanghiyang kapatid ko ang sumagot! Kaya sinipa ko na ang paa niya sa ilalim ng mesa.

"Aray!" pabirong tugon niyang natatawa.

"Conrad Mondragon? Is he related to Norman Mondragon?" sabay pahid ni kuya sa bibig niya gamit ang tissue.

Ngayon naalala ko si Norman. Madam told me that Xavion and Norman are his cousins with whom he's working on a new project business.

"They're cousins, kuya."

"Oh, I see..." Napatitig na siya ng husto sa akin at naging seryoso na ang mga mata niya.

"A piece of advice, Candy. Be cautious when it comes to your heart with him. Mga Mondragon sila at hindi basta-basta. They belong to a different world than ours," sabay tayo niya.

Napaawang na ang labi ko at napakurap na ang mga mata ako. Wala akong alam sa pinagsasabi ng kuya ko. Tumango tango lang din si Elmo at wala namang pakialam si mommy, dahil sa TV lang naman napako ang mga mata niya.

"D-different?" kunot-noo ko. At nakasunod ang titig ko kay kuya ngayon. Nasa lababo na siya.

"Oo, ate. Different world. Magkaibang mundo. Prinsipe siya at basahan ka!" sa lakas na tawa ni Elmo.

.

.

C.M. LOUDEN


When a Billionaire Meets His Candyrella (MBBC#3)✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon