SIGTY 21

88 11 1
                                    

"Oh my God! Bakit namumula ang pisngi mo?!" Gulat na tanong ni Chaesi na kararating lang sa clinic kung nasaan ako ngayon. Nanlaki rin ang mata nina kuya Tyron, ate Cheska, at ate Shirae na kasunod niyang pumasok nang makita ako.

Pagkatapos ng first subject ay hindi na kami pumasok sa second subject. Pati sina kuya MJ at kuya Skyler ay hindi rin pumasok at sinamahan kami sa clinic.

"Hindi niyo alam?"

"Ang ano?" Kumunut ang noo nila ate.

"Sinugod siya ni Lisa kanina. Hindi rin pumasok si JK kaninang first subject, sa tingin ko magkasama ang dalawa." Sagot ni kuya MJ na nagpasinghap sakanila.

"Oh my God.."

"Chewy!" Biglang bumukas ang pinto. Pumasok ang iba pang mga ate at kuya. "Kalat na, oh my gosh! Kalat na sa buong university!" Sigaw ni ate Alexa.

Kumunot ang noo ko. Anong kalat na? Anong sinasabi niya?

"Someone took a fucking video of them fighting." Galit na sabi ni ate Raika dahilan para malaglag ang panga ko at manggiligid ulit ang mga luha ko sa gilid ng aking mga mata

Isang malaking kahihiyan ito. No, malaking kahihiyan talaga ito! This is a known university! Once a video is uploaded in our University's page, it will spread like a wildfire! Na kahit sa ibang umiversity ay kakalat ito kapag hindi naagapan! "HA?!"

Napayuko nalang ako, nagsisimula nang magpaligsahan ang mga luha ko sa pag-agos.

Sira na. Sira na 'ko. Iisipin na ng lahat na inagaw ko si JK mula sa pinsan ko. Iisipin na ng lahat na ang desperada ko. Iisipin na ng lahat na sinamantala ko ang pagkawala ng pinsan ko at inagaw ang boyfriend niya.

"Pinost niya sa mismong page ng university." Dagdag ni kuya Shawn. Shit, this is too much! Malaking kahihiyan nga talaga ito! Bakit doon pa naisipan i-post nung nagvideo ang video?! Hindi na lang sa isa pang page kung saan student lang din ang naghahandle nun!

"Asan si Ace?" Tanong ni ate Alexa. "Magkasama sila ni Saeny, nasa office ng principal, he's busy tracking the student who posted the video."

"How about ate Saeny?" Tanong ni ate Cheska. "Kausap ang parents niya."

"Asan na si JK at Lisa ngayon--" Bago pa man matapos ni kuya MJ ang sasabihin niya ay bumukas ulit ang pinto. Si kuya Matthew. "Kuya Ace tracked the two! Nandoon sa bahay niyo ang dalawa."

"I need to go there, kailangan ko siyang maka-usap." Umalis ako sa pagkaka-upo ko at mabilis na lumabas, hindi na hinintay pa ang kanilang sasabihin.

"Chewy!" Rinig kong sigaw nila pero hindi ko ito pinansin at nagpatuloy sa pagkatakbo sa corridor.

Nagsimula nang magbulung-bulungan ang mga estudyante na nadadaanan ko pagkatapos nila ako mapansin, halata sa kanilang mga mukha ang disgusto, marahil ay napanood na nga nila ang video.

"Siya yung nasa video diba?"

"Oo, mahal niya raw kaya ayun."

"Arranged daw sila."

"Baka sinabi niya lang yun kasi ayaw niya talaga malaman ng pinsan niya na inagaw niya."

Hindi ko inagaw si JK. Hindi ko siya inagaw at wala akong balak na agawin siya dahil mas deserve niya ang pinsan ko!

Nang makarating ako sa labas ay dali-dali akong sumakay sa kotse ko at pinaharurot ito paalis.

Lisa needs to hear my explanation! Pareho sila! They both need to hear me!

Mas binilisan ko ang pagpapatakbo ng kotse nang makita ko sa side mirror na nakasunod sila sa'kin. Kailangan kong maabutan ang pinsan ko roon at sigurado akong pipigilan nila ako para hindi na kami magkasakitan pa.

SIGTY [1] ✔Where stories live. Discover now