Mabilis na lumipas ang mga araw, medyo nagiging close na kaming lahat sa isa't-isa. Madalas narin kaming nag-uusap ni JK at medyo wala nang ilang, hindi katulad dati.
"Napapansin namin na close na kayo ulit ni JK ha." Sabi ni ate Shirae sakin. Naglalakad na kami papunta sa last subject.
Ngumiti lang ako. "Oo nga, 'kala mo sila na eh." Pang-aasar ni Chaesi. Agad ko namang kinurot ang tagiliran nito. "Kayo naba? Baka mamaya magulat nalang kami makita namin kayo na naghahalikan katulad ni Tyron at Darienne."
Napa-ubo naman si ate Darienne kaya napahinto kami sa paglalakad, dali-dali namang binuksan ni ate Saeny ang bag niya at ibinigay sakaniya ang tumbler nito. "Ate, ano ba!" Sigaw nito matapos maka-inom.
"Bakit? You're still a kid." Sabi ni ate Alexa. "Ikaw din naman ah, 24 kapa nga lang eh." Napasimangot naman si ate Alexa.
"Pare-parehas lang naman tayong mga bata pa, except nalang sa babaeng 'to na feeling matanda na." Hinampas naman ni ate Alexa si ate Raika.
"Walang kami, ate. We're just friends." Sagot ko sa tanong ni ate Shirae. Yeah, friends. Hanggang friends lang talaga. "Oo nga pala, anong napag-usapan niyo ni ma'am kanina?" Tanong ni ate Cheska.
Pinatawag kasi ako nung teacher namin sa last subject namin. Nagr-recess kaming siyam nun nung pinatawag ako.
Dapat kasama si JK kaya lang may klase pa kasi siya, pati rin sila kuya kaya ako lang ang nagpunta. Sinabi ko na rin ito kay ma'am at sinabing sasabihin ko nalang sakaniya ang tungkol dito mamaya.
Dahil malapit na raw ang foundation day namin, at malapit ng matapos ang first grading, kinausap niya ang teacher namin sa Arts na mag team-up sila para sa project namin.
Ano yung project? Gagawa kami ng booth. It took an hour of discussion kaya hindi na talaga ako nakapag-recess. Buti nalang at binilan nila ako. Yun lang, nanghingi pa silang walo. Sila na nga 'tong nakapagrecess tapos aagawan pa ko.
"Malapit na ang foundation day natin, diba?" Nagsitanguan sila. "Tungkol dito yung upcoming project na diniscuss sakin ni ma'am na id-discuss ko naman mamaya sainyo."
"Pero syempre, kay JK muna kasi--"
"Kasi mahal mo siya at mas uunahin mo siya kesa sa'ming mga ate mo." Putol ni ate Saeny sa akin at ngumuso. Teka, ano?
Sinimangutan ko sila. "Kasi po siya ang Vice president na dapat kasama ko kanina kaya lang klase pa sila kaya ang nangyari, ako lang naka-usap." Sagot ko agad.
Napaka talaga ng mga 'to.
"So walang magaganap na discussion about sa next lesson mamaya?" Nagningning kaagad ang mga mata ni ate Cheska. "Or quiz? Or--"
"Kung gusto mo, ate, pwedeng-pwede naman, basta ikaw lang." Nginitian ko ito na nagpawala ng ningning sa mga mata niya. "Just go to the faculty room and tell our teacher that you want to take the upcoming quiz she will tell us to answer soon."
"Pahinging tissue, nagdudugo na ata ilong ko." Sabi bigla ni ate Darienne. Nagtawanan naman kami at hindi na namalayan na nasa tapat na pala kami ng aming room. At pinagtitinginan na nila kami.
Pumasok nalang kami ng walang nangyari at dumiretso sa mga upuan namin. "Oo nga pala, habang papunta kami sa susunod na klase namin, napansin namin na 'di niyo kasama si Chewy." Sabi ni kuya Shawn. "Ano nangyare?"
"Pinatawag siya ng teacher natin ngayon." Sagot ni ate Saeny. Nagsilingunan naman ang iba pang mga lalake sa sagot ni ate Saeny at nagsilapit kasama ang mga upuan nila.
"Bakit daw? Para saan?" Tanong ni JK at tumingin sa akin.
Sasagot na sana ako ng naunag sumagot si ate Alexa. "Kung pa'no niya raw kayo is-set-up dalawa." Tawa niya.