Candy's POVMabilis akong pumasok sa banyo at tiningnan ang bawat sulok. I need to escape, I need to get out of here. Kailangan kong makatakas, pero wala akong makita na ibang paraan. Isang bintana lang ang meron at hindi rin ako makakalabas dito dahil nakarehas na bakal ito. Ni wala rin akong makita sa labas dahil ang taas ng puder na halos magkadikit na ang nakikita ko.
And if I am not mistaken, it was somehow like a basement. May konting liwanag pero hindi sapat ito. Ang kisame naman ay kakaiba. Wala itong manhole na pwede kong mapasukan man lang. Kinapa ko pa ang bawat dingding, pero wala talaga.
The only way I can get out of here is to fight back at him. Pero alam kong hindi ko kaya, dahil maliit lang ang katawan ko. Sana nga pala nag-aral ako ng karate.
Tinitigan ko pa ang pagkain na nasa mesa at ang tubig. Gutom na ako at uhaw na uhaw pa. Pero hindi ko kakainin ito. Kaya pumasok akong banyo at ang tubig na mula sa gripo ang ininom ko.
Naupo ako, nag-isip, hanggang sa ang tinidor na ang nakita ko at tinago ito sa likod ko. Napalunok ako nang bumukas ang pinto. Akala ko si Cristobal, pero hindi. Isang matandang ginang ang pumasok mula rito na may bitbit na pagkain, na naman!
Nakabukas ang pinto nang pumasok siya at nilapag ang pagkain na dala niya. Tinanaw ko agad ang pinto, balak ko sana na tumakbo palabas, pero nanlumo ulit ang mundo ko nang makita na may dalawang gwardiya pala ang nasa gilid.
Sinarado ng matandang babae ang pinto at nilinis ang bubog sa sahig. Tahimik lang din siya.
"Kumain ka na. Manghihina ka lang, anak. Ano ba kasing pinag-awayan ninyo mag-asawa?" mahinahong tugon niya.
Ano? Mag-asawa? Kailan ko pa naging asawa ang kidnaper na si Cristobal? Pesti talaga!
"Hindi ko pa siya asawa, manang. Dinukot po niya ako. Please, manang, tulungan niyo naman po akong makalabas dito," pagmamakaawa ko. Lumapit pa ako sa kanya habang naglilinis siya.
Napatingin siya sa akin at nabigla. Tinitigan pa niya ang kabuuan ko at nahinto ang tingin niya sa paa ko. Nagmarka kasi ang lubid na tinali sa akin ni Cristobal dito.
"Manang. . . tulungan niyo po ako," mahinang tugon ko. Ayaw ko kasi an marinig ito ng dalawang bantay sa labas.
Kumurap siya nang makailang beses at agad na nagmadali na. Nang tumayo siya ay nahulog ang ballpen sa bulsa niya. Kaya agad na kinuha ko ito.
"Manang, please." Hawak kamay ko sa kanya.
Nagtitigan pa kami at umiwas siya nang titig sa akin. Pero dahil hawak ko na ang kamay niya ay isinulat ko sa palad niya ang numero ni Kuya Miguel. Nataranta kami nang agad na bumukas ang pinto at umatras ako palayo kay manang.
"Tapos ka na ba? Labas na!" tigas na tugon ng isang gwardiya.
I looked at her for the final time and she looked away from me. Bumalik akong nahiga sa kama at nag-isip ulit sa sarili ko. Hindi ko alam kong ano na ang gagawin ko. I sworeheavily in the back of my mind. Sana mabilaukan si Cristobal at mamatay! Ang sama-sama niya!
Tumayo na ako at kinatok ang pinto ng makailang beses.
"Cristobal! Ilabas mo ako rito! Walanghiya ka talaga pangit ka! Kidnaper!"
"Sa oras na mahuli ka nila Kuya Miguel at Conrad, tiyak patay ka talaga! Sana mabilukan ka at hindi makahinga! Pesti!! Argh!"
Sumakit na tuloy ang dalawang kamay ko, pero ang tawa nang dalawang gwardiya ang tanging narinig ko sa labas. Pinagtatawanan lang din ako!
I looked at the food again. My goodness! Nakakagutom pala ang mag-isip ng ganito. Kaya naupo na ako at tinitigan ito. Wala naman siguro itong lason ano? Si manang naman ang naghanda at hindi si Cristobal.
BINABASA MO ANG
When a Billionaire Meets His Candyrella (MBBC#3)✅
RomanceCompleted ✅ Rated 18 The story of Conrad Mondragon and Candy MBBC#3 The Billionaire's Cinderella He was my ultimate crush in grade school and secondary school. He bullied me in Secondary High, but that didn't stop my feelings for him. He's among th...